Chapter11
CHAPTER 11
Mayakap
Papasok na sana ako sa aking kwarto nang marinig ko ang isang hikbi at mumunting ingay galing sa kwarto ni mama.
Nangunot ang aking noo. Kakatapos ko lang magligpit ng kinainan namin sa hapag. Pinatay ko na ang mga ilaw sa baba. Tanging ilaw mula sa aking kwarto at sa kabilang kwarto kung saan ang kwarto ni mama.
Dahan dahan akong lumapit doon at nakitang medyo nakaawang iyon.Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit doon at sumilip.
Si mama ay nakaupo sa edge ng kama niya umiiyak habang hawak ang kanyang cellphone.
"Kaya pala hindi ka umuuwi Ismael?! Kailan pa ha? Diyos ko naman malaki na si Zandria! Ano ang sasabihin niya? Kailan mo pa kami pinagmukhang tanga ha? Hindi ka nagparamdam ng halos isang taon? At sasabihin mo sakin na makikipaghiwalay ka? Naman Ismael!"
Hindi ko maproseso ang mga narinig ko. Rinig pa ang hikbi ni mama ay agad na akong umalis doon.
Pumasok sa sariling silid na lutang. Hindi ko alam kung paano ko pupulutin ang mga napira piraso ko na pagkatao sa mga narinig mula kay mama.
Isang seaman si papa. Ang alam ko mula noon ay umuuwi siya dito ng dalawa o di kaya ay tatlong beses sa isang taon. Pero noong kailan at ngayon na taon ay hindi na.
Ano iyon? Makikipaghiwalay na siya kay mama? Bakit? Paano na si mama? Paano na kami? Ako?
Sobrang sakit ang dinaramdam ko paano pa kaya sa posisyon ni mama? She's getting old! Nagkakasakit na siya minsan! Tapos ganito pa? Sobrang kumplikado nga nito.
Gumising ako kinabukasan at naghanda na papuntang school.
Si mama ay tulog pa din ng umalis ako. Nagluto nalang ako ng pagkain para sa kanya bago umalis.
Awang awa ako. Awang awa ako sa mama ko. Marami na akong nalalaman at nadidinig na ganitong sitwasyon sa iba or di kaya sa isang kaibigan. Hindi ko alam na mangyayari din sa amin.
Sana naman ay mapag usapan nila muna bago sila magpa dalos dalos. Kung ano man ang rason ni papa kung bakit siya makipaghiwalay ay hindi ko alam.
Ganon' nalang ba kami kadaling limutin ni mama?
I really admired my dad. Nagtitiis siya kahit malayo sa amin upang mataguyod kami. Pero sa mga narinig ko kagabi ang hanga na iyon ay naglaho na.
Pinaghalong sakit ,awa at poot ang aking nararamdaman.
Ramdam' ko ang bigat ng aking pakiramdam ng pumasok sa eskwelahan. Halos lutang ako marahil ay hindi makapaniwala na nangyayari talaga ito sa amin.
Ramdam' ko ang tinginan ng mga babae ng dumaan ako sa alley. Pero halos hindi ko naman masuklian ang kanilang klaseng atensyon para sa akin dahil may mas malaki akong problema kaysa pagtuonan ko pa sila ng pansin.
Kita ko ang pag tutulakan nila hindi ko alam kung bakit. Pero bago pa makalayo ay may humigit na sa braso ko pabalik.
Napatingin ako sa babaeng nadaan ko kanina. Naglaho ng parang bula ang aking iniisip kanina.
Tamad ko siyang tiningnan. Problema nito?
"Ang akala mo naman kung sino kana ngayon no?" She smirked. "Hindi porket ikaw ang tipo ngayon ni Damon ay kung makaasta ka kung sino kana!"
Napataas ang kilay ko. Ano daw? Wala naman akong ginagawa ah!
Hindi nga ako nagkamali. Isa ito sa mga babaeng nababaliw kay Damon na isa sa mga naka flings niya noon.
"Wala akong ginagawa." May mas malaking problema ako ngayon. Sinasabayan pa nila? Wala akong pake kung ano man ang problema nila.
"Wala kang' ginagawa? Bakit dumidikit ka sa kanya kung ganon? Feel mo din e' no?"
Ang kasama niyang ibang babae ay tumawa na nakaupo lamang kung saan ko sila nakita kanina.
Biglang kumulo ang dugo ko. Hindi naman ako mahilig sa away e. Mas gusto ko ng tahimik na pamumuhay 'yong walang gulo. Pero ewan ko sa mga to! Kung maka asta e asawa ni Damon!
