Truyen3h.Co

M.V Series 06 Ryder Solerno

CHAPTER 36

Maribelatenta



"Baka naman pinilit ka niya Cristalin? O kaya naman tinakot ka niya? You can say it to me." Seryoso at alam mong hindi nagbibiro na sabi ni Dax. Pagkalipas pa ng tatlong araw bago bumalik si Cristalin at ang kaibigan niyang si Ryder dito sa Colores. At heto nga magkakaharap sila ngayon at sinabi nga sa kanya na magpapakasal daw ang mga ito bukas na bukas din.

"Hindi niya ko pinilit Dax saka hindi rin niya ako tinakot." Paliwanag ko naman, naramdaman ko pa tuloy ang mahigpit na pagkakahawak sa kamay ko ni Ryder. Magkatabi kami at kaharap si Dax pati na din ang iba pa nilang kaibigan. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na para kong kapatid si Dax dahil sa asta niya. Na para bang nakakatanda ko siyang Kuya.

"I don't believe this.." Diskyumpado na sabi ni Dax na kulang na lang ay umirap sa mga kaharap. 

"Ano bang hindi kapani-paniwala sa sinasabi namin ni Cristalin? Were good now, at magpapakasal kaming dalawa." Sabi naman ni Ryder na ngiting-ngiti. Masaya talaga siya dahil gaya ng nasa isip niya at sabi na din niya sa dalaga ay isasama niya ito pabalik dito sa Colores. At 'yon naman ang nangyari, kasama niya talaga itong bumalik dito. He did it, after staying in Baguio for 3 days they decided to go home. Gusto pa nga sanang sulitin ni Cristalin ang isang Linggo na nirenta nito sa lodging in pero sabi niya kasi dito ay hindi siya tinitigilan ni Dax sa kakatawag. Dax kept pestering him, hindi ito tumitigil kahit maski sa text at tanong ng tanong kung kailan daw sila uuwi. Na para bang wala itong tiwala sa kanya na kasama niya ang dalaga. Pero kahit tatlong araw lang sila sa Baguio ay sinulit naman nila 'yon. Namasyal sila sa mga sikat na pasyalan doon at kung saan-saan sila kumakain na restaurant. And when the night came they made sure to end their day making love. Talagang sinulit nila na magkasama silang dalawa. 

"Kay Cristalin may tiwala ako beside she's like my younger sister to me. Kaya hindi niyo maiiwasan sa akin na magduda sa biglaan niyong pagpapakasal." Ani ni Dax, he's happy actually for both of them. But he can't stop his self interrogating them especially his friend Ryder. Gusto kasi niyang malaman kung totoo na ba talaga ito at sigurado ba talaga ang nararamdaman nito para kay Cristalin. He knew what she been through, kasama niya ito ng dalawang taon at alam niya kung anu-ano ang mga naranasan nito kaya naman 'yon ang ayaw niya ulit mangyari. And all he wanted for her is happiness because she deserve it, she deserve more.

"Ayos na kami ni Ryder Dax at saka gusto ko kapag kinasal kami sa simbahan ikaw ang maghahatid sa akin sa altar." Nakangiti kong sabi kay Dax, doon lang parang lumiwanag ang itsura niya at nginitian ako. Plano kasi muna naming magpakasal sa huwes, pero sabi ko kay Ryder ay sa simbahan na lang kung sa simbahan para isang gastusan na lang din pero sabi naman niya ay walang problema kahit ilang beses pa silang magpakasal at siya naman daw ang bahala. Basta bukas na bukas din ay magpapakasal daw muna kami sa huwes para maiuwi na niya ako sa bahay niya. Alam niya kasing hindi papayag si Dax na sumama ako sa kanya kung hindi pa kami kasal. 

"Dapat lang na ako talaga maghatid sa 'yo Cristalin sa altar. Aba deserve ko 'yan okay." Sabi ni Dax na inismiran si Ryder ng tingnan niya ito. Hindi pa sila tapos mag-usap na dalawa. Marami pa siyang dapat linawin dito at sabihin. 

"Basta congrats sa inyo Cristalin, Ryder. Masaya ako para sa inyo." Bati ni Pablo. 

"Congrats pare.." Bati din ni Wilde na masaya para sa dalawa. 

"Invited kayo lahat sa kasal namin bukas tapos paplanuhin na din namin ni Cristalin ang kasal sa simbahan. Gusto ko lang talaga maging legal na akin na siya." Turan ni Ryder sa mga kaibigan, alam niya sa sarili na mag-uumpisa pa sila ulit ni Cristalin. But he don't care, dahil magiging madali ng mag-umpisa kung ito ang kasama niya. 

   "Hoy hoy, hindi ka matutulog dito sa bahay ko ha. Umuwi ka." Agad na sita ni Dax ng lumabas sa kuwarto ni Cristalin si Ryder. Kanina pa nila ito hinihintay na lumabas at kulang na nga lang ay katukin niya ang mga ito. 

"Tsk, napaka-ano mo talaga ano? Ano bang tingin mo sa akin teenager?" Reklamo ni Ryder, tinanggap naman niya ang inabot na beer sa kanya ni Wilde. Apat silang magkakaibigan ang nandito pero bukas siguradong kumpleto silang lahat dahil ikakasal nga sila ni Cristalin. 

"Iniisip ko lang na baka kung ano ang gawin mo kay Cristalin, saka single bed lang ang nasa kuwarto niya kaya hindi ka puwede do'n at wag ka na din magbalak pa. At lalong hindi ko ipapagamit sa 'yo ang guest room dito." Sabi pa ni Dax. 

Natawa na lang sila Pablo, Wilde at Ryder sa asta ni Dax. They know how Dax care for Cristalin that's why he's like this. 

"Talagang ako pa ang pinag-isipan mo ng ganyan ha?" Natatawang turan ni Ryder, alam niyang kanina pa naghihintay si Dax na lumabas siya mula sa silid ng dalaga. Gusto niya pa nga sanang magtagal doon kaso nakatulog na din si Cristalin dahil sa mahabang biyahe nila galing Baguio. Alam niyang green minded ang Dax Cyrus na 'to at kung anu-ano na ang iniisip na ginagawa nila doon kaya lumabas na rin siya. 

"Pero seryoso na ba talaga 'yan Ryder? Ulila ng lubos si Cristalin dahil pati ang tatay-tatayan niyang gago at dahilan ng lahat ng nangyari sa kanya ay napatay na din ng mga dumukot sa kanya. Ang akin lang, marami na siyang napagdaanan na masakit at sana lang huwag mo siyang sasaktan. Dahil kahit magkaibigan tayong dalawa, oras na lumapit sa akin si Cristalin at sinabing sinaktan mo siya hindi ako mangingiming barilin ka. At alam mong hindi ako nagbibiro."

Buti na lang at binanggit ulit ni Dax ngayon ang tungkol sa tatay-tatayan ni Cristalin dahil kinuwento din ng dalaga ang tungkol doon sa kanya no'ng nasa Baguio pa sila. 'Yong mga lalaking dumukot dito ay siya din mga lalaki na pumatay sa ama-amahan nito. And for him he deseved that. Dahil ito naman talaga ang puno't-dulo ng kung anong nangyari kay Cristalin. "I will not hurt her, we already talked Dax. And you don't know how I waited this time to happen. At nagpapasalamat ako sa 'yo ng malaki dahil tinulungan mo siya, yes I got mad at you for hiding her from me but you did it with purpose. And all I want now is to start a new life with her."

Doon naman inilahad ni Dax ang kamay niya kay Ryder, narinig na niya ang gusto niyang marinig. Because he know he will not hurt Cristalin. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co