CHAPTER 02
"Mura na ang pag-paparenta ko sa inyo na 25 thousands kada buwan sa puwestong ito. Matao, daanan at tabing kalsada pa kaya dapat lang naman siguro na taasan ko ang renta niyo dito kahit papaanoEden." 'Yon ang sabi ng half Filipino at half Chinese na si Mr. Jiang na bisitahin niya ang coffee shop araw ng Linggo. Alam niya kasing nandito ang dalawa kapag ganitong araw kaya naman pumunta siya para makausap ang mga ito ulit.
"Alam naman po namin ang tungkol diyan Mr. Jiang pero hindi po talaga namin kaya kung gagawin niyong 35 thousands ang kada buwan namin dito." Sabi naman ni Violet, ang kaibigang matalik ni Eden. Pinipili niya pa din maging magalang kahit ang totoo ay alam naman nilang ginigipit sila ng matanda. Paano 'yong ibang katabi nilang nagrerenta sa building na ito ay hindi naman tinaasan ang renta at sila lang talaga.
"E di kung gano'n hanggang katapusan na lang kayo dito, aba maraming gusto ang puwesto na 'to." Sabi naman ng matandang instik.
"Gano'n na nga ho, hahanap na lang kami ng ibang puwesto kung hindi din naman tayo magkakasundo sa presyo." Sabi ko naman, oo nakaka-panghinayang alisan ang puwesto na 'to kasi tama naman si Mr. Jiang. Maganda talaga ang puwesto kasi nga tabing kalsada at nasa malapit ang lahat. Pero kasi isa lang din kaming small business owner kaya kung tataasan niya din talaga ang renta namin ay hindi na namin makakaya pang bayaran pa 'yon. Labas pa kasi sa renta ang bayad sa kuryente at tubig tapos 'yong sa empleyado pa namin at maintenance nitong coffee shop.
Na sa gano'n naman silang pag-uusap na tatlo ng dumating si Luciano at kagaya ng dati ay kasunod nito ang anim na bodyguards na siyang lagi niyang kasama. Napa-casual lang ng suot nito at hindi mo aakalain na isang bilyonaryo. Naka-pantalon na maong na pinarisan lang ng puting t-shirts. Pero kahit gano'n ang suot ng binata ay lahat naman 'yon ay mamahalin.
"Good afternoon Eden, Violet.." Bati ng binata na tiningnan ang dalawa matapos niyang lapitan ang mga ito. "Good afternoon din Mr. Jiang." Bati niya din sa matandang intsik na kaharap ng dalawa.
"Naku nandito na naman pala itong si Luciano pogi, good afternoon din." Parang kinikilig na sabi ni Violet.
Agad ko namang kinurot ang babaeng ito dahil sa asal niya. "Napadaan ka yata? Maupo ka muna Luciano." Sabi ko naman sa kanya. Hindi naman siya halos nagpupunta pag ganitong araw pero heto siya ngayon dito sa coffee shop. "Oorder ka na ba?" Tanong ko pa.
"Mamaya na." Sagot ni Luciano at saka umupo sa upuan na halos katabi niya ang may-ari ng building kung nasaan siya. Buti naman at nasaktuhan niya ang matandang 'to. "Kumusta Mr. Jiang? It's been awhile, anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya kahit alam naman niya kung bakit ito nandito. Siguradong tungkol sa renta ang pinunta nito.
"Ayos lang naman ako Luciano, hindi ko alam na nagpupunta ka pala sa ganitong lugar." Parang nahihiya pang sabi ng matanda.
Ngumiti naman ang binata. "Of course masarap ang kape dito at mga pastries so why not." Sagot niya. "Kayo? Anong ginagawa niyo dito? Ngayon ko lang yata kayo nakita dito." Sabi pa niya.
"Nandito siya tungkol sa renta namin Luciano pogi, alam mo na kinakausap niya kami kung aalis na daw ba kami dito o magdadagdag na lang kami ng renta sa kanya." Mabilis pa sa alas kuwatro na sabi ni Violet. Siniko pa nga siya ng katabing si Eden dahil sa kadaldalan niya. Pero kasi baka matulungan sila ni Luciano diba?
"O-Okay na Luciano, aalis na lang kami dito at hahanap na lang ng ibang puwesto." Sabi ko sa kanya, alam kong nagsabi siya noong nakaraang Linggo na kakausapin niya si Mr. Jiang pero hindi naman ako umaasa doon. Saka mukhang matigas din naman itong si Mr. Jiang at talagang desidido sa pagtataas niya ng renta sa amin. Kaya kami na lang ang mag-aadjust at lilipat.
