Chapter 33
Chapter 33
I'll do the right thing
Hawak niya ang aking baywang palabas ng Prime Nite. Wala siyang imik mula pa ng hilain niya ako palabas. Kumakalabog ang dibdib ko sa kaba. Miss na miss ko siya at gusto ko siyang makita pero hindi sa ngayon.
"Damon, si Ruru.." naalala ko si Ruru.Hindi naman ito nagsalita at nakita ko sa hindi kalayuan ang kotse ni Alex dahil nakita kong sapilitan niyang pinasok doon si Ruru.
Nanahimik ako ng makita iyon. Kahit paano nawala ang pag aalala ko. Si Alex ang ex ni Ruru. Si Alex ang dahilan kung bakit nagrebelde si Ruru. So ,sana si Alex ang makakagamot nito.
Nakapark ang sasakyan ni Damon sa gilid lamang ng sasakyan na inuupuan ni Radleigh at Clinton. Si Rad ay may kasama nang babae. Nakahawak siya sa baywang nito habang nakatayo sa harap niya ang babae at umiirap sa kanya habang si Rad naman sa nguso ng kotse nito. Si Clinton naman ay walang 'pake doon at nakatutok lamang sa cellphone at may earphone sa tainga.
"Ewan ko sayo Rad! Bwesit ka!" sabi ng babae na nadinig ko habang palapit kami.
"Frix baby,I'm sorry. Alright?" Malumanay na sabi ni Rad.
Pero napangisi si Rad nang makita kami ni Damon.
"Found her, finally." he teased.
"We have to go.." malamig na sabi ni Damon.Padabog namang tumayo si Clinton na tila galit sa katext nito.
"Alis na rin ako." Sabi ni Clinton at umalis.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Damon at nakita ko pang umigting ang panga niya ng masulyapan ang hantad na hita ko.
Pumasok agad ako dahil sa kaba at inayos ang seatbelt.Pumasok rin agad ito. Sakto din na nagring ang cellphone ko sa text ni mama.
Kinuha ko iyon at binasa.
"Qluie Zandria.." banta ni Damon at 'ramdam ko ang ngingit niya.
"Inuwian kita at nalamang nasa bar ka at ngayong kasama kita may katext ka? Wow." sarkasmo ang boses nito.
Umiling ako.
"Si mama to Damon."
Hinilot nito ang sentido niya. He look so tired. Anong oras kaya itong dumating?
"Replyan mo na sakin ka matutulog. Tatawagan ko siya mamaya." mahinahon na sabi niya saakin ngayon.
"M-May pasok bukas--" alibi ko na pinutol na niya.
"Don't make me mad..." sabi nito at pinaandar ang makina bago mabilis na pinatakbo ang ang kotse niya.
Napahawak ako sa sariling upuan dahil sa kaba. Sinusulyapan ko siya minsan kung mag oovertake. Seryoso lamang siyang nakatingin sa harapan at umiigting ang panga.
I cleared my throat hindi na pinansin ang mabilis niyang pagtakbo ng sasakyan.
"Anong oras ka dumating?"
"Three hours ago." malamig na tugon nito.
Nanahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko alam e. Hindi ko alam na uuwi siya ngayon! I felt guilty! Dapat pala natulog na lang ako sa bahay! Tsaka paano niya ako nahanap?
Gusto ko siyang tanungin pero dahil sa nakita kong pagod niya hindi ko nalang tinanong.
Hanggang nang magpark siya at sa lift ay tahimik lang kaming dalawa pero tulad nang dati, hapit niya parin ang katawan ko kaya amoy na amoy ko ang mamahaling pabango niya.
Nang nasa tamang palapag ay agad naming tinungo ang pamilyar na pinto ng kanyang suite. Isang swipe lang nang card niya doon ay agad iyong bumukas at kasabay ang ilaw doon.
Nauna akong pumasok doon sa sala niya ramdam ko lamang nasa likod ko siya. Im sweating bullets. Namamawis rin ang aking kamay.
Tinungo ko ang itim na sofa niya nang may makita doon. Napaawang ang labi ko.
A human size teddy bear na kulay puti at nakaupo ito sa sofa. May bulaklak rin na kulay pula at nasa loob 'non ang pang ibang bansa na tsokolate.
