07
Kasalukuyan kaming naglilinis sa sala ng mansyon ng makita ko si Miguel na pababa ng hagdan, agad kong inagaw kay Mariana ang hawak nitong basahan at ako ang naglampaso ng sahig. Buti na lang at hindi na huminto pa si Miguel para kausapin kami. Simula ng nakaraang linggo ay iniiwasan ko na siya, hanggang maaari ay ayoko munang magkausap kaming dalawa. Naalala ko pa din hanggang ngayon ang kapangahasan niya na halikan ako. Hindi ko din alam kung ako ba ay binibiro niya lamang ng sabihin niyang gusto niya ako.
"Hindi mo pa din kinakausap si Senyorito Miguel ano?" Tanong ni Mariana kay Cristina ng mapansin na iniiwasan na naman nito ang Senyorito.
"Wala naman kaming dapat pag-usapan." Tipid kong sagot.
"Susss.. Tigilan mo nga ako Cristina, ano ba ang nangyari at iniiwasan mo siya? Aba sumusungit na naman ang Senyorito sa amin."
"Wala nga, tsaka sabi niyo ni Feliciana dapat hindi tayo makipag halubilo kay Miguel dahil kasambahay niya lamang tayo kaya ganoon ang ginagawa ko."
"Oo nga, pero tinatawag mo pa din naman siya sa pangalan niya hindi ba? Wala man lang paggalang na Senyorito tulad ng sa amin."
"Eh hayaan mo na, hindi naman kami nagkakausap na dalawa tsaka noon pa man wala ako dito sa mansyon Miguel na talaga ang tawag ko sa kanya."
"Naku, baka iba na 'yan Cristina ha. Baka ikaw ay nahuhulog na kay Senyorito Miguel." Sinundot-sundot pa ni Mariana ang tagiliran ni Cristina.
"Tumigil ka nga Mariana, baka may makarinig sa 'yo at kung ano pa ang isipin." Saway ko sa kanya.
"Dalaga ka, binata si Senyorito Miguel kaya ayos lang 'yon."
"Pero hindi kami pareho ng katayuan sa buhay Mariana, mayaman si Miguel tapos tingnan mo nga ako. Heto at naglalampaso sa malawak niyang sala." Paliwanag ko naman sa kanya.
"Eh ano kung mayaman si Senyorito? Mukha namang may pagtingin din siya sa 'yo Cristina."
"Tumigil ka na nga, sige na tapusin na natin ito." Parehong-pareho talaga ito ni Feliciana, mahilig makipag-huntahan.
"Sandali, diba ngayon pupunta si Simon? Niyayaya ka niya sa Kaparangan mamasyal hindi ba?"
Tumayo na ako at pinagpag ang suot kong saya. "Oo, alas tres ng hapon kami magkikita mamaya. Makulit din talaga ang lalaking 'yon, ayaw akong tigilan."
"Gustong-gusto ka kamo, ay naku Cristina kung ako sa 'yo pumili ka ng tama sa mga gustong umakyat sa 'yo ng ligaw. Hindi 'yong kung sino lang. Ayos din 'yang si Simon, negosyante at nagtitinda ng serbesa sa bayan at tiyak na magiging mabuti siyang asawa at mabubuhay ka niya."
"Wala akong pagtingin sa kanya Mariana, ang kaya ko lang ialok kay Simon ay pagkakaibigan." Sabi ko naman, hindi ko alam pero ayoko kay Simon at mamaya nga ay sasabihin ko sa kanya na maging magkaibigan na lamang kami.
Mag-aalas sais na ng gabi dumating si Miguel sa kanyang mansyon. Sa wakas malalagyan na ng kuryente ang kanyang hacienda, partikular ang bahay niya. Muli siyang nagpunta sa Gobernadorcillo para tanungin kung kailan maikakabit ito, gusto niya kaseng maliwanag ang mansyon pagsapit ng pista sa susunod na linggo. Agad siyang tumungo sa hapag-kainan para kumain.
"Magandang gabi ho Senyorito Miguel."
"Magandang gabi din Feliciana, ano ang niluto niyo para sa hapunan?"
"Ginataang hito ho gaya ng bilin niyo kanina." Lumabas naman si Mariana na bitbit ang isang bandehadong kanin, kasunod nito ang kusinerang si Valencia na dala ang nilutong ulam.
"Maraming salamat, kumain na din kayo."
"Sige ho Senyorito, titirahan na lang din namin si Cristina ng hapunan."
