Chapter 49.
Chapter 49
Let me go
Bakit kung ano pa ang hinahangad ,bakit 'yun pa ang binabawi?Bakit yung mahalaga, 'yun pa ang nawawala. Bakit yung pangarap ay siya pang kinukuha.
Nasa punto na ako na sana binigyan ako ng pagkakataon na masilayan man lang siya. Bakit ang aga aga? Maraming tanong na hindi ko kayang sagutin.
Mali ba ako? Is it all my Mistake? Masyado ba akong pabaya na kahit katawan ko hindi ko mabigyan importansya? Kasalanan ko lahat dahil wala akong alam.
Wala akong alam na may buhay na pala sa sinpupunan ko. May buhay na namatay dahil sa kapabayaan ko.
Kung sana nalaman ko lang hindi sana aabot sa ganito.
Nasa punto na ako ngayon na sumusuklam sa isang tao. I hate Venice so much. Kung hindi sana siya masama hindi niya ako sasaktan. Pati tuloy yung walang ka muwang muwang na anghel ay nadamay. Hindi ko rin masasabi na wala akong kasalanan dahil may pagkukulang din ako.
Minulat ko ang aking mata at tiningnan ang katabi ko. But then again,walang bakas na Damon na tumabi sa akin.
Pang of pain strike my heart. Parang nilulukot ang puso ko. Mag iisang buwan na ganito parati. He's cold as ice. Kung mag uumagahan kami sa umaga. Kakain lang kami ng tahimik. Sasagutin niya ang tanong ko at sasagutin ko rin ang tanong niya.
Hindi ko magawang isipin na ako ba sinisisi niya na nawala yung anak namin?
Nakunan ako. Dalawang buwan na pala akong buntis noon at hindi ko man lang alam. Wala naman kasing signs. Bakit gano'n?
Nasa isang bahay nga kami pero parang ang layo niya. Minsan natutulog nalang ako na mag isa. Kung tatanungin ko siya kung bakit siya ginabi sasagutin niya lang ako na marami siyang ginagawa sa opisina.
Pero alam ko na hindi iyon ang rason. Alam kong galit siya pero hindi niya maipakita sa akin. Nasasaktan ako sa mga nangyayari. Halos isang buwan din na palagi dito sina Ma'am Sonya at mama sa bahay. Isang buwan na sobrang nalungkot ako.
Pinaalis ni Damon si Venice sa company bilang head ng architecture. The results? Pinull-out ng papa ni Venice lahat ng shares nito sa kompanya ni Damon. Pero hindi iyon naging kawalan kay Damon. Mas lumago pa nga ngayon ang kompanya. Paano bang hindi ? Dahil halos ipaligo na ni Damon ang mga papeles sa sarili nya. Binababad niya ang sarili niya sa trabaho.
Mas sumobra ang pagkamature niya ngayon. Naligo ako at nagbihis ng t shirt at cotton shorts. Pagka baba ko sa kusina maayos na iyon. Umikot ako sa gilid non ay dining area ay may pagkain na natatakpan.
Napangiti ako. Damon cooked this. Malamig nga siya sakin pero maalaga pa din sya. Pero hindi ako sanay sa ganito.
Parang bumalik 'yung dati 'yung time na sinusuyo ko siya. 'Yung time na ayaw niya sa akin. Parang lahat no'n ay bumalik eh.
Mas nasaktan ako sa nangyari. 'Yung feeling na wala akong nagawa. Gustong gusto kong sabunutan si Venice. I am tired of being nice dahil inaabuso na. Ayoko nang maging mabait.
Matapos kong kumain ay pumunta ako sa aking botique. May pwesto kasi ako sa isang mall dito. Dahil wala kasi akong makakapag abalahan ay iyon nalang ang ginawa ko. Wala pang dalawang linggo ito nabubuksan at marami nga ang namimili.
Mga authentic bags,sandals,stilletos,accesories for males and females,may cosmetics,contactlenses etc. Mas malaki ito sa karaniwang may pwesto dito. Glass wall ito kaya kitang kita ang pamilihin namin sa loob.
Si Janet yung inaasahan kong mag manage dito dahil nakitaan ko siya ng abilidad sa sales talk. Pinalanganan ko ito na Ruby. Wala lang. Kasi ito yung plano kong ipapangalan ko sa magiging anak ko sana kung babae.
Hindi na ako ng bihis at nagsuot nalang ako ng slip on shoes. Napangiti ako ng pagdating ko ay marami dami na ang namimili sa loob mapalalaki man o babae.
