Truyen3h.Co

Mistakes

Chapter 41

frezbae


Chapter 41
Final

Nagising ako sa araw na 'yon na nasa suite na ni Damon. Parang may hang over ako na masakit ang katawan ko. Pero hindi iyon ang inalala ko.

Inalala ko iyong mga nangyari. Iyong pakiramdam na iyon. Bakit ,ganon?
Damon saw it! At ngayon paano ko ieexplain iyon? dammn!

Hindi ako pumasok. Gustong gusto kong umiyak pero shit! Sa sobrang kaba at sakit ay namanhid na ako.

Wala si Damon ngayon. Nagising ako na wala siya. Sumisikip iyong dibdib ko. Paano kong ayaw niya na sa akin? paano kung. . hindi matuloy ang kasal?

Mabagal ang bawat oras at gustong gusto ko na sumapit ang hapon.I want to explain my side. I want to clarify some things. I want to say sorry!

Nang maghapon ay nag nagluto na ako nang hapunan. Alas sais na alas syete ang uwi ni Damon.

Nagtext ako sa kanya na hindi ako pumasok pero hindi siya nag reply. Tumawag din kanina si mama at nag usap kami. Hindi ko sinabi 'yong nangyari sa amin. Tumawag din si Ruru at alalang alala siya. Sarili pa niya ang sinisisi niya.

Nagluto ako nang paborito niyang manok na adobo at munggong may karne. Mausok pa ang kanin ng nilapag ko at tinignan ang orasan sa sala.

Seven thirty na pala pero wala pa siya?Sumikip ang dibdib ko sa sakit pero pilit kong pinatibay ang sarili.

Napamulat ako nang lumagapak ang pinto.Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa mesa sa kahihintay sa kanya.Alas diyes na pala nang gabi?

Nakahilig si Damon sa sinaradong pinto at hawak hawak ang ulo na nakatingala.

Yukot ang kanyang polo habang bukas ang ibang butones.Pa ekis ekis pa siyang lumakad.Lasing siya?

Hinagis niya ang suit niya sa sofa at kurbata.

"Damn shit! Fuck shit!" Malutong siya na nagmumura at ginulo ang buhok niya. Bigla siyang napatingin sa akin.

Those dangerous pair of eyes.Napako ako at napalunok sa uri nang titig niya sa akin. Wala na ang lambing doon. May halo na iyong kalamigan.

"Uh. . D-Damon, nagluto ako nang hapunan.Uh, kakain ka ba?"

Umigting ang panga niya at biglang ngumisi.Lumapit siya sa akin.Halos tumilapon ang mga pagkain sa mesa nang padarag niyang ituko doon ang kanyang dalawang kamay at tinignan ako.

Hindi ko alam pero gusto kong umiyak.Gusto kong manlumo sa kanyang titig.

He's not my Damon anymore.

"Minahal mo ba talaga ako? Ha Zandria?" Nanliit ang mga mata niya na nakatitig sa akin.

Parang tinarakan ng punyal ang puso ko. Why? Hindi niya pa ba 'ramdam yon?

Suminghap ako at tinignan siya nang maluha ko nang mata. "Mahal na mahal kita.Alam mo 'yon."

Tumingin siya ulit na pula na ang mata niya. Sa isang hila. inako niya ako sa sink nang kusina. Halos maiwan ang kaluluwa ko doon sa upuan dahil sa bilis nang paghila niya sa akin.

Naamoy ko ang amoy nang alak sa kanya at 'ramdam ko ang galit niya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

Nanginginig na ako sa takot at kaba. Bumuhos na ang luha ko.Pero tinignan niya lang iyon.

"D-Damon I'm sorry.Hindi ko 'yonn ginusto." Pagsusumamo ko at halos yakapin ko na siya.

"Am I not enough? Hindi pa ba ako sapat?" halos maramdaman ko ang sakit sa uri ng boses niya. Tumagos iyon sa puso ko. Ang marinig ang boses niya na basag at nagpipigil ng iyak ay pinapatay ako sa sakit.Doble sakit ito sakin.

"Hindi! Sobra sobra ka na nga e Mali 'yong naiisip mo! Wala kaming relasyon ni Ryle! Hindi ko 'yon sadya. Ewan--"

"Hindi mo sadya?" Humigpit ang hawak niya sa balikat ko.

"Hinalikan mo siya Zandria! Putangina! Iningatan ko ang labi mo na hindi mahawakan o matikman nang iba! Pero putangina natikman na! Putangina ina!"

Ginulo niya ang buhok niya at tinignan ako nang masama.

"Halikan lang ba ang nangyari sa inyo kagabi Zandria? Halik lang ba o sobra pa?"

Tinitigan niya ako na tila diring diri siya sa akin.

"Hindi ko na alam kung ako lang ba--"

Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil nasampal ko siya.

