04
Mabilis ang pag-mamanehong ginawa ni Oscar pauwi sa kanyang bahay. Naiisip pa lang niya na mag-kasundo si Abigail at Luna ay hindi na siya mapakali, may pagkaka-hawig ang ugali ng dalawa at siguradong sakit ng ulo pag nagkasundo ang mga ito. Pero pag dating niya sa bahay ay wala naroon si Abigail at Sienna kaya naka-hinga siya agad ng maluwag. Nadatnan niya si Luna na tulog sa kanyang sofa, electricfan lang din ang gamit nito at hindi na binuksan pa ang aircon. Matigas talaga ang ulo hindi talaga natulog sa kuwarto. Wala naman siyang sakit o gagawin na masama dito para iwasan siya.
Matapos maka-paligo ni Oscar ay agad niyang nilapitan ang natutulog na si Luna. Naka pajama ito ng doraemon at tulog na tulog. Wala pa ding pinag-bago ganitong ganito noon si Luna noong nasa Israel pa sila Basta abutin ito ng antok makaka-tulog talaga ito kahit saan. Oscar smell her natural scent, dahan-dahan niya lang ito binuhat para hindi magising. Alam niyang mag-iinarte pa ito pag nakitang binubuhat niya.
Luna is now a grown woman, masaya siya na narating nito ang pinapangarap na maging doktor. Wala naman talaga siyang plano na umalis noon sa Israel lalo na at kasal na sila ni Luna. Pero mas pinili niyang umalis at dito sa Pilipinas mag-lagi. Ayaw niyang hayaan ang sarili noon na magka-gusto sa nag-dadalagang si Luna, masyado pa ito bata at madaming pangarap ng mga panahong yun. And if she will knew what he did for her baka magalit lang ito sa kanya.
Isang malakas na tili ang nagpa-balikwas kay Oscar.
"Damn! Luna!" Singhal niya dito, akala niya kung ano na.
"A-anong ginawa mo sa akin? Bakit andito na ako sa kuwarto mo? Maharot ka talaga Weizman! Doon ako sa sala natulog kagabi ah!" Nang-gigigil na sabi ko dito. Ang ganda pa naman ng pagkaka-yakap ko sa kanya kanina, akala ko unan pero pag dilat ng mata ko si Oscar agad ang nakita ko, wala akong ka alam-alam na siya ang katabi ko buong mag-damag matulog! And who knows if he did something to me. Tapos hindi lang yun! Nahawakan ko pa yung ano niya! Basta something fown there! Hindi lang kasing laki ng extraction forcept na gamit ko bilang dentista ang ano nito! My God ang kamay ko hindi na virgin!
May ganon pala talagang kalaki na. Wah! No! Erase it erase it on your head Luna!
"Still early Luna, come on let's sleep again." Aya ni Oscar dito. It's only 5:30 in the morning. He usually wake up at 10, tapos tanghali siya pupunta sa Restaurant niya.
"Ayoko! Baka kung anong gawin mo sa akin." Sabi ko dito.
"Tsk. bahala ka, matutulog ako ulit. You can cook on my kitchen, may stock ako sa ref but please Luna wag mong sunugin ang bahay ko." bilin ni Oscar. Alam niyang hindi mahilig sa pag luluto si Luna at mas gugustuhin nitong bumili na lang sa labas o kaya kakain na lang ito ng tinapay.
"No worries i can cook now." Sabi ko naman, aba marunong na ako magluto no! I mean mag fry fry ganern.
Hindi din nakatulog ulit si Oscar ng lumabas si Luna, hindi na siya dinalaw ng antok, nangangamoy sa kusina niya pero hindi naman amoy sunog. So Luna really cook her breakfast then? Bumangon na siya sa kama, mukhang maiiba ang sleeping routine niya habang nandito ito sa bahay niya.
Agad akong napatingin kay Oscar ng lumabas ito mula sa kuwarto, akala ko ba matutulog ito ulit? I fried hungarian sausage, ang sarap nito dahil may cheese sa loob. Sakto din dahil may tasty bread sa pantry ni Oscar kaya ayos na ito bilang almusal ko.
Nag timpla muna si Oscar ng kape bago sumalo kay Luna sa lamesa. Aba, mukhang marunong na nga talaga magluto si Luna ah. In fairness hindi sunog.
"Ang sarap ng sausage mo, saan mo ito nabili?" Tanong ni Luna.
Napaso ang dila ni Oscar ng kapeng iniinom, wtf? Masarap ang sausage ko? What sausageshe is referring? The edible one or not? Tingnan niya si Luna,
"I ordered it." Simpleng sagot niya.
"Ang sarap, malasa tapos ang laki pa."
Tiningnan ni Oscar si Luna na sarap na sarap sa kinakain. Wala namang masama sa sinasabi nito pero bakit parang iba ang pagkaka intindi niya? "So you like it big then?"
"Na sausage? Oo, ganito din mga sausage sa Israel diba? malaki tapos may cheese sa loob." Naubos ko na ang dalawang sausage at madami din akong tinapay na nakain. Im full, kay Oscar na yung natirang lima na nilito ko.
My cock is big too Luna, baka gusto mo din. Ngaling-ngaling na itanong ni Oscar sa kaharap na si Luna. Calm down boy, maaga pa pero puro kalokohan na ang iniisip mo. Iiwasan niya nga muna sumama kay Hunyo mukhang nahahawa na siya sa mga kalokohan ng kaibigan eh.
"Abigail and Sienna invited me last night, pumunta sila dito ala mo ba yun? Pupunta daw kami ngayong araw sa bahay ni Angela." Sabi ni Luna pagka-tapos iligpit ang pinag-kainan.
