Truyen3h.Co

Mistakes

Chapter10

frezbae

Chapter 10
Ang hirap magpigil

Lumipas ang mga araw na hindi na maialis sa aking labi ang ngiti.

Sa Tagaytay ay halos wala siyang ginawa 'don sakin kundi ang halikan ako magdamag. Hihinto siya ilang minuto at manghahalik na naman.

Kissing Monster yata siya.

Napapikit ako ng mariin dahil sa mga naalala ko. Kaharap ang salamin ay pinagmasdan ang aking kabuuan.

Hinawakan ko ang aking labi at kinagat iyon sabay ang pag balik alaala ng pagkagat doon ni Damon noong kailan.

Bumaba ang aking kamay sa aking leeg. Halos mapamura ako ng maalaala ang pagbaba doon ng halik ni Damon. First time kong mahalikan sa leeg.

Biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at pumasok doon si mama.

Napa ayos ako nang tayo at kinuha na ang aking bag.

"Ma".


"Mali-late kana , kain kana.."

"Ah! Opo! Sagot ko at bumaba na 'rin .

Hindi na nag usisa si mama sa akin. She's been silent the whole time and I am not used to it.

"Ma may problema ba?" Pinagtabi ko ang hawak na tinidor at kutsara.

Uminom siya ng tubig at umiwas.

"Wala anak! May na ala-ala lang."

Hindi niya man sabihin sa akin alam ko na si papa na naman ang dahilan. Sa ganong problema ay hindi ako nagingealam .


Lumabas ako ng gate. Binuksan ko ang aking wallet at nakitang isang libo nalang ang pera ko.

Nakagastos ako ng kailan dahil maraming projects. Nahihiya naman akong manghingi kay mama.

Napabuga ako ng hangin at papara na sana ng taxi pero iba ang huminto sa aking harapan.

The glimmering black Innova sa aking harapan.Bago ang sasakyan at nang bumaba ang tinted na salamin ng sasakyan.

My lips parted. What the...

Damon wearing a white t-shirt. As usual ganyan naman palagi e,palaging white v neck or hindi kaya ay longsleeve. Pero halata na mamahalin ang mga damit niya.


"Get in."

Napalunok agad ako at pumasok na sa frontseat.

Ito na naman yong puso ko. Ng bilis bilis na naman ng tibok nito.Lumapit siya sa akin at siya na mismo ang umayos ng seatbelt ko.

"How's your day?"

Dumaan kasi ang sabado at linggo na hindi kami nagkikita. Pero palagi siya tumatawag sa akin.Nagtatanong kung ano ang ginagawa ko at iba pa.

Nagtataka tuloy ako kung ano ba talaga kami? Kung sabi niya ay AKO AY KANYA. So ibig sabihin AKIN RIN SIYA. Ano kami?

Nakakahiya naman itanong iyon. Baka kung wala naman siyang pagtingin sa akin. Nakakahiya kapag 'ganon.

Nakayuko lang ako takot na umangat ng tingin sa kanya.

"Ayos lang.."

"Lumabas ka?" Buong seryoso ang boses niya. He played the tip of my hair. Inamoy amoy niya iyon.


"H-Hindi.."

Napasinghap ako ng halikan niya ang sentido ko medyo bumangga ang dibdib niya sa aking balikatdahil nakagilidp
siya sa akin habang ako ay nakaharap sa daan.

"Good.. "

Hanggang sa makarating kami sa school ay nanatili siyang seryoso. Pagkalabas namin ay agad dumapo sa amin ang mga mata ng lahat.

Their jaw dropped in shock.

Sobrang napapakagat labi naman ako. Sobrang yukong yuko ako habang lumalakad.

"Ah mauna na ako." Sabi ko sa kanya at ngumiti pero napamura sa isip ko lang ng hilahin niya ako pabalik.

"Ihahatid kita." Aniya.

Napakurap kurap ako sa huli ay wala akong nagawa.Halos lahat sa amin nakatingin ng dumaan kami sa alley.

"Oh.. God! Sila na nga yata.."

"Freshmen ang girl diba? Pero infairness cute siya."

"Di na yan virgin ,pustahan tayo!"

Iba't iba na agad ang narinig ko sa pag daan namin.

Shit! Pusta ka diyan! I am virgin!

Naiirita ako sa mga naririnig ko pero binalewala ko nalang.

Its nonesense.

Hinapit ni Damon ang aking baywang at hinalikan ang buhok ko.Nagsinghapan silang lahat.

"Wag mo silang pansinin." Sabi niya sa akin na ginaya ako sa room ko. Hindi ko alam kung bakit niya alam ang room ko.

Pero bago kami tuluyang maka abot sa room ko ay nakasalubong namin si Radleigh. Kilala ko naman lahat ng pinsan niya e.

Hindi na ka taka taka. Popular sila sa school na ito. Kahit naman sa labas e.

"Damon." Rad chuckled and looked at me. His brows shot up.

"Bantay sarado ang girlfriend?" Balik ni Damon.

