Truyen3h.Co

Mistakes

Chapter 30

frezbae


Chapter 30
Lost my appetite

Nakakagat ako sa kuko ko habang tinitingnan ang binigay sa akin ni Damon na black tube dress. May pares iyong pearl earrings na alam kong mamahalin.

Tinititigan ko palang ang damit ay naiimagine ko na ang mangyayari mamaya. Bagay kaya sa akin ito? Pinilig ko ang aking ulo at nilagay sa kama ang dress at pares na stilletos nito.

Nagtext muna ako kay mama na may dinner kami ni Damon kaya gagabihin ako.
Tulad ng dati ay naglinis muna ako ng bahay. Nagluto ng hapunan para kay mama. Nag laba na din ako ng aking uniform. Saktong natapos ako ay alas sais na.

Pawis na pawis ako na pumasok pabalik sa aking kwarto.Kakaiba ang kaba ko ngayon ang dami kong naiisip na mangyayari mamaya. What if,hindi ako gusto ng mamaya niya? What if ,suplada ang mamaya niya? Oh god,' wag naman sana.

Dahil alas syete ako susunduin ni Damon ay madalian akong naligo. Nagtapis ng tuwalya ng lumabas. Pinatuyo ang aking buhok ng blower,naglagay ng moisturizing lotion.

Sinuot ko ang dress na may foam na pala sa dibdib kaya hindi na pala kailangan ng bra.

Saktong sakto ito sa akin.Nakangisi ako habang minamasdan ang aking katawan sa tokador. Hanggang itaas ng tuhod ko ito.

Sinunod ko ang aking buhok at dito ako nahirapan ng sobra. I tried to ponytail it pero hindi ako nagandagan sa resulta. I pouted at naghanap ng electric curler sa drawer. Ang alam ko matagal na ito pero itatry ko kung gumagana pa.

Sinuklay ko ang aking buhok at kumuha ako ng hibla at inikot sa electric curler. Pinatagal ko ito doon at nang kinalas ko ito doon ay kumulot iyon! At ang ganda tignan!

"Ang galing!" I giggled at inulit ulit pa sa ibang naiwan na hibla. Na aliw ako sa pagku-curl ng buhok at hindi namalayan ang oras at napapitlag nalang ng may bumusina sa labas.

"Shit!" agaran ang pag tayo ko at tinignan ang sarili sa salamin.Napangisi ako. God! Ang ganda ko! Parang hindi ako!

Nang marinig ang katok sa pinto ng bahay ay kinabahan na ako sa magiging reaksyon ni Damon sa akin. Humugot ako ng malalim na hininga at kinuha ang pouch na black ko na may lamang konting pera at cellphone ko.

Parang mapapaupo ako sa sobrang kaba ng lumabas ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan at nilapitan ang pinto.

I opened the door and there I saw Damon wearing a black long sleeve at slack. Napansin ko na nagpagupit ito pero nanatili ang shave sa kaliwang gilid nito.

Pinasadahan ako ng tingin.Hanggang sa tumama ang aming tingin.

"A-Alis na tayo?" sabi ko at ngumiti.

Napatingala siya at nakita ko ang pag angat ng gilid ng labi niya.

"Ang ganda mo." Inangat nito ang dalang bulaklak na may tsokolate

"Thanks!" kinuha ko iyon. "Ilalagay ko lang sa loob." umalis ako doon at nilagay sa bakanteng vase ang bulaklak at nilagay sa ref ang tsokolate.

Nakahilig na ito sa pinto at nakapamulsa mas lalong nadepina ang tangkad nito.
Naobserbahan ko lang na silang apat na magpipinsan ay mga matatangkad . Gusto ko tuloy isipin na may mga lahi ang mga to? Pero wala naman. Si Don Raymundo ay pure Pilipino 'ganon 'rin si Ma'am Sonya. Talagang nag gagwapuhan lang ang mga ito siguro.

Ang alam ko kasi kay Damon ay nag lilift siya ayun sa narinig ko. Nakita ko na 'rin siya noon na nag push ups sa gym at parang sanay na sanay na siya.

Mahigpit ang hawak ko sa aking pouch habang nasa byahe kami.Tulad ng kanyang nakagawian ay hawak hawak niya naman ang aking kamay habang ang kaliwa niya ay hawak ang manibela.

"You're tense." anito at pinisil ang aking kamay.

"Paano kapag ayaw ng mama mo sa akin?" Napatingin ako sa kanya.

"Gusto kita wala siyang magagawa." Seryosong sabi nito.Sabi kasi ni mama sobrang sopistikada daw ang mama ni Damon dahil minsan na nilang nakasabay iyon noon. Magka batch daw sila at nasaksihan ni mama kung paano nagkagusto si Ma'am Sonya kay Don Raymundo na patay na patay kay Donya Christina.