Nailapag ni Miguel ang hawak na kubyertos. "Bakit nasaan ba si Cristina?"
"Niyayaya ho ni Simon kanina pumunta sa kaparangan, mamamasyal daw sila doon."
Lihim na napatiim bagang si Miguel, pinalampas niya ang hindi pagkibo sa kanya ni Cristina ng mga nakaraang araw ngunit hindi ngayon. "Sige, kakausapin ko siya mamaya. Kumain na kayo."
"Sige na Simon umuwi ka na at madilim na, maraming salamat sa binigay mong mga tinapay kanina, nakita mo naman at tuwang-tuwa ang aking ina." Sabi ko sa kanya, matapos naming mamasyal sa kaparangan ay dumiretso kami sa aking ina, sabik talaga akong makita ito. May mga dala si Simon kanina na iba't-ibang klase ng tinapay na galing sa sikat na panaderya sa bayan.
"Maraming salamat sa pagpapaunlak mo na tayo ay mamasyal kanina. Basta Cristina hindi ako susuko hangga't hindi ka pumapayag na ako'y manligaw sa 'yo." Seryosong sabi ni Simon sa dalaga.
"Ikaw ang bahala, basta sinabi ko na sa 'yo kanina na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa 'yo."
"Alam ko Cristina, pero malay mo at pumayag ka sa huli. Basta papasyalan kita ulit dito bago mag pista." Desididong sabi ni Simon.
"Sige Simon ikaw ang bahala." Tinanaw ko pa ito hanggang makalabas ng bakuran ng mga Santillan. Matigas din talaga ang ulo nito ni Simon. Maingat akong pumasok sa pintuan ng mansyon ngunit pagpasok ko ay may bigla na lamang humila sa akin.
"Anong oras na Binibini, gabi na." Sabi ni Miguel matapos hilahin si Cristina sa isang silid na naroon sa unang palapag ng mansyon.
"Bakit ka ba nang-gugulat Miguel!" Inis na sabi ko dito.
"Ayoko ng maulit ito Cristina, huwag ka na ulit aalis kasama ang Simon na 'yon." Sabi naman ni Miguel.
"At bakit naman aber?" Nakapameywang na tanong ko dito, ngayon lang ulit kami nakapag-usap at nagtatalo pa.
Bagong ligo si Miguel, naamoy ko pa ang pabangong pang-lalaki nito.
Unti-unting nilapitan ni Miguel si Cristina hanggang sa mapasandal ito sa likod ng pintuan. "Dahil sabi ko at ayaw kong sumasama ka sa ibang lalaki. Gusto mo bang malugi ang negosyo ng Simon na 'yon? Kayang-kaya ko 'yong gawin Cristina."
"Miguel!"
"Seryoso ako Binibini, ayokong makita ka na may kasama kang iba. Para bang naninikip ang aking dibdib sa isipin na may iba kang kausap na lalaki maliban sa akin." Ngayon lang nakita ni Miguel na ginamit ni Cristina ang binigay niyang payneta dito, napakaganda talaga ng dalaga kaya hindi kataka-taka na may mga manligaw dito.
"U-umalis ka nga Miguel, ayan ka na naman sa kapangahasan mo." Hindi ko maintindihan kung kaba ba ang aking nararamdaman ngayong magkalapit na naman kami ng husto.
"Naalala mo ba ng minsan mong sabihin sa akin na ako ay isang teritoryal? Tama ka doon Cristina. Teritoryal talaga akong tao, at ikaw ay nasa teritoryo ko. Ayoko mg maulit pa na mamamasyal kayo ng Simon na 'yon naiintindihan mo?"
"Hindi mo naman kailangang magalit kay Simon Miguel, isa pa kinausap ko siya kanina para sabihing pagkakaibigan lang ang maisusukli ko sa kanya."
"Talaga?" Nakangiting Miguel na ang nagtanong.
"Oo, dahil may napupusuan na ako." 'Yon lang at bigla kong pinihit ang seradura ng pinto at mabilis na tumakbo palabas ng silid. Akala yata ni Miguel maiisahan niya ako!
"Cristina! Sandali bumalik ka dito, hindi pa tayo tapos mag-usap." Sigaw naman ni Miguel sa dalagang umaakyat na ng hagdan. Hindi maaaring may mapusuan itong iba. Hindi!
"Magandang gabi Miguel." Kumaway pa ako sa lalaking nakatayo sa ibaba ng hagdan. Bahala ka muna diyan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co