Truyen3h.Co

Mistakes

Chapter 40

frezbae

Chapter 40
Ryle

Mabilis lumipas ang mga at ikakasal na kami ni Damon.Nakaready na ang lahat. Pate iyong worth half million na gown ko. Iyong Venue nang aming engagement party sa Deluxe Hotel. Ready na iyong mga ninang at ninong.Syempre bridesmaid ko si Ruru.
Invited 'rin ang mga pinsan ni Damon.

Wala ding nagawa ang mama ni Damon ng pinatira ako ni Damon sa kanyang suite. Parang noong kailan lang..Sinusulyapan ko lang siya sa malayo. Pero ngayon abot kamay ko na. Kayakap ko sa tuwing gabi. Minsan nagigising ako na siya yung nagluluto ng aming almusal bago kami umalis . Ako naman ay nag aaral sa HMU. Bumalik ako ng pag aaral at hindi na pinansin ang mga masasakit na salita na pinupukol sa akin.

Ayoko nang patulan. Dahil hindi naman totoo na pineperahan ko si Damon. I love him. 'Yun ang dahilan.

Nagising ako isang umaga na may humahalik sa aking pagkababae. I looked down at nakita ang ulo ni Damon sa pagitan ng hita ko.

Oh god.

"Hmm.D-Damon, I'm tired" Medyo paos na ang aking boses dahil sa ginawa niya kagabi sakin. Hindi niya ako tinigilan. He's a monster in bed!Parang inubos niya lahat na energy ko kagabi. Walang gabi na hindi niya ako inaangkin. Simula yata 'nong lumipat ako dito ay pagod na ako lagi.

Kapag si Damon talaga. Ma s-satisfied ka sa kama. Sobrang maaruga din siya. Ngayon may sarili na akong vitamins. At hindi pwede na hindi ako uminom ng gatas. Masyado na akong bini-baby.

'Ramdam ko ang hininga niya sa aking gitna.

"Last na to. Promise." Aniya habang hinahalikan ako doon.

Napakagat labi ako.

"Naka anim na tayo kagabi." bigla niya akong sinipsip doon sa sensitibong parte ko kaya napaangat ang katawan ko at nasabunotan siya.

"Oh my god." I moaned. Parang isang kahoy ako na binuhusan ng gaas at sinilaban. Uminit ako bigla.

Patuloy niya akong inaangkin doon ng mag ring ang kanyang cellphone sa gilid ng kama namin sa lamesita.

Bigla siyang napaahon at bugnot ang mukha.

"Fuck!" Ginulo niya ang buhok niya at tumayo.Napangisi ako dahil sa kanyang mukha.Gulo gulo pa ang buhok niya at topless habang naka boxer lang.

Hindi siya maputi kaya mas lalo siyang attractive tingnan .'Yong six packs of abs niya. Iyong biceps niya. Iyong mga ugat sa kamay niya na para bang kaya kang baliin ng mga kamay na iyon.

Agad akong napa ayos ng upo at binalot ng kumot ang hubad kong katawan.

"Yes pa? " He answered the call.
"Yeah, nasa akin. Ako na ang bahala. I'm going." Pinatay niya agad ang tawag at binalingan ako.

Umirap ako at inayos sa katawan ang kumot at tumayo para tumungo sa banyo.

"Hey." Hinuli niya ang pulso ko at hinila palapit sa kanya.

I chuckled. "Bakit ba? Maliligo ako."

Ang mga mata niyang makulog na kalangitan. Palaging madilim . Hindi lang mata pate ang anyo niya. Iyong tipong sasapakin ka agad kapag pinansan mo. Ganon ang mukha niya pero bagay naman kasi ang guwapo niya. Sobrang guwapo.

"Happy birthday." aniya

Umawang ang labi ko at napalunok nang may kinuha siya sa bulsa ng boxer niya ng isang kwentas.

Hindi pa ako nakaimik nang sinuot niya sa akin ang white gold na kwentas letrang D iyon na medyo malaki at sa loob ng D ay letrang Z na maliit. Natanto ko na Ang D ay Damon at ang Z ay Zandria.

Namuo agad ang luha ko. "Damon hindi kana sana--.."

"Maliit na bagay lang to Zandria.." Sinuot niya sa akin ang kuwentas.

Parang may humaplos na magaan na bagay sa aking puso na sobrang sarap sa pakiramdam ko. Parang sasabog ako sa sobrang saya.

"Mahal ito."

"Mas mahal kita.Salamat sa lahat." Seryosong niya akong tiningnan sa mata at hinaplos ang aking pisngi na dinaluyan na pala ng aking luha.

Umigting ang panga niya ng makita iyon.
"Palagi ka nalang umiiyak."