May dalawang paper bags ng chanel at dalawang paperbag 'rin nang Hermes. May iba pang supot doon na pangalan ay Volcum na alam ko ay brand ng damit!
Nilingon ko siya at nakitang wala na siyang pang itaas at natira ang slack nito. Sobrang kisig niya at nadagdagan pa ng kanyang tattoo sa dibdib at braso.
"A-ano to?" parang tanga kong 'tanong at tinuro pa ang mga nasa harap ko.
"Happy Monthsary..." Sabi nito . Napaatras ako sa paglapit niya pero dalawang hakbang lamang iyon at naramdaman ko na ang likod ng sofa kaya wala na akong maatrasan.
He put his hand sa magkabilang gilid ko. Medyo yumuko siya para maglebel ang aming paningin . Pero dahil sa kaba ,hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.He's too hot! Hindi ko na alam ang gagawin ko!
Nakokonsensya ako. Monthsary namin kaya siya umuwi kaya siya madaming pasalubong sakin?
"H-Happy Monthsary.." napangiwi ako dahil sa katangahan ko.He nodded and lick his lips. Hindi mawala ang seryoso sa kanyang mukha.
"You forgot?" Anito.Napatingin ako sa kanya.
"Sorry hindi ko na talaga naalala kasi g-galit ako sayo.." naalala ko iyong nakita kong picture sa facebook nila ni Ven.
"Bakit ka galit?" Anito.Unconsciously I touched his arms. Ramdam ko ang tigas 'non 'ganon din ang ginawa ko sa kabila.
Kita ko ang pagdapo ng tingin niya sa paghawak ko doon sa kanya.
"Nakita ko iyong picture niyo ni Ven magkasama pala kayo doon pero okay lang." Kasing pait na ampalaya na sabi ko.
Isang higlap lang ay napatili ako ng buhatin niya ako at umupo siya sa sofa at iniupo ako sa kandungan niya ng patagilid.
Pinasadahan ko nang tingin ang mga pasalubong niya. Grabe, nalulula ako sa kamahalan nito!
"Hindi kami magkasama she represent their company kaya nandoon din siya. May nag picture sa amin doon pero marami kami. Ewan ko kung bakit kaming dalawa lang ang nasa post niya."
Gumaan ang pakiramdam ko.
"And you did'nt answered my calls." Marahan kong pinasadahan ng kamay ang dibdib niya at tumindig ang balahibo ko nang mahagip ng palad ko ang nipple ng dibdib niya.
I saw him gulped. "Busy ako sa pagpili ng pasalubong sayo 'no n ,Zandria." aniya sabay hawak ng kamay ko at itinabi iyon sa aking hita.
"It's my turn now." He tucked some strands of my hair.
"Anong ginagawa mo sa ba?" Anito at nagsimulang magpatak ng halik sa aking balikat. Napakagat labi ako.
"Sinamahan ko si Ruru.." Lasing na ako sa kanyang ginagawa. Alam kong pareho kaming nararamdaman ngayon. Kung sa akin lang handang handa kong ibigay ang sarili ko sa kanya. Pero makapal ang timpi yata ni Damon at hindi ko iyon kayang tibagin!
Hindi ko na kinaya hinalikan ko siya.Habang naghahalikan ay pinarte niya ang hita ko, pinaharap sa kanya.
Sumentro ang aking pagkababae sa kanyang umbok. "Damon please.." Bumaba ang halik niya sa aking leeg. Sumipsip at kumagat kagat siya doon.
Umungol ako sa sensasyong kakaiba.Inabot ko ang zipper ng kanyang slack. Pero agad niyang nahawakan ang kamay ko at pinigilan iyon.
"Please."
"Galit pa ako mas lalo kalang masasaktan." Napanguso ako ng maintindihan ang kanyang sinabi.
"Natural lang naman yun di'ba?"
Humalakhak siya at hinalikan ang tungki ng aking ilong.Nilingon ko ulit ang mga pasalubong niya.
"Ang dami naman niyan Hindi kana sana bumili.." sabi ko.
"Mas mahal kita kaya ko iyan binili." Pinaupo niya ako sa sofa at kinuha ang bugkos ng rosas na may tsokolate pa.
Parang model siyang bumalik ng lakad sa akin at umupo sa aking tabi.
