Truyen3h.Co

Mistakes

Chapter17

frezbae

Chapter 17
Mine

Promises are made to be broken.

It's true.

Sa una lang masaya sa huli magkakasawaan na.'Ganon din siguro si Damon sa akin? Sa una lang kami masaya? Sa huli pinagsawaan na?

Ewan ko ba kung may sasaklap paba sa sitwasyon ko ngayon?

Ayokong sabihin kay mama. Ayokong masaktan siya. Kung puwede ako lang ang makakaalam 'non . At kung puwede na akuin ko nalang ang kanyang sakit na nararamdaman?

Bumangon ako na malungkot. Hindi paman magsisimula ang araw ay pagod na ako sa lahat.

Kinuha ko ang cellphone sa ilalim nang unan. Walang mensahe kahit isa.

Ngayon ko lang narealize ang lahat. Natanto ang lahat. Walang ibang makakatulong sa amin ni mama kundi ako.

Wala kaming maaasahang iba kundi ang sarili lamang. Kahit na sobrang sakit na. Kailangan paring magpatuloy sa buhay.

Bumangon ako at huminga ng malalim.
Tumayo ako at kinuha ang aking bag .Nilabas ko doon ang pera na binigay ni papa.

Imbes na masiyahan ako sa pera na hawak ay mas lalo lang sumikip ang aking dibdib.

Papacheck up ko si mama. Babayaran ko ang bill ng kuryente at tubig. Mag grocery at bayaran ang aking paaralan.

Ang iba ay itatabi ko. Hindi ko puwedeng ibigay kay mama dahil alam kong magdududa siya.

White lies lang naman.

Sasabihin ko na nag advance ako nang sahod sa bakery. So ,ngayong araw ay aabsent ako sa school. Pero sa hapon papasok ako sa bakery.

Marami akong gagawin ngayon kaya kailangang umabsent. Ngayon lang naman.

Pagka baba ay nabungaran ko agad si mama.

"Mah,mag ayos kayo. Nag advance ako! Papa check up kita!"
Masiglang sambit ko at umupo.

Nangunot ang noo niya at nilapag ang pagkain sa mesa.

"Nag advance ka?"

"Opo.."

"Naku naman anak--"..

"Mah,please?" Hinawakan ko ang kamay niya. Umiinit ang gilid ng aking mata habang tinitingnan siya.

Gustong gusto kong sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko. Nangilid ang aking luha.

Si mama ay maganda kung maayusan. She's always haggard dahil sa gawaing bahay. Masipag siya, mabait,maganda at mapag alaga. Kaya nagtataka ako kung bakit siya iniwan ni papa?

"Mah." Nanginig ang aking boses.
"Pumayag na kayo.nag aalala na ako."

Sa huli ay napapayag ko si mama. Pina check up ko siya sa unang pagkakataon sa isang pribadong clinic.

Barado daw ang baga ni mama ng plema kaya madalas siyang ubuhin. Masyado din daw siyang stress at pagod.

"Ma mauna na kayo sa bahay.Bibilhin ko lang ang gamot mo at mag go-grocery ako." Sabi ko habang nag aabang kami ng taxi.

Sumulyap siya sa akin."May pera kapa ba anak?"

"Opo ma.."

Ilang sandali pa na nakaalis ang taxi na lulan si mama ay may sasakyan na huminto sa aking harap.

Umatras ako nang bahagya dahil baka dadaan. Pero bumaba ang salamin nito.

Agad bumalandra sa akin ang nagiti ni Ryle.

"Ryle.."

It's been almost a month na hindi kami nagkita!

He smiled. Lumabas ang dimple niya. He's so cute.

"Sakay na!"

Tumango ako at pumasok doon.

"Ang tagal nating hindi nagkita a!" Sabi ko habang kinakabit ang seatbelt.

"Busy ka kasi."

"Ganoon talaga.."

Malaki ang nagbago kay Ryle mula noong highschool palang kami. Noon ay payat siya pero habulin parin nang mga babae dahil nga gwapo siya.