Napalunok ako nang hapitin niya ako lalo kaya hinigpitan ko ang kumot sa katawan ko.

Suminghot ako at yumuko. "Tears of joy Damon.Masaya lang ako."

Ngumisi siya at pinatakan ako nang halik sa noo.

"Twenty kana.Dalaga na." pilyo niyang sabi sa aking tainga. Nakatayo kaming dalawa habang nakapulupot ang dalawa niyang braso sa akin..

"Ewan ko sayo." namula ang aking pisngi.

Humalakhak siya at kinagat ang labi.
"Bubuntisin talaga kita.Aanakan kita ng isang dosena." Shit! eto na naman ang kalambingan at ka pilyohan niya.

Nang mag alas otso ay hinatid niya ako sa school. Siya naman ay nalate sa kanyang trabaho. Hinatid niya muna ako bago siya pumuntang kompanya.

Like the usual. Bulong bulongan ang bumungad sa akin pagkapasok palang nang alley. Center of attraction na agad ako na para bang may mali akong nagawa. Hindi ko nalang pinansin at pinatuloy ang paglalakad..

"Buhangin!" may tumawag sa akin sa likod at nakita kong si Ryle iyon.Nakangiti siya nang tumakbo papunta sa akin.

Napangisi ako at mas lalong nag irapan ang mga nakakita.

"Oy! Out sider ka ha? Taga St. Dominic ka kaya." puna ko kay Ryle na pumasok dito.

Ginulo niya ang buhok ko.

"Sandali lang ako.Birthday mo kaya ngayon kaya 'eto." May inabot siya sa aking box na maliit na kulay pula.

"Wow." Suminghap ako at napahinto kami nang nasa corridor na.

"Teka ,buksan ko ah." Binuksan niya at nakita kong bracelet iyon.

"Ang ganda naman. Hindi kana sana nag abala pa."

Umiling siya at tinitigan ako.May kung ano sa tingin niya na hindi ko ma explain kung ano pero isa na don ang kalungkutan.

"Happy birthday Buhangin.Uh,sana masaya kana lalo na't ikakasal kana. Masaya ako saiyo." Malungkot siyang ngumiti.

Bilang kaibigan. Nalulungkot 'rin ako. Ryle is nice, gwapo at mayaman. Humble at gentleman siya sa lahat. Matagal din siyang nanligaw sa akin. Pero hanggang kaibigan lang talaga at kapatid ang turing ko sa kanya.

"Salamat Ryle.Naging mabuti kang kaibigan. Sana pumunta ka sa kasal namin."

Pilit siyang ngumiti.

"Mahal kita Buhangin. Pero rerespetohin ko ang desisyon mo .Handa akong magparaya dahil alam kong hindi ka para sa akin."

Kumirot ang dibdib ko sa kanyang sinabi. Kirot para sa kanya dahil hindi ko masusuklian ang kanyang pagtingin sa akin.

Mabilis yata ang kilos nang araw na hindi ko namamalayan at nasupalpal ang isipan ko ng aming group work sa thesis. Sakit sa ulo.

Paglabas ko ay nakahintay na ang driver ko na isa sa mga taohan ni Damon. Simula nang sa kanila na ako tumira . May taga hatid sundo na sa akin kung hindi niya man ako ma hatid sundo.

Nang makarating ay kong tinungo ko ang suite ni Damon.Nag swipe ako nang black card doon ni Damon nabinigay niya sa akin.

Nagtaka ako kung bakit patay parin ang ilaw kaya hinanap ko ang switch pero may nakauna na sakin.

Agad nagliparan ang putok ng confetti kasabay nang ilaw.

"Happy birthday!" bati nang lahat.

Nandiyan si mama,si Ruru, si Alex na boyfriend na ulit ni Ruru at ang huli ay si Damon na may hawak nang cake.

Agad akong niyakap ni mama at ni Ruru. Yayakap 'rin sana si Alex.

"Fuck bro hindi pwede!" Pumigil si Damon na ikinahalakhak nang lahat.

"What?" Kumamot sa batok si Alex na parang inosente.

"Okay na 'yong bumati.Wa'g kanang yumakap."

Kinurot ko agad ang gilid ni Damon dahil sa pagka posessive niya.

Marami palang pagkain sa mesa.May mga beer din at mga appetizers.Masayang masaya ako sa birthday ko. Actually ,hindi na talaga ako nag expect nang ganito e. Kasi noon,okay na ang kakain kami ni mama sa jolibee. Sobra sobra na ito.

Lumipas ang isang linggo na lumabas nang bansa si Damon para makipagkita sa bigatin nilang Investors na taga America pa.

"Ano kaba! Maiintidihan naman ni Damon e!."sabi ni Ruru habang hila hila ako papasok sa Primenite.

