CHAPTER ONE
CHAPTER ONE
"THE RESULTS of the entrance exam will be released tomorrow, what time are you leaving for school, Keziah?"tanong ni mommy habang nasa gitna kami ng dinner.
Kinuha ko ang table napkin at pinunasan ang gilid ng labi ko. Ngumiti ako pero puno ng kaba ang dibdib ko. "Sabay po kami ni Dein Leigh, mommy. She'll pick me up at eight."
"Can't you go alone?" my mom asked that question in her normal tone. Pero nadagdagan lang ang kaba ko.
"We want to see the results together, mom. And we're going to eat outside. Just a small celebration because we're finally reaching our dreams."
"This is just the first step, Keziah." Nakangiwing tumango-tango ang mommy ko saka tumuhog nang maliit sa steak. "Anyway, tawagan mo agad ako, I want to know your score."
Natigilan ako at napilitang ngumiti na lang. "Of course, mom, I will," pahina nang pahina kong sagot.
Ngumiti sa akin si daddy. "I'm sure ikaw ang top one, Keziah." Pinigilan kong mawala ang ngiti sa labi ko nang salubungin ang tingin niya. "Ikaw rin, Kimeniah, always aim for the top just like your sister."
Nagkatinginan kami ni Kimeniah at sabay na lang na napabuntong-hininga. Our parents and family are loving, we could wish for nothing more, but they are pretty strict too. They place high standards and demands when it comes to studies.
Nasa lahi na siguro na namin 'yon, kasi kahit ang pinsan naming si Lee Roi, pressured dahil sa parents niya pagdating sa studies. Maging ang grandparents namin ay gano'n. Gusto nilang parati kaming nangunguna.
Dahilan para pare-pareho kaming magpipinsan na tutukan nang todo ang pag-aaral. Pero hindi para ma-reach ang goal namin kung hindi para maabot ang expectations nila.
Dahil sa sobrang kaba ko, after dinner ay dumeretso na ako sa kwarto at inipon ang books ko. Hinanap ko ang sagot sa mga naaalala kong questions sa entrance exam. I wanna make sure that my answers were all correct. I'm confident that I'm going to pass that exam and I'm going to have a high score. Pero hindi ako sigurado kung ako ang top one. Sa dami ng nag-exam, ang hirap maging confident na ako ang pinakamatalino sa mga iyon.
Mas kabado ako nang gumising kinabukasan. Panay ang paghiling ko na sana ako nga ang nag-top one kahit na ramdam ko rin namang hindi ako. I hate this feeling.
"Smile, gaga, you're going to get high grades!" Dein Leigh tried really hard to cheer up on our way to school. "We both know you did your best and that's enough."
"Alam mo naman ang expectations ng parents ko," I sighed. "Hindi enough sa kanila ang high grades."
Tahimik na siyang nag-drive pero ang ngiti at excitement ay mababasa kay Dein Leigh. Doon ako naiinggit sa kaniya. Hindi ko maramdaman sa kaniya 'yong pressure na nararamdaman ko. I can feel nothing but happiness and excitement from her, na kahit anong maging resulta ng exam, tatanggapin at magse-celebrate ang family niya para sa kaniya.
"Look at that good-looking guy..." nagugulat na ani Dein Leigh.
Nilingon ko ang tinutukoy niya at natigilan sa nakita. "He's from...BIS?" hindi rin makapaniwalang sabi ko. Ang lalaking 'yon ay nakasuot ng uniform ng BIS. Kung may summer class ito ay hindi ko alam dahil may one week pa bago magsimula ang pasukan.
Nakaupo ang lalaking 'yon sa dulo ng jeep. Hindi sa upuan kung hindi doon mismo sa lapag na nilalakaran ng mga bumababa at sumasakay. Dahilan para saluhin niya ang lahat ng usok na mula sa tambutso ng jeep na sinasakyan at ng iba pang sasakyan.
"Is that a free ride or what?" hindi makapaniwala si Dein Leigh, natawa pa sa huli. "Where's his car?"
"Maybe he doesn't want to be late?" hindi ko naman alam kung saan nagmula ang sagot ko. Hindi ganoon ka-traffic para idahilan 'yon.