"No you can't go with them specially with Abigail." Mabilis pa sa alas-kuwatro na tanggi ni Oscar. No way in hell he will allow Luna to be with Gerald wife, nakita niya at alam niya ang pinag-gagawa ng doktora na yun kila Angela at Sienna noon so it's a big no!
"At bakit naman? Tigil-tigilan mo ako Weizman sa pag-babawal mo sa akin ah. Beside kaibigan mo naman sila ah, they seem nice."
Nice? Sienna is nice, walang duda doon pati si Angela. Pero si Abigail? nahhh pasmado na bibig puto pa kalokohan. Kung naging lalaki nga lang yun baka kulungan ang bagsak ng babaeng yun. "You can go with me on my Restaurant if you want para hindi ka mainip dito." Suggestion ni Oscar, ayaw niya naman iwan ito mag-isa sa bahay niya.
"Ayoko, i want to go out with your girl friends." Pinal na sagot ko kay Oscar.
"Hindi nga puwede Luna wag ng makulit."
"Why not? Kaibigan mo naman sila ah. Asawa sila ng mga friends mo."
"Basta ayoko, sa akin ka na lang sumama."
"Ayoko nga, basta kung ayaw mo magpapa-sundo na lang ako sa kanila, Abigail asked my number last night so im sure she will call me." Tumayo na ako, ayoko pa naman sa lahat yung pinag-babawalan lalo na kung wala naman akong gagawing masama at isa pa kasal lang naman kami sa papel kaya hindi niya ako responsibilidad.
"Luna! Bumalik ka dito, shit hindi ka talaga puwedeng sumama sa kanila lalo na kay Abigail." Sigaw pa ni Oscar pero pumasok na si Luna sa kanyang kuwarto. See? Pasaway din diba. Muli niyang hinigop ang tinimplang kape.
Naka-ngiti si Luna habang nakatingin sa magandang tanawin na dinadaaanan nila. Walang nagawa si Oscar ng sabihin niyang ihatid siya nito sa bahay nila Abigail, at ito nga ngayon sakay sila ng kotse ni Oscar. "Bakit ka ba naka-simangot diyan?" tanong ko sa kanya, kanina pa ito hindi nagsasalita simula ng umalis kami sa bahay niya.
"Remember this Luna, kahit anong ibigay ni Abigail na pagkain or inumin wag na wag mong tatanggapin okay?" Seryosong sabi ni Oscar.
"Bakit naman? baka isipin nila maarte ako."
"Basta makinig ka na lang sa sinasabi ko o kung ayaw mo sumunod sa Restaurant na lang tayo pumunta."
"Ha? Ayoko nga! Oh sige na hindi na ako kakain o iinom pag galing kay Abigail." Sagot ko na lang." bakit ba bawal?
"Promise yan Luna ha? I call you later kung ano nang ginagawa niyo."
"Oo nga, i can handle myself Weizman so don't worry." Sabi ko pa, kung maka-bilin akala mo bata ako eh.
Papunta kami ngayon sa isang Resort sa bayan daw ng Caspir, im not really familiar on the name of place basta sa dagat kami pupunta ngayon. Im with Abigail, Sienna and Angela. At dahil araw ngayon ng sabado walang pasok ang mga asawa nila kaya ito muna ang pinag-alaga ng tatlo sa kani-kanilang mga anak. Si Abigail ang nagmamaneho ng kotse, may kasunod kaming sasakyan na sakay naman ng bodyguard ni Sienna. Hindi daw kase ito puwedeng umalis ng walang bodyguard dahil hindi ito papayagan ni Eros.
"So Luna buti pumayag si Oscar na sumama ka sa amin?" Tanong ni Abigail habang nagmamaneho. Mas marunong na siya magmaneho ngayon hindi katulad dati na naospital pa siya.
"Wala naman siya magagawa pag gusto ko umalis at sumama sa inyo and beside wala ako gagawin sa bahay niya pag umalis siya at pumunta sa Restaurant."
"Kung sabagay nakakainip talaga nga yun, kaya sa amin ka muna sumama habang andito ka sa San Juaquin." Nakangiting sabi ni Sienna.
"Ewan ko ba sa Weizman na yun talagang paghihintayin pa yata ako sa divorce paper namin, hindi naman puwede na hindi ako bumalik sa Israel." Sabi ko naman sa kanila, hindi kase talaga ako puwede mag-tagal dito sa Pilipinas dahil may naghihintay na trabaho sa akin sa Israel.
"Babalik ka sa Israel dahil sa trabaho? Andoon ang pamilya mo?" Si Angela naman na katabi ni Sienna.
"Wala na akong pamilya, yung nanay ko namatay na dahil sa sakit. Pareho na kami ni Weizman na ulila, pero kase may naghihintay sa akin na trabaho doon. Kaya lang naman ako pumunta dito sa Pilipinas para kausapin si Oscar tungkol sa divorce namin." paliwanag ko.
"Kung trabaho din lang ang kailangan mo we can help you Luna, puwede kita ipasok sa Ospital na pinag-tatrabahuan ko. And my husband can help you too or ang asawa ni Sienna puwede ka din tulungan ni Eros para makapasok dito." Suggestion ni Abigail.
I feel overwhelmed after hearing them, kakakilala lang naminpero eto at gusto pa nila akong tulungan. "Salamat pero gusto ko kase doon ako sa Israel mag-trabaho. Sayang naman yung pinag-hirapan ko doon. At isa wala din naman akong kamag-anak dito sa Pilipinas, si Weizman lang ang kakilala ko pati na din kayo." Sabi ko naman, hindi biro ang pinag-daanan ko matapos ko lang ang pag-aaral ko sa ibang bansa. Kaya deserve ko naman siguro anahin ang tinanim ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co