Truyen3h.Co

Mistakes

Chapter 8

frezbae

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko 'rin alam ang gagawin. Parang galit siya. Nag-iba agad ang modo niya dahil sa call ni Ryle.

Ano kaya ang sinabi ni Ryle? Bakit napatawag iyon?Hindi ko na nahawakan ang cellphone ko dahil nasa dashboard iyon.

Galit kaya siya? Ni hindi siya sumulyap sa akin mula kanina.. Bakit kaya?

Gusto ko siyang alagaan. Gusto ko siyang mahalin sa sariling kaalaman ko.


Kinakabahan,dahil first time ko ito. First time kong makipag date sa kanya.

Kontento,ako sa ngayon, na naging maayos ang interaksyon naming dalawa kumpara sa mga nagdaang araw.

Marahan akong bumuga ng hangin.

"Uh.. Saan tayo pupunta? " Sa wakas ay nagkalakas loob akong magtanong.

"Tagaytay." Maikling sagot niya.

Hala! Tagaytay? Ang layo naman..

I gasped softly. Sa huli pinili ko nalang ang manahimik. Wala na din naman akong magagawa.

Nagbibigay talaga kilabot sa akin yung tattoo niya sa kamay at braso minsan.

He looks like boisterous. Kahit naman sa ugali. Ngayon ko lang talaga napagtanto na kung siya ang boyfriend mo ay halos bawal lahat.

He's possesive,dapat ang kanya ,sa kanya lang. Kung aagawin mo, patay ka. 'Yon yung dating ng aura niya e. Matatakot at maiintimidate ka talaga.

Sa magpipinsan ,si Damon kasi yung mas hirap basahin at siya rin ang pinaka salbahe.

Noon ay palagi akong nakakarinig na nasasangkot siya sa mga rambulan. Pero ngayon parang hindi na.

"Ryle courting you?" Napabalik ako sa huwisyo ko nang magsalita siya. Napatingin ako sa kanya.

I looked away.

"Hindi, kaibigan ko siya,mula ng high school pa lang kami."

Nasa daan parin ang tingin niya.

Nanahimik naman agad siya. Bago kami tumuloy tuloy ay dumaan kami sa isang drive thru ng jollibee.

May mga binili siyang pagkain,doon at maiinom.

Wala akong ediya kong saan sa Tagaytay niya ako dadalhin. Hindi pa naman ako doon nakakapunta.

First time kong makipagdate,first time ko 'rin ang pumunta doon.

Habang hinintay ko siya ay' kinuha ko agad ang cellphone ko sa dashboard.

May mga text doon si Ruru at Ryle.Binasa ko una yung kay Ru.

From Ruru: Good morning ,pupunta ka mamaya?

Malamang hindi. Alam kong gagabihin kami ni Damon e. Malayo ang Tagaytay.
Sunod na binasa ko ang kay Ryle.

From Ryle: Hey! Hindi ko alam na may boyfriend ka. Balak ko sanang yayain ka makipagdate. I think,huli na ako.

"Who's that?" Napapitlag ako dahil hindi ko man lang naramdaman ang pagpasok ni Damon.

Agad kong tinago ang aking cellphone. Nakita ko ang pagsunod ng tingin niya sa kamay ko na nagtago ng cellphone sa aking likod,to make it clear ,sa likod ng puwet ko.

Tuluyan na siyang pumasok ng padarag.Nanlamig agad ako sa kaba. Eto na naman ang puso ko. Sobrang kabog na naman na halos hindi ako makahinga ng maayos.

"Give me your phone.." He uttered.

What the hell! Ganyan ba siya? Kung magkasama kayo ,bawal ang cellphone?

I bit my lip and I gave it to him.Nanginginig pa ang kamay ko non.

Agad niyang tinignan at may tinipa doon. Ang kilay niya ay salubong at naka igting ang panga.

Grabe.. Pakiramdam ko ang hirap niya talagang pakisamahan. Pero magtitiis ako basta makasama lang siya.

