Chapter16
Chapter 16
Papa
Maaga akong nagising. Nagdala ako nang extra na bag na may laman nang white t-shirt at jeans para diretso na ako pasok sa bakery mamaya.
Bumaba ako at dumiretso sa kusina. Si mama ay nagluluto na ng pagkain.
"Good Morning Ma."
"Upo ka na pinagluto kita ng pancakes.."
Hindi siya mukhag stress ngayon.
"Mah, mag uumpisa na po ako mamaya. Baka alas nuebe pasado na ako uuwi.." Paalam ko.
Umupo siya sa aking harap.
"Sigurado ka ba diyan anak? Baka mapabayan mo ang pag aaral mo?" She asked worriedly.
Tinignan ko ang bill ng aming kuryente na nakasabit sa aming fridge.Tatlong bill na iyon pag hindi pa kami makabayad ay puputulan na kami.
Napagtanto ko talaga na.. talagang pinabayaan na kami ni papa.
"Hindi ma,kayo po ang inspirasyon ko para maging malakas. Marami pong gastusin.Wala na po tayong pera.." Sabi ko.
"Puwede naman ako mag apply bilang secretary ng kaibigan ko anak.."
"Wag na ma.Ako na ang bahala.."
Pagkatapos ko kumain nag ayos ako ng sarili at lumabas.
Gaya ng dati,mataas na ang tirik ng araw. Hinihipan ng hangin ang aking buhok.
Damons wearing a white round neck t shirt and a jeans. Salubong ang kilay na may katext.Pero agad namang umangat nang tingin ng lumabas ako.
Nakahilig sa kanyang magarang kotse at nilagay sa bulsa ang cellphone niya.Dumapo ang kanyang tingin sa isang bag na dala ko.
"Para saan ang bag?" He asked while driving.Seryoso siyang nakatingin sa daan.
He looked so ruthless and barbarous. Bakat sa puting shirt niya ang kanyang abs.
"Damit ko.." Maikling sagot ko.
Hindi niya alam na may trabaho na pala ako.
"Damit?" Nilingon niya ako.
"Simula na kasi ng aking trabaho mamayang hapon kaya nagdala ako."
His lips parted.May dumaang galit sa mata niya. Mabilis niyang hininto ang sasakyan sa gilid ng daan. At kung walang seatbelt ay siguro nauntog na ako.
Tumaas baba ang aking dibdib sa bigla.
"Trabaho?" Halos isigaw niya iyon sa akin.
"O-oo.."
Napatili ako ng hampasin niya ang manibela.
Shit! Bakit siya nagagalit?
"Hindi mo sinabi sa akin!" Anas niya.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Alam kong magagalit siya pero alam kong maawa siya sa akin. At ayokong mangyari iyon.
"Ka-Kasi... alam kong hindi ka papayag. Tsaka,kailangan namin ng pera Damon!Kailangan ko ng pera dahil nag aaral ako.." Huminga ako ng malalim at nanatiling nakatingin siya sa akin.
Umiwas siya at binasa ang labi niya.
"Pero ayokong nagtatrabaho ka."
"Damon,si papa wala nang pakealam sa amin.May iba na siyang pamilya.Si mama may sakit! Sa tingin mo hahayaan ko siyang magtrabaho? I need to earn!"
Ayaw ko man sabihin pero wala akong choice.
Umigting ang panga niya
"Magkano ang araw mo doon? Anong trabaho?"
"Three hundred.Cashier sa bakery.."
Frustration filled his face.
"Sakin ka na magtrabaho.Mas malaki ang ibibigay ko."
I chuckled mockingly.
"Anong trabaho?"
"Just kiss me all the time." Pilyo itong ngumiti.
Agad akong napairap.
Nagtalo pa kami ni Damon tungkol doon.Oero sa huli wala rin siyang nagawa.
Marami siyang binilin sa akin. Dapat daw hatid sundo niya ako.
Ang klase namin naging maayos pero 'eto na naman nagbigay na naman nang payslip para sa aming bayaran sa exam.
"Kung pautangin nalang kaya kita?"
Nandito kami ngayon sa bench sa harap ng soccerfield .
"May trabaho na rin naman ako.Kaya makakabayad na ako." I told Ruru about our situation 'tsaka tungkol sa trabaho ko.
" Ano na pala ang ganap niyo ni Damon? Palagi kayong magkasama ah.." Usisa nito.
