CHAPTER 12
Viteri Condominium..
"Ano na namang ginagawa mo dito? No'ng nakaraan lang nandito ka ha?" Tanong ni Khalil ng makasalubong niya si Dallas palabas ng condominium niya, nagtataka na nga siya kung wala na ba itong trabaho dahil nandito pa ito sa San Quintin eh. And it's passed 8 o'clock in the evening now.
"Dinalaw ko lang si Angie, saka ano bang masama kung magpunta ako dito? Wala naman akong ginagawang masama." Natatawang sagot ni Dallas.
"Tinatawagan ka kanina ni Wilde pero hindi ka naman sumasagot sa tawag niya, magkakasama kami kanina." Sabi ni Khalil dito, paano kaya kung ipa-ban ko na ang lintek na 'to dito? No'ng isang araw nandito din daw 'to eh.
"Magkasama kasi kami ni Angie kanina, saka alam naman ni Demon ang tungkol dito. Ayoko din naman mag-inom kaya hindi na lang ako pumunta sa bar ni Saito." Sabi pa ni Dallas,
"At bakit naman kayo magkasama ni Angelica? Anong ginawa niyo? It's improper to go to her unit Pare, babae 'yan at baka kung anong isipin ng ibang makakita sa 'yo na naglalabas masok ka sa unit niya." Ani Khalil, nakakainis naman kasi talaga. Parang lagi na lang magkasama ang dalawang 'to, saka simula no'ng may mangyari kay Angelica ay hindi na ito nagpupunta sa penthouse niya. Na dapat sana ay magustuhan niya dahil tumigil na din ito sa wakas sa pagpunta sa kanya. Pero hindi eh, mas lalo lang siyang naiinis. Para kasing lahat ng atensyon ni Angelica ay nabaling na dito kay Dallas.
"She's single, and I'm single too. And as far as I know wala naman kaming ginagawang masama na dalawa ni Angie kaya bakit ko iisipin ang iisipin ng ibang tao."
Tinapik tuloy ni Khalil ang balikat ni Dallas. "Angelica, Angelica ang itawag mo sa kanya okay at hindi Angie." Namimihasa na kasi 'to eh, tuwing babanggitin nito ang pangalan ng abogada ay laging Angie ang itatawag nito samantalang isang Linggo pa lang naman ang mga 'to kung tutuusin na magkakilala. Ano 'to? Close na sila agad? Siya nga na gusto ni Angelica ay hindi niya tinatawag na Angie eh.
Nilagay tuloy ni Dallas ang isang kamay sa kanyang beywang at tiningnan si Khalil. He smell something fishy, bakit parang naiinis ito sa kanya? They are friends, at hindi naman 'to ganito kausap noon. "Sandali nga Pare may itatanong ako. Bakit ba parang naiinis ka kapag nandito ako sa condominium mo at nalalaman mo na pinupuntahan ko si Angie?"
Napakunot noo si Khalil sa sinabi ng kaibigan, gano'n ba ka-obvious na naiinis siya na pinupuntahan nito si Angelica? "I'm not, ang akin lang hindi maganda na nagpupunta ang isang lalaking katulad mo sa kanya. Specially kapag gabi na." Kibit balikat at parang walang pakialam niyang sabi. Alam niya kasi kung paano tumakbo ang utak nitong si Dallas at baka mamaya may masabi pa itong hindi maganda.
Lumabas naman ang biloy sa pisngi ni Dallas sa pag-ngiti nito. Para kasing sa pananalita ni Khalil ay may iba itong gustong sabihin sa kanya. Kaya naman inakbayan niya ito. "You don't like her right? I remembered your story when we were together with Demon and Saito. Tandang-tanda ko kung paano mo sabihin na hindi mo magugustuhan ang katulad ni Angie, but after knowing her. I realize that she's so easy to hang with, masaya siyang kasama at lalong hindi siya boring kausap. And I like that kind of woman, so I'm planning actually to court her."
Dito na kumawala si Khalil sa pagkaka-akbay sa kanya ni Dallas. "Liligawan mo siya?" Pag-uulit niya ng sinabi nito sa kanya ngayon-ngayon lang.
"Yes, wala naman siyang boyfriend at wala din naman akong girlfriend so walang problema. do'n. Beside were getting close Khalil, at this coming weekend nga ay tuturuan ko na siya mag-fire range. Saka hindi ko naman siya mamadaliin kaya mas makikilala niya pa ako."
"You can't court her, subukan mo lang siya ligawan at magkakalimutan talaga tayong dalawa." Inis ng sabi ni Khalil bago iniwan si Dallas sa lobby.
Tatawa-tawa namang hinabol na lamang ni Dallas ng tingin ang kaibigan, now it's confirmed. Khalil is getting jealous and he like Angelica, period.
"Uy Dallas may naka---" Mali, hindi pala si Dallas ang nagdo-dorbell kung hindi si Ginoo! "I-Ikaw pala Ginoo.." Alanganin kong sabi kasi bakit parang galit siya.
Tinulak naman ni Khalil si Angelica papasok ng unit nito, base sa itsura nito ay obvious na katatapos lang nito maligo dahil may towel pa talagang nakapulupot sa buhok nito. At buti na lang din siya pala ang kumatok dito dahil masyadong alanganin ang suot nito ngayon. Naka-pantulog na kasi 'to at manipis lang 'yon tapos hanggang pagitan lang din ng hita. Paano kung si Dallas ang umakyat dito ulit? E di ito ang nakakita ng ganitong ayos ni Angelica? "So si Dallas ang ine-expect mo na pumunta ulit dito ha?" Magkasalubong ang kilay na tanong niya.
Napaatras naman ako kasi mukha talaga siyang galit. "S-Siya lang naman kasi 'yong galing dito, s-saka ano bang ginagawa mo dito?"
"Pinagsabihan na kita diba? Ayoko na naglalapit ka do'n kay Dallas, kakakilala mo lang sa kanya Angelica, at hindi porket tinulungan ka niya ay dapat ng mapalagay ang loob mo sa kanya." Litanya ni Khalil, he really don't like what Dallas said to him. Kung hindi niya lang talaga 'to kaibigan masusuntok niya talaga 'to kanina.
"At bakit naman? He's nice, saka wala naman kaming masamang ginagawa kaya bakit ka ba nagagalit?" Tanong ko na, ano 'to pupunta na lang siya bigla dito sa akin para pagbawalan ako?
"Gano'n lahat ng lalaki Angelica, they are really nice lalo na sa umpisa. Kaya kung ako sa 'yo wag ka ng makikipag-lapit sa kanya." Sabi pa ni Khalil.
"At bakit ko naman gagawin 'yon aber? Buti pa nga siya mukhang magkakagusto sa akin. E 'yong gusto ko? Malabo." Pagpaparinig ko sa nga sa kanya, siyempre siya pa din ang gusto ko at tinitibok ng puso ko no. Pero mabait kasi si Dallas saka maayos naman siya kausap kaya bakit ko iiwasan.
"I know you're referring to me, basta ayoko. Wag mo ng papapuntahin pa dito si Dallas sa unit mo kahit kailan." May diin na sabi ng binata,
Napataas ang kilay ko. "At bakit ko susundin ang sinasabi mo? Hindi mo ko puwedeng pag-bawalan sa gusto kong papuntahin dito Khalil." Aba, siya nga ang may-ari ng condominium na 'to pero hindi naman ibig sabihin no'n na pagbabawalan niya ako no.
"Dahil ayoko, at wala kang magagawa kung hindi sundin ang sinabi ko Angelica." At saka bigla na lang hinapit ni Khalil ang abogada at hinalikan ito sa labi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co