02
Sa isang Restaurant sa town proper ng Burgos dinala si Luna ng sinakyang taxi mula sa kanyang tinutuluyan na Hotel. Literal na tanghali na talaga siya nagising dahil na din siguro sa sobrang pagod niya sa biyahe ng nagdaang araw. Mag aala-una na din ng hapon ngayon, hindi na talaga siya makapag-hintay pa na makita at makausap si Oscar. Gusto niya lang matapos ang pakay niya dito para maka balik na sa Israel at makapag umpisa na sa trabaho bilang isang hanap na dentista.
Maganda ang ambiance ng restaurant mula sa labas, madaming nalaman ang naka paligid at malawak din ang parking area. Meroong naka paskil sa labas na Mid East Resto na siyang pangalan ng restaurant. Ganito ang mga disenyo ng restaurant sa Israel, kalimitan ay gawa sa bricks at hindi sa simpleng hollow blocks lang na madalas ginagamit sa pag buo ng mga bahay at establisyimento. Nginitian agad si Luna ng security guard pag pasok niya sa loob ng restaurant. Ala una pasado na ng hapon pero madami pa din ang kumakain sa loob. Siguro nga masarap ang mga sineserve na pagkain dito. Luna smile thinking her so called husband is one of the best chef in the country. Mukhang malayo na talaga ang narating ni Oscar loob ng ilang taon. Nag lakad siya sa loob ng restaurant para mag hanap muna ng mauupuan, pero agad niyang nakilala ang isang lalaki na naka upo sa may bandang dulo ng resto. May mga kasama ito na mukhang kumakain din, nag tatawanan at nag kwekwentuhan ang mga ito. Pero hindi siya pwedeng magka mali si Oscar nga ang nakikita niya na naroon.
"Weizman.." Tawag ko kay Oscar ng lapitan ko ang lamesa kung na saan ito. Tatlong lalaki ang naroon at dalawang babae. Nagulat pa si Oscar ng makita ako, he should. Ilang taon din kami hindi nagkita na dalawa.
"L-Luna?" Oscar said with disbelief, kinusot kusot pa niya ang mga mata para maka siguradong hindi nga siya namamalikmata.
"Kailangan nating mag-usap." Seryosong sabi ko, lahat ng naroon ay naka-tingin sa akin.
"What are you doing here? Kailan ka pa andito sa Pilipinas? Napa-tayo si Oscar ng ma-realize niyang hindi talaga siya namamalik-mata. Luna is really here infront of him.
"Last night, and we need to talk Oscar. Bakit hindi ka nag-file ng divorce after nating ma-kasal? Akala ko ba ikaw ang magfa-file nun!"
Dire-diretso kong sabi sa kanya, ayoko ng magpa-ligoy ligoy pa kung ano ba talaga ang pinunta ko dito.
"Kasal?" Gulat na sabi ni Gerald.
"Nag-pakasal ka na pare? Kailan?" Segunda ni Eros.
"Asawa mo siya? Hindi halata!" Sabi ni Abigail matapos inumin ang hawak na softdrinks.
Lahat ng kaibigan ni Oscar ay sa kanilang dalawa naka-tingin. Oscar friends visited him, he just came back from Zambales two days ago, nag catering kase ang restaurant niya doon sa kasal at personal siyang tumulong mag-luto sa mga chef niya. At ngayon nga ay sinaluhan niyang kumain ang mga kaibigan ng tanghalian. Si Eros, ang mag asawang si Abigail at Gerald at si June at asawa nitong si Angela ang kasama niya.
"Teka bakit parang kasalanan ko? Diba dapat dalawa tayong umayos nun?" Sagot ni Oscar kay Luna. He looked at her from head to toe, she looks so different right now. Wala na ang payatot na Luna na kasabay niyang lumaki noon sa Israel. Mas nagka-laman ang katawan nito, hindi mataba at lalong hindi payat. Tamang tama lang ang hugo's ng katawan nito sa taas nito. Ang kulay brown na buhok ni Luna ay abot hanggang beywang, mas tumangkad din ito dahil sa suot na sapatos kapares ng itim na blouse at pantalon. Luna looks so strong woman now.
