Truyen3h.Co

M.V series 13 Khalil Viteri

CHAPTER 14

Maribelatenta



"Grabe ang galing pala talaga ni Dallas humawak ng baril no? Kaya pala talaga isa siyang gem ng Germany air force kasi mukhang hindi lang siya sa pagpapalipad ng jet magaling kung hindi pati na din sa paghawak ng baril." 

Blangkong tiningnan ni Khalil si Angelica, kanina pa ito daldal ng daldal kaya masasabi din niya talaga na magaling na 'to mula sa nangyari dito. Pero ang nakakainis lang ay wala itong ibang pinupuri kung hindi si Khalil, na para bang hindi man lang siya nito kanina nakita na nag-firing range din. He's good too in guns, dahil natatamaan din niya naman ang target pero mas puring-puri talaga nito ang Dallas na 'yon. 

"Hindi lang siya basta nice, she's so cool too Ginoo." Sabi ko pa ulit ng makapasok kami sa elevator, sa kanya na ako sumabay pauwi dahil hindi ko naman dala ang sasakyan ko kanina. Sinundo kasi ako ni Dallas dito sa condo pero dahil nagka-ayayaan sila Dallas at sila Kuya Demon pati na ang mga kaibigan nila ay hindi na ako nagpahatid pa at dito na nga lang kay Ginoo sumabay pauwi. "Wait, bakit nga pala hindi ka sumama sa kanila? Diba friendship mo sila Kuya Demon? Dapat kasama ka nila!" Sabi ko kay Khalil, ganyan siya. Kanina pa 'yan siya tahimik at hindi ko alam kung ano ba ang iniisip ng lalaking 'to. Or baka wala lang siya sa mood kasi kanina ko pa din napapansin na ganito siya maski kanina do'n sa firing range na pinanggalingan namin. 

Kaibigan ko nga, pero alam kong bwibwisitin lang nila ako kaya bakit ako sasama? Sa isip-isip ni Khalil, tiningnan niya si Angelica na marami pa din energy hanggang ngayon. Naiinis siya, pero ang nakakainis pa ay hindi niya alam kung kanino ba siya naiinis. Pero kanina ay talagang napipikon na siya kay Demon at Janus dahil obvious naman ang ginagawa ng dalawa, iniinis siya ng mga 'to at inaasar. At talaga din namang napipikon siya lalo na sa Demon na 'yon. 

"Sabi ni Dallas tuturuan niya daw ako ulit mag-baril next time kaya sabihan ko lang daw siya kapag wala akong work." Kuwento ko pa kay Khalil kahit mukhang malapit na ako nitong isako kasi hindi naman siya kumikibo. Ayokong ipaalala 'yong ginawa niyang pag-kiss sa akin noong nakaraan sa condo ko. Kasi sure akong hindi ako makakapag-salita kapag inungkat ko 'yon. Beside parang kiss mack lang naman 'yong ginawa niyang pag-kiss sa lips ko kaya hindi talaga totally proper kiss 'yon. Kaya nga feeling ko unti-unti na din siyang nagkaka-gusto sa akin eh, at sana totoo nga. 

"You should called him Kuya, Angelica. Katulad ng tawag mo kila Janus at Demon, dapat Kuya din ang itawag mo kay Dallas." Sabi ni Khalil na nagsalita na din sa wakas. 

I frowned, "At bakit ko naman siya tatawagin na Kuya? Baka magalit 'yon kapag tinawag ko ng gano'n." 

"Dahil 'yon ang dapat, 'yon ang tama Angelica saka hindi 'yon magagalit. Kay Demon Kuya naman ang tawag mo ha, pati kay Janus at Saito, Kuya din ang tawag mo sa kanila kaya gano'n din dapat pagdating kay Dallas."

Umiling ako, parang nakakahiya kung mag-kukuya ako kay Dallas. Saka ngayon pa ba ako tatawag sa kanya ng gano'n? Baka ma-offend lang siya sa akin. "Ayoko, parang nakakahiya, saka kung tatawagin ko siyang Kuya ay baka sabihin niya lang sa akin na dapat gano'n din ang itawag ko sa 'yo." 

Si Khalil naman ang napakunot noo. "At bakit ka naman mag-kukuya sa akin, sige nga?"

"Hmmnn pag-galang sa nakakatanda?" Alanganin kong sagot, kung bakit kasi napunta sa pag-kuya kuya 'yong usapan namin eh.

"You can't call me like that Angelica, subukan mo lang. At ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi ako matanda." Parang nagbabanta na sabi ni Khalil dito. 

"Pag sa 'yo hindi puwede tapos pag kay Dallas puwede? Parang ang unfair naman no'n." Sabi ko pa ulit, hindi ko naman masasabi na nagseselos siya sa kaibigan niya kasi hindi ko pa naman sure kung may gusto na din ba siya sa akin o ano.

Umusog si Khalil sa puwesto ng dalaga. Bakit ba wala na 'tong bukambibig kung hindi ang Dallas na 'yon? Nakakapikon na ha. "Let's have a deal, kapag kasama mo ako, ayoko ng maririnig ko na kung sinu-sino pa ang binabanggit mong lalaki, okay?"

"H-Ha? E-E bakit naman?" My God, napausog tuloy ako. Heto na naman si Ginoo, ano ba 'to? Hahalikan niya ba ako ulit? Kasi kung oo, e hindi ako papalag. 

"Dahil gusto ko, ayoko ng maririnig na nag-babanggit ka ng ibang pangalan ng lalaki lalong-lalo na si Dallas." Sabi ni Khalil, ito talaga ang mahirap sa babaeng 'to eh. Kailangan maayos mo talaga ma-explain ang lahat, na dapat ipapaliwanag mo talaga dito ang gusto mong sabihin. 

Tinulak ko siya ng kaunti, dahil talagang halos magkadikit na kami. At kapag gumalaw 'tong elevator ay tiyak na masusubsob siya sa akin. "At kung hindi ko susundin ang sinasabi mo?" 

"Malalagot ka sa akin, lagot na lagot." Ani Khalil na sa inis niya ay hinalikan niya tuloy ito ulit. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co