"Ruwela sandali lang tayo ah? Kanina pa kasi siya bumiyahe pauwi e" ngayon kasi ang uwi ni Damon mula America.

Alas 'syete na nang gabi at dito naisipan ni Ruru. Ewan ko,baka nagkagalit na naman sila ni Alex. Alam ko itong kaibigan ko na to e.Umupo kami sa pnakasulok habang naghihiyawan na sa dance floor at nabigla ako ng may tumabi sa akin.

"Ryle?"

Ngumiti si Ruru.

"I invited him" sabi ni Ruru.

Bumaling sa akin si Ryle habang naka apat na bote na sila ni Ruru habang sa akin ay dalawa palang.

"Pinayagan ka ni Damon?" Ryle asked.

"Oo alam niya pauwi na rin siya. Tsaka, hindi na iyon masyadong mahigpit sa akin."

Tumango ito at nilakbay ang mata sa paligid. Gano'n din ang ginawa ko.
Pero nabigla ako nang may biglang dumaan sa amin ni Ryle at natapilok yata ang sexing babae kaya napahilig siya kay Ryle at natabing niya ang inumin ko na nasa baso.Nagalaw niya lang iyon pero hindi natapon.

"Oops! Sorry." Halakhak nang babae.

"Are you okay miss?" tanong ni Ryle sa nakangising si Venice?

Nakita niya ako kaya napatingin siya sa akin at kay Ryle.

"Oh! Ikakasal ka na pero nakikipaglandian kapa 'rin?" Sabi nito sa akin.Klaro iyon kahit maingay ang sound dito sa loob.

Umiling ako.
"Mali ang iniisip mo Ven."

"Oh really.Lets see."

"Hoy ikaw! kung ayaw mong gawing lechon! Umalis kana dito! Galit ako ngayon gagawin talaga kitang pulutan!" Inaway ni Ruru si Ven.

Napahalakhak naman si Ryle.

Napa crossed arms si Ven.

"What? Sa sexy ko'ng ito mukha ba akong baboy?!"

Ruru scoffed.

"Oo! sexy ka! Pero ang ilong mo mukhang ilong nang baboy! Kaya kung hindi kapa aalis leletsonin ko 'yang ilong mo!" bungangera talaga itong si Ruru lalo na lasing.

Namula na si Ven sa inis at nagpapadyak na umalis na parang iiyak.Humagalpak sa tawa si Ryle at Ruru na nag appearan pa.

Umiling nalang ako at ngumisi. Ininom ko ang baso na beer ko at parang umiba ang lasa.Parang pumait lalo?

Pero inubos ko ang baso na 'yon at nag iba na ang pakiramdam ko.Parang nasa alapaap ako at nag iinit.

"Buhangin ayos kalang?" Ryle asked.

Malalim na rin ang gabi.Pinaypayan ko ang sarili.

"O-Okay lang! Labas muna ako."

Lumabas ako kahit tinatawag ako ni Ryle. Lumabas ako kasi iba na ang pakiramdam ko parang gusto kong maghubad sa harap ni Ryle at lapain siya nang halik!

Pa ekis ekis ako na lumabas nang may humablot sa akin. Si Ryle pala.

"Buhangin lasing kaba?" pag aalala niya.

"Diyan kalang! Uwi na a-ako."

"Bu--"

"Shit!" Napamura nalang ako at hinila si Ryle.Napahilig siya sa isang sasakyan at hinalikan ko siya nang mapusok.

Nabigla ito pero agad hinalikan rin ako nang mapusok.Lumakbay ang halik niya sa aking katawan.

May parte sa akin na nagbuburol dahil sa aking ginawa may parte din sa akin na nag uudyok na maghubad.Ngayon lang ako nakaramdam nang ganito at si Damon ang naiimagine ko.Umungol ako nang idiniin ko ang sarili ko sa kanya.

"Z-Zandria?!" Dumagondong agad ang nanginginig sa galit na boses ni Damon.

Shit! Agad akong natulak ni Ryle kaya halos matapon ako.Umigting ang panga ni Damon at tinadyakan si Ryle.Bumulagta ito sa daan.Hindi pa nakontento si Damon at dinaganan si Ryle at pinagsusuntok.

Nagtilian na ang mga babae at nakita kong ngumingisi si Ven habang kagat ang labi.

"Oh my gosh! Zands!" Tili ni Ruru ang huli kong narinig at pagdaing ni Ryle dahil sa pagsasapak ni Damon.

"Aaaagh! Fuck!" Sinuntok ni Damon ang sasakyan bago ginulo ang buhok. Inawat sila nang mga bouncer. Isang marahas na paghila ni Damon sa akin ang huli kong natandaan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co