Truyen3h.Co

Miguel Santillan (COMPLETED)

17

Maribelatenta



"Mag hunos dili ka nga Miguel! Huwag ka na munang pumunta sa Gobernadorcillo at baka ikaw ay mapahamak!" Awat ni Ernesto sa kaibigan, umuwi ito ng mansyon na galit na galit. Yon pala ay natuklasan na nito ang kahabag-habag na sinapit ni Cristina. Pinuntahan siya ni Feliciana sa kanilang tahanan at sinabing nalaman ni Miguel ang nangyari sa dalaga. At mga tauhan ngayon sa mansyon ay nag-aalala sa kung ano ang maaaring gawin ng kanilang Senyorito.

"Papatayin ko ang Gerardo na iyon! Nagkanda-letse letse ang relasyon namin ni Cristina ng dahil sa kanya. Tapos ganito pa ang malalaman ko na balita mula mismo sa ina ni Cristina! Hindi ako makakapayag na lamangan ng hayop na 'yon!" Agad kinuha ni Miguel ang kanyang pistol na nakatago sa aparador. Hindi siya makakapayag na hindi niya maiganti si Cristina, lalo pa at may munting anghel na nadamay sa kapangahasan ng Gerardo na 'yon!

"Miguel utang na loob makinig ka sa akin, huwag kang magpa dalos-dalos sa iyong desisyon, baka kung anong mangyari sa 'yo doon. Hindi isang simpleng tao ang kakalabanin mo, anak si Gerardo ng Gobernadorcillo!" Halos matalisod si Ernesto ng habulin niya si Miguel na pababa na ng hagdan.

"Wala akong pakialam kesehodang anak pa si Gerardo ng kung sino man, lahat ng baho ng pamilya nila ay alam ko Ernesto. At sinisiguro ko kayang-kaya ko kitilin ang buhay ng hayop na 'yon!" Yun lang at sumakay na si Miguel sa kanyang kabayo. Lintek lang talaga ang walang ganti!

●●●●●●●●●

"Miguel, iho. Magandang gabi! Anong sadya mo sa akin at naparito ka?" Nakangiting sabi ni Ginoong Narciso pagbaba niya sa kanyang sala, sinabihan siya ng maybahay niyang si Dolor na narito ang hacienderong si Santillan.

"Nasaan ang anak niyong si Gerardo? Ilabas niyo siya!"
Sabi agad ni Miguel.

"Si Gerardo? Bakit ano bang problema?" Agad itong tumingin sa kanyang maybahay. "Dolores tawagin mo nga iyong anak sa kanyang cuarto at hinahanap siya ni Miguel."

Pinalibot ni Miguel ang tingin sa loob ng pamamahay ng Gobernadorcillo, magarbo at alam mong mamahalin ang mga muebles na naroon. Hindi man galing sa nakaw alam niyang galing sa ilegal na aktibidades ang mga narito. Alam na alam niya yun dahil mismong ama niya ang nagkukuwento noon sa kanya.

"Ano ba ang sadya mo sa aking anak Miguel?" Tanong ulit ng Gobernadorcillo.
Sabay naman ng pag-panaog ni Gerardo sa hagdan na mukhang kagigising lang.

"Ikaw pala Santillan, anong sadya mo sa akin? At hinahanap mo daw ako. Gabi na at naparito ka pa dito sa aming tahanan." Turan ni Gerardo na ginising lang ng kanyang ina.

Agad namang nilapitan ni Miguel si Gerardo at inundayan ng suntok, lahat ng naroon kabilang na ang mga kasambahay ay nagulat sa ginawa niya.

"Sandali, sandali! Ano bang problema mo Miguel?" Agad hinarangan at tinulungang makatayo ni Ginoong Narciso ang anak na si Gerardo.

"Hindi ko alam na may anak kang demonyo! Alam mo ba ang kalapastanganan na ginawa ng magaling mong anak kay Cristina ha?" Galit na sabi ni Miguel.

"Cristina? Ang kasambahay mo sa mansyon?" Takang tanong ng Gobernadorcillo na naguguluhan pa din sa mga pangyayari.

"Dinala ni Gerardo si Cristina sa kakahuyan sa labas ng aking hacienda at doon ay muntik ng halayin kung wala lang nakakita! Anong laban ng isang dilag sa 'yo Gerardo? Hindi ka pa ba nakuntento na nasira ang relasyon namin ng dahil sa 'yo!"