"Ganoon talaga siguro dahil my boyfriend ka na?" He teased.

"Wala akong boyfriend.." It's true.

Nasa daan ang tingin niya.
"Wala? Eh diba--".

" Wala!Basta wala!" Putol ko agad sa kanya. Ayokong pag usapan muna. Ayokong isipin siya sa ngayon ,masasaktan lang ako.

Nangunot ang noo niya. Tila marami siyang gustong itanong pero agad na akong umiwas at sa labas tumingin.

"Saan ka pala?" Tanong niya.

"Sa Shangri la lang ako. May bibilhin lang."

"Samahan kita." Presenta niya.

"Naku wag na!"

"Come on,Zands.Matagal tayong hindi nagkita." Seryosong sabi niya.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko kaya nanahimik nalang ako.

Noong highschool ay palagi kaming magkasama ni Ryle. Magkaibigan rin ang mama namin.

Sinamahan ako ni Ryle bumili ng gamot ni mama sa drugstore. Kaya napag usapan namin ang tungkol kay mama.

Pero yung nangyari sa kay papa ay hindi ko sinabi. Nang natapos kaming mag grocery ay niyaya niya akong maglunch.

Habang umoorder si Ryle ng makakain namin ay tinignan ko ang aking cellphone na may mga misscalls ng unknown number.

Tumaas ang kilay ko.

"Sino kaya to?" I mumbled.

Pero nawala ang aking pag iisip nang nilapag ni Ryle ang pagkain.

"Lets eat!"

Mabilis natapos araw. Hinatid ako ni Ryle sa bahay kanina. Marami kaming napag usapan.

Kaya kahit sandali man lang ay nawala sa isip ko ang problema.

"Three strawberry frap,and three cookies." Nagpapunch ako ng mga take out.

Nandito na ako ngayon sa trabaho at alas otso na ng gabi.

"Zands mauna na kami ha?" Paalam ni Claudette at Flora.

"Sige..bye!"

Pagkatapos kong mag ayos ay lalabas na sana nang magsalita si Andress.

"Uuwi kana?" Sinukbit niya sa kanyang balikat ang backpack.

Tumango ako."Oo."

Si Andress ay mabait. Isa siya sa mas umalo sakin kahapon ng umiyak ako.

Katulad ko,working student rin siya. Nag aaral sa pampublikong kolehiyo.

Sa labas ay kasama ko si Andress nagbabantay ng taxi.

"So,okay ka na ba ngayon? Bakit kaba kasi umiyak kahapon?"

"Wala. " Napangiwi ako dahil wala akong maisip na dahilan.

Nangunot ang noo niya nakatingin sa akin.Humampas sa aking balat ang hanging pang gabi.

Magsasalita pa sana siya pero may marahas na pumreno sa aming harap na black SUV.

Pareho kaming gulat ni Andress.Kumalabog ang puso ko nang unti unting nag sink in sa utak ko kung kanino ang SUV na ito!

Halos mapaatras ako ng bumaba ang salamin 'non.

"Get in.." Utos na maawtoridad ni Damon sa akin habang madilim ang tingin kay Andress.

"Uh.." Binalingan ko si Andress.
"Mauna na ako.." Paalam ko pero nabigla ng biglang umandar ang SUV kahit nagsasalita pa ako na parang hindi na makapaghintay.

Madilim ang mukha ni Damon na nakatingin lamang sa daan.

"Sino yun?" His thick voice gave me shivered.

"K-Kasama ko sa trabaho."

He licked his lips and nodded.Tila galit ang pagkalahawak niya sa manibela.

Nagulat ako ng makitang ibang daan ang tinahak niya. Lumampas iyon saamin.

"Damon uuwi ako sa amin.." Agad na sabi ko.

"Mag-uusap tayo.." Sabi niya..

"Wala tayong dapat pag usapan." Sabi ko sa labas ang tingin.

"Mag-uusap tayo.-"

"Mag usap tungkol saan?" Tinignan ko siya ng masama.

Hininto ang sasakyan sa madilim na parte sa gilid lamang nang highway.