Nakangiwing tumango-tango si Dein Leigh at nag-overtake sa jeep nang magka-chance. Pinaharurot niya ang kaniyang Benz hanggang makarating kami sa school.
Mas tumindi ang kaba ko habang naglalakad na kami sa hallway, papunta sa Dean's office. Sa bulletin board sa harap niyon naka-post ang name lists ng exam passers. As expected, ang dami nang students na naroon at nag-uunahang makalapit sa bulletin board para i-check ang pangalan nila. Nasa pinakataas ang list ng topnotchers.
"Congratulations, Keziah!" hindi pa man kami nakakalapit ay binati na agad ako ni Alecx. Ngumiti ako nang kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko at tumaas ang confidence. "Congrats din, Dein Leigh!"
"Thank you, Alecx," sabay naming tugon ni Dein Leigh. Nagkatinginan at nagkatanguan kami saka sabay na sumingit sa grupo ng students na naroon pa rin sa harap ng bulletin board.
"Sino 'yan? Ang lupit ng score!" dinig kong sabi ng isang lalaki sa tabi.
Kabado akong napatingin sa topnotcher's list pero dahil sa layo ko ro'n ay hindi ko malinaw na mabasa ang mga pangalan.
Hinila ni Dein Leigh ang kamay ko saka siya sumiksik nang sumiksik hanggang mapunta kami sa harapan. Iyong pangalan agad sa top one sa listahan ng topnotchers ang tiningnan ko imbes na hanapin ang sarili kong pangalan. Nakangiti man ay gano'n na lang ang lungkot ko nang makitang naroon lang ako sa top three.
Hindi ako ang top one...
"Gosh, top seven ako!" sigaw ni Dein Leigh saka nagtatalon.
Nakangiti akong lumingon sa kaniya at pinanood ko siyang pasalamatan ang lahat ng bumati sa kaniya. Mas mataas ang nakuha ko pero hindi ko makuhang magsaya gaya ng sa kaniya. I don't get it.
Nilingon ko ang iba ro'n at lahat sila ay masaya nang nakapasa. Lahat sila ay kontento sa grades na nakuha nila. Samantalang ako na pangatlo sa pinakamataas, nakokonsensya at nalulungkot. Hindi alam kung paanong ipaaalam sa mga magulang ang grades na nakuha.
Saan ako nagkamali ng answer? Para akong timang na pilit inaalala kung alin sa daan-daang questions ang mali kong nasagutan. Na para bang lahat 'yon ay malinaw kong natatandaan. Kahit na ang totoo ay wala na sa beinte ang naaalala kong tanong dahil pulos topics na lang ang saulo ko.
Nangilid ang luha ko nang mag-ring ang cellphone ko at si mommy na ang tumatawag. Paano ko sasabihing top three lang ako? Hindi na nga ako ang top one, hindi pa ako ang top two. Top three lang ako.
"Excuse me, Dein, my mom is calling," mahina kong sinabi, hindi ko alam kung narinig niya dahil sa kaliwa't kanang pakikipagbatian. Hindi niya ugali 'yon, may katarayan si Dein Leigh, hindi nakikipag-usap kung kani-kanino at madalang bumati. Kaya gano'n na lang talaga siguro ang saya niya ngayon.
Tinalikuran ko ang gawi niya at hindi inaasahang babangga sa papalapit naman sa aming kinaroroonan.
"Sorry," gano'n na lang ang panginginig ng boses ko, sobrang kaba.
Nang hindi kumilos ang nasa harapan ko ay saka ako nag-angat ng tingin at natigilan. Sa kabila ng matinding kaba at lungkot na nangingibabaw sa nararamdaman ko, nakuha ko pang humanga sa itsura ng lalaking ito. Pero natigilan ako nang maalalang siya rin iyong lalaking nakaupo sa jeep kanina. Hanggang ngayon ay amoy usok ng tambutso siya dahilan para ang ilan sa mga nakasiksik ay lumayo nang bahagya sa kaniya.
Nang ngumiti siya sa 'kin ay awtomatiko kong sinagot ang tawag ni mommy. "Ah, y-yes, mommy?" nagmamadali kong nilampasan ang lalaki at wala sa sariling nilingon uli ito.