Rad just shrugged ." Mauna na ako."

Ibig sabihin tourism 'rin ang girlfriend niya. Pero alam ko third year na iyon.

Tumigil kami sa hamba ng pinto ng room.

"Salamat sa paghatid." Sabi ko at tinigan siya.

"Anong oras ang tapos ng klase mo?"
Tanong niya at nilagay sa bulsa ang kamay.

"Three ng hapon."

"I'll fetch you."

Kumalabog ang puso ko sa sinabi niya pero napangiti ako.

Isang kabig niya lang sa baywang ko naangkin na niya ang aking labi.

Nasa corridor po kami! May mga studyante pa naman! Gusto kong tumutol pero sa paraan ng paghalik niya ay hindi ko magawa . Nalasing agad ako.

Sa klase ko ay kakaiba ang ngiti na nakapaskil sa aking labi.

"Aray!" Napadaing ako ng kurutin ako ni Ruru sa tagiliran.

"Hala! Nabaliw ka na yata Zands! Ano ang ginawa sayo ni Damon sa Tagaytay ha? Na rape ka niya? Hinalay ka? Hindi kana virgin--"

Agad kong tinakpan ang bibig niya sa bulgar na pagsasabi niya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Wala! Nag date lang kami doon!."

Agad uminit ang pisngi ko sa sariling sinabi ko.

"Date? Kayo na?" Naglabasan na ang iba namin kaklase.

"H-Hindi.."

"Hindi? Pero magkasama kayo kanina! Hinalikan ka niya sa labas pero hindi pa kayo? Grabe marunong ka nang lumandi ngayon!" Sabi niya at nilagay sa loob ng bag niya ang notebook.

"Sabi niya sa kanya lang daw ako."

"Tsk! sa kanya ka! pero siya ba sayo? o sa iba? Ewan ko sayo Zands ha!? Mag ingat ka! Fucker yang si Damon. Baka ma fuck kana talaga niyan-"

Tinakpan ko ulit ang bibig niya.
"Ru! Ano ba!"

Nag peace sign lamang siya sa akin.Hindi nagtagal ay lumabas na kami ng room . Nanatili pa ako sandali sa corridor dahil nga sabi ni Damon ay susunduin niya ako.

Pero malapit na mag alas kwatro ay wala pa din siya. Wala paring text.

Habang tumagal ay kumikirot na naman ang puso ko. Umaasa ba naman ako ulit?

Nagpasya nalang ako na bumaba nalang at doon na sa parking lot maghintay. Ang kaninang punong parking area ay ngayon ay konti nalang ang naiwan na mga kotse.

I sighed in frustration. Baka busy siya sa kompanya nila?Napasinghap ako at tumayo na mula sa shed.

Si Ryle papunta sa akin.

"Hi!" Bati niya.
"Hapon na ah! bakit nandito ka pa?"

Bigla kong naisip ang pagtawag niya sa akin noon na sinagot ni Damon.

"Saan ang boyfriend mo?" Dugtong niya.Sabi ko na e.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

" Uuwi 'rin naman ako e."

"Hatid na kita?".

"Wag na.." Ngumiti ako.

"Oh come on. Mag isa kalang walang sasakyan at may kotse ako. Parang ang sama ko naman kung hindi kita ihahatid."

Napatawa ako sa sinabi niya. He's really nice.

Pero ang pagtawa ko na iyon ay nalusaw dahil sa bigat na yapak at ma awtoridad na hangin ang lumagpas sa amin.

Agad akong napasinghap ng makitang si Damon iyon.

He looked so serious at nilagpasan niya lang ako.

"Diba si Damon 'yon? Boyfriend mo 'yon?"

Wala na akong oras pakinggan pa si Ryle.Bakit 'ganon siya?

Hinintay ko naman siya a!

Lumipas ang araw na iyon na malungkot ako. 'Ganon naman palagi di ba? Bibigyan ka ng kaligayahan babawiin naman pagkatapos.

Buong gabi akong nakatunganga sa cellphone ko at naghihintay ng text niya ,pero wala.

Kinabukasan ay halos mukhang zombie ako. Tatlong oras lang yata ang tulog ko.

"Anong nangyari sayo? Bakit ang laki ng eyebags mo? " tanong ni Ruru at nilagyan niya ng concealer ang aking eyebags.

Lutang lamang ako. Hindi ko magawang magsalita. Marahan akong bumuntong hininga.

"Ayan! Hindi na halata." Sabi niya.

"Ano?! May problema ka ba?" Tanong niya ulit. Lunch time na ngayon. Ang iba bumaba na para kumain.

"Wala. Masama lang ang pakiramdam ko."

"Halika kain na tayo.Ikaw kasi sabing wag mainlove sa fuckboy."

Kahit anong sinungaling ko alam kong alam niya pa din ang dahilan.

Ano paba ang bago sa akin? Nagiging malungkot lang naman ako dahil sa kanya. Nagiging masaya din dahil sa kanya.

