Truyen3h.Co

Mistakes

Chapter 34

frezbae

Chapter 34
Wag' mokong' iwan

"H-Hindi ko na alam ang g-gagawin ko Ruru," hikbi ko sa cellphone.

Umagang umaga tinawagan ko si Ruru. Wala akong ibang sandigan. Siya lang ang makakapagkatiwalaan ko.

Ang bigat sa dibdib. Ramdam ko ang sakit.

"Shet talaga yang bruha na yan! Feeling sosyal! E,social climber din naman siya! Ginagamit niya si Damon sa mga luho niya!" Kahit si Ruru ay nagngingit sa galit dahil sa kwento ko.

"She's right.." pinunasan ko ang luha sa pisngi. "Hihilahin ko lang si Damon pababa.Hindi kami bagay. Wala akong ipagmamalaki--".

"And so? Si Damon naman ang magdedecide kung sino ang gusto niyang makasama habang buhay! Hindi ang mama niya! Isumbong mo kaya?"

Umiling ako.

"Ayoko nang palalain ang sitwasyon Ru. Isa nalang ang magagawa ko. Gusto kong lumayo.Malilimutan naman niya ako--".

"Alam mo Zands? Ang hirap sayo sobrang bait mo. Na kahit sariling kaligayahan mo
tatalikuran mo. Pero tanga ka din 'e ano sa tingin mo ang mararamdaman ni Damon? Feelings mo lang ba ang aalahanin mo?"

Lalo akong naiyak.

" I know Damon.He's a strong man. Madali niya akong malilimutan. Para sa kanya itong gagawin ko dahil kung hindi ako lalayo mas lalo lang akong kakainin ng konsensya dahil ako lang ang sisira sa kanya. He's successful while I'm nothing!"

Suminghap si Ruru sa kabilang linya. Narinig kong humikbi siya.

"Zands k-kailangan mo bang lumayo?"

"O-oo eh.." napatawa ako ng pagak.

"M-Meron akong kilala na pwede mong tuluyan at safe ka doon at pwede kitang puntahan doon.."

Napangiti ako.Nakakagaan ng loob na magkaroon ng kaibigan tulad ni Ruru.

"I'll book you a flight." dagdag nito.

"Okay,s-salamat.Salamat talaga.Saan naman iyon?" Tanong ko.

I don't have enough money. Kaya makakatulong si Ruru sakin dahil siya lang daw magbobook ng flight para sakin.

"Sa Semirara Island.Walang malls doon,
at double ang price ng mga bilihin doon dahil nga isla iyon. Meron kaming Village doon sa Lucena. Maraming bakanteng bahay doon na pagmamay ari namin. Pwede ka doon."

"Salamat Ru.." tanging nasabi ko.

Alas singko palang ng umaga at tatlong oras lang ang tulog ko. 'Yong parang bawat sandali ay gusto mong itreasure dahil alam mong ito na ang huli.Nakabalik ako sa tulog habang nag iisip.Nagising nalang ako ng' tawagin ako ni mama para sa breakfast.

Naligo ako at sinuot ang mamahaling white volcum shirt na binili sa akin ni Damon.
Habang nasa hapag ay pinagkakatitigan ako ni mama kaya kinakabahan ako.And I'm wondering na hindi siya nakasuot ng uniform niya sa office.

"Anak..." Naningkit ang mata nito.

"P-po?" Kinabahan ko na baling sa kanya.

"Are you engage?" Napatingin ako sa daliri ko na may singsing . Hawak ko ang tasa ng gatas kaya kita iyon ni mama.

Ngumiti ako. Kahit sa loob ko ay halos ngumawa ako sa sakit.
"Yes ma, Damon proposed last night." Amin ko.

She gasped.

"Oh my! Kaya ba ganyan ang mata mo? Dahil siguro naging emosyonal ka kagabi?"

Oo mah. Naging emosyonal ako.Ang sakit nga mama eh.Gusto kong sabihin kay mama pero hindi ko siya kayang idawit sa problema ko.

"Opo.." Kita ko ang kasiyahan sa mga mata ni mama habang nagkikwentohan kami sa hapag. Sinabi ko na may date kami mamaya ni Damon kaya hindi ako pumasok.

Pero kung alam niya lang na gagawin ko lang ang dapat kong gawin dahil aalis na ako at kasama si mama sa mga taong iiwan ko, sobrang sakit. I know she will understand me. Pero hindi pa ito ang right time na sabihin sa kanya ang totoo.

"Bakit hindi ka pumasok ma?" Tanong ko na ikinapawi ang ngiti ni mama.

"Pinaalis ako ni tita Tessa mo sa trabaho eh.." malungkot na sabi nito..

"P-po?bakit naman?"

Umiling siya.

"Ewan ko. Kahit ako nagtaka na bigla bigla nalang akong pinaalis na walang rason. Hayaan mona marami pang trabahong nag aabang sa akin.Makakahanap din ako anak.."

Nanginig ako sa aking narinig.Nakaramdam ako ng galit dahil alam ko kung sino ang may gawa nito.. si Ma'am Sonya.