Oo. Nasampal ko siya.Tuluyan na akong umiyak sa harap niya.Hindi na ako nakasalita at natutop ko nalang ang aking labi.

Umigting ang panga niya at pagak na natawa.

Tinignan nya ako.

"Sampalin mo pa ako. Sampalin mo'ko hanggang gusto mo! Dahil walang wala yan sa sakit ko dito!" Tinuro niya ang dibdib niya. "Ang sakit Zandria! Sagad sa buto Zandria! Sagad na sagad!"

Sinigaw niya iyon sakin at tumalikod upang sipain ang two seater table namin at tuluyan nang umakyat.

Parang nauupos ako na kandila na unti unting napapaupo sa sahig.

Mugto ang mata ko nang kinabukasan. Kahit malamig ang turing ni Damon sa akin aybmagkasama kaming nag umagahan at hinatid niya ako sa eskwelahan.

Hindi na siya nagsalita nang lumabas na ako ng sasakyan niya. Lutang na lutang akong lumabas.

Marami ang nagbubulong bulongan . Alam ko, may pakpak ang balita. Sa tingin ko kalat na sa buong school ang nangyari.Ako na engage kay Damon at dalawang buwan nalang at kasal na namin ay nahuli na nag cheat.God! They don't even know the whole story!

Papasok na sana ako nang gate nang may humawak sa braso ko kaya napatigil ako.

Isang matangkad na lalaki ang bumungad sa akin. Medyo familiar 'rin siya at dito din nag aaral.

"B-Bakit?" Matamlay na tanong ko.

"Uh ikaw si Zandria di'ba? Ang fiancee ni Papa- este ni Damon?"

Napataas ang kilay ko. Weird pero tumango ako. "Oo bakit?"

Naglahad siya nang kamay.

"Ako pala si Kurt.May dapat kang malaman. Alam ko kung sino ang naglagay ng sex pill sa --"

Hindi na natuloy ang sasabihin niya na hindi ko nakuha dahil bumulagta na siya sa sahig.

"O-Ouch!" Daing nito.

Napaawang ang labi ko hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Si Damon na sinapak si Kurt? O ang pag 'Ouch' ni Kurt?

"Fucking fuck off!" Gitil ni Damon at halos makita ko na ang ugat sa leeg niya sa sobrang galit.May mga lumapit at nag sitilian na mga babae.

"Damon nag uusap lang kami."

"Pwes' simula ngayon ayokong kumausap at lumapit ka sa mga lalaki maliban sakin! Try me Zandria! Baka ngayon pa ako makapatay.Try me." he warned.Hinila ako nito pabalik sa sasakyan niya. Hindi pa pala siya naka alis?

"Teka, may klase ako!"

"Uuwi kana." Binuksan niya ang front seat. "Get in.."

"Damon-".

"Isa Zandria." Banta niya na ikinakaba ko. Binalik tanaw ko si kurt kanina na tinulungan ng girlfriend ni Radleigh na si Frixxie.

Tumango nalang ako at sinunod siya.

"Dress up. May dinner tayo ni mama." Sabi nito nang lumabas nang banyo na nakatapis lamang ng tuwalya.

Tumango ako at kumuha nang pwedeng maisuot.Pinili ko ang white dress at sinuot iyon.Walang imik si Damon sa sasakyan. Kaya lumipad ang utak ko sa pag iisip.

Ibang iba na siya ngayon. Bawat galaw niya masakit. Bawat salita niya sobrang sakit.

Tahimik kaming kumakain sa isang sosyal na restaurant. 'Ramdam ko sa titig at pag taas ng kilay nang mama ni Damon sa akin ang pag iinsulto doon.Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pag kain.

"So what's your plan son?" Tanong ni Ma'am Sonya.

Napatigil sa pagkain si Damon.

"I am planning to close the deal ma. Dito lang sa Pinas. Hindi na ako lalabas nang bansa." Sabay sulyap niya sa akin na tila puno nang salita ang mga mata.

Umiling ang mama ni Damon.

"I mean, about the upcoming wedding. Postpone? Reschedule? Or something?"

Nakaramdam ako nang galit sa sinabi niya kaya nakuyom ko ang kamao ko na nakawak sa kutsara.

"I know what happened Damon. Ven told me.I am so dissappointed. I mean sa una palang."

Umigting ang panga ni Damon na tila nawalan ng pasensya.

"Tuloy ang kasal and I want it next week. Ayoko nang maghintay." Sabi ni Damon na ikinalaglag ng aking panga.

Suminghap ang mama niya at umirap.
"Oh god son!"

"My decision is final ma. " Tinignan ako ni Damon nang malamig at nagpatuloy sa pagkain.

May bumara sa lalamunan ko sa sobrang emosyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co