Gano'n na lang ulit ang gulat ko nang makitang nakalingon din siya sa 'kin. Nakangiti pa rin. Nangunot ang noo ko at saka ako tuluyang nag-iwas ng tingin.
"What's your score?" tanong ni mommy ang nagbalik sa'kin sa wisyo.
"Uhm..." 'Ayun na naman 'yong matinding kaba ko. "Mom..."
"Yes, anak?"
Napapikit ako, ang kamay ko ay kumuyom sa mas tuminding kaba. Magsasalita na sana ako nang maghiyawan ang mga lalaki sa aking likuran. Nang mapalingon ako, lahat sila ay tinatapik na sa balikat ang lalaking nakabangga ko. Muling tumingin sa gawi ko ang lalaking iyon dahilan para muli akong tumalikod at pagtuunan si mommy.
"Are you still there, Keziah?" ani mommy.
"Sorry, mommy..." kabado kong sinabi.
"About what?"
Matagal bago ako nakasagot. "Hindi ako ang top one, mommy pero masaya ako na maging top three. Hindi ako ang may pinakamataas na score pero hindi mapipigilan no'n ang pangarap kong maging doctor," dere-deretso kong sinabi saka pinatay ang linya.
Abot-abot ang kaba ko nang tumitig sa aking cellphone. Napapikit ako nang ma-realize nang tuluyan ang sinabi at ginawa ko. Parang maiiyak na ako nang maisip kung ano ang sasabihin nina mommy't daddy once makauwi ako. Pero muling naagaw ng pagsasaya sa likuran ko ang aking atensyon kaya muli ko silang nilingon.
Bentley Scott Pendragon... Iyon ang pangalan ng top one na nabasa ko sa listahan. Siya kaya 'yon? Napatitig ako sa lalaking nakabangga ko.
"Let's go, Kez!" anyaya ni Dein Leigh.
"Who is he?" wala sa sariling tanong ko, ang paningin ay nakapako sa lalaking iyon.
Napalingon si Dein pabalik, mukhang nakuha niya ang tinutukoy ko. "Siya 'yong top one," pabulong niyang sagot. "Lupit ng score, 'no? Isa o dalawa lang siguro ang mali."
Napatitig ako sa lalaking iyon at hindi inaasahang muli siyang lilingon sa gawi ko. Awtomatiko akong nag-iwas ng tingin at niyaya na ang best friend kong umalis na. Pero magmula nang araw na 'yon ay hindi ko na nalimutan pa ang mukha at score sa entrance exam na nakuha niya.
"I DON'T want to stay outside, I'll go straight to the cafeteria," bulong ko kay Dein Leigh nang matapos kong sagutan ang exam paper. Saka ako tumayo bago pa man lumingon sa gawi namin ang professor. Isinabit ko sa balikat ang Prada bag ko at saka ako naglakad papunta sa harapan upang ipasa ang exam paper.
What a day! Totoo ngang mahirap ang medical school. Imagine, first day, may seatwork at exam na? Hindi lang sa iisang subject, sa halos lahat. Para bang hindi nakontento ang mga professor sa entrance exam results, muli nilang sinubok kung kakayanin ba ng passers ang medisina. Kung hindi ko lang talaga pangarap maging doctor, baka sa unang araw pa lang, nag-shift na ako ng course.
Gaya ng sinabi ko kay Dein Leigh ay dumeretso ako sa cafeteria. Sa table na madalas naming i-occupy unang dumapo ang paningin ko. Napairap ako nang makitang may grupo ng apat na babaeng nakaupo ro'n. Lalo pa akong nainis nang makitang umirap pabalik sa akin ang isa saka sila sabay-sabay na nagtawanan.
They don't care if my family's among the stockholders of BIS. Dahilan nila, hindi naman kami ang may pinakamalaking stocks. Of course, it's the Enriles. Malalakas nga lang ang loob nila kapag wala akong kasama. Sa sandaling makita nila si Dein Leigh ay tumitiklop sila.
