Truyen3h.Co

Lipstick Lullaby

Chapter Twenty

RainbowColoredMind

SASKIA

"Hi, I'm Miguel Cordova. I called earlier for an appointment." Sabi ni Migs nang lumapit siya sa isang babaeng nakaupo sa likod ng mesa. Dinala niya ako sa pangmayaman ng ospital para ipa-check up ang baby namin. Yung mala-mamahaling hotel ang aura. Sabi niya kasi ito daw doktora na pupuntahan namin friendship na ng pamilya nila dahil ito din ang doktor ng Mama niya.

"Ah yes, Mr. Cordova. Pa-fill up na lang po ng form since new patient ang wife niyo." Sabi ng babae bago inabot sa kanya ang isang papel.

"Hindi po niya ako wife. Na ano lang." Mahinang sabi ko.

"Oh I see..." Parang naiilang na tumango ang babae.

"Come on, let's just sit down so we can fill up the form." Ikinawit ni Migs ang braso niya sa baywang ko at inalalayan ako paupo.

Nagsimula akong sagutin ang papel. Nilagay ko ang pangalan ko, ang birthday ko, at biglang kumunot ang noo sa sumunod na nabasa ko. Nag-aalinlangan na tumingin ako kay Migs na abala sa pagbabasa ng magazine sa tabi ko.

Agad naman niyang napansin iyon at lumingon siya sa akin. "Is everything okay?"

"Kailan ba yung huli tayong nag-ano?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.

"Nag ano?"Kunot ang noong tanong niya.

"Yung inano mo ako. Ano'ng petsa yun?"

"What?" Lalong lumalim ang kunot sa noo niya. "What exactly are you asking about?"

"Itong nasa form." Pinakita ko sa kanya iyon.

Tinignan niya ito at binasa. Biglang may sumungaw na malapad na ngiti sa mga labi niya. "Ilagay mo na lang female."

"Bakit? Ano'ng konek? Sex nakalagay d'yan, o!" Nagdikit ang dalawang kilay ko.

"Sex can also mean gender." Paliwanag ni Migs.

Napasandal ako sa kinauupuan ko at itinago ang mukha ko sa likod ng papel na hawak ko. Pag sa mga kapatid ko sanay na akong napapahiya ng ganito. Pero kapag kay Migs nahihiya pa rin ako. Ayaw ko naman mapahiya siya kapag kasama niya ako.

"May problema ba?" Lumingon ulit sa akin si Migs.

Dahan-dahan kong ibiniba ang papel at tumingin sa kanya. "Sorry ah. Siguro nahihiya ka kapag kasama mo ako kasi ang tanga ko."

Lumamlam ang mga mata ni Migs habang nakatingin sa akin at umiling. "Ayaw kong isipin mo yan. Hindi ka tanga, Saskia. You can't base a person's intelligence on language ability alone. Parang sinabi mo na din tanga ako kasi hindi ako fluent sa french."

"Ang tali-talino mo kaya. Alam mo pinagdadasal ko nga gabi-gabi na sana mamana ni baby niya sa'yo yun. Ayaw kong maging katulad ko siya." Nagbaba ako ng tingin sa tiyan ko at hinaplos ang maliit na umbok. Tuwang-tuwa nga ako nang makita ko 'to noong isang araw. Nagpapakita na si baby. Inokray na naman nga ako ng malditang bakla, sabi niya baka siomai lang daw na hindi natunaw sa tiyan ko itong umbok.

"I think you're a wonderful person who just happened to be in a bad place. You have a good heart, Saskia. Mabuti kang anak at kapatid. Mabuti kang tao. Wala naman masama kung maging katulad mo ang anak natin." Malumanay na sabi niya. Sa paraan ng pagsabi niya at pagtitig niya sa akin parang gusto kong maniwala. Gusto kong maniwala na mabuti akong tao. Na hindi ako kasing sama ng iniisip ng mga tao. Hindi lang ako isang anak ng puta. Hindi lang ako isang puta. Gusto kong maniwala pero may isang banda sa isip ko na nagsasabing hindi totoo iyon. Kasi kung totoo yun, wala sana kami sa sitwasyon na ito. Hindi sana ako pumatol sa lalaking ikakasal na at hindi ko sinira ang relasyon nila.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. "Ano bang maipagmamalaki ko sa anak natin? Dancer lang naman ako sa club, hindi ako nakapagtapos ng highschool, mahirap lang kami. Ang mapapagmalaki ko lang sa kanya yung mga plastik na trophy na napanalunan ko sa kung anu-anong beauty pageant sa baranggay namin."