Kung baga sa kanya lang umiikot ang mundo ko.

Lumipas pa ang dalawang araw na walang Damon na nagparamdam. Nakikita ko siya pero halos hindi naman siya nakatingin sa akin. Ilang oras lang siyang nanatili dito sa school pagkatapos ay aalis din.

Siguro busy siya sa kompanya nila? Kaya pate ako nalimutan?

Sa mga araw na iyonay halos lutang ako at bagsak ang mga quiz ko. Hindi din ako masyadong nakakain. Iba talaga ang epekto niya sa akin.


Hanggang sa natapos ang klase namin na wala si Ruru. Absent siya dahil may sakit daw.

Pinilit ko lang ang pumasok. Nasa loob ng classroom pero hindi attentive. Halos wala ngang pumasok sa utak ko.

Ilang beses ko din nakita si Damon pero isang tingin lang ang tinapon niya sa akin.

Nakumpirma ko na galit nga siya.
Ang naalaala ko lang naman ay si Ryle ang huli kong nakausap e.

Ibig bang sabihin nag seselos siya? Pero imposible.

Pagkatapos ang panghapon na klase ay sinikop ko na ang mga gamit ko. Wala talaga akong gana.

Nagpaalam sa akin ang ibang kaibigan ko na kaklase.

Pinuyod ko muna ang mahabang buhok at sinukbit ang bag sa balikat.


Papaliko na ako sa alley ng nabangga ako sa isang matigas na dibdib.

Damon seriously looking at me.

"Uh...s-sorry."

Sabi ko at medyo lumayo.Umigting ang panga niya habang nakatingin sa akin.

Yumuko ako. "Sorry talaga."

"For what?"

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin din pala siya sa kabuuang mukha ko.

"D-dahil nabangga kita." Nauutal ako.

He scoffed and licked his lips. He tilted his head at tinignan ako ng nanantiya.

"Hindi dahil nakita kita na kausap si Ryle?" Iritado ang boses nito.

What the hell..

Napakurap kurap ako.

"M-Mali ang iniisip mo Damon.."

"Let's talk somewhere else." He said at hinawakan ang baywang ko.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Buong byahe din siyang tahimik 'ganon din ako.

Pasimple akong kumurap kurap..Pumasok kami sa isang hotel. Anong gagawin namin dito? Halatang mamahalin ang hotel na ito.

Buong magdamag akong hindi nagsasalita ganon 'rin siya. Seryoso lamang siya kahit na may bumabati sa kanya hindi niya tinutugunan.

Mainit ba ang ulo niya?

Sa lift ay hinapit na niya ang baywang ko padiin sa kanya at nang bumukas iyon ay nasa isang hallway na kami na alam ko ay esklusibong kwartong mamahalin.

He swiped his card in it at agad bumukas ito. Namamawis ako sa sobrang kaba.

Nang makapasok kami ay agad niya akong ginaya sa dining area. Wala akong masabi. Hanggang second floor ito.

Lahat mamahalin ang gamit,ang interior ay itim at abo. Kinalas ang kanyang necktie at hinagis kung saan ang kanyang coat.Hindi ako makatingin sa kanya.

Ilang sandali pa ay may nag buzz sa pinto at pumasok ang isang bellboy na may cart nang mamahaling pagkain at wine.

Ang silya na kanina ay magkaharap ay hinila niya iyon sa aking tabi.

"Eat first."

Ang seryoso talaga niya.Uminom ako ng tubig.

"S-salamat pala dito.." Sabi ko pagkatapos.

I cleared my throat.

"S-Sorry rin pala noong kailan.Hinintay naman kita pero n-natagalan ka.. kaya---"..

"Kaya mo kasama si Ryle?"

Bakit puro siya Ryle?

Pumikit ako ng mariin ng inamoy niya ang tainga ko.

"You like him"?

"Hindi.." I spat.

Ang labi niya ay gumapang sa leeg ko.
Nangatog ako sa labis labis na kaba. Nasa kaliwa ko siya at ang kanan ko ay dingding na.

"N-Nakita niya lang ako doon. Habang hinihintay k-ka.."

"I said..you're mine." Halos nawala ang kaluluwa ko sandali.

He sucked my neck. Ramdam ko ang pagkagat niya doon. Kaya napaigtad ako.

"D-Damon." I moaned.

Napahawak na ako sa tshirt niya nang tumaas ang halik niya sa aking panga.

"Da-Damon.. --"

He brushed his lips in mine. Napasinghap ako kasabay ng pagpasok ng dila niya sa bibig ko. Ramdam ko ang pagngisi niya sa aming halikan.

Liyong liyo ko siyang tinignan.

His thumb brushed my lips.

"I am jealous.." he said breathlessly.

Hala!

Agad akong napatingin sa kanya.

"Hindi ko na alam kung ano ang magagawa ko sa susunod na magseselos pa ako Zandria.."

"Baka makuha ko ang hindi pa dapat." seryosong sabi niya at dinikit ang noo sakin.

"Ang hirap mag pigil."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co