01
Hindi maiwasan ni Luna ang mainis dahil na din sa halos labing-siyam na oras na biyahe mula Israel hanggang dito sa San Juaquin. Sino ba naman ang mag aakalang pupuntahan niya ora mismo ang lalaking gustong gusto niya ng sakalin ngayon pa lang. She never thought that she is still married to Oscar, ang dating anak nang boss ng kanyang ina sa Israel.
Oscar Weizman is now a chef here in the Philippines who have seven branches of his restaurants all over the country. They got married 8 years ago because of their parents who live in Israel. Mayaman ang pamilya nila Oscar, ang nanay niya ay namamasukan naman sa pamilya nito bilang kasambahay. She is a fruit of one night stand, hindi niya nakilala ang kanyang ama na isang Israeli kaya mag-isa siyang pinalaki ng kanyang ina. Sobrang pasasalamat ng nanay niya dahil pumayag ang magulang ni Oscar na kasama siya habang nanatili sa pamilya nito, kaya habang nag-tatrabaho ang kanyang ina sa mga Weizman ay doon na din siya nakatira.
Oscar father is Israeli while his mom is a pure Filipina. At dahil sabay sila halos lumaki hindi naglaon ay nakiusap ang ama ni Oscar na may sakit noon sa kanyang ina na kung maaari ay mag pakasal silang dalawa, magiging masaya daw ito kung sila ang magkaka tuluyan lalo pa at nasubaybayan ng mag asawa ang pag laki niya. Pero agad naman niyang tinanggihan ang gusto ng mga ito. She is so young back then, 18 years old to be exact, nag aaral pa siya noon at madami pang gustong gawin sa buhay. While Oscar is already 30 years old that time. Ayaw niya talaga pumayag mag pakasal noon lalo pa at hindi sila magka-sundong dalawa idagdag pa ang laki ng agawat nang kanilang mga edad, kulang na lang ay tawagin niya itong kuya. Sobrang seryosong tao ni Oscar noon, madalang ngumiti at alam niyang pareho lang sila inis sa isa't isa. Lagi din itong nasa kusina at nag luluto ng kung anu-ano pero hindi niya talaga makakalimutan ang pagiging babaero nito.
At ang kinakasintir niya ngayon ay kung bakit hindi nag file ng divorce si Oscar, it's been so long. Walong taon na ang lumipas at akala niya ay wala ng bisa ang kasal nila. Isa pa pumayag lang naman siya na mag pakasal noon ay dahil ito ang hiling ng daddy ni Oscar bago ito mamatay. Pero laking gulat niya ng kumuha siya ng kopya nang ilang dokomento last week. Lahat ay Weizman ang lumalabas na apilido niya. Kaya para maka siguro kumuha pa siya ng certificate of marriage at viola, kasal pala talaga sila ni Oscar. And she is still Mrs. Luna Weizman.
She just passed the medical license exam in Israel at gusto niya kapag pumasok na siya sa Ospital para mag trabaho bilang doktor ay ang apilido ng kanyang inang namayapa na ang gagamitin niya, yun ang pinangako niya dito bago ito bawian ng buhay sa sakit na diabetes. Kaya napasugod talaga siya dito sa Pilipinas para magka harap sila ni Oscar. Lagot lang talaga ang lalaking yun sa kanya!
"Ma'am dito na po yung Hotel.." Sabi ng taxi driver na sinakyan ko mula sa Airport ng San Joaquin. Nasa bayan ako ngayon ng Burgos. Alas nwebe na din pala ng gabi at sobrang pagod na ako sa napaka habang byahe. Agad kong inabot ang bayad sa taxi driver at nag pasalamat dito. Hila hila ko ang aking kulay itim na maleta papasok sa entrance ng Hotel. I will stay here tonight, bukas ko na lang gagalugarin ang bayan na ito para hanapin si Oscar. At sisiguraduhin ko na aalis ako ng Pilipinas na bitbit ko na ang aming divorce paper.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co