"That's a good start." Lumawak ang ngiti sa mga labi ni Migs. "I won't mind our child having beauty."

Beauty? Sinabihan niya ako ng maganda? Nahihiyang nagbaba ako ng tingin. Iba pala ang pakiramdam kapag kay Migs nanggaling iyon. Parang pumapalakpak ang tainga ko. I'm beautiful, I'm beautiful, it's true.

"Uy basta ah, turuan mo kong mag-english. Para naman matuto yung baby natin. Hindi siya mapahiya sa mga katulad niyong mga alta at hindi siya makawawa." Pag-iiba ko.

"I won't let that happen, Saskia. Hindi makakawawa ang anak natin. Our child would be filled with so much love and surrounded by people who'll accept him as he is."

"Alam ko naman yun eh pero iba pa rin di ba yung hasa siya sa ingles. Hindi yung katulad kong palaging pinagtatawanan." Tumulis ang mga nguso ko. "Palagi mong kakausapin ang baby natin ng english ah. No speaking tagalog. Same to me to. From now on and forever, I'm speak binocular."

"Binocular?" Nagusot na naman ang noo niya.

"Yung pinaghalong english at tagalog. Hindi ko naman pa kasi kayang magsalita ng straight english. Parang conyo. Ganon! Ano ka ba? Di mo alam yun?" Bahagya akong natawa.

"Oh, bilingual." Nakangising sabi niya.

"Magkatunog naman kasi." Dahilan ko.

"Medyo magkatunog nga." Sumang-ayon naman siya sa akin kahit alam kong sinabi niya lang iyon para hindi ako mapahiya.

"Migs, itatama mo ako pag nagkakamali ako para alam ko. Para hindi ako mas lalong nagmumukhang tanga." Sabi ko sa kanya.

"I will." Tumango siya.

"Salamat." Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa papel na sinasagutan ko habang si Migs ay inaliw ang sarili niya sa pagbabasa ng magazine at sa phone niya. Maya-maya ay lumapit sa amin ang babaeng kanina'y nasa likod ng mesa.

"Ma'am, are you through?" Tanong sa akin ng babae.

"Watchu think? I'm false?" Kunot ang noong nag-angat ako ng tingin sa babaeng nakatayo sa harap ko. Mukha ba akong peke? Natural na natural ako from head, shoulder, knees, and toes.

"Um... ah..." Parang hindi malaman ni Ate ang sasabihin niya. "Dr. Fernandez is ready to see you. Kukunin ko na po yung form kung tapos na po kayo."

"Yes, we're done with this." Kinuha ni Migs ang papel at inabot sa babae. Pagkatapos ay ikinawit niya ang isang braso niya sa balakang ko at iginaya ako patayo sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko para akong babasaging kristal na ingat na ingat niyang huwag magalusan.

Pumasok kami sa loob ng clinic ng doktor at isang may edad na babae ang sumalubong sa amin.

"Miggy, how are you? It's been a long time since I last saw you." Masayang bati ni Dra.

"I'm doing good, Dr. Fernandez. " Sagot naman niya bago ipinihit ang ulo ko. "By the way, this is Saskia."

"Nice to meet you, Saskia. You are beautiful. Hindi nagkamali si Miggy sa pagpili sa'yo." Malawak ang ngiting sabi niya.

"Ay! Hindi po..." Naiiling na umiling ako. "Hindi po kami ni Migs."

"Oh, I see..." Tumango-tango lang si Dra. Hindi naman na siya nagtanong pa dahil siguro ayaw na din niyang pakialaman ang pribadong buhay ni Migs. Ayaw niya nang ungkatin ang kaugnayan namin sa isa't-isa kasi hindi naman yun parte ng trabaho niya. "Send my love to your Mom."

"I will, Doc." Sagot ni Migs.

"Now let's get you checked, Saskia." Isinukbil niya na sa tainga niya ang aparato na ginagamit para mapakinggan ang tunog ng heartbeat. Pagkatapos ay tinimbang niya ako at kung anu-ano pang test ang ginawa sa akin bago ako pinahiga sa kamang nandoon para sa ultrasound.

"The fetus is already eight weeks and two days old." Sabi sa amin ni Doc.