Ngumuso ako."H-Hindi ko alam.." Hindi ko alam dahil walang ligawan at sagutan na naganap. Bigla nalang ganito.
Parang boom! Ganito na kami.
"Anong hindi mo alam? Naghahalikan kayo,hatid sundo kanya! Halos patayin na niya mga lalaking umaaligid sayo! Tapos hindi mo alam?Wow ha! amazing!"
She said exaggeratedly.
Napairap ako.
"Hindi ko alam! Walang ligawan na ganap diba?"
She rolled her eyes.
"Duh?Maria Clara kaba? Ang tipo ni Damon kasi hindi nanliligaw iyan! Gusto niya agad agad kayo na!"
Napainom ako sa aking frap.
"Hindi ko alam Ru.."
"Simple lang Zands.Ask him.."
Ask him? She think kaya ko? That's the problem. I have no guts to ask.
Nang hapon ay agad akong nagbihis. I wore a white v neck shirt and a fitted jeans.Pinuyod ko ang aking mahabang buhok.
Halong excitement at kaba ang aking nararamdaman.Hindi ko na hinintay pa si .Damon agad na akong tumungo sa Sweetsbakery.
So this is it! Kaya ko ito!
Pinakilala ako sa mga kasamahan ko bale lima kami dito.
Ako ang cashier.Si Claudette na tindera,si Flora na naka assign sa mga fraps, si Andress na taga linis,at si Camille na taga serve.
Ang sumunod na araw ay ganon pa rin pinagkaiba lang ay walang Damon na sumundo saakin. Kahit text ay wala.
Niready ko na ang sarili ko sa ganito. Alam kong hindi siya akin. Alam kong masasawa lang siya sa akin katulad ng ibang babae niya.
Mabilis natapos ang araw na walang Damon na nagparamdam.
Sa trabaho ay marami ang bumibili nang mga cakes.Marami ang order ng frap kaya kahit cashier ako ay tumutulong ako magserve.
Dahil nga salamin ang dingding nang Sweetbakery ay kita ko ang lalaking papasok dito.
A leaned man with a woman in her 30's na may hawak na bata na sa tingin ko ay dalawang taong gulang ay papasok ngayon dito.
Dumapo ang mata ko sa Gucci bag ng babae na alam kong sobrang mahal. Ang cellphone ay Iphone. Maraming alahas na nakasabit sa katawan na alam ko ay si papa ang bumili.
Kumalabog ang puso ko sa galit at puot. All this time? Nasa Manila siya? Pero hindi siya kailanman nagpakita sa amin! Kahit ni piso ay wala siyang binigay sa amin!
Agad kumirot ang puso ko.
They look so happy together. At ang bata ay kamukhang kamukha ni papa!
They look so happy habang kami ay naghihirap.
Tumama ang paningin namin ni papa. Napawi ang ngiti niya.
Sa loob ng dalawang taon na nangibang bansa siya ay wala akong hinangad kundi ang yakapin siya kapag magkita kami ulit. Sobrang miss na miss ko ang aruga nang isang ama. Pero ngayon? Hindi ko na alam.
He's happy and healthy. Habang si mama may sobrang stress at may sakit.
Sobrang sakit.
Umiwas siya nang tingin sa akin....unti unti akong nanlumo.
Tila wala na akong nakitang iba. Wala na akong marinig na iba. Ramdam ko ang sariling galit ko.
May tinuro sa kanya ang babae na cake. Ilang sandali pa ay kinuha ni papa yung cake at may sinabi sa babae kaya nauna itong lumabas.
Dahan dahan siyang lumapit sa akin..dala dala ang cake. Dahan dahan rin akong dinudurog.
Agad nangilid ang luha ko habang nasa harap ko siya.Kita ko ang pagpula nang kanyang mata. Agad niyang inabot ang isang libo.Bayad niya sa cake.
May inabot siya ulit na makapal na mga libo na alam kong malaking halaga.
Nanginig ang kamay ko. Ang abala na mga tao ay walang malay sa nangyayari sa amin ni papa.
"Kunin mo.." Aniya sa isang buo na boses.
Kinuha ko iyon sa nanginginig na kamay.
"S-Salamat..papa.."
"Wag na wag mo na akong tatawaging papa." Dugtong niya agad bumagsak ang aking luha.
Naaawa ako sa aking ina at sa sarili ko.Paano nagawa sa amin ni papa ito? Ganon lang ba kami kadali kalimutan?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co