I huffed and lined up to order lunch. Pinagkrus ko ang aking mga braso saka napansin ang lalaking nakapila sa harapan ko. He's kind of lanky, I felt small. My brows furrowed as I noticed his unkempt hair and crumpled, half-tucked uniform. Bumaba ang paningin ko sa kaniyang pants, hanggang sa sapatos. Maging iyon ay gusot at marumi. I sighed in disbelief. This was the first time, I think, na nakakita ako ng medical student, base sa kaniyang uniform, na wala sa ayos ang pananamit. Kahit pa likod lang niya ang aking nakikita at kahit first day ng klase.
"Where's Sugar?" tanong ng lalaki sa server. Gusto kong manghinayang sa ganda ng boses niya, bagaman may kakulitan, malaki iyon at maganda sa pandinig. Hindi bagay sa kanyang itsura.
"Off po, sir."
"I see," tumango ang lalaki. "Is this chicken or pork adobo?" muling tanong nito habang nakaturo sa tinutukoy na dish.
"Pork, sir," sagot ng server.
"Hmm, really?" Yumuko naman ang lalaki para makita iyon nang malapitan. Kahit obvious naman nang pork iyon dahil sa lumilitaw na pork belly.
Napatitig ako nang mamukhaan ang lalaking iyon. Bentley Scott Pendragon... Lalong lumalim ang pagtitig ko nang maalala siyang nakaupo sa jeep at parang tuwang-tuwa pa na lahat ng usok ng tambutso ay napupunta sa kaniya.
Nag-iwas na lang ako ng tingin at muling nasulyapan ang grupo ng mga babaeng naroon sa table namin. Paalis na ang mga ito. Muling umarko ang kilay ko nang magbulungan at magtawanan ang mga ito, pinapakitang pinag-uusapan talaga nila ako. Nang muli akong mag-iwas ay napako na naman sa lalaking nasa harapan ang aking atensyon.
"Okay, please give me sabaw," sabi ng lalaki, may punto ang pananalita niya, hindi ko matukoy kung ano.
Seriously?
"Sir?" gaya ko ay hindi na-gets ng server ang sinabi nito.
Napahalakhak ang lalaki. "Sabaw for free, please?" bigla ay nakiusap ito sa pabirong tono.
What's with this guy?
"I can only afford the sabaw," binulong nito sa server pero dinig pa rin.
Nangunot lalo ang noo ko sa kawirduhan ng lalaking ito. Is he tripping the lady or what? I scoffed.
"Rice, sir?" offer pa ng server nang simulan nga nitong sumandok ng sabaw ng adobo. Lalo akong nawirduhan sa kanila.
"Here, hehe," ipinakita ng lalaki ang may kaliitang stainless steel lunch box at ipinatong sa tray niya.
Dumapo sa kung saan-saan ang paningin ko sa pag-iisip kung seryoso ba ang kanilang usapan o nagbibiruan lang sila. Imposible namang humihingi ang lalaking ito ng libreng sabaw sa cafeteria na 'yon. Pero sa nakikita ko ay mukhang ganoon nga ang sitwasyon.
But I still don't get it, I mean, why? Why is he asking something for free? At bakit sabaw lang? Like...seriously?
Kunot-noo kong pinanood ang server na ilagay sa tray ng lalaki ang mangkok. Napabuntong-hininga ako nang makitang sabaw lang talaga ng adobo ang nakasalin do'n. Pinanood ko maging ang pagbunot ng lalaki sa purse mula sa side pocket at magbilang ng coins.
Napaiwas ako ng tingin at maingat na bumuntong-hininga. They're really serious... Hindi ako makapaniwala.
Wala sa sarili kong tinitigan ang lalaking ito sa harapan ko. Inabot niya ang coins sa server saka binuhat ang tray. Natitigilan kong sinulyapan ang tray na tanging mangkok na may sabaw ng adobo, disposable spoon and fork, at may kaliitang stainless steel lang ang laman. Napamaang ako nang dumeretso siya sa glassware rack at kumuha ng tubig sa dispenser. Ipinatong niya rin 'yon sa kaniyang tray saka pumili ng bakanteng table.
"Next please," anang server dahilan para lumapit ako.
"Salmon with tarragon white sauce and brown rice please," sagot ko, na ang paningin ay muling natuon sa lalaking iyon na kasalukuyan nang nakapili ng bakanteng table.