Umayos naman ng upo ang binata at pinag-salikop ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa at saka tiningnan ang matanda. "They are small business owner Mr. Jiang, at siguro tama naman ang dahilan mo na maganda talaga itong puwesto nila kaya gusto mong mag-taas ng renta. Pero sana i-consider mo pa din na nasa probinsiya pa din tayo at hindi din naman gano'n kalaki itong bayan ng Salamanca."
"Nandoon na tayo Luciano, pero siyempre gusto ko din naman kumita. Saka malakas naman itong coffee shop ng dalawang 'to at lagi ko ngang nakikita na puno kaya ano man lang ba 'yong magdagdag ako ng renta sa kanila hindi ba." Sabi naman ng matandang instik. Kilala niya si Luciano, lalo na ang mga magulang nito na mas kilala niya lalo na noong nabubuhay pa. Kahit sino naman kasi dito sa probinsiya nila ay kilala ang mga Dela Cerna.
"Hindi naman kami araw-araw malakas Mr. Jiang, tyempuhan lang din kaya 'yon." Sabi na naman ni Violet.
"Tumahimik ka na nga.." Saway ko naman sa kaibigan ko. Alam kong naiinis siya kay Mr. Jiang pero kasi wala naman talaga kaming magagawa kung gugustuhin niya na magtaas ng renta kasi kanya ito.
"I understand, but I know itong building lang naman ang sa 'yo diba Mr. Jiang at nirerentahan mo lang din ang lupa na ito kay Mr. Pascual." Ani ni Luciano, ninong niya ang may-ari ng kinatitirikan ng lupa na 'to at matalik 'yong kaibigan ng kanyang ama.
"Oo tama ka, kaya katulad lang din nila akong dalawa na nagrerenta. Kaya karapatan ko din magtaas ng presyo dito para kumita ako." Sabi ng matandang intsik sa binata. Sampung taon niyang nirentahan ang lupa na 'to at nakaka-walong taon na siya. Kaya naman gusto niyang mas lalong kumita para mabawi niya pa lalo ang lahat ng nagastos niya sa 2 storey building na ito.
"And Mr. Pascual is also my Ninong, and I'm sure hindi niya ako hihindian kapag sinabi ko sa kanya na gusto kong bilhin ang lupa na 'to." Sabi pa ulit ni Luciano, sigurado siya doon. Siguradong-sigurado kaya naman kinuha niya ang kanyang cellphone sa pantalon niya at saka dinial ang numero ng Ninong niya.
Napatingin naman ako kay Luciano dahil mukhang tatawagan niya ang sinasabi niyang may-ari ng lupa na kinatitirikan ng building kung nasaan itong coffee shop. Maging si Mr. Jiang ay tumingin din sa amin ni Violet.
"Yes Ninong, can you please sell this piece of land to me? Yes, yes I just want this property Ninong.." Sabi ni Luciano habang kausap niya ang Ninong Pascual niya. Magsasalita pa nga sana si Mr. Jiang pero sinenyasan niya itong tumahimik.
"My God Eden ang haba talaga ng hair mo, mukhang si Luciano talaga ang sagot sa ating kahirapan este sa ating problema." Nandoon na naman ang kinikilig na boses na bulong ni Violet sa kaibigan.
"Okay Ninong thank you so much, ikaw na lang ang bahala kumausap kay Mr. Jiang at papapuntahin ko na lang sa inyo bukas na bukas din 'yong abogado ko para ayusin ang mga papel at bayaran itong lupa." 'Yon ang huling sinabi ni Luciano sa kausap bago niya ibinalik sa kanyang pantalon ang cellphone niya. "I told you Mr. Jiang.." Nakangiti niyang sabi sa instik na matanda. Alam niyang gusto lang nito mamera pero nagkamali ito ng peperahan. Natural tutulungan niya si Eden hindi lang dahil gusto niya ito kung hindi alam niyang ayaw naman talaga nitong i-give up ang lugar na 'to.
Napatayo naman si Mr. Jiang mula sa kinakaupuan na para bang hindi makapaniwala sa nangyari. Nag-ring din ang kanyang cellphone at nakitang tumatawag sa kanya si Mr. Pascual na siyang may-ari nga nitong lupa. At mukhang alam na niya kung bakit. "Hindi 'to pupuwede, hindi ako papayag dahil hindi pa tapos ang kontrata naming dalawa." Galit na ang boses niyang sabi.
"But this place is mine already at wala kang magagawa kung ipagiba ko ang building na 'to at patayuan ng bago." Tusong sabi ng binata.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co