"Tikman mo." Inabot niya sakin ang bulaklak. Ngumiti ako sa kanya at kinuha ito . Kinuha ko doon ang tsokolate na kulay ginto ang balot.
Nang nabuksan ko na ang balot nito ay may nakita akong kakaiba sa loob. Nakayakap ito sa tsokolate.
Hindi ko alam kung anong pakulo ito ni Damon pero kakaiba ang kabog ng dibdib ko.Gusto kong umiyak sa saya! Napanood ko na ito dati sa isang movie pero hindi ko talaga akalaing singsing ang laman nito!
"Oh god!" I gasped and looked at him.
He nodded and took the ring.Simpleng white gold iyon na sobrang makintab! Alam kong mamahalin yon.Lumuhod siya sa harap ko habang ako ay nakaupo sa sofa.
Kinuha niya ang kamay ko at pinadausdus doon sa ring finger ko ang singsing...kasyang kasya iyon! Parang sumabog ang dibdib ko sa sobrang saya.
"You're not allowed to say no." Seryosong sabi niya. Kung ang iba ay madami pang sinasabi magpropose sa kanya ay iba tila utos iyon na dapat sundin.Nanlabo ang mata ko at napakagat sa labi kong nanginginig.
Tumango ako at napahikbi.Kita kong kinagat niya ang labi niya at napangiti.
Sa sobrang saya ay umiyak lamang ako.
"Ito yung pinaka unang may binigyan ako ng pasalubong na babae. Ikaw 'yong pinakaunang babaeng dinala ko dito sa condo ko. Ikaw 'yong pinakaunang babaeng niligawan ko.Ikaw 'yong unang babaeng nirespeto ko.." Hinaplos niya ang aking pisngi at pinunasan ang aking luha.
Pumikit siya ng mariin.
"I hate dramas.."
Napahalakhak ako sa kanyang sinabi.
Yakap niya ako habang bahagyang naiilawan kami buwan na sumisilip sa kurtina ng bintana. Patay ang ilaw at may konting liwanag galing sa lampshade.
Tinaas ko ang aking kamay na may singsing at muling pumatak ang aking luha.
Hindi ako pinatulog ng proposal ni Damon. Habang siya ay mahimbing na nakatulog at yakap ako.
'Yong pasakit at mga naluha ko noon na nakikita siyang tinatapon ang ginawa kong cookies o' di kaya pinapakain sa pinsan niya.'Yong nakikita ko siyang may ka lampungan na babae.Lahat ng naluha at sakit ay ito na iyong bunga. Ito na 'yong sukli nang paghihirap ko..
"My sched is hectic today.Just call me if you need something okay?" Kanina pa kami dito sa harap nang bahay at hindi ako makalabas labas dahil sa paghalik halik niya sakin.
"Okay.."
"Wag ka nang pumasok ako na ang bahala.."
"Okay.." Bago pumasok ng gate ay nilingon ko pa siya at nginitian.Napaawang ang labi niya habang minamasdan ako sa nakabukas niyang bintana.
Ngumiti ito sakin.
"Ang ganda mo.Pumasok kana, utang na loob.." pilyo nitong sabi kaya napatawa ako.
Wala akong ginawa kundi ang maglinis ng bahay at nang may kumatok sa aming pinto ay pinunasan ko ang aking pawis.
Tinungo ang pinto at bunuksan iyon na halos ikatapon ng dalang walis.
"M-Ma'am Sonya?"
Nakaangat ang isang kilay nito at pinasadahan ako ng tingin. Bigla akong nahiya. Nilapag ko ang walis.
"P-pasok po.." magalang na sabi ko.Ngumiwi siya ng pasadahan ng tingin ang bahay.
Paano niya nalaman ang bahay namin? Bakit siya nandito?bakit parang galit siya?
Huminga ito nang malalim at pumasok.
"Malinis ba ang sofa niyo?" Maarteng tanong nito agad akong tumango.Alam kong marumi ako at puwedeng may alikabok pa ako sa mukha!
"Ano pong gusto niyong inumin?"
Umiling ito na tila nababanas.
"I wont take long in this kind of place.." Nakataas ang kilay nito sa akin.Umupo ako sa katapat niyang sofa.
"Tatapatin na kita." simula nito.
