Chapter31
Chapter 31
Unwind
Buwan ng September na. Naka enrol na ako sa aming second sem. Si Damon lahat ang nag asikaso 'non at gaya nang sabi niya binayaran na niya ang buong taon ko dito sa HMU. Kaya wala na akong babayaran.
And now I'm wondering kung magkano lahat ang nabayad niya?
There are times na nakikita ko si Damon at Venice. Pero wala naman akong makitang mali doon. Nag uusap lang naman sila.
Hindi na din ako ginagambala ni Ven pero kung makatitig siya sa akin ay parang sasaksakin niya ako sa pamamagitan ng tingin. Sa mga dumaang araw ay nagkakilala silang mabuti ni mama at Damon.
Nakakatuwa talaga sa pakiramdam na maging espeyal sa buhay ni Damon. He made me feel so special.
Pawis na pawis ako habang nilalagay sa oven ang mga konting cookies na ginawa ko.
'Eto yung naging libangan ko nang lumabas si Damon ng bansa. Kasama daw niya si Sebe doon. Business matters daw. They will represent the HMC and M Empire sa buong Asya. Their company is slaying in the Industries. Hindi lang sa Pilipinas sa ibang bansa rin.
Magaganda naman kasi ang kanilang mga Hotels at Resorts at ang alam ko meron rin sila sa ibang bansa. Meron din daw silang mga Airlines abroad kaya madalas ang pangingibang bansa ng kanilang ama.
Two months na siya doon sa New York. Gabi na siya palaging tumatawag sa akin. Miss na miss ko na siya.
Nilisan ko ang buong kusina dahil may mga natirang harina pa. Nakapaghugas narin ako ng mga pinggan nang biglang magring ang aking cellphone.
Napatingin ako doon at nagpunas ng kamay na basa at pinulot ang cellphone ko sa mesa.
Si Ryle? Naalala ko iyong hindi ko pagpunta sa birthday niya at sabi ni mama nagtampo daw ito..
I sighed at nilagay sa tenga ang aking cellphone.
"Hello." sagot ko.
"Hi! Zand.." masigla ang boses nito.
"Napatawag ka Ryle?"
"Grabe ka naman buhangin.Ganyan kana pala ngayon. Nagka boyfriend kalang 'e mailap ka na sakin." tumawa pa ito.
Napanguso ako at umupo sa upuan. "Sorry talaga Ryle ha? May mga bagay kasi na nagbago na e."
"I understand naka chat ko nga si Ruru nagyaya na mag bar daw."
"Bakit naman?" Tanong ko.
Napatawa si Ryle. Kahit noon pa palatawa na talaga siya e. "Ewan ko, ano ba nangyari 'don?"
"Alex and her..broke up.."
"Oh? by the way may pupuntahan pa pala ako. Send my regards to tita Rosalinda. "
"Okay.."
"Bye,buhangin.."
Napahalakhak ako. "Ewan ko sayo.."
Tinapos ko ang tawag at kinuha ang cookies sa oven dahil luto na ito.Dahil wala naman si mama at wala akong gagawin ay dadalaw ako sa bahay nila Ruru.
Kakausapin ko siya kung bakit nagyaya magbar. Nagbihis ako ng sleeveless top at skinny jeans. Nang matapos ay nagtipa muna ako nang message para kay Damon. Nakita ko kasi na nasa isang event sila sa New York.
Sa picture ay katabi niya si Sebe at papa nila. Gusto kong matawa dahil parehong seryoso ang tatlo.Ewan ko kung sino ang kumuha ng pic nila. Parang triplets sila nagaguwapuhan pa.
To Damon': You're so hot. I miss you.
Sinend ko iyon at nilagay sa aking bag para makalabas na nang bahay. Nagtaxi ako patungo sa Villa village nila Ruru. Kadalasan na wala ang mama at papa niya. May kaya naman sila sa buhay meron silang negosyong Casino sa ibang bansa kaya siya palaging nag iisa sa bahay nila.
Nang huminto sa malaki at mataas na kulay pula na gate nila ay lumabas na ako ng taxi pagkatapos kong magbayad.
Pinindot ko ang doorbell at agad naman akong binuksan ng kanilang katulong na kilala ko na noon pa.