"Hindi ko kasalanan na mabilis kang mapaniwala Miguel, dapat nga ay mag-pasalamat ka pa sa akin at hindi ko tinikman si Cristina sa loob mismo ng iyong mansyon." Saad ni Gerardo. "Napaka ganda pala talaga ni Cristina kahit ito ay natutulog, animo'y isang anghel na bumaba mula sa langit."

"Punyeta! Papatayin kitang hayop ka!" Agad binunot ni Miguel ang kanyang pistol sa tagiliran. Kanina pa siya nang-gigigil na paputukan ito.
Napaka-lapastangan talaga at pinagmamayabang pa ang katarantaduhang ginawa nito kay Cristina.

"Mag hunos dili ka nga Miguel, bitawan mo ang iyong baril." Awat ng Gobernadorcillo.

"Demonyo 'yang anak mo, at sinasabi ko sa 'yo makukulong 'yang hayop na 'yan o mapapatay ko!" Sabi na naman ni Miguel, naiisip niya ang itsura ni Cristina habang pinupuwersa ng Gerado na ito. At hindi niya lubos maisip na aabot sila sa ganito. 

"Totoo ba Gerardo ang binibintang ni Miguel sa 'yo? Anong ginawa mo kay Cristina?" Baling ng Gobernadorcillo sa anak.

"Buhay pa naman si Cristina, kaya ano pang sinisintir mo Santillan?"
Balewalang sagot ni Gerardo.

"Maaring nakaligtas si Cristina pero hindi ang munting anghel sa sinapupunan niya! Nag-dadalantao siya at ako ang ama!" Mabilis na pinutok
ni Miguel ang pistol kay Gerardo pero sa balikat lamang ito tumama. Agad naman itong dinaluhan ng inang si Dolor na umiiyak na.

"Iho de puta! Ipapahuli kita Miguel sa mga Guardia sibil!" Galit na sabi ng Gobernadorcillo matapos makitang mamilipit ang anak sa tama ng baril.

"Yan ang hindi mo magagawa, gusto mo bang malaman ng taong bayan ang kademonyohan ng anak mong si Gerardo? Kulang pa 'yan sa ginawa niya kay Cristina at sa magiging anak sana namin."

"Baka naman ang Cristinang iyon ang lumalapit sa anak ko Miguel, may pinag-aralan ang anak ko at alam kong hindi siya papatol sa isang mababang uri ng babae."
Saad ni Ginoong Narciso.

Muling nagpaputok ng baril si Miguel ngunit pinatama niya lamang ito sa plorerang nasa gilid ni Gerardo. "Alam natin ang kabastusan na ginawa ng anak mo noong bisperas ng pista sa aking mansyon, at maraming magpapatunay niyon. Kaya huwag niyo ng kampihan 'yang demonyo niyong anak."

"Gobernadorcillo ako Miguel baka nakakalimutan mo, kayang-kaya ko paikutin ang batas sa aking mga palad."

"Gawin mo kung gusto mo, hindi ako natatakot. Magkakalabasan tayo ng baho Ginoo, baka nakakalimutan mo din na alam ko lahat ng baho ng pamilya mo." Matapang na sabi ni Miguel. "Umpisahan natin sayong kerida na disinwebe anyos lamang. Hindi na kayo nahiya? Kasal kayong naturingan pero kaliwa't-kanan ang inyong puta. At paano na lang ang mga ilegal niyong negosyo? Ayaw niyo namang siguro na makarating ito sa mga nakaupong mataas sa Gobyerno." Nakangising turan ni Miguel ng makitang namutla ang Gobernadorcillo sa mga sinabi niya. "Hindi ako naging Santillan para kayan-kayanin ng kung sino lang, kaya huwag niyo akong hahamunin dahil kaya ko kayong labanan." Isinuksok muli ni Miguel ang kanyang pistol sa beywang bago tuluyang lumabas mula sa tahanan ng Gobernadorcillo.

Naiwan namang nagtatagis ang bagang ni Ginoong Narciso, hindi niya akalain na magagawa ito sa kanya ni Miguel, isang kabastusan ang ginawa nitong pagpasok sa kanyang tahanan at barilin ang kanyang anak. "Anong tinitingin-tingin niyo diyan? Tumawag kayo ng Doktor para magamot si Gerardo!" Sigaw niya sa dalawang kasambahay na naroon. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co