Natigalgal ako.
"I don't like you for my son..." Nabingi yata ako sa kanyang sinabi at bumundol ang sakit at kaba sa aking dibdib.
"P-Po?"
Umirap ito at may nilagay na sobre sa nakalatag na mesa alam ko kung ano ang laman 'non. Nangilid agad ang aking luha.
I am right.His mom hate me.
Umiling ako.
"M-Maam---"..
"Layuan mo ang anak ko..." Dumagundong ang galit niyang boses sa buong sala.
"Anak sa labas si Damon at alam kong alam mo iyan!" Taas noo ito sakin.
"I want the best for him.As you can see nahihirapan siyang pakisamahan ang kapatid niyang kakompetensya niya sa lahat. He's the COO of HMC which is now failing.That's why he's bound to marry Venice. Venice is perfect and his fiance'. Ipinagkanulo na namin sila noon paman."
Ano? Ako ang fiance! Ayaw ni Damon kay Venice!
"Kung sayo mapupunta si Damon siguradong lulugmok siya sa kahirapan! You're nothing but a gold digger! He payed your whole year sa HMU right?"
Paano niya nalaman?
Nanatili akong tahimik at hindi maproseso ang lahat.
"So dapat maintindihan mo. Ikaw lang ang hihila sa kanya sa ibaba! Sakit ka sa ulo at sa bulsa dahil mahirap kalang! Nanggaling si Damon sa buwag na pamilya! At mapupunta sa babaeng buwag din ang pamilya? Where's the justice?"
Shit! Ngayon ko lang narealize ang lahat. Oo, tama siya. Tama siya dahil mahirap lamang ako at dahil wala akong pera kung siya pa ang gagastos sa akin ay maghihirap lamang siya!
"If you truely love my son. Leave him alone. I think five million is enough kasama na ang mama mo?" Itinulak niya sa akin ang sobre sa mesa na ang laman ay cheke.
"M-Mahal ko po si D-Damon ma'am.."
Hikbi ko.
"Mapapakain mo ba siya ng pagmamahal mo? Oh come on, gamitin mo ang utak mo! Humanap ka ng ibang lalaking mapeperahan mo.Wa'g ang anak ko.Now, decide.."
Pinunasan ko ang aking luha.
"K-Kaya kong lumayo n-na ako lang. Kaya kong lumayo na hindi humihingi ng pera..." Hikbi ko at binalik ang pera sa kanya.
Hindi ko alam pero tingin ko pinaimbestigahan niya ang buhay ko. Alam niya na broken family ako. Alam niya na binayaran ni damon ang school year ko.Marami siyang alam tungkol sakin.
"Siguro naman nagkalinawan na tayo? Layuan mo si Damon.. " madiin na sabi nito.
Tumango ako.
"G-Gusto kong humingi ng p-pabor.."
Humalakhak ito gamit ang sarkasmo na boses.
"Such a fool.." Insulto nito sa akin pero hindi ko na pinansin.
"Bigyan 'n-nyo po ako ng dalawang araw na makasama siya , pakiusap.."
She stood up kaya napatingala ako.
"Two days then and please,lumayo ka agad.."
Umiyak ako ng umiyak sa aking kwarto. Parang pasan ko ang buong mundo.Hindi ako makapaniwala.
Mali ba na minahal ko si Damon? His mom is right. I'm the one who will drag him down. Kung sakin siya mapupunta ay wala akong maibibigay sa kompanya nila. Wala akong ka alam alam sa pamamalakad ng kanilang kompanya.
Now I'll make the right decision. Knowing Damon, kung patuloy akong mapapakita ay mas lalo lang lalalim ang aming pagmamahalan kahit na alam kong hindi na ako makakaahon pa.
Kung lalayo ako at hindi niya ako makita. He will forget about me. Alam kong sisiw lang iyon sa kanya.Pinunasan ko ang luha sa aking mahapding mata dahil sa iyak.
Kinuha ko ang cellphone at nagtipa ng message kay Damon.Nanginginig ang kamay at kinukurot ang dibdib ko habang nagtitipa ng message sa kanya.
To Damon: Date tayo bukas.Pease,I miss you.
Sinend ko iyon sa kanya. Tinitigan ang singsing sa aking kamay.
For the last time.I'll do the right thing.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co