Tanggap ko naman lahat sa kanya at tatanggap pa ng mga susunod na malalaman ko tungkol sa kanya.

Binalik niya sa dashboard ang aking cellphone.

"He's hitting on you obviously." Sabi niya ng umandar na ang sasakyan.

Marahan akong huminga. Ayokong masira ang moment namin ngayon,minsan lang to.

"Hindi ko alam. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya."

"Dapat lang.." Diin na sabi niya..

Napatingin sa kanya. I don't really get him. Nung kailan ay halos hindi niya ako pinapansin at tinatapon ang dala kong cookies sa kanya.Pero ngayon biglang nag iba siya

Alam ko rin kong bakit ko ito ginagawa.
Simple,mahal ko siya.


Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako umabot sa puntong ito. Sa puntong lunod na lunod ako sa kanya hindi na ako makaahon pa.

Kahit sa isang bagay na pinagpuyatan ko maibigay lang sa kanya tanggapin niya lang ay kumpleto na agad ang araw ko.

Nabaliw na yata ako.

Hindi ko alam na sa pag-iisip ko ay nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan nalang ako ng makaramdam ako ng may humahaplos sa aking pisngi.

Nakahilig pala ako sa salamin ng kotse at hagkan ni Damon ang mukha ko.

Nakakahiya,baka humihilik pa ako kanina.

Napatingin agad ako sa kanya.

"Nandito na tayo?" Marahan na tanong ko.

He nodded.Hinawi niya ang ibang takas na buhok sa aking mukha.

I gasped.

"Antok kapa?" He huskily asked.

Umiling agad ako.

"Hindi n-na.." . Napatingin ako sa labas.. Nandito kami sa mataas na bahagi. Kung saan kita ang naglalakihan na kulay puti na mga mansiyon sa Tagaytay.

Napatingin ako sa isang bundok sa gilid.
I saw a tree house.

Lumaki ang mata ko. Isang tree house sa itaas ng malaking puno. Malinis at mukhang matibay ang pag kakagawa nun.

It's a bit bigger. Ang hagdan papunta sa itaas ay nakapalibot sa katawan mismo ng puno. Halatang matibay na natural na kahoy ang gamit sa pag gawa nito .

Ang treehouse ay gawa sa natural na kahoy na alam kong mamahalin.

Sa ilalim nun ay malaking mesa na gawa sa kahoy at bench na kahoy rin.

Natural lahat. Napapaligiran ito ng naglalakihang punong kahoy kaya hindi mainit dahil sa nakasangga ito sa init ng araw.

May mga ibat-ibang uri din ng bulaklak sa paligid na alam kong hindi basta basta.
Sa ilalim ay tanaw muna ang kabuuan ng Tagaytay.

I was amazed.
"Wow... Ang ganda.." Manghang sabi ko.

He chuckled..

"Gusto mo dito?" Naramdaman ko ang pagkalas niya sa seatbelt ko.

I nodded."Sainyo ito?"

Tumango siya.

Lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.Humampas sa akin ang sariwang hangin.

Grabe..nakakarelax dito. Ganda..

"Ang ganda.." I giggled.

Napanguso siya ng makita ang reaksyon ko.

He looks so amused.

Pumunta sa backseat at may kinuha doon na mga box na sa tingin ko ay pagkain.

"Ano iyan?" Sa ngayon naging kumportable na ako na ako makipag usap sa kanya.

Nakakarelax talaga. Lalo na ang fresh ng ambiance ng hangin dito.

Nililipad ng hangin ang aking buhok,ang tahimik,naririnig ko lang ang ihip ng hangin at huni ng ibon. Madalang din ang pag daan ng mga sasakyan.

"Pagkain,mag-gigrill ako ng isda.It's ready.Lulutuin nalang natin." He answered at binuhat ang dalawang box na iyon.

Ang laman ng isang box ay inumin at iba pang pagkain.

Grabe.. ang galing.. Magpipicnic yata kami dito.

Napangiti ako ng wala sa sarili.Mas lalo akong kinabahan na maeexcite.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co