Truyen3h.Co

Miguel Santillan (COMPLETED)

08

Maribelatenta



Kasama si Ernesto ay pumunta naman si Miguel para makita ang ginagawa ng kanyang mga tauhan sa kusina, dalawang araw na lang at pista na sa Santa Teresita. Nais ni Miguel na maging enggrande ang okasyon na ito ngayong taon sa mansyon. Hindi bababa sa sampung baboy ang pinakatay niya, tatlong baka at limang kambing. At ang maganda pa kahit sino ay maaaring pumunta sa mansyon para kumain. Naabutan niya na abala ang mga kasambahay sa kusina, partikular si Cristina na nagkakayod ng niyog.

"Hindi na dapat ikaw ang gumagawa niyan Cristina, ipaubaya mo na ang pagkayod ng niyog kay Delfin." Tukoy ni Miguel sa isa niyang kusinero na naroon.

Agad ko namang pinahid ang pawis sa aking noo, pang walong piraso na niyog na ang tapos kong kayurin at meron pang dalawangpu't dalawa. "Hindi na, kaya ko naman ito Miguel. Isa pa may ginagawa din 'yang si Delfin." Sabi ko naman.

"Pero hindi nababagay na katulad mo ang gumawa niyan Cristina." Dagdag ni Miguel.

Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo sa kayuran ng niyog, nangangawit na talaga ang aking braso simula pa kanina. "Kung ganoon ikaw ang tumapos nito." Sabi ko  kay Miguel.

Agad nagtinginan kay Cristina ang limang katao na nasa kusina, at sa pamamaraan ng pagtingin ng mga ito sa dalaga ay animo'y nagsasabi na humanda siya kay Senyorito.

"Hindi marunong magkayod ng niyog ang Senyorito Miguel, Cristina." Singit ni Ernesto.

"Gano'n ba? Sayang naman kung ganoon. Puro porma lang pala ang ating Senyorito." Lihim akong natawa ng makita ko ang matalim na tingin ni Miguel sa akin. Bakit ba hindi ko kayang pigilin ang aking sarili na inisin siya?

"Marunong ako niyan!" Sabi ni Miguel, hindi siya maaaring magpatalo kay Cristina. Kung kaya nito magkayod ng niyog ano pa siya. "Tumabi ka diyan Cristina at ako ang tatapos ng ginagawa mo."

"Naku Senyorito Miguel ako na ho ang gagawa niyan. Nagbibiro lang si Cristina, alam niyo naman ho ang dalagang ito, sadyang mapag-biro." Sabi ni Delfin at binitawan na ang sandok na hawak. Wala sinuman sa kanila ang nakapag-utos sa kanilang Senyorito, isa itong nakakahiyang bagay kapag nagkataon.

"Hindi na, kaya ko na 'yan." Mabilis na umupo si Miguel sa kayuran ng niyog at dahil malaki siyang tao ay halos hindi siya magkasya.

"Ang bait talaga ni Miguel, ganyan dapat tutulungan mo din kami sa paghahanda." Sabi ko naman, alam kong napasubo lang ito dahil sa akin.

Agad kinuha ni Miguel ang isang niyog sa planggana, hindi siya maaaring mapahiya kay Cristina dahil paniguradong tutuksuhin na naman siya nito mamaya. Unang beses niyang kinayod ang hawak na niyog ay wala man lang siyang nakayod. Paano ba kase ito?

"Naku Miguel, baka abutin tayo ng dapit hapon sa ginagawa mo. Simpleng pagkayod lang ng niyog ay hindi mo pa magawa." Kumuha pa ako ng maliit na silya at umupo sa harapan ni niya. "Kung hindi mo kaya ako na ang magpapatuloy niyan." Sabi ko pa.

Hindi pinakinggan ni Miguel ang sinasabi ni Cristina, alam niyang iniinis na naman siya nito para huminto siya sa ginagawa. At pagkatapos ay aasarin siya nito mamaya panigurado. Ilang beses niyang sinubukan ang pagkayod ng hawak niyang niyog at ilang beses din siyang sumubok hanggang sa nalaman niya ang teknik para magawa ito ng tama.

"Aba, iba ka talaga Miguel. Akalain mo 'yon at marunong ka pala niyan." Sabi ni Ernesto habang nakatingin sa kaibigan.

"Tumahimik ka diyan Ernesto at baka hindi ka makakain sa araw ng pista dito." Seryosong sabi ni Miguel, mahirap pala ang magkayod ng niyog, nakakangawit sa balakang at braso. Pero hindi niya maaaring ipakita kay Cristina na nahihirapan siya sa ginagawa.

