PROLOGUE
PROLOGUE
NAKANGITI KONG pinagmasdan sina Maxwell at Yaz na noon ay hindi matawaran ang saya sa mga mata at ngiti habang nakatitig sa isa't isa. Magkakrus ang pareho nilang brasong may hawak na champagne glass at sabay na inubos ang laman niyon. Nangibabaw ang hiyawan ng kalalakihan sa buong reception nang muling halikan ni Maxwell si Yaz.
Kanina pa man sa church wedding nila ay nakatulala lang ako sa kanila. Pinanonood ko ang bawat kilos nila at wala sa sariling napapangiti dahil sa nakakahawa nilang saya. Hindi iyon mapangalanan ngunit nababasa, nakikita at nararamdaman.
Mula sa pagpasok ni Maxwell sa church kanina ay hindi na naalis pa sa kanila ang paningin ko. Tuloy ay napanood ko ang pagbabago ng emosyon niya mula sa mataas na kompyansa. Hindi ko akalain na ang misteryoso ngunit may makalaglag-panga na itsura at dating, makabasag-ulo na katalinuhan at may natural ngunit humihiyaw na kayabangang si Maxwell Laurent del Valle, iiyak na parang bata nang mapanood ang bride niya na maglakad papalapit sa kaniya. Panay ang pahid niya sa luha kanina ngunit sa isang ngiti ng mapapang-asawa ay hindi na siya muling lumuha pa.
Gusto ko namang mainis kay Yaz dahil kahit malinaw kong nakikita ang bawat patak ng mga luha niya ay napakaganda pa rin niya. Para siyang buhay na Barbie doll, walang makapantay sa kaniyang ganda kanina. Na kahit anong gwapo ni Maxwell, pati babae ay napako kay Yaz ang paningin. Si Dein Leigh ang best friend ko pero si Yaz ang pinakamagandang bride na nakita ko. At alam kong hindi lang iyon dahil sa kaniyang itsura, higit siyang gumanda dahil sa sayang nararamdaman niya.
Sino ba namang hindi magiging masaya oras na ikasal kay Maxwell Laurent?
Binalot ng lungkot ang puso ko at nakonsensya nang maalala kung paano kong hiniling kanina na sana ay ako na lang iyong nasa sitwasyon ni Yaz. Naisip ko kung ganoon pa rin kaya ang magiging reaksyon ni Maxwell? Gano'n kaya ang emosyon na mababasa ko sa kaniya?
Malamang...hindi. Mapait at palihim akong natawa sa sariling naisip. You're desperate, Keziah. You're just a friend to him and kasal na siya... Iyon na yata ang pinakamasakit na linyang naisip ko para gisingin ang sarili.
Naroon din ako nang ikasal sina Dein Leigh at Randall kaya inaasahan ko na ang saya at tuwa na makikita ko sa bagong kasal. Gaya ng dalawang ito sa harapan ko, sobrang saya rin ng mga best friends ko nang ikasal sila. Hindi matawaran ang mga ningning sa mga mata nila, hindi ko mapigilan no'n ang maiyak.
Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang kina Maxwell at Yaz. Ikinasal na sila sa ibang bansa, nagsasama na sila sa iisang bahay at napakarami nang nangyari sa nagdaang buwan. Pero heto at tila nahigitan pa ni Yaz ang tuwa na nabasa ko sa mga mata at labi ni Dein Leigh ngayong siya ang ikinasal. Parang walang nangyaring kasal sa ibang bansa, tila ito ang una. Nababasa ko ang saya gayong lumuluha ang kaniyang mga mata. Naririnig ko ang tuwa sa kabila ng kumikibot niyang mga labi dahil sa matinding bugso ng damdamin.
Totoong masaya ako para sa kanila ni Maxwell. Matindi rin ang excitement ko sa daan papunta sa kasal, naiyak ako sa tuwa nang ianunsyo ang pag-iisa nila. Pero hindi ko maitatanggi ang inggit na hanggang ngayon ay naroon pa rin sa puso ko.
Hanggang ngayon ay tinatanong ko kung ano ba ang kulang sa akin para hindi ako ang piliin? Ano kaya ang mali sa akin para iparamdam lang na posible akong mahalin pero sa huli ay kakaibiganin lang din? Kung kasakiman ang maghangad nang higit pa dahil nagmamahal ka, siguro nga ay sakim ako.
Ako ang nakasama, ako rin ang sinamahan. Naroon ako para sa kaniya, naroon din naman siya para sa akin. Gusto siya ng pamilya ko, mahal ako ng pamilya niya. Naramdaman kong espesyal kami sa isa't isa ngunit may hangganan pala. Unang beses pa lang kaming nagkita ay nagustuhan ko na siya. Hindi lingid sa kaalaman kong muntik niya na rin akong magustuhan. Pero bakit hindi pa rin ako ang pinili? Bakit kailangang maputol at mabaling sa iba ang nararamdaman niya? Anong tawag sa naramdaman niya sa akin? Ano ang meron siya na wala sa akin?
Matalino rin naman ako and I know that I'm maganda. Maldita rin ako but mas maldita nga lang siya. Psh.
