Truyen3h.Co

Mistakes

Chapter39

frezbae


Chapter 39
Masyado Kang Maganda

Nagising ako sa marahan na paghaplos sa aking pisngi.

"Saan na tayo?" tanong ko kay Damon na ang lapit lapit na pala sa akin.

"Nasa Alitagtag na tayo.You want to sleep more? Gusto mong matulog muna bago puntahan sila papa?" tanong nito.

Umiling agad ako. We're here to meet his father and Donya Christina. First time akong makilala ng papa ni Damon pero si Donya Christina ay nakasama ko na sa isang party noon.

Maaga kaming bumiyahe ni Damon papunta dito at umabot hanggang limang oras na byahe dahil sa traffic.

"Hindi naman ako inaantok. Mag ayos nalang tayo at puntahan ang papa mo."

Tirik na ang araw at nasa harap kami ng Paradiso Hotel. Ang hotel na sobrang laki at magara.

"Okay." kinintalan niya ako ng halik sa noo at lumabas ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Kinuha niya ang isang maleta ko at bag niya sa likod ng kotse.

Tila puputok ang mga ugat niya sa braso. He looks like a Calvin CLein model. Pataas ang buhok na may ahit sa gilid. Maging ang kilay niya ay may ahit. He's oozing hot with his white sando and ragged pants.

"Lets go?"

Pinagnanasahan ko ang boyfriend ko. Uminit ang aking pisngi ng maalala ang nangyari kahapon sa amin. Mabuti nalang gabi umuwi si mama kaya hindi niya alam 'yong nangyari dahil nakakahiya talaga. Kung nagkataon maririnig niya talaga na ang ingay ko.

"One room." sabi ni Damon ng nasa counter na kami at may binigay siyang card doon. Habang ang babae ay parang natutulala sa kanya.

"O-Okay po sir. V-VIP sir?" Nauutal pa ito.

Napaangat ang kilay ko. Natanto ko na halos lahat na babae ay nakatingin kay Damon.

"Yes." Damon using his baritone voice at binalingan ako. "You okay?"

Tumango ako sa kanya. "Oo naman." I saw the girl rolled her eyes on me.

Kumapit ako sa braso ni Damon.Hinapit niya ako lalo at hinalikan sa noo. The girl saw that.

"Here sir." Inabot nito ang susi kay Damon at ngumiti ng matamis habang si Damon ay walang emosyon lamang na nakatingin.

Ang hotel ay nasa harap nang asul na dagat. Marami akong nakitang mga turista. May banda 'raw dito tuwing gabi ayon sa tarpaulin na nakita ko sa labas bago pumasok.

Binuksan ni Damon ang pinto at bumungad sa akin ang malawak na room.

Malaking flat screen ang nakadikit sa dingding na kaharap ng malaking kama. Puting kurtina ang tumatakip sa babasaging dingding kung saan hahawiin ang kurtina ay makikita ang karagatan.

May sariling fridge sa loob at tatlong dibisyon ng cabinet. May pinto 'rin sa gilid na tingin ko ay pinto nang banyo.

"Magbibihis muna ako." Paalam ko kay Damon dahil nanlalagkit ako sa aking sarili.

"Okay ."

My insides trembling bigtime. Sa isang kuwarto kasama si Damon ay nagbigay kaba sa akin. Parang may kakaibang pinupukaw sa bawat hibla ng pagkatao ko.

Hindi na ako nagdalawang isip na pumasok ng banyo at sapo ang aking dibdib. Fresh pa sa isipan ko ang mga nangyari kahapon.

'Ramdam na 'ramdam ko parin ang sa aking pagkababae ang kanyang kahabaan.

Napag-isipan ko na mag half bath muna. Hinubad ko ang aking damit at pumasok sa shower.Pagkatapos mag shower ay hinagilap ko ang towel at natanto na hindi pa pala ako naka kuha ng aking damit na susuotin!

Gusto kong magmura!Bumuga ako ng hangin at tinapis ng mabuti ang towel sa aking katawan bago lumabas ng banyo.

Nakita ko si Damon na nakahiga sa kama at nakapikit. Nasa noo nito ang braso na nakapatong kaya kita ko ang malaking muscle nito. Agad itong namulat.

Nakita kong may kulay peach na dress sa kama at may string sandal na ka terno iyon.

"Saan mo nakuha 'to?" tanong ko at nilapitan iyon. Nawala sa isip ko na naka towel lang ako.

"Binili ko sa Manila.Like it?" tanong nito at napanguso na tumingin sa aking hita.
Nangatog agad ang binti ko.

"Ang ganda!" Kinuha ko iyon.