So,love triangle sila noong college hanggang sa naging secretary ni Don Raymundo si Ma'am Sonya.

Iba rin pala ang pag ibig ni Donya Christina kay Don Raymundo dahil kahit nagkasala ito ay hindi niya hiniwalayan. Sabi ni mama ay binigay daw lahat na gusto ni Damon sa kanya. Hindi raw humarang si Donya Christina doon. Gusto pa nga raw nito na sa kanila na patirahin si Damon pero ayaw daw ni Damon.

''We're here." napatigil ako sa pag iisip ng tumigil kami sa isang basement ng isang high end hotel.

Pinagbuksan ako ni Damon ng pinto at hindi ko na mapaliwanag ang kaba ko.

Hinalikan ako nito sa noo. "Lets go.."

Tumango ako. Hinagis lamang ni Damon sa valet ang kanyang susi at tinungo na namin ang lift pataas. Hapit ako nito sa baywang at ramdam ko ang init ng kanyang katawan.

"Hungry?" Tumango ako.

"Magsalita ka,please.."

Tumawa ako at umiling. "Ninenerbiyos lang ako."

"Ako ang bahala,trust me."

Tiningala ko siya at napatingin sa labi niya.

"I trust you." Napapikit ako ng pinatakan niya ako ng halik sa labi.

"Good girl." He whispered.

Bumukas ang lift kaya medyo napalayo ko kay Damon dahil baka may tao at hindi ako nagkakamali. Dalawang babae ang mapanuring nakatingin sa amin.
Yumuko ako.

"Hi! Damon!" Malambing na boses ng babae.

Damon nodded.

"Naparito ka?" Sabi ng isa.Kilala pala sila ni Damon.

"Dinner with my mom."

"Oh, Girlfriend?" Sabi ng bumati kay Damon.

"Yes.." sagot ni Damon.. "We'll go ahead.."

"Oh! Sure.." Lumabas kami ng lift na mabilis na ang kabog ng dibdib ko.

Hawak hwak ni Damon ang aking baywang. At binuksan ng isang lalaki ang kulay puting pinto.

Bumungad sa amin ang mabini na musika ng violin.

May buffet sa gilid na puno ng appetizers. At sa mahabang mesa ay nakita ko ang isang babae. I think her age is in forty's. She must be Damon's mother.

She's wearing a beige offshoulder dress paired with gold necklace and earrings.

I saw her one eye brow shot up. Sobrang maldita nitong tingnan. Her lips were red and she has a perfect cheek bones.

"Son." tawag nito kay Damon.

"Good evening ma." Malamig na sabi ni Damon at hinalikan ito sa noo.

"G-Good evening po.." bati ko at hindi makaangat ng tingin.

"Have a sit please." even her voice were sophisticated.Pinaghila ako ng upuan ni Damon at tumabi 'rin siya sa akin.

"Is the room okay for you son? This is the most fine room they have here.." anito kay Damon.

"It's fine mah." tiningan niya ako. "This is Zandria my girlfriend ma.Baby, my mom."

I smiled.

"Nice to meet you , hija.." ngumiti siya sa akin.

"A-Ako 'rin po." Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay nag uusap sila tungkol sa negosyo.

"You should tell your dad that you'll pursue the company Damon.."

Sumimsim si Damon sa kanyang alak.

"He want Sebastian for the company ma. I can start with my own."

His mom gasped. "The M Empire Company ay dapat sa'yo Damon.Hindi yung HMC lang."

Padabog na binaba ni Damon ang kanyang kubyertos at naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa baywang ko.

His mother pressured him so much.Kung sa akin ay okay na ang HMC e'.Malaking kompanya na iyon.Bakit pati ang M Empire 'rin?Pero wala naman akong right na manghimasok.

"Ma we're eating, please.." ramdam ko ang pagtimpi sa boses ni Damon.

Nakitaan ko naman ng takot ang mata ni Ma'am Sonya pero pinalitan niya iyon ng ngiti at bumaling sa akin.

"How about you hija? What's your family business?Company? Airlines? Hotels?"

Napalunok ako at wala akong mahagilap na sagot dahil wala kahit isa!

"Ma.." Damon warned.

Nagkatitigan silang dalawa gamit ang mga seryosong mata.Unang bumitaw si Ma'am Sonya.

"We'll talk later son.." aniya at kumain na ulit.Bumaling sa akin si Damon at hinalikan ako sa noo.

"Eat,baby.." tinuro nito ang pagkain sa aking harap.

Honestly, I lost my appetite. Sa tingin ko hindi ako gusto ni Ma'am Sonya kay Damon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co