Truyen3h.Co

Luciano Dela Cerna

CHAPTER 04

Maribelatenta



"Have you received my gifts for you Eden?" Napaka-kaswal ng pagkakatanong no'n ni Luciano ng tawagan niya ang dalaga. Alas onse na ng umaga sa Pilipinas at ganitong oras ito pumupunta sa coffee shop nito. Wala kasi siya sa bansa, dahil nandito siya sa Singapore para sa isang meeting na kailangan niyang puntahan. Pero kung sa bagay pareho lang naman ng oras ngayon dito at saka sa Pilipinas.

"Y-Yes, at ang dami nitong bulaklak na pinadala mo sa akin Luciano. Halos mapuno na ang buong coffee shop nito." Sagot ko naman habang nakatingin sa mga bulaklak, hindi lang basta bouquet ang pinadala niya kung hindi iba't-ibang klase ng arrangement ng bulaklak. At oo lahat ay ang gaganda. 

"Because you deserved it, you're like flowers Eden. Delicate and beautiful." Sabi pa ng binata na walang pakialam kahit nasa gitna pa siya ng meeting ngayon. Basta gusto niyang matawagan ang dalaga para malaman kung ano ba ang reaksyon nito sa mga pinadala niya. He want to prove to him whatever he said to her last night. Na totoong gusto niya ito at masaya siya dahil sa wakas ay pinayagan na din siya nito manligaw. At kapag masaya siya ay talagang handa siyang gumastos kahit magkano.

Napakagat labi ako at napailing na lang. Kagabi lang naman ako pumayag sa gusto niya na ligawan ako tapos talagang sinorpresa niya ako ngayong umaga. Akala ko nga flower shop na 'to at hindi coffee shop kanina eh. Pero itong isa kong tauhan na si Margareth ay talagang kilig na kilig pa na parang nahawa na yata ang ugali kay Violet. Buti na lang may pasok din ang babaeng 'yon ngayon, kasi siguradong mang-aasar 'yon kung nandito ngayon. "N-Nasaan ka ba?" Tanong ko sa kanya, tauhan niya lang kasi ang nagdala ng mga ito. Naabutan ko pa kasing inaayos nila 'yon dito sa loob ng coffee shop ko kanina. Alas nwebe talaga kami nagbubukas dito pero mga alas onse naman na ng umaga ako nagpupunta. 

"I'm out of the country Eden, nasa Singapore ako ngayon." Sabi ni Luciano, he just imagining now how she looks like while looking those flowers he sent for her. Siguradong nagpipigil ang dalaga sa pag-ngiti ngayon, but he's happy knowing she really got surprised for that. At sisiguraduhin niyang umpisa pa lang ito.

"Ahhh gano'n ba? Pero anong oras ka na nakauwi kagabi diba? So ibig sabihin wala ka halos tulog niyan?" Saka ko lang na-gets ang sinabi ko kung kailan nasabi ko na. Baka mamaya isipin niya na nag-aalala ako sa kanya kasi nasabi ko nga 'yon. Pero kasi..

"Nakatulog naman ako ng kaunti pero maaga lang talaga ako umalis kanina kasama ang secretary ko. Actually I'm in the middle of a meeting right now Eden, may mga kasama ako ngayong Singaporean businessman dito." Ani ni Luciano.

"H-Ha? Naku sorry, sorry. Hindi ka pala muna sana tumawag kung busy ka naman pala diyan at may meeting ka." Sabi ko agad, hindi ko naman kasi alam na nasa gitna siya ng meeting. E di sana hindi ako nakipag-kuwentuhan sa kanya kung alam ko. 

 Napangiti naman si Luciano lalo pa at ramdam niya at narinig ang boses nitong nataranta ng sabihin niyang nasa meeting siya. Pero lilinawin niya lang na hindi ito nakakaabala sa kanya. "It's okay, beside gusto ko talagang marinig ang boses mo Eden dahil napaka-dalang mo lang din naman magsalita kapag pinupuntahan kita diyan. Beside their the one who need me, not the other way around. But hopefully matapos ko na ang kung anong meeting ko today para makabalik na ako sa Pilipinas mamaya."