Hindi ko alam kung bakit napakasatanas ng ina ni Damon.Kaya pala ayaw ni mama sa kanya at ni Donya Christina. She's evil. She manipulated Damon's life. Mabuti nalang at hindi nagmana si Damon sa ugali niya. Mabuti nalang kay Don Raymundo ito nagmana.

I am wearing a white shirt volcum and a shorts.Alas tres na nang hapon at hinintay ko si Damon dito sa labas ng bahay.Sobrang kaba ko at halong sakit..

Ilang sandali pa ay huminto na ang sasakyan sa aking harap habang tulala ako. Agad kong hinanda ang pekeng ngiti sa aking mukha at pumasok sa kotse ni Damon.

"H-hi.." bati ko sa kanya ng pumasok.

Napatigil ako sa kaseryosohan ng mukha niya tila binabasa nito ang sa isipan ko kaya umiwas ako ng tingin.He held my hand kung saan nakalagay sa singsing.

Gusto kong maluha sa unang haplos niya palang. I will miss his touch.. his smell.. his kiss.. lahat.

"What happened? Bakit maga ang mata mo?" Tanong nito na halos ikamura ko.
"What's my wife problem huh?" Malambing na sabi nito.

That word wife.Hindi ko alam kung magiging wife mo pa ako Damon.

Agad nagbagsakan ang traidor kong luha.

"Tell me." Diin nito at hinalikan ang buhok ko.

Umiling ako.

"I-I missed m-my dad so much.." I lied.

Tumango tango ito tila naniwala sa aking rason.

"Gusto mo ba siyang kausapin? I"ll help you.." marahan na sabi nito.

Umiling ako. "Please take me somewhere please.Gusto kong makasama ka."

Gusto kong mamasdan ang mukha mo.Gusto kong makita ang ngiti mo.Gusto kong halikan ka.Gusto kong hawakan at hagkan ka sa huling pagkakataon.

Nakabaon ang mukha ko sa dibdib niya . Yakap niya ako habang nagmamaneho siya.

Parang hindi ko kayang malayo sa kanya kahit isang minuto man lang. Tila bawat patak ng oras ay importante at mahalaga sa akin.

Namulat nalang ako ng huminto siya.Bumungad sa akin ang pamilyar na cliff.. Damon's favorite place.

Umiihip sa balat namin ang mabining hangin habang tanaw ang nagliliitang building ng buong Maynila sa ibaba.

At si Damon naman ay tila handa na.
May burger siyang dala,prutas at juice. Kinakain namin iyon habang nakatago kami sa ilalim ng puno at nakaupo sa ugat nito na malaki.

"Damon.."

"Yes?" I will never forget his husky voice.

Lalo akong nagiging emosyonal.Niyakap ko siya lalo.Nakakulong ako sa pagitan ng mga binti niya.

"Kung magka anak na tayo sa susunod anong ipapangalan mo?" Wala sa sariling tanong ko.

"Ruby.." simpleng sagot nito.

"Huh? Bakit 'ganon? Bakit babae agad?"

He chuckled.

"Because I love bloody colors.You're my queen and I want a baby princess.." he kissed my head.

"It's up to you.." bawi nito.

"I like that...Ruby.." napaisip ako.Maganda ang pangalan. Yan ang ipapangalan ko pag nagka baby kami ng babae.

"Damon..." I called him again. Seryoso niyang minasdan ang kalangitan.

"Hmmm?" Anito.Tumayo ako kaya napatingala siya sa akin.

"Halika dito." hinila ko siya at nagpaubaya siya.Ngumingisi ito habang minamasdan ako.

Lumapit ako sa puno.

"Such a kiddie.." Natatawa na sabi niya sakin.

"Write our names there.." tinuro ko ang gitna ng puno.

Umawang ang labi niya at napakamot sa kilay. Napangisi ako. I want to be happy for today Damon.

"Okay." Kumuha ito ng bato na matulis at nagsimulang gumawa ng pangalan namin doon.

"Done.." pinagpagan nito ang kamay niya at tinapon ang bato.Halos mapaluha ako sa kanyang sinulat doon.

DAMON LOVE ZANDRIA 'TIL INFINITY AND BEYOND.

Nanlabo agad ang mata ko at agad siyang niyakap. Ang sikip sikip ng puso ko ang sakit sakit.

Tumingakayad ako at hinalikan siya.Tinulak niya ako sa puno at binalikan ako nang halik na aggresibo.He sucked and bit my lowerlip. Bumababa ang halik nito sa leeg ko at bumalik angkin sa labi ko.

Patuloy sa pag agos ang luha ko at hingal kaming dalawa pagkatapos ang mahabang halikan.

"Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sakin.Binaliw mo na ako Zandria..." Anas nito sa aking tainga.

"Mahal n-na mahal kita Damon.." Hikbi ko at niyakap siya ng mahigpit.

Kahit sobrang hirap perogagawin ko.

"Wag ka sanang magsawa sakin Zandria. Wag mo'kong iwan."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co