"Ma'am! Magandang umaga!" bati agad sa akin ni Janet.
"Good morning!" bati ko at tuloy tuloy ang lakad ko papasok sa loob kung saan may munting opisina ako.
"Coffee ma'am or desert?" tanong nito.
"Blueberry cake please."
"Okay saglit lang ma'am. Bibilhan ko kayo."
Meron din ako ditong anim na sales lady kaya kung wala si Janet may kapalit siya.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Damon. Tiningnan ang pampulsong relo at nakitang alas nuebe na ng umaga.
To Damon: Good morning. Anong gusto mong ulam para sa lunch?"
From Damon: Dito na ako magla lunch. Where are you by the way?
Kumirot ang puso ko. Pero imbes na magalit pa at magtampo pinilit ko maging okay.
To Damon:Nasa Ruby ako. What time ka uuwi mamaya?I'll cook for our dinner.
From Damon: Wa'g na. Gagabihin ako mamaya.
"Hi!" napamulagat ako nang bigla bigla si Ruru na dumating.
"Tss. Hanggang ngayon ba. Umiiyak kapa din?"
Pinalis ko agad ang luha na hindi ko namalayan. "Wala to. Naaalala ko lang."
"I have something to tell you. That's why I am here." seryoso niyang sabi at umupo sa kaharap ko na upuan . Sa pagitan namin ay ang mesa ko.
"Ano yo'n?"
Suminghap siya ng malalim. "Hindi mo ba alam na gabi gabi si Damon sa Prime nite?
Nangunot ang noo ko. "H-hindi, bakit?"
"Alex told me. Parati 'raw siya doon. Ayokong makialam pero duh. You're my bestfriend kaya hindi ko kayang itago!"
"Bakit ba? Ang alam ko lang palagi siyang gabi umuuwi.Hindi ko na alam kung lasing ba siya o ano." sabi ko.
"Well. Wala naman siyang ginagawang masama. But ,wa'g kang magpakampante. Bitches are everywhere malasing lang si Damon . Naku! hahalikan lang yan! At hihilahin sa isang hotel goodbye Zandria!" she even teased me. What a friend.
"Thanks for the info." walang buhay na sabi ko. But deep inside parang bomba na ako na sasabog. Fuck.
Stress na stress ako at pagod buong maghapon. 'Yung text namin kanina hindi na iyon nasundan pa. Alas syete na ako na umuwi sa bahay hindi pa ako nakakain. Hinatid ako ng aming driver.
Nang biglang makatanggap ako ng text ni Ruru.
From Ruru: Buhangin. Nag close deal raw sila kanina. May celebration sila sa Primenite,you know what to do.
Kaya pala sabi niya hindi siya makakauwi ngayon. Pagkauwi sa bahay. Hindi na ako naghapunan. Diretso ako half bath at nagbihis ng floral dress na halong itim at pula na bulaklak. Pinuyod ko ang buhok ko. Ewan ko pero kinakabahan ako e.
"Mang Berting. Primenite ho tayo." diretso na ako sa loob ng kotse. Kagat kagat ko ang labi ko habang papunta doon.
Nang makarating kung ano kalakas ang kabog ng dibdib ko gano'n din ang tugtog sa loob. Parang sasabog ako wala sa oras.
Alam ko naman na hindi naman magagawa ni Damon magtaksil sa akin. B Ayokong magpaka bait... nakakasakal. Kung ang pagiging mabait ang dahilan na nawalan ako ng anak. Pwes' ayoko na.
Dire diretso akong pumasok at may mga bumati pa sa akin pero hindi ko pinansin. Sa malayo palang agaw pansin na ang grupo nila Damon. Halatang galing pa silang trabaho dahil naka office attire pa sila.
Halong babae at lalaki sila. Mga kasosyo niya na babae at lalaki ay nandoon. Nandoon pa nga si Alex na may kausap na lalaki. Mas hinabaan kopa ang leeg ko para mas makita sila. Then,there I saw Damon. Nasa gitna siya sa kaliwa ay lalaki sa kanan ay puro babae na nakahilera. Tila namamangha pa ito sa kaguwapohan ni Damon at natutulala pa.
Nakita ko na pinatong nang babae sa kanan niya ang kamay sa hita ni Damon na tila gusto niyang ibaling ni Damon ang atensyon sakanya.
Bumaling sa kanya si Damon at may binulong doon ang babae at nagtawanan ang dalawa.Masakit sa mata,masakit pa sa puso.