"S-Sige, mag-ingat ka at salamat sa mga bulaklak na pinadala mo para sa akin Luciano." Paalam ko na sa kanya, gano'n nga siguro kapag malaki kang negosyante. Kaya mo ng sabihin na ako ang kailangan nila at hindi ako ang may kailangan sa kanila gaya ng sinabi niya. 

"Bye for now Eden, see you soon." Sabi pa ni Luciano bago tuluyang pinutol ang tawag niya sa dalaga. 

    "Si Sir Luciano 'yon Ate Eden no?" Kinikilig na sabi ni Margareth ng makita niyang ibinaba na ng amo niya ang cellphone nito. Ate lang ang gusto nitong itawag niya dito dahil hindi pa naman daw ito big time na negosyante. Saka na daw niya ito tawagin na Ma'am kapag dumami na ang branch ng coffee shop nito. 

Nilapitan ko 'yong pinaka malaking bouquet na binigay niya. Naka-korte 'yong puso at sabi kanina ng tauhan ni Luciano na siya ngang nagdala ng mga bulaklak dito ay 500 pieces daw 'to na red roses. At ito lang 'yon ha, hindi pa kasali 'yong ibang bulaklak na nandito. "Oo siya nga, tinanong niya kung nandito na daw ba itong mga regalo niya sa akin at pinadala niya ngang bulaklak." 

"Grabe Ate, naiinggit nga tuloy sa inyo si Ate Violet eh. Pinicturan ko kasi ang mga 'to tapos sinend ko sa kanya. Sabi niya ano na daw ba? Nagpalit na daw ba tayo ng negosyo dito at flower shop na daw ba ito at hindi na coffee shop." Sabi pa ulit ni Margareth. 

"Sira ka talaga, baka mamaya sumaglit 'yon dito mamayang lunch break niya." Sabi ko tuloy, minsan kasi ay talagang pumupunta 'yong kaibigan ko na 'yon dito sa coffee shop namin para dito na din kumain at palipasin 'yong isang oras niya. 

"E kasi Ate ang haba-haba naman talaga ng buhok mo ngayon. Imagine hindi lang isang pumpon ng bulaklak ang binigay ni Sir Luciano sa 'yo kung hindi sandamakmak na bulaklak." Sabi pa ulit ni Margareth, isa siyang 17 years old na dalaga. At natigil sa pag-aaral kasi hindi na kayang pag-aralin ng kanyang mga magulang. Sakto namang kapitbahay niya ang Ate Eden niya kaya ng malaman niyang magbubukas ito ng coffee shop ay talagang nag-prisinta siya na magtrabaho dito para makaipon at tuluyang makapag-college na. 

"Hay naku Margareth hindi ko nga alam kung anong gagawin ko sa dami ng bulaklak na 'to eh." Sabi ko, natural malalanta ang mga ito katagalan. "Ganito na lang bawat costumer na dumating ngayon dito sa coffee shop natin ngayong araw ay bibigyan na lang natin ng mga bulaklak para hindi masayang ang mga 'to." 

"Sure ka Ate? Sayang naman kung ipapamigay natin ang mga 'to." Sabi pa ulit ni Margareth.

"Mas masasayang 'yan kapag nandito lang sila, saka hindi naman siguro magagalit si Luciano sa gagawin ko eh." Sabi ko pa, sa katunayan ito ang unang beses na nakatanggap ako ng bulaklak. At hindi lang isa kung hindi napakarami talaga. At ang sarap pala sa pakiramdam, ang saya pala mabigyan ng bulaklak.

You can read the complete story of Luciano Dela Cerna on Patreon and vip group! Dm me on my fb page how to join! (Maribelatenta stories)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co