Pinanood ko siyang buksan ang lunch box at tikman ang adobo. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman nang matuwa siya matapos gawin 'yon. May kung ano sa dibdib kong umalon sa lungkot, hindi ko talaga maipaliwanag.
"'Yon lang talaga ang in-order niya?" I still can't believe it.
"Yes, ma'am," anang server. I wasn't expecting an answer from her, I was talking to myself. "Saka wala yata siyang cafeteria card." Tukoy niya sa payment card dahil cashless payment basis ang BIS.
Napabuntong-hininga ako at muling nasulyapan ang lalaki. Naalala ko na naman ang paraan niya ng pagkakasakay sa jeep, maging ang gusot niyang uniform at maruming sapatos. Obviously, I know the answer to my questions and I think I know his reasons. Masyado lang iyong unbelievable para paniwalaan ko.
Nang hindi ko matagalan ang panoorin siya ay bumaling muli ako sa server. Inilapag niya ang order ko sa tray.
"Make it two, please," mahinang sabi ko.
Natigilan at napatitig sandali sa akin ang server. Saka siya sinserong ngumiti at sumunod sa sinabi ko. Nagbaba ako ng tingin sa order ko saka muling nilingon ang lalaking iyon. Suddenly, I felt bad and sorry for him. Nakonsensya ako sa mga napansin at naisip ko kaninang nasa harap ko pa siya, maging noong una ko siyang makita.
Napatitig naman ako sa tray nang ilapag ng server ang ikalawang plate. Napabuntong-hininga ako nang maisip na pinagsasawaan ko na ang lasa ng salmon with tarragon white sauce at brown rice. Madalas ko kasi 'yong order-in. Samantalang may taong tulad ng lalaking ito na masaya na sa libreng sabaw.
"Thank you, ma'am," sinsero, hindi ko na naman inaasahang sabi ng server.
"For what?" Inilabas ako ang wallet ko. Psh, as if I ordered it for you.
Ngumiti muna ito saka sumulyap sa gawi ng lalaki. "Alam ko pong para yan kay Sir Bentley."
Bentley... Marahan kong binalikan ng tingin ang lalaki saka ko tinanguan ang server at inabot ang card ko. Siya nga si Bentley Scott Pendragon. Siya ang topnotcher no'ng entrance exam. Siya ang top one...
"Kapag nandito si Nana Lilia, naka-ready na ang mixed vegetables ni Sir Bentley. Rice na lang ang ino-order niya,"hindi ko na naman inaasahang magkukuwento ang server. "Sa afternoon snack naman po, sagot na ni Nana Lilia ang turon at juice niya."
Napalingon muli ako sa lalaking iyon. Natigilan ako nang dumapo sa mukha niya ang paningin ko. Doon ko muling napansin ang kanyang itsura.
He's got the kind of face that will give you a sudden pause, second look or will make you stare and blush. He's got this tousled jet-black hair, shiny but messy. His brows are kind of bushy but perfectly arched. People often speak of eye colors, as if that were of importance, yet, his would be beautiful in any shade because of his thick lashes. Sharp jaw, well-defined nose and chin, flawless fair skin and thin, pale lips. I'm sure I've never seen any man with these features.
Iyon nga lang...dugyot.
Napabuntong-hininga ako. "I'm not interested." Pinutol ko ang mahabang kwento ng server. Sa pagkakatitig ko sa Bentley na 'yon ay wala na akong naintindihan sa mga sinabi niya.
Humugot ako nang malalim na hininga bago binuhat ang tray ko at humakbang papunta sa table ni Bentley. Bumaling siya nang bahagya sa gawi ko, na para bang naramdaman agad niyang sa kaniya ako lalapit. Hindi man niya ako deretsong tiningnan, pakiramdam ko ay napansin niya agad ang presensya ko. Gusto ko tuloy umatras bigla dahil sa hiya.
Bumaba ang paningin niya sa paanan ko nang tuluyan akong huminto sa kaniyang tabi. This guy is freaking glowing! Kung gaano siyang kadungis kanina sa paningin ko nang nakatalikod ay siya namang pagkamangha ko nang makalapit. He's so attractive, good-looking and he probably knows it. Kung tumingin kasi siya sa 'kin ay para bang hindi na ako ang unang babae na naglakas-loob na lumapit sa kaniya.