"Alam kong bagay sayo 'yan." Tumayo ito at hinalikan ako sa sentido.

He groaned.

"Wag kang magtapis lang sa harap ko Zandria. You're turning me on." he whispered.

Hinapit niya pa ako lalo hanggang sa naramdaman ko ang katigasan niya.

"Damon!" Napapikit ako ng mariin.

Humalakhak ito. "I think,I need a cold shower."

" Ang landi mo." saway ko.

"Ang sexy mo kasi." Hinalik halikan pa niya ang aking leeg. Heto na naman 'yong malambing na sides niya sa tuwing kami lang dalawa.

"Damon, baka naghihintay na ang papa mo."

Isang mahigpit na yakap pa bago niya ako pinakawalan. Pumasok na ito sa banyo habang ako ay sinuot na ang dress at kasyang kasya iyon sakin. Off shoulder iyon. Pate ang string sandal ay kasya 'rin sa akin.

Sinusuklay ko ang aking buhok nang lumabas si Damon ng banyo. Wearing a white V neck shirt and a sweat short. Hinagod niya ako ng tingin at napanguso siya.

"Bagay ba?" tanong ko.

"Bagay na bagay.." anito kaya napangisi ako.

Ilang landian pa sa loob ng kwarto namin bago kami lumabas at tinungo ang cottage na okupado ni Don Raymundo kung saan kami magla lunch .Mas malaki pa sa insaasahan ko ang cottage na alam kong yari sa matibay na kahoy.

Ang cottage ay hindi kalayuan sa dagat na kulay asul. Ang gitna ng dagat ay may tulay na kahoy patungo sa gitna ng dagat kung saan ang mataas na parang tower na kung gusto mong mataas ng view ng dagat ay makikita mo doon.

Pero hindi iyon ang natuonan ko ng pansin. Ma'am Sonya wearing her poker face at sa gilid niya ay si Venice. Marami akong gustong tanungin. Ang alam ko lang ay pag uusapan tungkol sa engagement namin ni Damon ang pinunta namin dito. Hindi ko alam na nandito si Ma'am Sonya at Venice.

Umigting panga ni Damon at hinawakan ang baywang ko ng umapak na kami sa loob ng cottage. Malayo palang ay naintimdate na ako sa aura ni Donya Christina. Pero maamo ang mukha at ngumiti ng makita ako.

Ni hindi ako tinapunan ng tingin ni Ma'am Sonya.Tinaasan lang ako ng kilay ni Venice. Ewan ko kung bakit siya nandito. Naintindihan ko pa kung mama ni Damon pero si Venice? Why? 'Ganon ba sila ka close ni Ma'am Sonya?

"Son." Don Raymundo baritone voice echoed. Magkamukha talaga sila ni Damon parang pinagbiyak silang tatlo ni Sebastian. Kung may nagkaiba siguro ay edad at porma.

"Dad." Tinanguhan ni Damon ang papa niya at pinaghila ako ng upuan. Hinalikan niya ang noo ng kanyang mama na walang imik lamang sa kanyang tabi 'ganon rin si Donya Christina.

"Dad my fiancee, si Zandria." pormal na introduce sa akin ni Damon.

"Oh god! She's so pretty. How old are you hija?"

I smiled.

May mga seafoods sa mesa. May mga nilagang baboy at tinolang manok. May prutas at panghimagas rin.

"Nineteen po tita." Sagot ko.

"Can we just proceed to the main topic? About the engagement." Ma'am Sonya butt in.

Napataas ang kilay ni Donya Christina.

Don Raymundo gasped.
"About that son. What's your plan?"

Binalingan ako ni Damon at hinawakan ang aking kamay.

"Zandria will live with me,Dad. Habang inaayos ang aming kasal. I want it soon."

Tumango si Don Raymundo.
"May tiwala ako sa'yo anak. " Nagsimula na itong kumain.

"Are you sure hindi makakaapekto ito sa kompanya Damon?" tanong ni Ma'am Sonya.

Umiling si Damon. "Mataas na ang rate ng kompanya mama. Ako na ang bahala. "

"Are you sure about your decision? Bakit pa dalos dalos ka? That girl can't help you. Walang alam kung paano gagamayin ang kompanya! Unlike Venice--".

"Stop meddling about your son's life Sonya." Saway ni Don Raymundo.
"He knows how to manage. Ilang beses niya na iyong napatunayan."

"Mah ,Dad wag tayong mag away sa harap ng--".

"Thats it! I am meddling because he's my son!" Ma'am Sonya fired back. Na tila hindi narinig ang saway ni Damon.

