CHAPTER 01
Luciano Dela Cerna is pay to read and now on going on my Patreon and vip group. Only the first 2 chapters of this story will be posted here in wattpad. To join in vip group dm me on my fb page (maribelatenta stories)
Pinagpatuloy ko lang ang paggawa ng orders na kape sa akin kahit pa ito na naman ang pakiramdam na kinakabahan ako. Sino ba namang hindi kakabahan kung nandito na naman ang lalaking madalas magpunta sa coffee shop ko? Actually hindi ko naman talaga forte ang paggawa ng kape dahil ang kaibigan at kasosyo ko na si Violet talaga ang mas may maalam dito at ako naman ang bahala sa mga pastries na tinitinda namin dito sa coffee shop namin. Pero ito kasi 'yong ni-request ng costumer namin na bagong dating nga, na ako ang gumawa ng kape niya.
Pero nandito na naman nga si Luciano at kapag ganitong nandito siya ay inookupa niya talaga ang buong coffee shop namin para masolo niya. At dahil wala dito si Violet at ako lang pati na ang isa pa naming tauhan ay ako na ang umako nitong paggawa ng kape na inorder niya. At sino ba kasing hindi makakakilala sa isang Luciano Dela Cerna? Parang walang tao dito sa probinsiya ng Palermo ang hindi nakakakilala sa kanya pati na din sa pamilya niya.
Pagkatapos pa ng limang minuto ay natapos na din ang dalaga sa paggawa ng cafe americano na siya ngang inorder ni Luciano. At saka 'yon dinala ng bente tres anyos na si Eden sa binata na nakaupo sa may tabi ng bintana. Tahimik lang ito doon at may binabasa na kung anong libro.
"Here's your order Sir.." Sabi ko at saka ipinatong ang kape niya sa ibabaw ng lamesa. Isinara niya naman ang libro na binabasa niya paglapit ko sa kanya. Siguro sadyang mahilig lang talaga ang mga Pilipino sa kape, dahil kahit alas sais na ng gabi ay talagang nagkakape pa ang isang ito. Ito 'yong unang beses niyang pumunta dito ngayong Linggo sa coffee shop ko at araw na nga ng Biyernes ngayon.
"I told you to drop the Sir, Eden.." Sabi ni Luciano, he looked at her as if she's the most beautiful woman in the world. Well, that's what he's thinking, 'yon naman talaga ang iniisip niya. Na ito ang pinaka-maganda sa lahat ng babaeng nakilala niya. Ito lang talaga ang ayaw maniwala na gusto niya ito at hanggang ngayon ay hindi pa pumapayag na ligawan niya nga.
Napabuntong hininga na lang ako ng malalim. Lagi niya itong sinasabi sa akin kapag ako ang nagdadala ng order niya. "May order ka pa ba?" Tanong ko, kahit alam ko na ang isasagot niya ay nagtanong pa din talaga ako. Siya lang at ang anim niyang bodyguards ang nandito sa loob ng coffee shop at kung anong oras siya aalis ay hindi ko pa alam. Pero dahil nagbayad na siya sa pananatili niya dito sa coffee shop ay hihintayin ko na lang siguro kung anong oras siya aalis. Aba kapag nandito siya ay laging 20 thousands ang binibigay niya kahit sinasabi kong sobra-sobra ang halagang 'yon at 'yon pa din talaga ang binabayad niya sa pag-okupa nitong buong coffee shop.
Luciano shook his head. "Wala na, pero mas maganda kung mauupo ka muna dito sa harap ko at makikipag-kuwentuhan sa akin."
Nilingon ko si Margareth na nakatayo sa may kitchen namin kung saan namin ginagawa ang orders ng mga costumer. At dahil kami-kami lang naman ang tao dito ay narinig niya ang sinabi na 'yon ni Luciano. At talagang tumango-tango pa ang batang 'to na para bang sumunod ako sa sinabi ni Luciano. Ito kasi 'yong kasama ko na empleyado nga din namin dito sa coffee shop. Kaya naman bilang magandang asal ay umupo na lang din ako sa harapan ni Luciano para makipag-kuwentuhan.