Inilapag ko ang tray sa mesa niya nang makalapit. Natuon agad doon ang kaniyang paningin. Kinuha ko ang plate ng salmon saka inilapag iyon sa harap niya. Sandali siyang napatitig sa salmon, nakita ko pang gumalaw-galaw ang kilay niya. Saka umangat ang gilid ng kaniyang labi at nag-angat ng tingin sa akin.
"Hmm." Pinagkrus niya ang mga braso at sumandal sa chair. "Thank you, but...what's this for?"
Hindi ako nakasagot. Ang magandang boses niya ang bumuhay sa aking kaba. How is that even possible?
"Hmm?" umungot siya nang maiwan akong tulala.
Tumikhim ako at umayos ng tayo. Pero wala pa rin akong makapang isasagot. I can't say that I did this out of pity, that may sound rude, I might offend him. Hindi ko rin masabing gusto ko lang siyang i-treat, we don't even know each other.
Humalakhak siya. "Are you going to speak or what?"Makikitang nalilito na rin siya sa ginawa ko.
Humugot ako ng lakas ng loob. "I was standing behind you earlier in line," iminuwestra ko ang gawi niyon. "I saw what you ordered so...I..." hindi ko na masundan ang sasabihin. Wala sa sarili kong inilahad ang aking kamay. "I want to know your name..." Napapikit ako nang gano'n ang naisagot ko, huli na para mabawi pa.
Matagal siyang tumitig sa akin, hindi man lang nagbabago ang postura. "Yours?"
Natigilan ako sa sagot niya. Mine? Napapikit ako sa naisip. "Excuse me?" naguguluhan kong tugon.
Tinanggap niya ang kamay ko saka ngumiti. "I mean, my name is Bentley, how about yours?"
Yours... Binawi ko ang kamay ko dahilan para mapahalakhak na naman siya. "Keziah Sirvey."
"Nice name."
"Thanks," halos mautal na sagot ko. Muli kong binuhat ang tray ko. "Enjoy your lunch."
"Please join me, Keziah Sirvey."
Natigilan ako at muling napalingon sa kaniya. "No," natawa ako. "I mean..." I can't believe I'm running out of words in front of him.
"It's okay," ngiti niya. "You can join me." Isinenyas niya ang chair sa tabi niya.
The nerve! Inis akong humugot muli ng lakas ng loob at tinarayan siya ng tingin. "I'm not trying to be friends with you, okay?" Sinabi ko 'yon sa pinaka-nice na tone of voice na kaya ko.
"So..." napaisip siya. "You want something more than that, huh?"
Umawang ang labi ko. "What?"
"If you treat me for lunch and...don't want to be friends with me, then you want something more than friends?"bahagyang nakangisi, may diin niyang tanong.
Antipatiko! "Feeling ka, 'no?" hindi ko napigilan ang sarili.
Nangunot ang noo niya. "What do you mean?"
"Anong feeling mo, may gusto ako sa'yo kaya ko ginawa 'to?"
"Well, you're not going to treat an enemy for lunch, right? If not friends..." Naguguluhan siyang nag-angat muli sa 'kin ng tingin. "You wanna be cousins, then?"
Umawang ang labi ko. "What?"
Natawa siya. "Whatever, thanks for the lunch, Keziah."Sinabi niya nang malambing at mariin ang pangalan ko, tila nang-aasar.
Umawang ang labi ko, magtataray na sana. Pero tanging tawa lang ang lumabas. Wala akong nagawa kung hindi ang tuluyan siyang talikuran at pumunta sa pwesto namin ni Dein Leigh.
Mula roon ay palihim kong sinulyapan si Bentley pero muling nagulat nang masalubong ang kaniyang tingin. Tumango siya nang may bahagyang ngiti sa labi, may kung anong pakiramdam na gumapang sa 'kin. Hindi ko mapangalanan.
The nerve of this dirty, lanky guy!
Napamaang ako kung gaano kabilis nitong naubos ang pagkain. I can't help but think he's that hungry. 'Sabagay, sino ang mabubusog sa kakarampot na rice at sabaw ng adobo? I don't want to be mean pero ngayon lang ako nakakilala nang ganitong...tao. This is an International School. Kilala ang prestihiyosong BIS hindi lang sa probinsya ng Laguna kundi sa buong bansa pa. Kung ganito ang katayuan niya sa buhay, hindi ko alam kung paano siyang nakapasok.