Umiling nalang si Don Raymundo at hinagod ni Donya Christina ang likod niya.
"Don't stress yourself hon." Banayad na sabi ni Donya Christina.

Umirap si Ma'am Sonya sa kanila.

Tahimik lamang ako at kinakabahan. Alam ko ang nangyari sa kanilang nakaraan kaya kinakabahan ako na maging magulo ang lunch namin dito.

Donya Christina cleared her throat.
"So,how's your mother? " she asked.

Oh. So alam niya na mama ko ang kaibigan niya noon.

"Okay naman po. May business po siya.Bakery po." sagot ko na nakangiti.

Nakatitig lamang sa akin si Damon na tila libang na libang na tingnan ako at nakatuko ang baba sa aking balikat.

"Oh really. Mahilig parin siya talaga magbake. Kasi noon sa kanya ako nagpapabake na ibibigay ko dito kay Raymundo. Di'ba hon?"

Madramang suminghap si Ma'am Sonya.
"We're not here to listen about your cheap love story Christina. We better have to go." Paalam nito at niyakap si Damon.

"Bye son. Take care."

Tumango si Damon at hinalikan ito sa noo.
Nagpaalam 'rin si Venice. Hindi ko alam kung bakit siya sumama sa lunch namin . Baka siguro niyaya ng mama ni Damon.

Naging matiwasay ang aming lunch. Pagkatapos nang pag uusap nila tungkol sa kompanya ay natulog kami ni Damon sa aming room.

Dahil siguro sa pagod sa byahe ay agad kaming nakatulog at malapit na mag alas sais ng gabi nakagising.

Nag ayos kami agad bago lumabas at kumain sa isang restaurant doon kung saan malapit sa nag babanda.

Open lamang ang 'pwesto ng banda. May mga mesa na nagkalat at ukopado iyon ng mga dayuhan at iba pa. Raeggae ang kanta nang banda at parang si Bob Marley ang kumakanta. Swag ang boses.

May mga nagsasayawan sa gitna. May mga nag iinuman sa bawat mesa. Pagkatapos naming kumain ay niyaya ko si Damon na pumunta doon.

"You sure?" anito.

"Oo naman. Makinig lang tayo."

Suminghap siya at tiningnan ang suot ko na tila naghahanap ng mali. Napatigil siya sa cleavage ko na kita dahil sa v neck ang neckline nito.

"Wear this." Akmang huhubarin niya ang t shirt niya pero pinigilan ko siya.

"Ano ka ba! Wa'g ka ngang mag hubad." saway ko.

His forehead creased.

"Your cleavage is showing!" he hissed.

Napayuko ako doon at hinila iyon pataas.
"Okay na?" sabi ko.

He groaned. "You need cover ups.Its cold at maraming lalaki."

Napairap ako. "Kung babalik pa tayo sayang sa oras. Nandiyan ka na man. Tsaka hindi ako nalalamigan!"

Ilang sandali niya pa ako tinitigan bago suminghap.

"Fine." Tumayo siya at hinawakan ako sa baywang. Lumapit kami doon sa nagbabanda.

May nakita pa akong mga nakatopless at nakabikini na babae na tila hindi 'ramdam ang lamig ng hangin. May mga bumabati pa kay Damon at tinatanguhan niya lamang iyon.

Nang nakahanap kami ng 'pwesto na sa pinakalikod at medyo madilim ay nag order agad si Damon sa waiter na umiikot.

"Half case of beer and buko juice please."

Hindi na ako nagtaka sa order ni Damon dahil kahit isang case pa iyon ay hindi siya madaling natatamaan. Parang sanay na sanay na.

Nang makaapat na beer si Damon ay nagsimula na maglikot ang kanyang kamay.Humawak siya sa hita ko at humalikhalik sa aking pisngi. Ako naman ay hinahayaan siya at tumitingin sa banda at sa mga nagsasayawan.

"Patay ka talaga sakin mamaya." nagiging brutal na rin ang bibig nito kapag nakainom. Tumindig ang balahibo ko ng maamoy ang beer at mint sa hininga niya. Halos 'ramdam ko na ang ilong niya na bumabangga sa aking pisngi.

Napakagat labi ako. Hanggang sa niyakap niya na ang dalawang braso sa baywang ko. Walang siyag pake kung may nakakakita man sa amin dito!

"Sabi mo.." Hinawakan ko ang matigas na braso niya.

"Hindi mo ako gagalawin hangga't hindi pa tayo nakakasal? Bakit napaaga yata?" Pinagapang ko ang aking kamay papunta sa kanyang balikat. Hinuli niya iyon at hinawakan bago kinintalan ng halik.