"Wag mo na ako titigan Weizman, alam kong maganda ako. We need to talk, gusto ko ayusin mo ang divorce natin." Ulit ko sa kanya. Akala niya yata hindi ko mapapansin ang ginawa nitong pag tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Duh.. I'm prepared Weizman!
Napa-buntong hininga si Oscar bago hinila si Luna papasok sa kanyang opisina na nasa loob din ng restaurant. Eto ang ayaw niya sa babaeng ito eh, masyadong dire-diretso mag salita. Sunod lang ng sugod, walang pakialam kung may ibang tao ba sa paligid.
"Hoy! Hoy! Weizman! Ano ba madapa ako!" Reklamo ko dito ng basta na lang ako hilahin ni Oscar. Ipinasok ako nito sa isang kuwarto na opisina nito siguro at pina-upo sa bakanteng upuan na naroon. "Bastos!" Asik ko dito.
"Tsk. So now tell me what your doing here in Philippines?" Tanong ulit ni Oscar kay Luna. Siguradong pinag-uusapan na siya ng mga kaibigan niya ngayon sa labas, walang nakaka-alam na kasal na siya at nauna pa sa mga ito mag-asawa. Tiningnan niya ulit si Luna na magka salubong pa din ang kilay hanggang ngayon.
Kinuha ko sa aking shoulder bag ang folder na nag-lalaman ng aming certificate of marriage, ito ang nakuha ko last week. Inabot ko ito kay Oscar.
Hindi na binasa ni Oscar ang inabot na folder sa kanya ni Luna. Nabasa niya agad na kopya ito ng marriage certificate nila pag bukas niya. "So your still my wife then?" He asked her out of nowhere.
"Unfortunately yes." Sagot ko agad, bakit ba ganito maka tingin ang lalaking to? Gandang ganda ka sa akin no? "I will start my work on the hospital next month and I want to use my last name, yun ang pinangako ko kay mama ng mamatay siya."
"Ooooh.." Of course Oscar remembered their yaya Christine, Luna's mother. Umuwi pa siya noon sa Israel ng pumanaw ito, and Luna is still college that time. Samantalang siya ay busy na sa unang restaurant niya dito sa Pilipinas ng mga panahon na yun. "So you went here just to ask me personally about our divorce?"
Yes, kanina ko pa sinabi diba? Ano bingi lang?" Mataray ko na sabi kay Oscar. Aba, pinaka-iipon ko yata ang pinang-bili ko ng ticket sa eroplano. Nagpa-part time ako bilang receptionist sa isang Cafe sa Israel kasabay ng aking pag aaral. Hindi biro maging isang working student lalo na kung wala kang ibang pamilya at nasa ibang bansa ka pa. Buti na nga lang at naka pasa ako sa scholarship sa University na pinasukan ko kaya hindi ko iniintindi ang tuition fee.
"I'm busy Luna, sorry to say this but I don't have time to fly to Israel with you for our divorce."
"What? Anong busy? Eh nakikipag chikahan ka nga lang kanina sa mga kaibigan mo." Aba hindi puwedeng mapunta sa wala ang binyahe ko dito!
"They are my friends, I'm busy on my restaurants Luna." That's true, hindi siya magkanda-ugaga sa pitong branch niya na restaurants.
"Pero kailangan nating mag file ng divorce Oscar, I need that." Mariin kong sabi dito.
"Then you should wait me kung kailan hindi ako busy, baka sakaling sumabay ako sayo pauwi ng Israel."
Aba't! Loko talaga itong Weizman na ito ah! "Uy ano ka VIP? Anong mag hintay na pinag-sasabi mo? I need to go back on Israel Asap!"
"Eh di umuwi ka, I told you I'm busy on my restaurants Luna. Hindi ko maasikaso yang divorce na sinasabi mo."