Ngumiti naman ang binata ng maupo sa harapan niya ang dalaga, He just flew back from South Korea because of business and he went here straight from their airport. At kahit pagod siya ay para bang nawawala 'yon ngayong nakita niya na ito. "Balita ko lilipat daw kayo ng pwesto? Totoo ba 'yon? Maganda na 'tong lugar kung nasaan ang coffee shop mo kaya bakit aalis pa kayo dito?" Pagbubukas niya ng usapan.
"Kanino mo nalaman ang tungkol diyan?" Tanong ko, kami lang kasi ni Violet ang nakakaalam ng tungkol doon, unless kung kinuwento ng babaeng 'yon sa kanya.
"Sa kaibigan mo." Sagot ni Luciano na muling humigop ng kape.
Napailing-iling ako, sinasabi na nga ba eh. Lagot talaga sa akin ang Violet na 'yon pag nakita ko siya. "Oo, lilipat na kami ng puwesto kasi tinaasan na nitong may-ari ng building 'yong renta dito sa shop." Sabi ko sa kanya, maganda sana talaga itong puwesto na 'to dahil malapit sa lahat at talagang daanan. Mayroong mga school na malapit at maging ang Palermo university ay ilang kanto lang din ang layo dito sa coffee shop, maging ang simbahan at saka munisipyo ng bayan ng Salamanca ay malapit lang din dito. Pero kasi hindi naman gano'n kalaki ang kita ng coffee shop namin lalo pa at anim na buwan pa lang naman ito at hindi namin makakayang bayaran ang renta kung itataas nga.
"I see, at nakahanap na ba kayo ng malilipatan?"
Muli lang akong umiling. "Hindi pa nga eh, pero may mga natingnan na kami ni Violet na puwesto kaya lang 'yong iba kasi ay kung hindi mahal ang renta ay tago naman ang puwesto." Kuwento ko sa kanya, sa amin kasi ni Violet ay ako ang nag-full time sa paghawak ng negosyo namin samantalang siya naman ay pumapasok pa din bilang clerk sa munisipyo ng Salamanca. Kaklase ko siya no'ng college at siya lang talaga ang masasabi ko na kaisa-isa kong kaibigan.
"Kilala ko ang may-ari ng building na 'to Eden, hayaan mo kakausapin ko siya tungkol sa renta niyo dito." Sabi pa ng binata.
Para naman akong naalarma sa sinabi niyang 'yon, dahil masungit pa naman ang half Chinese and half Filipino na may-ari nitong building na 'to. At baka mamaya ay kung ano pang sabihin nito sa amin kung kakausapin siya ni Luciano. "Naku wag na, baka magalit lang si Mr. Jiang kapag kinausap mo siya."
"At bakit naman siya magagalit? I will just talk to him, baka puwede naman niya na wag ng dagdagan ang renta niyo dito kapag kinausap ko siya." Sabi ni Luciano.
"Wag na, hahanap na lang kami ng ibang puwesto siguro." Sabi ko ulit, hindi din kasi maganda ang ugali ni Mr. Jiang at may pagka-pasmado din ang bibig kung minsan kaya nga oo na lang ang sinabi namin ni Violet ng kausapin niya kami at magsabi na umalis na nga daw kami dito.
"Fine kung ayaw mo ay hindi ko na lang siya kakausapin, I'll buy this land instead, alam ko namang hindi niya din ito lupa kaya bibilhin ko na lang ang lupa na 'to at tayo na lang ang mag-uusap tungkol sa coffee shop mo."
Na-shock naman si Eden sa sinabi na 'yon ni Luciano. Alam niyang mayaman ang binata pero ang bilhin ang lupa na kinatitirikan ng coffee shop niya para sa kanya ay parang sobra-sobra naman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co