Nakaupo sa may ulunan ko si Migs at napako ang mga mata niya sa TV na nasa tabi namin habang ginagalaw ni doc sa loob ko ang hawak niyang pang-ultrasound. Nagsisimula nang kumorteng bata talaga ang baby namin. Noong huling beses kasi kaming nagpaganito bilog lang ang nakita namin.

"Is our baby okay, Doc? Is the baby healthy?" Ramdam ko ang labis na katuwaan sa boses ni Migs.

"The fetus is in perfect health. I don't see anything you should be worried about. There's the head, the arms, the legs, and the torso." Sabi ni Doc habang itinuturo iyon sa TV na nasa tabi namin. "Did you see the baby wiggle a little?"

"I did..." Nagniningning ang mga matang sabi ni Migs bago tumingin sa akin. "Our baby moved. Nakita mo yun?"

Tango lang ang nasagot ko habang pinanonood ko ang baby namin sa TV. Parang lalong naging totoo lahat ito ng makita kong gumalaw siya. Magiging Mommy na talaga ako. Magkakaron na kami ng baby.

"Our baby's so beautiful." Basag ang boses na sabi ni Migs. "I can't believe I just saw our baby move."

Nakakatuwang makitang na ganon ang reaksyon ni Migs sa kabila ng mga nangyari. Tanggap na tanggap niya ang pagiging ama niya sa baby namin. Nararamdaman ko ang pagmamahal niya sa magiging sa anak namin ngayon pa lang at alam kong magiging mabuti siyang ama dito. Kung ibang lalaki yan, pinilit na sana niya akong ipalaglag itong batang dinadala ko katulad ng gusto ng ama kong gawin sa akin noon. Pero ito siya, pinanindigan niya ang bata kahit pa naging dahilan ito ng pagkasira ng relasyon nila ni Hazel.

"I'm keeping this." Sabi ni Migs habang hawak ang picture ng baby namin at nakaupo na kami sa loob ng kotse niya.

"Hati tayo." Kinuha ko ang ibang picture mula sa kanya at napangiti ako ng makita ulit iyon. "Ang cute ng baby natin, no?"

"Of course." Agad na sagot niya. "I just wonder how he or she would look like once you give birth."

"Syempre, handsome like father like baby." Masayang sabi ko.

Inilapag ni Migs ang hawak na litrato at bumaba ang tingin sa tiyan ko. Lumambot ang mga mata niya habang nakatitig sa umbok doon. Umangat ang isang kamay niya para haplusin iyon at ibinaba niya ang ulo niya para bigyan iyon ng halik.

"Baby, Daddy's made a lot of mistake in his life but you're not one of them. You will be the most important one in my life. I will always be here to support you, rescue you, comfort you, and love you. The world you'll live in is not perfect and I won't always be the perfect Dad but our family will make its own definition of perfect." Naabot ng pandinig ko ang nagbabadyang luha sa boses niya.

Nawala ang moment ng bigla kong narinig ang malakas na pagtunog ng tiyan ko. Konti lang kasi nakain ko kanina kasi alam kong magpapaultrasound. Naisip ko kasi baka matabunan si baby sa dami ng kinain ko at hindi namin siya makita. Sana naman hindi narinig ni Migs iyon at hindi nasira ang drama nilang mag-ama. So embarrassment.

"Do you want to get something to eat before we head home?" Tanong ni Migs nang mag-angat siya ng ulo.

"Ayaw ko sa sosyal na restaurant ah. Mas masarap pa rin sa mga turo-turo. Nakakain ka na ba sa mga ganon?" Tanong ko sa kanya.

"I... well, I haven't really tried. Where is that?"

"Ay nako, Migs! Kailangan subukan mo yun. Tara! I will show you the world, shining, shimmering splendid." Sabi ko.

Inistart niya na ang kotse niya at tinuro ko sa kanya ang daan papunta sa dating kinakainan namin nina Mammy kapag may datung kami. May mga nakahilerang mga turo-turo at ihawan at mga mesa't upuan sa harap nito.

"Halika dito! Dito muna tayo!" Hinatak ko siya papunta sa ihaw ihaw na madalas namin kinakainan ni Mammy at ng mga kapatid ko.

"Ate, bigyan mo nga kaming ng dalawang isaw at tainga, pati yung betamax tsaka ito pa lang adidas." Sabi sa tindera.