Bumuntong-hininga ako saka dinampot ang glass ng champagne ko. Naglakad ako papalabas ng club house. Lahat ay naka-pink, ako ang natatanging nakaitim. Totoong gusto kong asarin si Yaz kaya iyon ang pinili kong isuot. Pero dahil maldita rin talaga siya, hinayaan niya akong isuot ang kulay na gusto ko. Palibhasa ay siya na ang panalo sa puso ni Maxwell, wala na siyang dahilan para intindihin pa ako.
Pinanindigan ko ang pagsusuot ng purong itim na may pink lace na nagsilbing belt ng evening gown ko. Talagang lumalabas pa rin ang totoong nararamdaman ko. Na masaya man ako na sila ang nagkatuluyan ay malungkot pa rin ako para sa sarili kong nararamdaman. Naiinggit ako at nagseselos. At wala akong karapatang maramdaman ang lahat nang iyon, lalo na ngayon.
Nakakatakot palang magmahal... Napatitig ako sa maliliit na ilaw na matatanaw sa ibabang tanawin. It can make you feel special...loved...everything...in an instant. But it can also make you feel ordinary, unloved and nothing...right away.
"Everyone is getting married, Keziah Sirvey," hindi ko inaasahang mangingibabaw mula sa likuran ang tinig ni Bentley.
Hindi ko siya nilingon. Nangunot ang noo ko at saka ako nagpakawala nang mabigat na buntong-hininga. Inubos ko ang laman ng glass ko saka pinagkrus ang aking mga braso.
Ngunit ang antipatikong lalaking ito, talagang pumunta sa harapan ko at hinarangan ang magandang view ng Cebu city. Maging ang sariwang hangin ay napalitan nang mamahaling perfume niya.
"Tayo, kailan?" harap-harapan niyang itinanong 'yon!
Mataray akong ngumisi. "In your dreams."Iyon lang at iniwasan ko siya. Hinarap ko muli ang magandang view ng syudad sa kabilang gawi ko.
Halakhak ang isinagot ni Bentley dahilan para muli pa akong lumingon, pasiring kong inalis ang paningin sa kaniya. Ganoon man kataray ang aking itsura, ganoon man ang aking sinabi, ang totoo ay napaisip din ako.
Nagbaba ako ng tingin sa aking kamay at tiningnan ang palasingsingan ko. Napabuntong-hininga ako dahil hindi ko ma-imagine na may singsing na nakasuot doon. Bukod sa relos ay wala akong jewelry sa katawan.
Kailan nga ba ako ikakasal? Napabuntong-hininga ako sa sariling naisip. You don't even have a boyfriend, lousy ass!
"Ilang beses na tayong kinasal sa panaginip ko, Keziah," lumapit na naman si Bentley at muling hinarap ako. "Now I want it real."
Tumaas ang kilay ko. "I don't like you, Bentley." Walang kahirap-hirap para sa aking sabihin iyon, deretso sa kaniya ang tingin, walang alinlangan.
"Ouch." Mayabang siyang tumawa, nag-iwas pa ng tingin. "Really?"
Pinagkunutan ko siya ng noo. "Anong really? Noon pa man ay alam mo na 'yon." Muli ko siyang tinalikuran. "Habulin ka ng babae pero hindi ako isa sa mga 'yon."
"Sa dami ng babaeng humahabol sa akin, iyong nakaupo at malayo ang tingin ang gusto ko. Ikaw 'yon." Muli rin siyang humabol. "I was poor then, Keziah." Seryoso na siya nang sabihin 'yon. "I can...buy the whole city now."
Antipatiko! At ano'ng akala mo sa akin, yaman ang gusto? Freak!
Matagal akong tumitig sa kaniya saka ako matunog na ngumisi. "Money doesn't impress me, Bentley. I can buy the whole city, too."
Nangunot ang noo niya saka namulsa, tamad na tumayo sa harap ko at walang ka-effort-effort na ipinagyabang ang magandang tindig niya.
"I'll impress you with my looks, then."
Sumama ang mukha ko. The nerve of this guy! "I said I don't like you, Bentley."
"Try to like me, then. As if it's hard. Tch."
"What?"
Hindi ko inaasahang tititigan niya ako nang gano'n kalalim nang umabante papalapit sa 'kin. Napaatras ako nang may matalim ding tingin sa kaniya. Ngunit matapos ang iilang hakbang ay wala na akong maatrasan. Nilingon ko ang kahoy sa aking likuran at nagulat kung gaano na siyang kalapit nang muling harapin.
"Kailan mo pa 'ko magugustuhan, Keziah? Kapag may mahal na akong iba?"
Hindi ko inaasahang matitigilan ako sa tanong niya, gusto kong mainis sa sarili. "Marami ka naman talagang gusto, Bentley, dahil babaero ka. Get off my face!" asik ko saka itinulak siya.
"Babaero..." tila hindi niya pa nagustuhan ang sariling titulo. "You called me babaero and now you're upset."
"Who's upset?" inis kong tugon.
Ngumiwi siya. "Call me whatever you want,"saka siya tumitig sa mukha ko. Pagtitig na hindi nagbago mula noon hanggang sa sandaling ito. "I'll be yours in no time." Iyon lang at tinalikuran niya na ako.
Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang sinundan siya ng tingin.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co