CHAPTER 01
"Make sure wala kang gagawin na katarantaduhan dito Lorcan, ayoko ng problema dito sa condo ko kaya please lang makinig ka sa mga sinasabi ko sa 'yo." This is the third time Amadeo has told his younger brother. Lorcan is the only brother he has who chose a different path; instead of focusing on business like the other five of them, he pursued his passion for playing basketball. As a result, he is now part of the PBA, also known as the Philippine Basketball Association.
"Grabe ka naman Kuya, ano bang tingin mo sa akin? Masamang tao?" Pabiro tuloy na sabi ng bente sais anyos na si Lorcan. He has been hearing this from him for a while now, and it makes him feel like a different person with all the things he says. He has a one-and-a-half-month vacation, and even though he is based in Manila for work, his older brother Luciano is still aware of what’s happening in his life. So when his Kuya Luciano found out he was on vacation, he immediately sent for the family pilot in Manila to pick him up. Whether he likes it or not, he really has no choice but to go home. Now, he thinks his vacation will be boring, especially since they don’t even live in the same house anymore.
Tiningnan ni Amadeo ang kapatid, kahit pa ito ang bunso sa kanilang anim ay ito naman ang biniyayaan ng tangkad sa kanilang lahat. Lahat naman sila ay matataas kung tutuusin pero itong si Lorcan ang talagang pinaka-matangkad sa kanila sa height nitong 6'5. Pero kahit gano'n ay walang mata-matangkad sa kanila dahil kung sino ang mas matanda sa kanila ay 'yon pa din ang may authority. Apat na taon ang tanda niya dito sa bunso pero talagang rules nila na Kuya ang itatawag nito sa kanilang lima. "Hindi ko sinabi na masama ka pero alam namin na puro pagba-bar ang ginagawa mo nitong mga nakaraang araw. Kaya lagot ka mamaya kay Kuya Luciano." Parang nananakot na sabi niya tuloy. Akala yata nito ay hindi nila malalaman ang tungkol sa pinaggagawa nito sa Manila, ito lang kasi ang wala dito sa Palermo kaya naman bantay pa din talaga nila.
"Tsk.." Naiinis na sabi ni Lorcan na sinundan ang Kuya Amadeo niya palabas dito sa unit kung saan nga siya tutuloy. Wala talaga siyang lusot sa panganay nilang kapatid at talaga nga namang alam na alam kung saan siya nagsususuot. Pero maganda na nga din siguro ang ganito, dahil kahit nag-asawa na ang Kuya Luciano niya ay hindi naman nito sila kinakalimutan. Na talagang ito pa din ang parang magulang nilang magkakapatid. Kaya nga din wala siyang nagawa ng sabihin nito na umuwi na siya dito sa probinsiya nila eh.
"Wag mo akong ma-tsk tsk diyan Lorcan, hindi ka puwedeng magdala ng kung sinu-sino dito naiintindihan mo? Lalo na ang babae." Sabi pa ulit ni Amadeo bago niya ibigay ang susi ng condo unit na titirhan nito habang nandito sa Palermo.
"But I already bought this, nagbayad ako sa 'yo kanina diba? So meaning kahit anong gusto ko na gawin sa unit na 'to ay okay lang kasi akin naman na 'to." Sabi ni Lorcan, totoo naman kasi 'yon. He really paid this condo unit to his Kuya Amadeo, and take note he paid cash. Dahil ayaw na ayaw niya talaga ay 'yong may utang siya o kukunin na hulugan. Tapos siningil pa siya nito sa mga binili nitong gamit dito sa condo niya na binayaran na din naman niya. Na kung tutuusin naman dapat ay puwede naman sana siyang makitira sa penthouse nito o kaya do'n sa ancestral house nila kasi may pinagawa itong bahay kung saan doon na ito nakatira kasama ang asawa nito. Pero hindi, talagang inalok din siya nito na bumili na nga lang ng unit dito sa Dela Cerna brothers condominiums, na para bang hindi siya kapatid dahil binentahan pa siya nito. At ang binenta pa sa kanya ay penthouse din, magkaiba nga lang sila ng building, e hindi naman siya magtatagal dito dahil sa Manila nga siya naka-base kaya ano din ang gagawin niya dito pagkatapos ng bakasyon niya?
"E ano kung nagbayad ka? We have rules here Lorcan, saka uulitin ko lang ulit ha, bawal ang maingay dito o mag-ingay. Respeto na lang din sa ibang unit owner."
Lorcan only shook his head, hindi niya pa din gets. Bakit ba parang ang daming bawal pagdating sa kanya? "Fine, fine, don't worry magpapahinga lang ako dito at wala din naman ako balak mag-invite ng mga kaibigan ko." Sabi pa niya, kaya din talaga siya pumayag sa gusto ng Kuya niya na umuwi dito ay para makapag-pahinga din talaga siya.
He really needs some rest after months of playing basketball. He was named MVP in the recent PBA game, and he was indeed happy about that award. He truly deserves it because of his hard work during training. Unfortunately, he sprained his left foot, so he's walking with a bit of a limp right now. However, it's fortunate that the PBA season has just ended, so what happened to him isn't too much of a problem.
"Dalian na natin, nandiyan na si Kuya Luciano sa ibaba." Sabi pa ni Amadeo na hindi inalintana ang mabagal na paglalakad ng kapatid.
Lalo namang napailing si Lorcan dahil talagang sinundo pa siya ng Kuya nila.
Pagdating sa lobby ng Dela Cerna brothers condominiums ay nandito na nga talaga si Luciano. At gaya ng dati kapag lumalabas ito ay may kasama din ito ngayon na bodyguards.
"Kuya.." Bati ni Lorcan sa kapatid, ito talaga ang laging tumatawag sa kanya at nagtatanong kung kumusta na siya sa Manila.
Tinapik naman ni Luciano ang balikat ng kapatid. "Sa bahay tayo pumunta, naghanda si Eden ng dinner kaya doon ka na kumain, kayo ni Amadeo." Sabi ni Luciano.
Tumango si Lorcan bilang sagot, sakto, gutom pa naman na siya ngayon. Masarap pa naman magluto ang asawa ng Kuya niya na si Eden kaya sure siyang mapapadami ang kain niya mamaya. Pero napatingin siya sa katabi ng Kuya niya na babae, hindi niya ito kilala at ngayon lang din niya nakita. And take note, isang maliit na babae pala dahil hanggang magbago sa kili-kili niya lang yata ito.
Napansin naman ni Luciano na nakatingin si Lorcan sa katabi niya kaya naman.. "Anyway siya nga pala si Janica, Lorcan. She will be your private nurse, kaya habang nandito ka sa Palermo ay siya din ang makakasama mo."
"W-What? Anong makakasama? with that midget?" Turan ni Lorcan na tinuro pa talaga at hindi na napansin ang tinawag niya sa babaeng pinakilala ng Kuya Luciano niya.
This story is now on going on Patreon and vip group. Dm me on my fb page how to join!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co