"Dumidikit ako dahil siya ang may gusto." Malamig ko na sabi. Mariin na kumapit ang aking kamay sa aking bag.
Ang badtrip ng umaga ko ngayon! May problema ako sa pamilya tapos kung ano ano naman ang pinagpuputok ng butsi ng babae na to!
"Kung may problema kayo kay Damon idiretso niyo sa kanya hindi sakin! Dahil may mas importante akong problema kaysa sa mga kababawan niyo."
"Aba!" Impit na sabi niya . "Well. Lets see.Alam ko naman na isa ka lang sa mga laruan ni Damon pagsasawaan,lalaspagin at babalewalain pagkatapos!Diyan naman ang punta mo."
Namuo ang luha sa aking mata. Ang makita ang sarili kong 'ganon ay hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
"Kung mangyari man iyon sa akin. Wala na kayo doon!" Garalgal na ang boses ko at malapit na maluha. Naluluha ako sa inis at galit.
Mas lalo lang yata siyang napahiya kaya umakma siyang sasampalin ako pero sa hindi ko malamang dahilan ay nauna na ang kamay kong sumampal sa kanya.
Her jaw dropped ,hawak niya ang kanyang pisngi na sinampal ko.
Tumayo ang kasamahan niya.
"How dare you!" She screamed at sasampal sana ulit pero may pumigil na doon.
Her face became pale.
"Ang ayoko sa lahat ay ang mga basagulera sa Unibersidad ko". Malamig na sabi ni Sebe sa mga babaeng kaharap niya. Yung nasampal ko at mga kasama niya.
"S-Sir Sebe."
Binalingan ni Sebe. Napayuko ako sa kahihiyan.
"Go to your room." He commanded.
Mabilis na umalis ako doon.
Shit!Ang daming nakatingin! Nakakahiya! Sinampal ko pa siya!
Lutang ako sa buong klase. Lalong lalo na wala si Ruru ngayon dahil nasa family outing sila.
I ditched my last subject. I can't stand it anymore. Walang pumapasok sa utak ko.
Parang ang malas ko naman yata ngayon.
Gustong gusto kong umiyak. Iiyak yung lahat na frustrations ko. Pero ang hirap.
Napapikit ako ng humampas ang pang hapong hangin.How I wish na sana maayos ang lahat. Mahal ko si mama at mahal ko si papa. Ayokong magka watak watak yung pamilya namin.
"Open your eyes."
Napadilat ako bigla.
Nasa harap ko si Damon at nakapamulsa.
"Damon." Kumalabog agad ang dibdib ko ng makita siya. Tila gumaan ang aking pakiramdam ng makita siya.
Gusto kong umiyak bigla.Umigting ang panga niya ng makita niya iyon.Mabilis niya akong hinila.
Dinala niya ako sa kanyang kotse.Bago ako tiningnan ng seryoso.
Pansin ko ang makapal na pagkatinted ng kotse niya.
"Come here. I need a kiss." he tapped his lap.
Kumalabog agad ng marahas ang puso ko.
Ako naman na alipin at sumunod sa sinabi nito. Dahan dahan akong umupo sa kandungan niya.
Pumulupot sa aking baywang ang kanyang kamay.
Walang pasubaling hawakan niya ang baba ko at hinalikan ng marahan.
Tila isang gamot ang halik niya at nawala ng parang bula ang aking dinaramdam.
"I heard you slap someone." Napairap ako sa sinabi nito.
Ngumuso ito tila aliw na aliw sa pag sisinuplada ko.
"Hindi ko sadya 'yon." Yumuko ako at nadako ang paningin sa kanyang braso na maugat. Tumindig ang balahibo ko sa batok. His arms looks so ruthlessly strong!
Hinapit niya ako lalo kaya napasandal ako sa dibdib niya. Langhap ko ang mamahaling pabango niya.
"It's not bad to defend yourself sometimes.".He whispered. Tama siya.
"May problema ba?" He burried his face on my neck.Marahan siyang humalik doon.
"W-Wala naman."
"Makakalabas ka ba sa gabi?"
Napataas ang kilay ko sa tanong niya.
"Gusto kitang yakapin buong magdamag sa kama. Puwede ba?"
Parang mawawalan ako ng hininga dahil sa kaba. Ang bilis bilis ng tibok nang aking puso.
Tiningnan ko siya at marahang tumango. Sumilay ang ngiti sa labi nito at pinatakan ulit ako ng halik sa labi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co