Agad niyang hinampas ang manibela nang sobrang lakas .

Napatalon ako sa gulat.Sinuklay nito ang buhok niya gamit ang mga daliri ng marahas.

"I've been calling you! Hindi mo sinasagot!Tapos makikita ko lang kayo nang putang inang Ryle na iyon?"

What? Shit? Nakita niya kami ni Ryle?

Nangilid ang luha ko pero pinilit kong makasagot.

"Hindi ka tumawag sa akin Damon!" Halos isigaw ko iyon.

"Wala kang tawag. Pagkatapos ng ilang araw na walang paramdam at susulpot ka ngayon? Ikaw pa ang galit?"

Pumikit siya nang mariin. Mas lalong naging galit ang mukha.

"I lost my phone ,okay?" He cocked his head.

"May biglaan kaming outing sa ibang bansa. Hindi na ako nakatawag kaya bumili ako kanina ng bagong cellphone ng makauwi .Tapos kayo ni Ryle ang makikita ko?"

Siya pala yung unknown number na tawag nang tawag sa akin kanina!

"Sinamahan niya ako Damon." Sabi ko ilang sandali.

"Kumain kana ba?" Pang iba niya nang usapan.

"Sa bahay na ako kakain." Dahil wala akong gana.

Umigting ang panga niya.Alam niyang galit parin ako. Hindi ako galit dahil doon. Galit ako dahil wala akong alam kung ano ba kami.

"Kung iyan ang gusto mo.."

Suminghap ako. Kung pairalin ko pala ang pride ko ay mas mapride siya? Grabe, hindi man lang ako pinilit. Hindi man lang nag sorry?

Ilang sandali pa ay umabot kami sa bahay na tahimik lang kami.

Kinalas ko agad ang seatbelt para makaalis na para makalabas.

Pero nagulat ako nang may kunin siya sa backseat na isang mamahaling pulang bulaklak na may nakasulat doon.

Kinuha ko iyon. Kumalabog ang puso ko.

"For you.." Sabi niya at nag iwas ng tingin.

Napanguso ako para pigilan ang ngisi ko. First time niya akong bigyan nang flowers!

Inamoy ko iyon at binasa ang sulat doon.

"I'M SORRY ,BABY."

Napakagat labi ako at tinignan siya na badtrip pa rin at nasa harap ang tingin.

"Uh.. Sorry din?" Yumuko ako.
"Salamat sa bulaklak."

Hindi pa din siya tumitingin sa akin. I took all the courage na tumingkayad at halikan siya.

Isang halik lang at tumigil na ako. He looked at me seriously.

"I'm sorry.." Ulit ko at ginilid ang aking ulo at hahalikan sana ulit siya pero kinabig niya na ang batik ko at halikan ako ng mapusok.

Nangunyapit ako sa batok niya. Ramdam ko ang sabik sa banayad na pag galaw ng labi niya.

"I miss you.." He said.

"I missed you too.."

He chuckled.

Uupo sana ako sa kandungan niya para lalo siyang lambingin pero pinirmi niya ako.

"Stay there ,baby.He's mad right now.." He chucked.

Nangunot ang noo ko.

"Huh? Sinong galit?" Taka ko.

Ngumisi lamang siya.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang kandungan at nakita doon ang bakat sa bandang zipper nang pants niya.Natanto ang ibig niyang sabihin.

"Get inside now."

Pagkapasok ko ay patay na ang mga ilaw. Tulog na si mama . Inayos ko ang sarili ko at nahiga sa kama.

Tumunog ang aking cellphone sa text ni Damon.

From Damon:Still up?

To Damon:Yup.

Mabilis ang kanyang reply. Aaminin ko kinikilig ako ng masulyapan ang bulaklak na nilagay ko sa vase.

From Damon:You know what?

To Damon:What?

Pero imbes na magreply siya ay tumawag siya.

"Hello." Sagot ko.

"I like you damn much now ,Zandria.." He said huskily.

Halos sumabog ako sa sobrang kabog ng puso ko.

"You....are so, mine.."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co