"Tig-dalawa na po ng lahat." Sabi ni Migs.

"Tikman mo lahat yan, ah. Masarap yan. Pramis!" Nakangiting sabi ko.

"I will..." Tumango-tango siya.

Tumayo kami sa gilid ng ihawan at hinintay ang order namin. Hindi na magkanda-ugaga si Ateng sa mga inorder namin kaya lumapit si Migs para tulungan siyang baliktarin ito.

"Uy, Migs baka mapaso ka d'yan. Don't touch yourself." Nag-aalalang sabi ko nang makita kong halos madikit siya sa ihawan.

Tumingin sa akin si Migs at may gumuhit na malawak na ngiti sa mga labi niya. Kapag ganyan ang reaksyon niya alam kong may mali na naman sa sinabi ko pero syempre mabait si Migs kaya hindi niya yun sasabihin sa akin.

"O bakit? Tama na yun ah. Napanood ko yun sa english na pelikula!" Depensa ko kahit wala pa siyang sinasabi sa akin.

"Don't touch it yourself. Without the it, it takes on a whole different meaning." Paliwanag niya.

"Sabi ko nga. Don't touch yourself it."

"Don't touch it yourself." Pagtatama niya ulit.

"Basta huwag mo na hawakan yan. Halika na nga dito, hayaan mo na si Ate d'yan. Wala ka naman sweldo d'yan!"

Nangingiti at naiiling na lang si Migs habang lumalakad pabalik sa tabi ko. Nang maluto na ang order namin ay umupo kami sa mesa sa harap nito at umorder pa kami ng kanin, bopis, laing, at sisig.

"Ganito ginagawa namin noon tuwing magkakaron ng pera si Mammy. Minsan pag may extra si Ninang nililibre niya din kami dito. Masarap kasi talaga yung pagkain nila." Kwento ko habang nginunguya ang isaw na nasa bibig ko.

"Maybe we should get them something to before I take you home. Ang sarap nito. Ano ba 'to?" Tanong ni Migs.

"Sisig yan. Utak ng baboy." Sagot ko.

"This is... different." Ibinaba niya ang kutsara na dapat ay isusubo niya.

"Ang arte naman nito. Kasasabi mo lang na masarap, di ba?" Natawa ako sa reaksyon niya.

"Yeah, it is good." Tumango-tango siya bago muling inangat ang kutsara at isinubo iyon.

"Subukan mo pa itong helmet. Paborito 'to ni Cosme." Inabot ko sa kanya ang stick na may inihaw na ulo ng manok na nakatusok.

Hindi naman siya tumanggi. Walang kaarte-arteng sinubukan ni Migs lahat ng pinatikim ko sa kanya. Dapat lang naman, no! Walang kaarte-arteng kinain niya nga ang ano ko noong nag-ano kami. Ito pa kayang mga pagkain.

Halos naubos naming dalawa ang lahat ng inorder namin, yung mga tira pinabalot namin at umorder pa si Migs ng ulam at mga ihaw para sa mga kapatid kong sigurado akong parang asong mga ulol na naglalaway na at naghihintay sa pasalubong ng Kuya Migs nila.

Inaya ko muna siyang maglakad-lakad dito bago kami umuwi. Matagal na kasi kaming hindi nagagawi dito at buhay na buhay ang lugar na ito paggabi. May night market kasi sa hindi kalayuan mula dito at mga club.

"Dati noong nagjajapayuki pa si Mammy nakaipon siya ng pera at nakapagpatayo siya ng sarili niyang club. Nagmama sang na lang siya sa mga babae sa club niya hanggang makilala niya ang tatay ko. Pogi daw kasi tatay ko kaya nainlove siya. Noong nalaman na buntis siya, yun nagflysung pabalik ng Briton ang magaling kong ama ko. Pero wala naman akong sama ng loob sa kanya. Kung hindi naman dahil sa kanya wala ako dito." Kibit-balikat na sabi ko.

"Ano'ng nangyari sa club ni Tita Sasha?"