"Magandang araw miss Zands." Sabi ni Nena. Ahead siya sa akin nang apat na taon bata pa naman ito.
Ngumiti ako. "Magandang umaga din po. nandiyan ba si Ruwela?"
Napanguso agad si Nena. "Oo,nasa loob may bisita rin e, pasok ka."
Bisita? Pumasok ako at tinungo ang kanilang sala.
"Maiwan na kita miss ha? Naglalaba pa kasi ako sa likod."
Tumango ako. "Opo ako na ang maghahanap sa kanya.."
Tumango ito at umalis.Napanguso ako habang minamasdan ang buong sala. Nahagip ng tingin ko ang pictures namin noon ni Ruru , noong highschool pa kami.
Nang hindi siya makita sa buong sala ay tinungo ko na ang kwarto niya. Noon paman kung hindi ko siya makita dito sa baba ay umaakyat ako sa kwarto niya sa taas.
Malaki ang bahay nila kaya palagi kong nauuna ang kanyang kwarto. Minsan naabutan ko siyang natutulog. Minsan nanunood ng Netflix.Ngayon hindi ko pa alam.
Nasa pinaka last na pinto ang kwarto nito at tinungo ko iyon Nasa mga kamay ko ang box ng cookies na binake ko kanina. Siguro manonood kami ng movie dito sa kwarto niya at kakainin ito.
Nakangiti kong binuksan ang pinto at halos maihulog ko ang box ng cookies sa nakita ko.
Si Ruwela ay nakahiga at nakabukaka sa kanyang kama habang may lalaki sa kanyang ibabaw.
Dahil sa nasaksihan ay halos hindi ako makagalaw napako yata ako sa sahig.
Nakatingala si Ruru at mahigpit ang hawak sa unan habang binabayo ng walang kupas ng lalaking hindi ko kilala at sigurado akong hindi ito yung guy na ka date na kahapon. Noong isang araw lang ay nagbreak daw sila ni Mark dahil bored na daw siya doon.
Malakas silang nag uungolan at kaharap ko pa ang likod ng lalaki kaya kita ko ang bawat igting ng pwet nito.
What the hell!
Tumakbo ako pabalik pababa na hindi nasasara ang pinto. Hingal na hingal ako ng maabot ko ang gate nila at napahilig doon habang hawak ang aking dibdib.
Halos sabunutan ko ang sarili dahil sa nakita. Anong nangyayari kay Ruru bakit na siya ganon?
Hindi siya ganito noon e. Siya pa nga nagsasabi sa akin na dapat ibigay ang mahiwagang perlas sa lalaking makakasama habang buhay.. but now?
Hindi ko maialis sa isip ko habang nakahiga na ako sa kama gabi na at indi pa ako nakatanggap ng text or tawag galing kay Damon siguro pagod siya?
Nang mabored ay nag facebook ako. Hindi ako mahilig sa mga ganito e. Pero try ko ngayon.
Inayos ko ang buhok ko at nagselfie.
Nasa unan ang aking mukha at medyo naka sideview at nakangiti. Nakadepina ang tangos ng ilong ko at kurba ng aking kilay.
In-upload ko iyon at nilagay ko doon ay.
"I miss you.."
Nang matapos ay nagscroll ulit ako at nahagip ng tingin ko ang isang picture binalik ko ulit doon dahil nalagpasan ko.
Parang pinunit punit ang aking puso.
Nakangiti si Damon at Venice habang nakakawit ang kamay ni Venice sa siko nito.
Ang nilagay doon ni Venice ay. "Back in my arms.." heart heart pa ang sunod.Shit..
Agad kong inexit ang facebook at hinagis sa kabilang bahagi ng kama ko at napahilamos ng mukha gamit ang palad.
Nangilid agad ang aking kuha. Magkasama sila?pero hindi ko alam at hindi sinabi sa akin ni Damon!
Marami na ang pumapasok sa aking utak hanggang nakatulugan ko na iyon.Narinig ko pa bago ako tuluyang makatulog ang pag ring ng aking cellphone pero hindi ko na iyon pinansin.
Nang magising sa umaga ay wala akong gana. Pero dahil may pasok ay naligo ako.
Hindi ko na pinansin ang cellphone ko na ring lang ng ring.
Hindi ko kaya ang kausapin siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Baka kung sasagutin ko lang baka hindi pa ako nagsasalita ay maiiyak na ako.