"Kinuha ko na para hindi kana makaalis. Wala na akong ibang choice." anito at hinalik halikan ang aking balikat.

Ramdam ko ang pamilyar na pakiramdam na bumalot sa aking sistema.Hinayaan ko siya na maghalik halik sa akin habang nilibot ko ng tingin ang paligid.

Nakita ko pa si Venice na kanina pa pala nakatingin sa amin. Nasa kabilang mesa lang sila kasama ang maraming kaibigan. Nakaakbay ang isang lalaki sa kanya.

Mas mabuti na sa iba nalang siya lumandi at wa'g na kay Damon. Pero ilang sandali pa ay tumayo sila at lumapit sa banda namin. Kasama niya ang lalaking nakaakbay sa kanya kanina.

"Damon!" masiglang tawag ng lalaki. Unang tingin mo palang alam mo nang presko at badboy.

Napaangat agad ang tingin ni Damon doon at ngumisi.

"Edward! You're here." Tiningnan niya rin si Venice. Si Venice ay nag cross arms at ngumisi.

" Yeah. Nagbakasyon! Masyado nang busy sa trabaho! You're with someone? Care to introduce?" Ngumisi ito.

"My fiancee.Beer?" Umupo ang dalawa sa harapan namin. Umirap si Ven sakin nang niyakap ako ni Damon

"Imposible! Ikaw magpapatali na?" preskong sabi ni Edward.

Ngumisi si Damon na tila hindi gusto ang presensya ng kaibigan.

"Yeah.She's my fiancee."

"Fiance? Come on, you're kidding.Noon nga ay halos pamigay mo ang babae mo sa amin." Tiningnan ako ni Edward nang mapang akit.

Umiiling pa ito. Alam ko na agad na lasing na ito dahil nabubulol na.Hindi ko alam kung bakit dinala pa yan ni Ven dito.

Tahimik lamang na umiinom si Ven at tumitingin sa amin. Seriously? anong gusto niyang mangyari?

"Alam ko isa lang siya sa mga pampalipas init mo Damon. Infairness she look so fresh.Bagong bingwit!"

Umigting ang panga ni Damon at humigpit ang hawak sa aking baywang.

"Paalisin mo ang kaibigan mo Ven. He's drunk." malamig na sabi ni Damon.

I bit my lip at hinimas ang braso niya. Sadyang madaldal talaga ang tabas ng dila ng kaibigan nila.

"Come on Dame. Gusto kalang makausap ng kaibigan mo." Umirap si Ven.

Humalakhak ang lalaki.

"Pare!" Hinawakan nito ang balikat ni Damon. "Wa'g ka namang madamot! Share ka naman tulad ng dati.She's my type.Pa insosente pero wild sa kama! Pahiram kahit isang gabi lang--".

Napatili kami ni Ven nang tumaob ang mesa namin at nagbagsakan ang mga bote sa buhangin.Natakpan ng mesa si Edward na nakahandusay na dahil sa pag balibag ni Damon. Halos tumilapon si Venice dahil doon.

"Oh my god!" nabasa ng inumin si Venice.

Sinugod pa ni Damon si Edward at tinadyakan ng ilang beses. Natulos ako sa aking kinatatayuan dahil sa nangyari. Hindi ako makagalaw sa bigla.

May mga tumili at umawat na mga guards dahil halos basag na ang mukha ni Edward na hindi man lang makaganti.

"F-Fuck y-you p-pare!" mura pa nito kay Damon.

Agad hinawi ni Damon ang mga umaawat sa kanya at kinuwelnuhan si Edward na duguan ang ilong at putok ang labi.

"D-Damon!" wala akong nagawa kundi ang hawakan si Damon.

Nakitang ko kung paano manginig ang kamay ni Damon sa sobrang galit.

" Wa'g mong subukan pakealaman ang aking. Magkakasubukan tayo.." tinulak siya ni Damon kaya halos tumilapon ulit ito sa buhangin.

"Sir pasensya na ho.Kami na ang bahala dito." sabi ng guard dito ng hotel kay Damon.

"Throw him out." malamig na sabi ni Damon at hinablot ang kamay ko.

"D-Damon." may nakita akong dugo sa kanyang kamao. "May s-sugat ka."

"Lets go.." pambalewala nito sa sinabi ko.

Ang banda ay tumigil dahil sa nangyari.

"Damon dumudugo na--".

"I said lets go! Dahil baka hindi lang isa ang masapak ko dito. Kanina pa sila tingin na tingin sayo. Masyado silang marami para isa isahin ko Zandria. Bakit kasi masyado kang maganda," Napamaang ako sa aking narinig. What the hell!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co