"Grabe, ang hirap ng exam!" iyon agad ang bungad ni Dein Leigh nang tabihan ako sa cafeteria.
Aaminin kong sa sobrang pagkakatutok ko kay Bentley, hindi ko man lang napansin ang pagpasok at pagpila niya sa linya. Nagulat na lang ako nang lumapit siya.
Sa halip na sagutin si Dein Leigh ay napasulyap ulit ako kay Bentley pero wala na ito sa pwesto nito. Hinanap ko siya. Nangunot uli ang mata ko nang makita itong inilalagay sa pwesto ng used plates ang pinagkainan. Isinalansan pa niya iyon sa paraan kung paano iyong inilalagay ng servers.
Nahugas siya ng kamay. Matapos niyon ay muli siyang lumapit sa cashier at naglabas ng purse. Eksakto namang tinapik ni Dein Leigh ang kamay ko dahilan para maagaw niya ang aking atensyon.
"Sino ba'ng tinitingnan mo?" nilingon niya ang gawi ng tinitingnan ko.
"Wala," maagap kong sagot.
Napangiwi si Dein Leigh, nawirduhan sa 'kin. "Kumusta ang celebration ninyo ng family mo? Ano'ng sabi nila?" naiilang man ay tanong niya. Alam kong iyong resulta ng entrance exam ang tinutukoy niya.
Tuluyan nang nakuha ni Dein Leigh ang atensyon ko nang maalala ko ang reactions nina mommy't daddy. No matter how hard they try to hide their disappointment, I saw and felt it. Tanging sina Kimeniah at Lee Roi lang ang sincere sa pagiging proud sa akin.
"Honestly, feeling ko napilitan na lang sina mommy na ibigay ang new car sa 'kin bilang gift. They're obviously expecting me to top the entrance exam," nakangiti man ay mapait kong kwento.
"Duh? It was just a freaking entrance exam, bes. What's with your parents?"
"You know my parents, Dein," napailing ako.
Napabuntong-hininga siya saka hinawakan ang kamay ko. "Cheer up, bes. For sure they only want what's best for you, parents are like that."
Napilitan akong ngumiti. "Parents mo siguro ang gano'n."
Natigilan siya at pinilit ngumiti ulit. "I'm sure, parents mo rin."
Pareho kaming natigilan ni Dein Leigh nang may huminto sa tabi ng table namin at naglapag ng dalawang softdrinks. Napatitig kami ro'n bago nag-angat ng tingin sa lalaking lumapit.
Nagugulat kong pinandilatan si Bentley, nakangiti na siya sa 'kin. "Hey," bati niya kay Dein Leigh. "Hi."
"Hi..." nalilitong tugon ni Dein Leigh.
"What's this for?" nauutal kong tanong.
Binitiwan niya ang bote at pinagkrus ang mga braso. "Just in case you wanna be cousins," ngisi niya sabay sulyap kay Dein Leigh.
Naguguluhan naman ang best friend ko na nagpalitan ng tingin sa amin bago tuluyang tumitig sa akin, nagtatanong. Sa halip na sagutin siya ay nag-angat muli ako ng tingin kay Bentley.
"But..." natigilan ako at naiilang na tumingin kay Dein Leigh. Wala akong choice, maririnig niya ang susunod kong sasabihin. "Paano ka nakabili nito?" mahina kong tanong.
Nangunot ang noo ni Bentley, natigilan saka natawa. "That's utang but it's okay. I'm going to pay it next time. Enjoy your lunch, ladies."
Sabay na namilog ang bibig at mga mata namin ni Dein, hindi makapaniwala. Magsasalita na sana uli ako nang tuluyan niya kaming talikuran.
Utang...
Nanggigigil kong sinundan ng tingin si Bentley. Pero lalo lang akong nainis kung gaano karaming babae ang katulad kong nakasulyap sa kaniya. Ang pinagkaiba ko lang sa kanila, inis ang mababasa sa aking mukha at sa kanila ay matinding paghanga.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co