Truyen3h.Co

Luciano Dela Cerna

CHAPTER 03

Maribelatenta



Walang kibuan sa pagitan ni Eden at Luciano habang naglalakad silang dalawa. Pasado alas dyis imedya na ng gabi at talagang mangilan-ngilan na lang din ang mga taong naglalakad sa kalsada pati na dumadaan na mga sasakyan. Tatlong kanto lang kasi mula sa coffee shop ay bahay na din naman nila Eden kaya kapag pauwi at papasok sa coffee shop ay talagang nilalakad lang niya kagaya ngayon.

Maganda ang gabi, hindi maalinsangan kahit sabihing buwan naman na ng Abril at lalong maliwanag ang kalangitan dahil sa buwan. Pero maya-maya ay tumigil si Eden sa paglalakad at saka tiningnan ang nakasunod sa kanyang si Luciano.

   "Bakit ba kasi gusto mo ako?" Malakas ang loob na tanong ko sa kanya. Kita ko din na huminto ang dalawang sasakyan niya sa may di kalayuan kung saan nakasakay ang mga bodyguards niya. Hindi pa kami nakakapag-usap simula kanina ng umalis si Mr. Jiang sa coffee shop. Pero sila ni Violet ang magkausap na dalawa, para kasing hindi ko pa maisip na talaga nagawa niya 'yon sa matanda. Oo nakakainis din naman kasi talaga si Mr. Jiang pero kasi..

"You're really asking me that in the middle of the street Eden?" Parang hindi makapaniwala na tanong ni Luciano. Nakasuksok ang dalawa niyang kamay sa magkabilaang bulsa ng kanyang pantalon. And at the age of 35, he never thought he will walk with a woman down the street in the middle of the night. But this is all real, talagang willing siyang ihatid ito sa bahay nito na naglalakad kahit pa may sasakyan naman siya na puwede nilang sakyan sana. 

Naglakad ako ng ilang hakbang palapit sa kanya at saka tumayo sa harapan niya. He's more way taller than me, walang-wala ang height ko na 5'5 sa height niya. At talagang kailangan ko pang tumingala kapag makikipag-usap ako sa kanya. "Alam ko kung bakit ginawa mo 'yong kanina, pero hindi mo naman kailangang gawin 'yon. Willing naman kaming lumipat ng puwesto ng kaibigan ko." 

"Ginawa ko 'yon kasi kaya ko, I knew that old Chinese man Eden. Tuso ang matandang 'yon at gusto lang kayong perahan pero hindi niya alam na mas tuso ako sa kanya." Kalmadong sabi ng binata, he doesn't care about that old man. Hindi dapat binibigyan ng halaga ang mga ganoong klaseng tao. Malapit na siguro ang bahay nito dahil nakakadalawang kanto na rin sila ng nilalakad at kanina niya pa talaga gustong hawakan man lang ang kamay nito at sabay silang maglakad na dalawa. Pero kasi parang nahihiya siya dahil baka ayaw nito at paalisin siya bigla. 

"Hindi porket kaya mo, e gagawin mo na. Ayoko lang naman kasing magkaroon ng utang na loob sa kahit na sino Luciano. Saka narinig ko kanina na sinabi ni Violet sa 'yo na kaya mo daw ginawa 'yon kasi.." Parang nawala ang lakas ng loob ko na ituloy ang gusto ko sanang sabihin. Mas sumeryoso kasi ang mukha niya na nakatingin sa akin. Pero alam ko naman na kaya niya 'yon ginawa dahil nga gusto niya ako.

"I did that because aside that I can I know too that you really like that place Eden. And yes I did that because I like you, pero hindi ibig sabihin na porket akin na ang property na 'yon ay kailangan mong magkaroon ng utang na loob sa akin." Sabi ni Luciano, si Violet kasi talaga na siyang kaibigan nga nito ang nakausap niya kanina pag-alis ni Mr. Jiang at ito talaga 'yong ubod ng daldal na kulang na lang ay ibenta sa kanya ang dalaga. 

"B-Bakit kasi ako ang gusto mo Luciano? Hindi mo ba naiisip ang puwedeng sabihin sa 'yo ng ibang tao dahil sa akin? Mataba ako.." Finally nasabi ko din sa kanya, mababa ang self-esteem ko dahil talaga namang malaki akong babae. At simula noong magka-isip ako ay naging tampulan talaga ako ng tukso sa school. Kahit hindi naman ako kumain ng marami ay talaga ganito na ang size ko at kung minsan pa nga sinusubukan kong wag kumain ng buong araw lalo na noong nasa high school pa ako pero hindi ko naman kaya. I have a curvy physique, my bust size is 42 and my waist size is 36. Idagdag pa na malaki ang balakang ko kaya naman hindi na ako umaasa na may lalaking magkakagusto sa akin kung katawan ang pagbabasehan. Dahil unang-una hindi naman ako sexy, I'm a pluz size, lalo na dito sa Pilipinas na para bang masakit sa mata ang mga katulad ko. I have thick thighs kaya hindi mo ako makikitang nakasuot ng short at may katambukan din ang pang-upo ko. Oo maraming nagsasabi na maganda naman daw ako kaso mataba nga lang kaya naman hindi ko maintindihan kung paanong nagkagusto ang isang Luciano Dela Cerna sa akin. 

Hinawakan naman ni Luciano ang kamay ng dalaga at lihim siyang natuwa lalo pa at unang beses niya itong ginawa sa ilang buwan niyang kilala na ito. "You're beautiful, your perfect to me and don't say mataba Eden. I love your curves and you should flaunt them, hindi mahalaga sa akin kung ano bang itsura mo o kung ano ba ang hugis ng katawan mo. I like you as you, at sa tingin mo ba mag-aaksaya ako ng oras para sa 'yo kung hindi naman talaga kita gusto?"

"Exactly, h-hindi ko alam kung seryoso ka ba o ano. Hindi ka naman simpleng tao Luciano, mayaman ka at kilala maging ang pamilya niyo dito sa buong Palermo. Kaya hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa 'yo o hindi." 

Ginagap naman lalo ng binata ang malambot na kamay ng dalaga. Her size doesn't bother him, sexy ito sa paningin niya at hindi 'yong iniisip nito na mataba ito. "You will never know I'm saying the truth to you Eden if you will never give me a chance. I want to court you so bad, and I want to show how Luciano Dela Cerna fell in love with woman. And that is you.." 

Napabuntong hininga ako ng malalim, mag-o-oo ba ako? Papayag ba ako sa gusto niyang mangyari na ligawan ako? Pero tama naman siya, hindi ko malalaman kung seryoso ba siya kung hindi siya bibigyan ng pagkakataon na manligaw sa akin at kilalanin siya lalo. Tatlong buwan na siyang laging nagpupunta sa coffee shop ko at ilang beses na din niya naman sinabi sa akin na gusto niya nga akong ligawan pero hindi naman ako sumasagot ng oo sa kanya. Pero nakapag-desisyon na ako.. "Fine, p-pumapayag na ako na ligawan mo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co