May dumaang waiter sa akin kaya kumuha ako ng vodka doon at ininom dire diretso. Nang lumakas ang loob ko unti unti akong lumapit . At nakita ko pang mas lumapit ang babae sa kanya at halos hahalikan na niya ang panga ni Damon.
'Ramdam ko na uminit ang batok ko sa galit. Mabilisan ang hakbang at agad ko silang nilapitan at walang isip na tinulak ang babae sa balikat.
"H-Hey!" anito sa akin na nagulat at irritable pa.
"Zandria!" Tumayo agad si Damon at hinawakan ako sa braso. Napatigil lahat ng kasamahan niya.
"Malandi ka! Bakit ka humahawak kay Damon?!" sigaw ko sa babae hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas pero sadyang galit lang ako.
Namula ang babae. "A-ano what are you talking about?" depensa nito.
"Hindi nagsisinungaling ang mga mata ko!" Binalingan ko Si Damon. Buong galit na mata na binalingan siya.
" Eto ba ang gusto mo? Eto ba!?" sigaw ko.
He grabbed my waist.
"Stop making a scene here!" he hissed. Hinila niya ako palabas kaya nagpupumiglas ako.
"Bitawan mo'ko!"
Padarag niya akong binitawan sa gilid ng kotse niya. "What are you thinking?"
"Ano sa tingin mo? Sa loob ba ng isang buwan na palagi kang late na umuwi dito ka galing?!"
"Of course not!" Marahas niyang ginulo ang buhok niya at niluwagan ang necktie.
"Bakit Damon huh? You've been cold to me! Simula nong...simula nong makunan ako ganito kana!"
Umigting ang panga niya.
"Nasa'n na 'yung Damon na mahal ko? H-hindi na kita kilala! Ibang iba kana! Hirap na hirap--" walang kupas sa pag daloy ang luha ko.
"Ikaw lang ba ang nahihirapan?! Huh? Ikaw lang ba?" nanginginig siya at buong diin ang bawat letra.
"Sa tuwing nakikita kita naalala ko ang lahat.Naalala ko ang gusto kong maging mukha ng anak ko! Sa 'twing nakikita kita nasasaktan ako!"
Tinusok yata ng milyong milyong kutsilyo ang puso ko sa narinig. That's explain everything. Kaya pala iniiwasan niya ako?
I gulped hard. Taas baba na din ang kanyang dibdib.
Umiling ako.
"You're not my Damon anymore nagbago kana." hikbi ko.
He pinned me on his car.
"Bakit anong gusto mo?" He kissed me on my lips aggressively. "Heto?" He even pulled down my dress to kiss my cleavage.
There's no love. There's no care.Buong lakas ko siyang tinulak at sinampal ng malakas. Napabaling ang mukha niya sa gilid at umigting ang panga niya. Habang ako ay inaayos ang sarili.
"S-soryy." tila nataohan na sabi niya. Sinubukan niya akong yakapin pero umatras ako at umiling.
"Wa'g k-kang lumapit!"
He muttered curses. "M-mahal na mahal kita Damon.Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin ito. Hindi lang ikaw ang nahihirapan. Ako yung nakunan. Ako 'yung mas nasaktan.Kung alam mo lang kung gaano kasakit sa akin. Tapos ito yung makikita ko?"
"Baby."
Umiling ako. Pinunasan ang luha sa pisngi.
"Kung ayaw mo na sabihin mo lang. Palalayain kita.Nasasaktan ka sa 'tuwing nakikita ako? Pwes' ayokong masaktan ka. Kaya ako nalang ang aalis."
"Fuck no."
Tumalikod ako at umambang umalis pero hinila niya ako at niyakap mula sa likod.
"Baby hindi!I just....."
"Nasasaktan ka dahil nawalan ka ng anak. Gano'n rin ako Damon.Let me go."
Umiling iling siya at binaon ang mukha sa aking leeg. Pero agad kong kinalas ang pagkakayap niya sakin at tumakbo ako sa gilid ng highway at pumara sa taxi.
"M-Manong bilis ho."
Kumabog kabog ang pinto ng taxi dahil sa pag hampas ni Damon. Hinahabol niya ako.
"Fuck! Zandria!!" dinig ko pa dito sa loob ang sigaw niya na sobrang lakas.Pinaharurot na ng driver at tinadyakan pa ni Damon ang taxi nang malakas.Napahagulhol nalang ako sa loob ng taxi at hindi alam kung saan pupunta.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co