"Teka may itatanong pala ako, ano ba ang mga katangiang gusto mo sa lalaki Cristina? Gusto mo din ba ang marunong magkayod ng niyog tulad ng ginagawa ni Miguel?" Tanong ni Ernesto sa dalaga.

"Gusto ko siyempre ay 'yong marunong din sa gawaing bahay at hindi lang puro tingin at utos ang ginagawa." Sagot ko naman. "Dapat ay maging patas ang pagtingin ng kalalakihan sa mga kababaihan, hindi komo babae ay sa kanya na nakaatang ang lahat ng gawaing bahay."

"Pero lalaki ang naghahanap-buhay Cristina, kaya dapat lang na pagsilbihan ng babae kaming mga lalake." Sabi ni Miguel.

"Pero kaya din naman ng mga babae ang mag-hanapbuhay Miguel, lahat ng kaya niyong gawin ay kaya din namin." Hindi papatalo na sabi ko. Mag-isa lang ako binuhay ng aking ina kaya nasasabi ko ang ganitong bagay.

"Eh ano pang gusto mo sa isang lalaki Cristina?" Tanong ulit ni Ernesto, natutuwa siya dahil napasubo ang kaibigang si Miguel sa pagkayod ng niyog. Akala nito marahil ay madali lang ang ginagawa ni Cristina kanina.

"Gusto ko naman sa pang labas na anyo ay 'yong makisig, 'yong kayang-kaya ako protektahan. Tapos 'yong mauugat ang braso at mga kamay, hindi ko alam pero naaakit ako sa ganoon." Sagot ko naman.

Napaubo naman si Miguel sa sagot ni Cristina, hindi kaya siya ang tinutukoy nito? Maugat at makisig pa naman siya.

"Tapos gusto ko din ay 'yong mabait at hindi pikon tsaka malambing. Balewala sa akin ang estado ng isang lalaki sa buhay, sapat na ang makakain kami ng tatlong beses isang araw." Dagdag ko pa.

"Hindi lang kita kaya pakainin ng tatlong beses isang araw Cristina kahit may meryenda pa." Sabat naman ni Miguel.

"Hindi ikaw ang tinatanong Miguel kaya tapusin mo na 'yang ginagawa mo." Sabi ni Ernesto, tiyak na kagagalitan na naman siya nito mamaya.

"Sandali nga, para saan ba ang ganitong kadaming niyog? Ano ang gagawin niyo?" Anim na niyog pa lang ang nakakayod ni Miguel at madami pang naghihintay sa kanya.

"Magluluto ako ng suman Miguel pagkatapos ay ibabalot ko sa dahon ng saging." Sagot ko sa kanya, pinagpapawisan na ang Senyorito kaya naman  pinunasan ko ito gamit ang aking saya tutal ay malinis din naman ito.

Nagulat si Miguel ng bahagyang tumaas hanggang binti ang suot na saya ni Cristina. Nakita na naman niya ang mapuputi nitong binti 'yon pala ay pinunasan nito ang pawisan niyang noo.

"Dalian mo na 'yan Miguel at mamayang gabi ay hihilutin kita." Mahina kong bulong sa kanya, agad naman itong tumingin sa aking direksyon at ngumiti.

"Pangako 'yan ha?" May pilyong ngiti na sabi ni Miguel. Para siyang nasasabik sa pagsapit ng gabi dahil sa sinabi ni Cristina.

"Oho Senyorito, pangako."

    Bukas ang lahat ng ilaw sa mansyon ng mga Santillan pagsapit ng dilim, hanggang gabi ay abala pa din ang mga tao sa paghahanda sa nalalapit na pista. Ang La electricista ang unang nakapaglagay ng mga kuryente sa Kamaynilaan pati na din sa karatig na mga probinsya ay sa tulong naman ng Compania de Tabaco de Filipinas, at dahil isang Haciendero si Miguel at negosyante walang kahirap-hirap na nakapagpalagay siya ng kuryente sa kanyang mansyon.

"Ang ganda na ng silid mo Miguel, maganda talaga kapag may kuryente na ang isang bahay." Sabi ko sa kanya matapos umupo sa silya na naroon, mapusyaw lang ang ilaw sa loob ng silid ngunit mas maganda na ang ganito kumpara noong kandilabra lang ang gamit nila.

"Oo, talagang sinugurado ko sa Gobernadorcillo  na magkaka-ilaw na dito sa mansyon bago mag pista. Madami akong panauhin na darating."

"Ibang-iba ang itsura ng iyong mansyon lalo pa at maliwanag na ito tuwing sasapit ang gabi."

"Hayaan mo palalagyan ko din kay Ernesto bukas ng bumbilya ang iyong cuarto."

