18
Short update. Goodnight .pa follow sa dreame, maribelatenta
Hindi halos nakatulog ng maayos si Miguel ng nagdaang-gabi. Ang kanyang isipan ay na kay Cristina. Nasaan na kaya ito? Kamusta na kaya siya? Ang dami-daming tanong sa kanyang isipan hanggang ngayong bukang liwayway na. Pero agad siyang napasilip sa bintana ng marinig ang pagdating ng kabayo, narito na si Ernesto. Baka may balita na ito kung nasaan si Cristina!
"Kumusta ang iyong pag-hahanap? May balita ka na ba kung nasaan si Cristina?" Tanong agad ni Miguel pag-pasok pa lamang ni Ernesto sa pintuan ng mansyon.
"Naalala mo si Simon? Ang binatang nagtitinda ng serbesa sa bayan? Siya ang tumulong kay Cristina." Pagod na naupo si Ernesto sa upuang kahoy na nasa sala, hinubad din niya ang suot na sumbrero at nilagay sa lamesita.
"Kung ganoon ay alam mo ang tahanan niya? Halika at puntahan natin siya!" Agad na sabi ni Miguel, siya ay nasasabik na makita ang dalaga.
"Pag-almusalin mo muna ako Miguel, baka mawalan na ako ng malay dahil wala pa akong tulog at kumakalam na din ang aking sikmura."
"Mamaya ka na kumain, bibigyan pa kita ng isang buong baboy kung gusto mo."
"Aba! Sige papayag ako, halika na kung ganoon." Nakangising sabi ni Ernesto, napakagaling talaga manuhol ni Miguel, alam niyang hindi siya tatanggi dito.
Pasado alas siyete pa lamang ay nakarating na sa bayan ng Santa Teresita sina Miguel at Ernesto. Pinag-titinginan at pinag-bubulungan si Miguel dahil sa ginawa nito sa anak ng Gobernadorcillo nang nakaraang gabi. Sadyang may pakpak nga naman ang balita.
Narating nila ang bahay ni Simon sa likod ng pamilihang Bayan, malaki ang bakuran at gawa sa purong kahoy ang buong bahay. Si Ernesto ang naunang bumaba ng kabayo na sinundan naman ni Miguel. At sa ilang pag-katok lamang sa tarangkahan ay may nagbukas na nito para sa kanila.
"Senyorito Miguel.." Buong pagtataka na tiningnan ni Simon ang kanyang mga panauhin.
"Magandang umaga, narito ako para sadyain si Cristina." Sabi ni Miguel.
"P-paanong nalaman niyo na narito si Cristina sa aking pamamahay?"
"May pakpak ang balita Simon, nakausap ko ang manggagamot na sumuri kay Cristina kagabi at sinabi niyang ikaw ang tumulong sa kanya." Si Ernesto na ang sumagot.
Walang nagawa si Simon kung hindi papasukin ang dalawa, kilala niya si Miguel at negosyante din ito katulad niya. Kayang-kaya nito maging tuso kung hindi niya ihaharap si Cristina.
"Ikaw na naman Senyorito.." Sabi ni Rowena na lumabas mula sa isang silid, ito ang ina ni Cristina.
"K-kumusta na si Cristina? Maaari ko ba siyang makausap?" Hindi mapakali na tanong ni Miguel.
"Kagigising niya lang Senyorito, at inaapoy na naman siya ng lagnat kagabi."
"Gusto ko siyang makita."
Huminga muna ng malalim si Rowena bago pinagmasdan ng maigi si Miguel. Halatadong walang tulog ang Senyorito dahil nangangalumata ito. Nagdadalawang isip siyang ipakiusap ang anak niya, alam niyang hindi pa handa si Cristina. Pero alam din niyang hindi papayag si Miguel na hindi makausap ang anak. "Pagbibigyan kita ngayon Miguel, pero tandaan mo hindi mo maaaring awayin ang anak ko."
Agad tumango si Miguel.
"Sige na pumasok ka na." Sabi ni Rowena at umalis na sa harap ng pintuan.
Naabutan ni Miguel na nakahiga si Cristina, at nakatingin sa bintana. "C-Christina.."
Napalingon ako sa nagsalita, sandali. Maayos pa ba ang aking mga mata? Si Miguel ba ang nakikita ko? "Miguel.."
Walang sabi na niyakap ng mahigpit ni Miguel ang dalaga. Sa wakas at nakita niya na din ito! "Pinag-alala mo ako ng labis Cristina! Patawarin mo ako, p-patawarin mo ako."
Tinitigan ko ang kanyang mukha, hindi ko akalain na makikita niya pa ako. Matapos ng nangyari sa akin nais ko na lamang umalis sa Bayan na ito at pumunta kami ng aking ina sa ibang lugar para magbagong buhay.
"Hindi mo man lang pinakinggan na hambog ka." Sabi ko sa kanya, nakakainis at parang lumalambot ako pagdating sa lalaking ito.
"Alam ko na ang nangyari sayo, at patawarin mo ako kung hindi man lang kita natulungan." Hinaplos ng marahan ni Miguel ang mukha ni Cristina, kapansin-pansin pa sa mukha nito ang mga pasa, pati ang labi nito ay namamaga pa din. Lalo siyang nakaramdam ng galit kay Gerardo, at sa susunod na mag-krus ang landas nila ay tutuluyan niya na ito!
"Alam mo na ang nangyari sa akin? Sino ang nagsabi sa 'yo?" Takang tanong ko sa kanya.
"Hindi na mahalaga kung sino ang nagsabi Cristina, ang mahalaga ay nadaplisan ko si Gerardo kagabi."
"N-nadaplisan? Ang ibig mong sabihin ay binaril mo siya?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Pumunta ako sa tahanan ng Gobernadorcillo kagabi ng mabalitaan ko ang nangyari sayo. Sa susunod ay tutuluyan ko na ang Gerardo na 'yon!"
Napaawang ang aking mga labi, kung ganoon ay sumugod pala siya kagabi sa Gobernadorcillo? At marahil ay nagka-gulo doon! "H-hindi mo na sana ginawa 'yon Miguel baka kung ano ang gawin sa 'yo ng Gobernadorcillo." Nag-aalalang sabi ko sa kanya.
"Buhay ang kinuha nila sa atin at dapat buhay din ang kapalit. Kinuwento na sa akin ng iyong ina ang tungkol sa munti sana nating anghel. Marahil ay hindi mo din alam na ikaw ay nagdadalang-tao?"
Tumango ako sa kanya, naalala ko na naman tuloy kung gaano kasakit ang naramdaman ko habang ginagamot ako ng manggagamot. Napakasakit, parang may kung anong pinupunit sa loob mo. "H-hindi ko talaga alam Miguel na nagdadalang-tao ako, kung alam ko lamang m-marahil ay hindi ako umalis sa mansyon mo kahit pinapalayas mo na ako."
"At iuuwi na kita sa mansyon Cristina, hindi ako aalis dito na hindi kita kasama at madami pa tayo pag-uusapang dalawa."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co