Truyen3h.Co

M.V series 13 Khalil Viteri

CHAPTER 11

Maribelatenta



Nagulat pa ako ng mapag-sino ko ang kasunod ni Nikka Mae, wala kasing iba kung hindi si Khalil. Bigla tuloy akong na-conscious kahit pa alam ko naman na maganda ako. Pero kasi nakapang-bahay lang ako ngayon at wala kaayos-ayos. 

"Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang trabaho?" Tanong ko kay Khalil, sabi nila Kuya Demon ay nandito nga daw siya kagabi. At obviously ay alam na din niya ang nangyari sa akin kahapon. Sabi ko nga ay bakit hindi man lang ako ginising, nang sa gano'n ay nawala ang pangingirot ng sugat ko sa braso, charot!

"Tinitingnan ko lang kung buhay ka pa." Sagot ni Khalil, hindi lang si Angelica ang nandito dahil pati pala itong si Nikka Mae at Bambolina na asawa ni Dax Cyrus ay nandito din. 

"Sira ka talaga." Sabi ni Nikka Mae. 

"Okay lang si Angie, Khalil. Buhay na buhay pa naman, thanks to her hero na si Dallas, natulungan siya agad." Sabi naman ni Bambolina, talagang pinuntahan niya ito agad ng malaman niya ang tungkol sa nangyari dito kahapon. Siyempre kaibigan niya 'to at kasama lang no'ng nakaraan kaya talagang nag-alala din siya tapos ganito na ang nangyari dito. 

Naupo si Khalil sa bakanteng upuan at inilapag sa lamesa ang binili niyang pagkain. Kaninang umaga lang umalis si Demon at Dallas dahil pagpasok niya kanina sa trabaho ay nakita niya nga ang mga ito. At pagkatapos ng trabaho niya ay heto nga, dinalaw niya 'to. "Sadyang nando'n lang talaga si Dallas kahapon ng mangyari sa 'yo 'yan kaya natulungan ka niya. Pero hindi siya hero okay." Pagtatama niya sa sinabi ni Abigael. 

"Susss, hero ang tawag no'n, saka coincidence na din kasi hindi pa naman niya nami-meet 'tong si Angelica pero natulungan na niya." Sabi pa ulit ni Bambolina, isang beses niya pa lang nakita si Dallas at hindi naman niya 'to totally nakausap kasi nga ang asawa niyang si Dax ang sadya talaga nito ng pumunta sa kanila. Pero ng malaman niya na ito pala ang nagligtas at tumulong kay Angelica ay para bang ito na ang gusto niya para sa kaibigan. Alam niya kasing patay na patay 'tong si Angie dito kay Khalil eh. 

"Halika na nga muna sa ibaba Abigael, samahan mo muna ako at may bibilhin ako." Sabi ni Nikka Mae na hinila na si Bambolina, gusto niya munang bigyan ng privacy sila Angelica at Khalil at hindi ng mga 'to 'yon magagawa kung nandito sila. 

Katahimikan ang namagitan kila Angelica ng makaalis ang dalawa. Pero siya din ang unang nagsalita. 

"Sabi ni Kuya Demon nandito ka daw kagabi." Sabi ko, parang ang awkward lang tuloy ngayon. Kasi naman kung alam ko lang na pupuntahan ako ng poging 'to ay nag-make up man lang sana ako. 

"Yes, pero umalis din naman ako agad para hindi ka maistorbo sa pagpapahinga mo." Sagot ni Khalil, hindi naman ito ang unang beses niya na makita ito ng walang ayos pero masasabi niyang mas maganda ito kapag ganito. "Kumusta na ang pakiramdam mo? Hindi ba masakit 'yang sugat mo? Sabi nila Demon tinahi daw 'yan."