Ngaling-ngaling sungalngalin ko ito ng hawak ko na folder. So anong gagawin ko? Uuwi na lang talaga sa Israel? Sabi ni Luna sa sarili.
"Come on Luna kumain ka muna, I bet your hungry. Mamaya na natin pag-usapan ang tungkol sa divorce natin." Aya ni Oscar.
Walang ganang sumunod ako dito, hindi talaga ako papayag na bumalik ng Israel na ako lang mag-isa. We need to end our marriage.
Agad nag tinginan sila Eros sa papalapit na kaibigang si Oscar. They never thought Oscar is already married.
"Hi. Meet my wife guys, she's Luna." Pakilala ni Oscar sa mga kaibigan niya.
"Hello." Tipid na bati ni Luna, pinag-hila din siya ni Oscar ng upuan.
"I'll get you some food, mababait yang mga yan so nothing to worries." Bulong ni Oscar kay Luna, napa-pikit pa siya ng maamoy ang gamit na pabango nito. Luna really like to use that strawberry perfume.
Hindi ako agad naka-imik ng iwan ako ni Oscar kasama ang mga kaibigan nito. Parang mali yata na pumayag akong kumain muna.
"Hi! I'm Eros, Eros Jacinto.." Inabot ni Eros ang kamay kay Luna.
"Hi din, nice to meet you. I'm Luna." Pakilala ko sa kanila.
"Wait you don't really look like a filipina, may lahi ka ba?" Si Abigail, ang asawa ni Gerald.
"Yes, my mom is a Filipina and my dad is Israeli."
"Pareho kayo ni Oscar kung ganon, Israeli din ang tatay nyan eh." Sabat naman ni June. "I'm June and this is my wife Angela.."
Nginitian ko din ang mga ito, mukha namang mga harmless ang kaibigan ni Oscar kung ganon.
"Asawa ka talaga ni Oscar?" Hindi pa din maka-paniwalang tanong ni Gerald. Sa kanila kaseng magka-kaibigan siya ang naunang nag-pakasal.
"Yes, I'm her wife, pero sa papel lang." Paliwanag ko sa mga ito, hindi ko kase alam at naitanong kay Oscar kung may girlfriend ba ito o wala. Baka kaya kase nag-tataka ang mga kaibigan niya ay dahil may girlfriend na ito.
"Really sa papel lang? Akala ko pa naman for serious keme keme na kayo." Sabi ulit ni Abigail.
"That his dad last wish before he passed away, na makasal kaming dalawa ni Oscar." Paliwanag ko pa.
"So ilang taon na kayong kasal?" Tanong ulit ni Eros.
"8 years.."
"Wtf.." -June.
"Tangina nauna pa pala sa akin." -Gerald.
"Oscar never told us that he is already married, ngayon lang namin nalaman." Sabi ulit ni Eros.
"Hindi naman kailangang ipag-sabi kase magulang lang namin ang may gusto na magpa-kasal kaming dalawa." Sabi ko naman, though if other woman will be on my position right now I'm sure they will not ask Oscar to filed a divorce. Specially now that Oscar is doing good on his business, he is husband material perse.
"Eh bakit ngayon mo lang naisipan na kausapin si Oscar tungkol sa divorce ninyo?" Curious na tanong ni June.
"Dahil gusto kong apilido ko ang gamit ko pag nag trabaho na ako sa ospital. I just passed my medical licensure exam in Israel."
"Wow! Talaga? Doktor ka? Ganyan na ganyan din ako noon eh!" Si Abigail na akala mo naka-hanap ng bagong best friend.
"I'm a dentist." Proud na sabi ko.
"Ay bet! Gusto na kitang maging friends! Pareho tayong doktor, obgyne doctor ako!" Sabi ulit ni Abigail.
Sakto naman na dumating si Oscar na may bitbit na pagkain. Agad nitong inilapag sa harap ni Luna.
"Eat, this our best seller here." Tukoy ni Oscar sa sea food na dala niya.
"Thank you." Sabi ko naman dito. Mukhang mapapa-sabak ako sa question and answer sa mga kaibigan ni Oscar ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co