"Naku hindi na, ayos na sa akin ang kandilabra doon." Mabilis kong tanggi.

"Mas mainam ang ilaw kumpara sa kandila Cristina, kitang-kita ko ang iyong kagandahan ngayong gabi." Sabi ni Miguel, literal na napasubo siya kanina sa pagkayod ng niyog. At talagang kinakailangan niya ngayon ng hilot dahil masakit ang kanyang kasu-kasuan.

"Bolero, tigilan mo ako sa mga ganyan mo Miguel." Sabi ko sa kanya, binuksan ko ang bote ng langis ng niyog. Ang bango talaga nito lalo na at kaluluto ko pa lang kanina.

"At bakit naman kita bobolahin Cristina? Nagsasabi ako ng totoo. Ang iyong mukha ay parang sa isang anghel, katamtaman lang ang tangos ng iyong ilong. Ang mga mata mo na sumisingkit sa akin kapag ikaw ay napipikon at ang mga labi mong gusto kong mahagkan ulit ngayon."

"M-miguel.." Heto na naman ang pagbilis ng tibok ng aking puso kapag lumalapit siya sa akin.

Hinawakan ni Miguel ang kamay ni Cristina. "Halika na, hilutin mo na ang aking braso." Hinila niya ito papunta sa kanyang kama at doon sila naupo.

"Teka b-bakit ka naghuhubad?" Napapikit ako ng hubarin niya ang kanyang pang-itaas.

"Hindi mo mahihilot ng maayos ang aking balikat kapag hindi ako naghubad Binibini." Pilyong sabi mi Miguel, paano ba naman namumula ang pisngi ng dalaga.

"Sige na, hihilutin na kita para makatulog ka ng mahimbing. Dapat kase hindi ka na nagkayod ng niyog kanina kung hindi mo naman pala kaya." Pinahid ko sa kanang braso nito ang langis ng niyog, kay ganda talaga ng pangangatawan ng hambog na ito kaya hindi nakakapagtaka na madaming kababaihan ang nagkakagusto kay Miguel.

"Nakita mo naman nagawa ko kanina diba? Napakasimple lang pala nun." Pagyayabang niya sa dalaga pero napa-aray siya ng
diinan ni Cristina ang paghilot sa kanyang braso.

"Ngayon mo sabihing hindi masakit Miguel, ikaw talaga huling-huli ka na hindi ka umaamin." Sabi ko sa kanya matapos diinan ang ginagawa kong paghilot sa braso niya.

"Unang beses ko lang ginawa 'yon Cristina, natural nanibago ako." Pagdadahilan ni Miguel. "Siya nga pala baka akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mo noong nakaraan. Hindi mo pa sa akin sinasabi kung sino ang iyong natitipuhan."

Umiwas ako agad ng tingin kay Miguel, napakagaling talaga nito mang-lansi. Pati ba naman ang tungkol doon ay hindi niya pa nakakalimutan?
"Ayan tapos na ang paghilot ko sayo, bukas ko na lang tatapusin." Pagpapaalam ko sa kanya, mahirap na kapag tungkol na sa nararamdaman ang aming pinag-uusapan baka mamaya kung ano naman ang gawin ni Miguel sa akin.

"Dito ka muna aking Cristina, alam kong hindi ka pa matutulog." Muling hinawakan ulit ni Miguel ang kamay ni Cristina. "Nais na naman kitang halikan." Pinaglandas ni Miguel ang isang daliri sa mukha ng dalaga.

"Miguel.." Pangalan na lang niya ang nasabi ko bago tuluyan kong naramdaman ang kanyang mga labi.

Buong ingat na hinalikan ni Miguel si Cristina, nakakahumaling talaga halikan ang dalaga. At hindi siya doon nakuntento, inihiga niya ito sa malambot niyang higaan. "Hindi ako titigil sa paghalik sa 'yo hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung sino ba ang iyong natitipuhan." Ingat na ingat si Miguel na huwag madaganan si Cristina, salamat talaga at may kuryente na. Mas nakikita niya ito ng maigi.

"Hindi ko sasabihin, tumigil ka nga Miguel at baka may makakita sa atin." Naiilang ako sa aming posisyon, ako na nakahiga sa kama at si Miguel na nasa aking ibabaw.

"Kung hindi mo sasabihin ay hahalikan kita ulit." Sabi ni Miguel.

Agad kong tinukod ang kamay ko sa dibdib ni Miguel. "Tumigil ka nga Miguel.."

"Kung ganoon sino ang natitipuhan mo?" Ulit na tanong ni Miguel sa dalaga.

"I-ikaw, ikaw ang gusto ko."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co