CHAPTER 03
Complete on Patreon and vip group! Want to read this stories? Dm me on my fb page! (Maribelatenta stories)
Hindi man sanay si Lorcan na may kasama sa bahay ay wala na talaga siyang magagawa pa dahil para bang nagtulong-tulong ang lima niyang kapatid sa pagkakaroon niya ng private nurse. Kahit pa sige din siya ng sabi kanina sa mga ito na hindi niya naman kailangan ng ganito pa. Pero ano bang laban niya sa mga Kuya niya? Lalong-lalo na sa Kuya Luciano niya at Kuya Tiago niya. Kaya sa ayaw niya din talaga at gusto ay makakasama niya si Janica sa condo na tutuluyan niya habang nandito siya sa Palermo.
"This will be your room while you're staying with me, dalawa lang din naman ang kuwarto dito sa penthouse na 'to kaya tag isa na lang tayo." Sabi ni Lorcan kay Janica pagkarating nila sa Dela Cerna condominium. It passed 11 in the evening, and he went home with Janica tonight. Planado na pala kasi ng Kuya Luciano niya ang pagsama nito sa kanya dahil may gamit na din itong dala kaya sila na ang magkasam ngayon. Hiniram niya ang isang sasakyan ng panganay nilang kapatid ng sa gano'n ay may magagamit siya habang nandito. Gusto pa nga nito na bigyan siya ng bodyguard pero tumanggi na siya. 'Yon kasi ang ayaw niya talaga, kahit public figure na siya kung tutuusin dahil nga isa siyang basketball player ay gusto niya pa din ang magkaroon ng pribadong buhay at 'yong bang walang mga mata na nakabantay sa kanya bente kuwatro oras.
"Salamat.." Maikli kong sabi kay Lorcan, kahit tinatawag ko siyang Sir simula ng magkasama kami ay mabilis niya namang tinatama 'yon. At sinasabi niya sa akin na Lorcan na nga lang daw ang itawag ko sa kanya, kaya naman kahit naiilang ay 'yon na lang din talaga ang tawag ko sa kanya.
"I don't really know why Kuya Luciano insisted this, hindi naman na gano'n kasakit ang paa ko pero talagang kinuha ka pa niya." Hindi na napigilan pang sabihin tuloy ni Lorcan. He talked to his brother earlier but his Kuya Luciano already have his final decision. Talagang paulit-ulit din nitong sinasabi sa kanya na kailangan nga daw niya ng nurse na titingin sa kanya.
"Nag-aalala lang sa 'yo siguro sa 'yo si Sir Luciano kaya gano'n. Saka pati na 'yong iba mong mga kapatid." Sabi ko, dapat nga matuwa pa siya dahil ganito ang mga Kuya niya. Saka hindi naman talaga biro ang pagkakaroon ng sprain ankle lalo pa at isa siyang basketbolista. At gamit na gamit talaga ang paa niya sa paglalaro niya. Kaya siguro talagang ginusto ni Sir Luciano na may titingin sa kapatid niya.
Napabuntong hininga na lang si Lorcan, hindi kasi siya sanay na may kasama sa bahay. Tapos babae pa, buti sana kung babae na puwede niyang ikama, kaso hindi, nurse nga.
"Puwede bang ayusin ko muna 'tong mga gamit ko bago ko tingnan 'yang paa mo? At kung gusto mong maligo muna ay maligo ka din muna." Paalam ko sa kanya, ginabi na kami sa pag-uwi dito sa condo niya. Sinabi naman sa akin ni Sir Luciano ang tungkol dito, kung ano ba ang gagawin ko habang kasama ko ang kapatid niya Kaya naman na look forward ko na medyo maiiba ang oras ng trabaho ko sa ngayon. Pero ayos lang lalo pa at malaki din kasi ang offer sa akin ni Sir Luciano bilang private nurse ng kapatid niya kaya wala sa aking kaso 'to.
"Sige, pero hindi ka pa ba inaantok? anong oras na din Janica." Ani Lorcan, sabi niya sa sarili niya ay baka ilang araw lang o isang Linggo na siguro ang pinakamatagal na makasama niya ito. Para lang ba masabi niya sa Kuya Luciano niya na at least pumayag siya sa gusto nito. Kaya sa ngayon ay pakikisamahan niya muna talaga itong si Janica.
"Okay lang ako, saka hindi ako makakatulog nito agad kasi baka mamahay ako." Sagot ko, para kasing hindi din ako makapaniwala sa mga nangyari ngayong araw. Ang dami ko lalong nalaman tungkol sa mga Dela Cerna at na-realize ko din na talagang mayaman pala talaga sila. Dahil itong Dela Cerna condominiums ay talaga namang sikat dito sa Salamanca. May iba din akong kilala na gusto makakuha ng unit dito dahil pag sinabi mong gawa ng pamilya nila ay sure na maganda talaga. Kanina kasi ay hanggang lobby lang kami ng sunduin nga ni Sir Luciano itong kapatid niya at 'yong lobby pa lang ay para ka ng nasa isang hotel dahil hindi lang maganda kung hindi homey din ang dating. Hindi nga din ako makapaniwala na penthouse itong tinutuluyan ni Lorcan eh. At sure ako na maganda ang view mula dito. Tapos nakita ko pa silang magkakapatid, at hindi lang sila kung hindi ang mga asawa din nila na may kanya-kanyang uniqueness.
Lorcan nodded, gano'n din siya malamang. Baka pati siya ay hindi din makatulog agad kahit sabihing anong oras na din at pagod siya sa maghapon. Nagka-inuman pa sila ng kaunti ng mga kapatid niya kanina pero hindi naman siya siguro nito makakatulog agad. Sa Manila kasi ay madaling araw na siya usually natutulog. Lalo pa at gabi nga ang laro nila do'n sa basketball. "Just fix your things, dito lang muna ako." Sabi niya sa dalaga.
Pumasok naman na ako sa tinuro niyang kuwarto, ang sabi ng kapatid niyang si Sir Amadeo ay no'ng isang araw lang daw niya pinaayos ang penthouse na 'to. Siya kasi ang nagma-manage ng Dela Cerna condominiums kaya naman hinanda niya din daw talaga ang tutuluyan ng kapatid nila. Kaya lahat daw ng gamit dito ay kumpleto at bago ng sa gano'n wala daw maireklamo si Lorcan. And I'm only wishing one thing, at 'yon ay ang maging okay kami ni Lorcan at maging maayos ang trabaho ko sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co