"Oo tinahi nga, medyo masakit pa din pero okay naman at malayo sa bituka." Sagot ko, "Mga three days lang ako magpapahinga tapos papasok na din ako sa law firm." Kuwento ko sa kanya, 'yong nangyari sa akin kahapon ay first time 'yon. Kaya talagang natakot ako kasi akala ko mamamatay na ako, buti na nga lang talaga at hindi sa ibang parte ng katawan ko ako sinaksak. At very thankful talaga ako kay Dallas dahil tinulungan niya ako, tapos nalaman ko sa ospital na kaibigan pala siya ni Kuya Demon. Kaya talang coincidence nga. 

"Magpagaling ka muna, sabi ni Demon sa akin kanina nakakulong pa din daw ang gumawa niyan sa 'yo. At tingin ko dapat lang siya mabulok sa kulungan." Sabi ni Khalil, 

"Attempted murder  at serious physical injury ang kaso niya, at iniisip ko din na kung sakaling makapag-piyansa siya ay baka ulitin niya ang ginawa niya sa akin. His case is bailable Khalil." Sabi ko pa ulit, kaya nga isa talaga sa iniisip ko kahapon pa na puwedeng ulitin ng suspect ang ginawa niya sa akin oras na makalaya siya at makapag-pyansa. Attempted murder in the Philippines is generally bailable, as it is not punishable by reclusion perpetua or death, unlike consummated murder. 

"Mag-hire ka ng bodyguard or ng personal driver na makakasama mo kapag nasa labas ka. You're a lawyer Angelica, at sa mga kasong hinahawakan mo ay talagang puwedeng mangyari ang ganyang aberya." Suggestion ni Khalil, kasi gano'n naman usually yo'ng mga nakikita niyang abogado, may kasa-kasama nga talaga ang mga ito kapag nasa labas. For example 'yong driver ay hindi na lamang basta driver dahil nagiging bodyguard din ito. 

"Hindi pa naman ako gano'n katagal bilang abogado saka baka na-timing lang 'yong nangyari sa akin. Beside sabi ni Dallas sa akin kahapon ay tuturuan niya daw ako humawak ng baril kaya 'yon ang nilu-look forward ko pagka-gumaling na ako."

"Tsk, at talagang gustong-gusto mo din ang sinabi ng Dallas na 'yon? Mahirap humawak ng baril Angelica, at delikado din." Sabi ni Khalil na hindi sang-ayon na turuan ni Dallas itong si Angelica na humawak ng baril.

"Kaya nga magpapaturo eh, saka siya naman ang nag-alok no'n sa akin kaya nag-oo ako siyempre." Aba free 'yon, kaya sino pa ba ako para tumanggi?

"Kakakilala mo lang sa kanya, kaya hindi maganda tingnan kung gagawin mo ang ganyan." Sabi pa ulit ng binata, 

"Pero friend naman siya ni Kuya Demon saka friend mo naman siya kaya kilala niyo siya." Pagrarason ko nga, kasi nga bakit parang ayaw niya na turuan ako ni Dallas?

"He's too old to teach you, lalo na at makulit ka. Mamaya iba pa ang mabaril mo." Dahilan ni Khalil, saka hindi niya talaga ma-imagine na humawak ng baril 'tong si Angelica. Kaya para sa kanya mas maigi kung kukuha ito ng bodyguard para sa proteksyon nito. 

Napakunot noo ako, e sa pagkakaalam ko ay magkaka-edad lang naman sila. Kaya paanong naging matanda si Dallas? "Magka-edad lang naman kayo diba? so bakit sinasabi mong too old siya."

She's right, magkaedad talaga kami ni Dallas at pareho lang kami na 40 years old pero mas malakas pa din ako do'n siyempre. "Basta, wag ka ng maraming tanong okay? Wag ka na sa kanyang magpaturo ng paghawak sa baril, ako na lang ang maghahanap ng kasama mo kung gusto mo or ako na lang ang magtuturo sa 'yo sa paghawak ng baril."

"Susss nagseselos ka lang yata kay Dallas eh." Kinikilig na sabi ko, kasi bakit siya ganito magsalita? Parang ayaw niya na nakilala ko si Dallas. 

"At bakit naman ako magseselos kay Dallas? Di hamak na mas guwapo ako do'n no." May inis na sabi ni Khalil sa dalaga. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co