"Binenta niya noong nagkasakit si Yuka. Na dengue kasi yan noong bata pa, akala nga namin mamatay na siya kasi sobrang lala na daw ng kundisyon niya sabi sa amin ng doktor. Ilang araw siyang nasa ICU tapos nakailang salin din kami ng dugo sa kanya. Sa awa naman ng Diyos, humihinga at nagpapasakit pa rin ng ulo namin ang gaga." Kwento ko sa kanya habang naglalakad kami sa tabi ng kalsada. "Pero mahal na mahal ko ang batang yun kahit madalas sakit ng ulo yan. Bata pa lang kami inggitera na yan, lahat ng makita niya gusto niyang makuha. Pag hindi niya nakuha magwawala yan. Central child kasi kaya may sapak. Di ba ganon daw talaga pag panggitnang anak. Ganon din ba yung kapatid mo?"

"We have middle twins. Si Drey at si Coco. Medyo matigaw nga ang ulo ng dalawa lalo na noong nagbinata at nagdalaga. Pero walang tatalo sa tigas ng ulo ng bunso namin." Umiiling na sabi ni Migs.

"Si Cosme naman wala akong naging problema sa kanya. Masipag at matalinong bata yan." Pagmamalaki ko. "Ikaw naman ang magkwento tungkol sa sarili mo. Halos ikwento ko na sa'yo buong buhay namin, ikaw naman ang magshare."

"Ano bang gusto mong malaman?"

"Lahat ng gusto mong ikwento."

Humugot siya ng malalim na hininga at natahimik. Hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"I had leukemia when I was a child. Majority of my childhood was spent in and out of the hospital. Palaging may kung anong tinutusok sa katawan ko. To this day, I still hate the smell of alcohol and I'm deathly afraid of needles. It brings back so much bad memories." Sinubukan niyang tawanan iyon pero bakas pa rin sa boses niya ang sakit.

"But you know what hurt the most, yung nakita ko kung gaano nahirapan si Mama sa akin. I didn't meet my father until I was about nine years old. Si Mama ang nagpalaki sa akin mag-isa. Dinala niya ako sa California para maipagamot ako. I saw how much struggle she went through for me. She doesn't know it but I hear her cry every night. Every night, Saskia. It was heartbreaking knowing that I was the one who was causing her pain. I ruin everything and I hurt the people I love. Maybe I was really born broken and I try to hide it behind my perfect outside self. The worst part of it all, the part I hate the most is that I'll always be me and there's no cure for that." Ramdam ko ang bigat sa bawat katagang binitawan niya. Hindi ko man naintindihan ang lahat ng sinabi niya pero naintindihan ko ang sakit na nararamdaman niya.

"Migs, mahal ka ng Mama mo kaya ginawa niya iyon. Walang Nanay ang hindi gagawin ang lahat para sa anak niya. Katulad mo, nakita ko din si Mammy na naghirap para sa amin magkakapatid. Hindi mo kasalanan iyon. Wala kang kasalanan."

"Saskia..." Pinihit niya ang katawan niya sa akin at nagulat ako nang hatakin niya ako sa mga bisig niya. Isang mahigpit at mainit na yakap ang ibinigay niya sa akin at sinuklian ko iyon ng kasing init at higpit. "Thank you. I needed to hear that."

"Ate, Kuya, baka gusto niyo pong bumili ng roses. Sampung piso lang po isa. Pangbaon ko lang bukas." Isang bubwit ang kumalabit sa aming dalawa at nag-alok ng tinda niya. Ang galing din magtiming nitong batang 'to.

Naghiwalay kami at bumaba ang tingin ni Migs sa kanya. "Ilan ba yan?"

"Lima na lang, Kuya."

"O eto." Dumukot si Migs mula sa wallet niya nang isang daan piso at binigay sa bata. "Itago mo na yung sukli."

"Salamat, kuya!" Ibinigay niya kay Migs ang natitirang bulaklak at kinuha ang bayad nito. Palukso lukso pang naglakad palayo ang batang babae.

"This is for you..." Inabot niya sa akin ang mga bulaklak nang maiwan kaming dalawa.

"H-ha?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Sa'yo na 'to." Nakangiting sabi niya.

Kinuha ko ang mga rosas mula sa kanya at muli niyang kinawit ang bisig niya sa balakang ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang kilig na nararamdaman ko. Ayaw ko naman isipin niya na nagfifeeling ako. Wala na. Hulog na hulog na ako kay Miguel Cordova.

___
Hi guys, I took a short break from writing to focus on the books I'll be self publishing real soon. Tapos na kong maedit ang books kaya balik na ulit ang focus ko sa pagupdate ng wattpad stories ko. I'll really try to update more frequently but no promises. Baka ma jinx ko na naman lol. Thanks for patiently waiting! 💕

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co