CHAPTER 13
"Your doing good Angie, hindi ko akalain na fast learner ka pala pagdating sa fire range." Masaya na sabi ni Dallas habang nakatayo siya sa likod ng abogada. Bago niya ito hinayaan na humawak ng baril ay tinuro niya muna siyempre kanina kung anu-ano ba ang parts ng baril na ipapahawak niya dito. Sa uri ng trabaho nito bilang abogado ay talagang kailangan nitong matuto na proteksyunan ang sarili nito. Hindi puwedeng umasa na lang 'to sa ibang tao, Angelica should know how to protect by herself. Kaya nga sabi niya ay habang bakasyon niya ay tuturuan niya 'to ng basic na paghawak ng baril.
"Magaling ka kasi magturo saka nage-gets ko agad ang mga sinasabi mo." Sabi ko sa kanya, nagdadalawang-isip talaga akong gawin 'to sa totoo lang. Lalo pa at panay kontra si Khalil sa akin, pero dahil libre at mahal ang bayad kung magpapaturo talaga ako ng paghawak ng baril ay nag-oo na lang ako kay Dallas. Saka sayang din eh, may taong willing akong turuan ng one on one kaya bakit ko pa tatanggihan?
"Madali mo lang talaga ma-pick up ang mga tinuturo ko sa 'yo kaya ganito. So 'yan, patamaan mo 'yang tuldok na 'yan sa loob ng bilog." Sabi pa ni Dallas dito, masarap kasi talagang magturo ng ganito sa willing matuto. Kaya mukhang mapapadali din talaga matutunan ni Angelica ang paghawak ng baril.
"Baka iba ang matamaan mo niyan Pare kasi nasa iba ang focus mo. Aba, hindi laruan 'yang baril ha." Sabi ni Janus kay Khalil na tinapik pa talaga ang likod ng kaibigan para malaman nito na nasa tabi siya nito.
"I'm good, naglilinis lang ako ng baril Pare." Ganting sagot ni Khalil, nandito silang magkakaibigan sa firing range sa bayan ng San Quintin. Siya si Janus, si Demon, Saito at saka si Dax Cyrus. At oo nga pala, pati si Dallas ay nandito din, tinuturuan nito si Angelica sa paghawak ng baril. At kanina pa talaga siya nakatingin sa mga ito, at pansin na pansin niya na close na ang dalawa dahil iba 'yong ngiti ni Angelica kapag may sinasabi si Dallas na kung ano dito.
"Pero obvious na obvious na ang focus mo ay nando'n sa pinsan ni Demon." Sabi pa ulit ni Janus dito, natatawa na nga lang sila nila Dax eh, dahil bigla na lang sumulpot itong si Khalil kanina. Samantalang hindi naman nila ito inaya talaga.
"Tsk, nandito lang ako kasi nandito din kayo, kaya ano ba 'yang pinagsasabi mo diyan Pare." Sabi ni Khalil, natural na pumunta siya dahil maliban sa Linggo ngayon ay wala din siyang pasok sa trabaho. Wala din siyang lakad kaya talagang pumunta din siya dito, plus gusto niya din kasi talaga na makita itong sila Janus at Dax. At hindi dahil nandito din si Angelica, same condominium lang sila ng tinitirhan diba? Kaya kung gugustuhin niya itong makita ay madali lang para sa kanya 'yon.
Ngumiti si Janus, alam niya kasing hindi totoo ang sinasabi nito kasi halatado namang nagseselos ito.
"Basta ako mukhang boto na ako kay Dallas para kay Angie, kapag nagsabi lang 'yan na liligawan niya 'yong pinsan ko ay hindi ko lang siya basta ilalakad kung hindi itatakbo ko pa siya." Sabi ni Demon na para bang nang-aasar pa.
Tiningnan tuloy ni Khalil si Demon na tumabi pa sa kanya. "Hindi 'yan magugustuhan ni Angie." Sabi niya tuloy, kasi talaga namang hindi at malabo ang sinabi nito dahil siya ang gusto ni Angelica.
"At paano mo naman nasabi? Dallas is nice, tingnan mo nga at napaka-caring niya kay Angie, at ganyang lalaki ang nararapat para sa kanya. Hindi 'yong lalaki na maraming arte tapos panay reklamo dahil hayagang pinapakita sa kanya ng babae na gusto siya." Sabi pa ni Demon na para bang may pinaparinggan. Alam niya na ngayon kung paano siya makakaganti kay Khalil sa lahat ng pang-bwibwisit nito sa kanya. At sa tulong 'yon siyempre ni Dallas, kaya nasa kanya talaga ang huling halakhak.
Naging masungit naman ang itsura ni Khalil, 'yong itsura na hindi natuwa sa narinig niya. "Masyado lang na-ooverwhelm si Angelica kay Dallas dahil tinulungan siya nito. Pero hindi ibig sabihin no'n ay magkakagusto na siya kay Dallas."
"At paano mo naman nasabi? Kasi kung ako lang sasabihin ko talaga diyan kay Angie na 'yan na lang ang gustuhin niya kaysa ibang lalaki." Inilahad pa tuloy ni Demon ang kamay at saka animo'y nagbibilang. "Unang-una, single, wala naman siyang girlfriend at lalong walang asawa so bonus points na 'yon. Tapos sa air force pa nagtatrabaho, at hindi dito sa Pilipinas kung hindi sa Russia so bigatin din talaga ang mabuti kong kaibigan na 'yan. Pangatlo, malaki ang sahod, kaya match na match sila ni Angelica. At pang-apat---"
Hindi na pinatapos pa ni Khalil ang sasabihin ni Demon dahil tumayo na siya mula sa pagkakaupo at saka tinapik ng kanyang kamay ang tiyan ni Demon. "Tigilan mo nga ako, baka pag ako ang nainis ikaw ang mabaril ko." Inis niyang sabi sabay walkout, wala itong magandang sasabihin kaya bakit kailangan niya pang patapusin ang sasabihin nito?
Nagkatinginan na lang tuloy at natawa sila Janus at Demon dahil sa reaksyon ni Khalil.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co