Pinatay ko ang cellphone ko at nagjeep papuntang school. Hindi pa nag time ay pumasok na ako sa room at nakitang nandoon na si Ruru sa tabi ng silya ko.
She pouted when she saw me at gusto kong umirap.
"Hi." bati niya.
"Hi your face.."walang buhay na sabi ko..
She groaned. "Sorry, nandoon ka ba kahapon?" Napangiwi pa ito at tiningnan ko lang siya nang seryoso.
"Oo.."Napalayo siya ng tingin na tila may iniisip.
Sige mag isip ka! Kung nakita ba kita! Jusko. Kung mabuntis to! Ewan ko lang.
"Gumagamit kaba ng protection Ru?"
Nagulat yata siya sa tanong ko at napabaling sa akin pero agad naman itong ngumisi.
"Of course! Ayokong mabuntis no! Nasa pills ako ngayon.."
What ever.
Mabilis umusad ang araw at alas tres na nang hapon.Tila pareho kaming trip ngayon ni Ruru ay nagpaka senti kami sa harap ng soccer field.
Nakahilig kami sa backrest na kahoy ng bench at nakatingala sa langit.
"You saw the pic?" Biglang tanong nito..
Tiningnan ko siya pero binalik sa kalangitan ang tingin ulit.
"Oo.. "
"That bitch, assumera masyado. 'Wag kang maniwala.Ask Damon first."
Mapait akong ngumisi. Ang galing niyang magsabi pero ang buhay niya hindi niya maayos.
"Ang galing mo mag advice hindi mo naman ma apply sa lovelife mo. "
"Wala akong love life no.." sabi nito..
Pareho parin kaming nakatingala sa maliwanag na kalangitan. Salamat sa malaking puno at hindi kami naaarawan.
"Anong tawag mo 'don?"
"Fling lang.Pang palipas oras."
"Hindi mo ba naisip Ru? May pag asa pa kayo ni Alex dahil hindi pa siya kasal ng tuluyan. Paano kung babalikan ka niya at malamang ganyan kana? Tingin mo babalik pa siya sayo na marami na lalaki ang---"..
"He won't come back..." Putol nito sa akin.Nakita kong nangilid ang luha nito..
"Dont be like that. Tingnan mo sarili mo ngayon."
"This is me now Zand.Mas naeenjoy ako sa ganito.."
Umiling ako at kinuha ang aking cellphone at hinayaan si Ruru na magpunas ng luha niya.Nag open ako nang cellphone at nag facebook.
Nagulat ako ng maraming notif yung picture ko na pinost kagabi! Maraming nagpuso 'non at karamihan ay lalaki! Naka three hundred likes ang pictures ko kasama na ang mga nagpuso.
Seriously ? Noon ay marami na sakin ang fifty likes e! Madami nagcomment doon at mga lalaki ang iba.
"Angel from above,so pretty"
"Be mine please"
"Shit! How to be your po?'
"Nakaka adik si ateee!"
"Number please."
"She's my girl fuck off." si Damon ang nag comment ng pang huli at wala nang may nag comment pa na iba doon.
What the hell!
"Zand!"
Nabigla ako sa tawag ni Ruru.
"Ano?"
"Mag bar tayo tonight please.Promise uuwi tayo ng maaga."
Umiling ako. "Damon and I were not in good terms. Baka mas lalo lang gugulo."
"Hindi niya malalaman! Wala siya dito eh?"
"Hindi talaga pwede eh."
Umirap ito sakin at humalukipkip.
"Fine! Bahala ka magpaparape ako sa mga lalaki doon . Sasama ako sa mga lalaking mga guwapo doon.."
"Ewan ko sayo Ru." Napamura ako.
"Please Zand?kaya nga isasama kita para bahave lang ako e.Uuwi tayo ng maaga.Please."
Bumuntong hininga ako.
"Fine! Nine o'clock uuwi na tayo ha?"
"Ten," anito.
Umirap ako. "Okay," Pumalakpak ito.
I think it's okay naman kung mag unwind kahit sandali.I am eighteen and I can handle my self. Hindi naman ako iinom at hindi pa naman uuwi si Damon.Siguro nag eenjoy doon si Venice dahil patay na patay iyon kay Damon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co