Chapter 9
Dito kami nag grill ng isda at baboy n marinated sa ilalim ng tree house. Masarap ang samyo ng hangin dito. Refreshing...
Nasa mesa na 'rin ang sandwich ,juice my alak din,pinggan at mga baso. Kami lang dalawa pero ang daming pagkain.
Naka-upo lang ako sa bench na nasa harap ko siya. Tinitignan ang bawat kilos niya.
Lalaking lalaki ang galaw niya,ang tikas.
He expertly grilled the pork first. Pinahuli niya ang isda. Tumayo ako at nilapitan siya.
"Tulungan na kita." Sabi ko.
"Hindi na, malapit na to. Gutom kana?"
Bahagyang nahipan ng hangin ang buhok niya..Grabe,ang gwapo niya. Parang gusto kong hawakan ang mukha niya.
"Hindi pa naman.." Marahan na sabi ko.
Nabigla ako ng hinila niya ako pasunod sa kanya pabalik sa bench.
Umupo siya sa bench at ako ay nakatayo sa harap niya. He wrapped his hands on my waist.
Kumalabog agad ang dibdib ko. He's really touchy.
Humawak ako sa mga braso niyang matigas at maugat. Hinimas himas ko iyon at ngumiti sa kanya.
"A-ang ganda dito no? " Marahan na sabi ko at ngumiti.
His lips twitched habang nakatingin sa akin. Mas hinila pa ako padiin sa kanya kaya halos tumama ang mukha niya sa dibdib ko.
I gasped softly..
"Babalik tayo dito.."
Nabigla ako, may susunod pa pala?
Isang hila pa niya ay tuluyan na akong napa-upo sa kanyang kandungan.Sobrang kabog na nang dibdib ko. Hindi ko akalain na magagawa ko ang ganito. Kung noon ay sa pelikula ko lang napapanood ang mga sweet na magkasintahan ,ngayon ginagawa ko na.
"How old are you?" He suddenly asked at hinawi ang nakaharang na buhok sa aking mukha dahil sa hangin.
"I-I'm eighteen.."
Pinasadahan ng kanyang hinlalaki ang aking labi habang matiim na nakatingin sa labi ko ang mata niya.
He licked his lips. "Too young..."
Too young? Hello? I'm on my legal age!
"I-Ikaw?" Tanong ko at tumingin sa ibang direksyon.
"Twenty three."
He held up my chin.
" Aware ka ba sa tin?"
Agad akong nagulat sa tanong niya..ano daw?
"Aware of what?"
Ngayon dalawang kamay na niya ang kumulong sa aking pisngi.
"Us.." Napatingin siya ulit sa labi ko. "Tigilan mo na ang paghabol sa akin.I don't like it." Diretsong sabi niya sa akin.
Kumirot ang puso ko sa sinabi niya.Ano? Dinala niya ba ako dito para sabihin yan?
Parang wala lang sa kanya ang luha kong nagbabadya na kitang kita niya.
"A-Anong i-ibig mong sabihin?".
Ang sakit kung saiyo mismo idiretsong sabihin. Ganito ba talaga siya ka prangka? Wala siyang pake kung masaktan man ako . Well,lagi naman.
"I want you to stop." Diin na bawat bigkas niya.
"Tigilan mo na.Ako ang dapat gumawa 'non."
Halos mapamura ako sa nadinig. Ang luha ko kanina ay umurong.
Napakurap kurap ako..
"Ha?"
"You're mine..." Sabi niya lang.
I nodded without hesitation.
"Sayo l-lang ako.."
"I-Ikaw ba? Akin din?" Pulang pula ang aking pisngi pero nagawa kong itanong yon.
He chuckled sexily.
"I'm yours too.Ask me anything you wanna know ,baby.."
Hinilig niya ang noo sa akin. Our nose almost touched.
I cleared my throat. "What about Natalia?"
Dumilat agad ako only to find out that he is looking at me.
"She's a nice friend. I loved her."
Before?
"But my brother owned her heart.."
Kaya pala iba ang kislap ng mata niya noon kapag magkasama sila. He loved Natalia? Pero bakit ngayon?
"H-Hindi mo na siya m-mahal?" .. Please tell me.. I wanna know.
"Hindi na.." Medyo kumirot ang puso ko.
Hindi na ako nagsalita pa. Hinayaan ko nalang.Kahit na gustong gusto kong magtanong.Pinili ko ang manahimik.
Hanggang sa inayos niya na lahat ng kakainin namin.Nilagyan niya ng kanin ang aking plato. Pinag himay niya 'rin ako ng isda at naglagay ng platito na may baboy.
Gentleman din pala siya.Namangha ako ng kumain siya ng naka kamay lang. Kahit ako noon ay hindi nasubukan ang magkamay.
He's simple. Marami kang malalaman na ikagugulat mo talaga. Katulad ko ngayon.
Mas nauna pa siyang natapos kaysa sakin. Naglalagay lang siya ng ulam sa akin kapag naubus na.
Sinasalinan din ng tubig or juice kapag wala na.
"A-Ayoko na, busog na ako." Sabi ko ng lalagyan niya pa sana ako ng kanin.
"Konti lang nakain mo."
"Busog na talaga ako.." Sabi ko.
Niligpit niya ang kinainan at naglinis ng kalat. Alas tres na nang hapon pero mamaya pa raw kami uuwi.
Nag-eenjoy ako sa mga bulaklak..
"Sino ang nag pagawa dito?"
Tanong ko ng pumitas doon ng sunflower.Malusog ang mga bulaklak. Halata na alagang alaga ang mga ito.
Lumapit ako sa tabi niya at umupo..
Nakahilig lang ang likod niya sa bench at nakahalukipkip tinitignan niya bawat galaw ko.
"My Mother.."
Kinuha niya ang bulaklak sa kamay ko at hinila ako ng mas malapit.He tucked the flower in my ear. Inipit niya iyon sa tainga ko.
I smiled widely and bit my lip.
"Bagay ba?" I asked.
He nodded.
"Maganda?"
"Ang ganda mo.." Napalaki ang mata ko sa sinabi niya.
Hinila niya ako at hinaplos ang aking pisngi.
"I like you...fucking much.."
He whispered.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co