CHAPTER 37
Sa mga laging nag iiwan ng thank you sa bawat update ko dito, kilala ko kayo! Salamat din sa inyo, M.V series 06 Ryder Solerno is now signing off! M.V series 07 will start on Monday! Happy weekend! Anyway you can still order the M.A series books set, just dm me on my fb page!
Isang simpleng kasal ang nangyari kinabukasan kila Ryder at Cristalin. Ang mayor ng Colores ang nagkasal sa kanila at lahat ng kaibigan ni Ryder pati na ang mga asawa nito ay present. Biglaan talaga ang kasal pero lahat naman ay masaya sa bagong yugto na pinasok nilang dalawa at 'yon nga ang pag-aasawa at pagbuo ng pamilya. Nakilala din ni Cristalin ang mga asawa ng kaibigan nila Dax. Hindi naman niya kasi ito nakakuwentuhan o nakausap noong magpunta sila sa birthday party ni Carlos.
Pagkatapos naman no'n ay sa restaurant ng isa pa nilang kaibigan ginanap ang simpleng reception. And no one can describe how happy the couple is now, not only because they finally tied the knot, but because they are surrounded by people who are happy for them as well. Hindi pa nga napigilan ni Cristalin na huwag mapaiyak habang sinusuot sa kanya ni Ryder ang singsing kanina. Nagtataka pa nga siya kung paano ito nakabili ng wedding ring pero sabi sa kanya ni Ryder ay binili na daw nito 'yon noong malaman nito na buhay siya. Dahil kahit alam nitong may amnesia siya ay umaasa pa din ito na isang araw ay maaalala niya pa din ito.
"Cristalin.." Isang mahigpit na yakap mula sa likuran ang ginawa ni Ryder dito habang nakatayo ito sa balcony ng kuwarto nila. Matapos ang masayang reception ay sa isang resort silang mag-asawa dumiretso. Asawa, he can finally call her asawa dahil kasal na talaga silang dalawa at legal na legal 'yon.
Hinawak ko naman ang kamay ko sa braso niya na nakapulupot sa may beywang ko ngayon. Alas onse pasado na ng gabi at ang tanging maririnig mo na lang ay ang hampas ng alon sa dagat. Malamig din ang simoy ng hangin, at kahit nga siguro hindi naka-on ang aircon sa loob ng kuwarto namin ay magiging mahimbing pa din ang tulog naming dalawa. Pero heto at hindi pa din kami makatulog kahit pa naging busy ang buong araw namin ni Ryder.
"What you're thinking? Hindi ka naman nagsisisi na nagpakasal ka sa akin diba?" Pabirong sabi ni Ryder, he even rested his head on her shoulder. Sa wakas dumating na din ang panahon na hinihiling niya at ipinapanalangin niya. Makakasama na niya talaga si Cristalin at araw-araw na 'yon mangyayari dahil mag-asawa na sila.
"Sira hindi 'yon ang iniisip ko no." Natatawa kong sagot, inaalala ko lang 'yong mga nangyari kanina. Kung hindi nga lang nagpilit si Ryder na aalis kami ay hindi din siya papayagan ng mga kaibigan niya na umalis kami. Nag-inuman kasi sila at iniwan na lang namin ang mga ito dahil anong oras na rin. Sabi niya sa ibang araw na lang daw niya papainumin ang mga ito basta ang araw na 'to ay para sa amin lang. At parang hindi pa din ako makapaniwala na mag-asawa na kami. Muli ko lang tuloy tiningnan ang dalawang singsing na nakasuot sa daliri ko. Isang proposal ring at isang wedding ring, parang sobra ang singsing na suot ko dahil puwede ko namang suutin ulit 'yong unang singsing na binigay niya pero talagang magkaiba pa. Sabi ni Ryder deserve ko daw 'to kaya naman iingatan ko talaga 'to lalo pa at alam kong mahal ang bili niya sa mga 'to. Pero kahit simpleng singsing lang siguro ang ibigay niya sa akin ay tatanggapin ko pa din ang alok niyang magpakasal kami. Dahil mahal ko siya at gusto ko din namang kami ang magkasamang dalawa.
Hinarap naman ni Ryder ang asawa sa kanya. At saka tiningnan ito, 'yong klase ng tingin na nandoon 'yong pagmamahal at saya in the same time. "I love you, ilang beses ko na 'tong sinabi sa 'yo simula kanina pero hindi ako magsasawang sabihin ang tatlong salita na 'yon ng paulit-ulit."
Inabot ko ang pisngi niya, minsan naiisip ko kung paano ako naging deserving na magkaroon ulit ng pagkakataon na makasama si Ryder pero totoo talaga ang lahat ng 'to. At talagang pinagpapasalamat ko ito sa Diyos dahil muli niya kaming binigyan ng pagkakataon na magkasama sa pangalawang pagkakataon. "At mahal din kita, pinapangako ko din sa 'yo na magiging mabuti akong asawa."
"Hindi mo kailangang mangako dahil alam kong mabuti kang tao. Your love is enough, Cristalin, and my love for you is my most important promise to you, and I will never break it. Dahil hindi ko hahayaang magkahiwalay tayong dalawa ulit, we own each other starting today, and I'm looking forward to having forever with you."
At tiningkayad ni Cristalin ang asawa at hinalikan ito sa labi. Her dark past will never hover over their lives and their future as husband and wife. As long as she's with him, the man who made her believe that true love really exists, and the man with whom she will have her one more last ride in life, her Ryder Solerno.
THE END
02/28/25
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co