03
Naiiling na lang na nilingon ni Oscar si Luna, sinamahan niya ito sa tinutuluyan nitong Hotel. He decided to make Luna stay on his house instead on the Hotel. Alam niyang kanina pa ito nag-iinarte at hindi sang-ayon sa gusto niya. Still siya ang masusunod. "Hurry up Luna I need to go back on my Resto." Sabi pa niya dito. Matigas pa din talaga ang ulo ng babaeng ito.
Nabwibwisit na tumingin ako kay Oscar, nakaka-pikon talaga ang lalaking ito. Halos matapilok na nga ako sa kaka madali sa pag sunod niya, ang bilis-bilis naman kase mag-lakad. Alam na ngang naka-takong ako. "Kailangan pa bang sa bahay mo ako tumira?" Tanong ko sa kanya matapos maisara ang maleta kong dala. "Ayusin na lang kase natin yung divorce natin para matapos na ito."
"I told you I'm busy Luna, kaka-open lang ng isang branch ko ng Restaurant at gusto kong tutukan yun."
"Hindi ka naman aabutin ng one month kung sasama ka sa akin pabalik ng Israel ah."
"Still, so you like it or not hihintayin mo ako hanggang sa hindi na busy ang schedule ko."
Susss.. pa-VIP talaga itong Weizman na ito. Talagang gusto pang patagalin ang pag-stay ko dito sa Pilipinas. Kung hindi ko lang talaga siya kailangan hindi talaga ako mag-hihintay sa kaartehan niya.
Pasado alas-singko ng hapon ng makarating kami sa bahay ni Oscar, sa pagkaka-alam ko ito ang bahay ng pamilya ng mommy niya dito sa Pilipinas. It's a Spanish bungalow style house. Gawa ito sa matitibay na kahoy at mayroon ding malalaking bintana.
"Wait, Wait, don't tell me Weizman matutulog tayo sa isang kuwarto? Masisipa talaga kita." Reklamo ko dito.
"This house only have two rooms Luna, at yung isang kuwarto ay puno ng gamit. Wala din yung kama, so you don't have a choice but to sleep with me.." Paliwanag ni Oscar, kanina pa nabibingi ang tenga niya sa kaka-salita nito nang nasa sasakyan silang dalawa. Para itong Abigail the second, ang daming reklamo at ang daming kwento.
"No way! Ayoko nga na katabi kita! Doon na lang ako sa sala matutulog, pwede na ako doon. Mamaya gawan mo pa ako ng masama eh!"
"At sa tingin mo may gagawin pala akong masama? I do have woman standard Luna."
Parang nag-panting ang tenga ko sa sinabi niya. Woman standard? So he mean wala ako sa standard niya ganon? Aba't apaka yabang naman talaga oh! "Medyo makapal din tayo Weizman ano? For your information madaming nag-kakandarapa sa aking lalaki no!" Pinameywangan ko na ito, kung asaran din lang aba hindi ako mag-papatalo sa lalaking ito.
"Wala lang talaga siguro choice ang mga lalaki sa Israel kaya ganon, remember mas mataas ang population ng lalaki kaysa babae doon." Naka-ngising sabi ni Oscar, alam niyang hindi mag-papatalo si Luna sa kanya. Ganito din ito noong mga bata sila, hindi ito basta-basta titigil at mag-papatalo.
"Mukha mo Weizman, baka pag-nakita mo katawan ko mabaliw ka."
Nag-igting ang mga panga ni Oscar sa sinabi ni Luna. He don't know if she is dating him or what. Inaasar niya lang naman ito pero bakit pikon. "Fix your thing, babalik ako sa Restaurant kung gusto mo sumama hihintayin kita sa labas." Yun lang at iniwan niya na si Luna sa kanyang kuwarto.
Hindi na sumama si Luna sa Restaurant ni Oscar, nag-paiwan na lang siya sa bahay nito. The house is kinda scary, and she knows this house is already here for so many decades. Pero wala naman sigurong multo dito. Matapos kumain ni Luna ay nag-lakad lakad siya sa labas ng bahay, napaka-tahimik ng lugar. Alas otso pa lang ng gabi pero wala ng gaanong nag-lalakad sa kalsada hindi kagaya sa Israel na buhay na buhay ang night life o dahil siguro nakatira siya sa syudad kaya nasasabi niya ito.
Nasa pag-mumuni muni siya ng may isang puting kotse ang pumarada sa labas ng gate.
"Hi!" Sabi ng babaeng bumaba sa sasakyan, kasunod nito ang isa pa.
Agad namukhaan ni Luna ang babae, isa ito sa babaeng nasa Restaurant kanina ni Oscar.
Agad niyang binuksan ang gate para papasukin ito.
"Hi Luna! Good evening! Remember me? I'm Abigail, Oscar's friend. And this is Sienna." Sabi agad ni Abigail kay Luna.
"H-hi." Alanganin na bati ko, pati na din sa kasama nito.
"Pinuntahan ka talaga namin, you know getting to know each other." Dagdag pa ni Abigail.
"Ganon ba? Hmmnn.. tara pasok tayo sa loob, wala pa din naman si Weizman eh." Yaya ko sa kanilang dalawa.
Luna never thought that Abigail is also like her, madaldal, ma-kwento at puro kalokohan. So she is the wife of the Vice Governor here in San Juquin. And the other woman is the wife of The Governor, yung lalaki na naroon sa Restaurant ni Oscar. Bigatin pala ang mga kausap niya kung ganon.
"So ilang taon ka na pala Luna? Ang ganda mo, ang tangos pa ng ilong." Sabi ni Sienna habang kumakain ng dala nila ni Abigail na pizza. May pagka-marites galaga itong si Abigail dahil pinuntahan pa siya sa bahay nila ng asawang si Eros para lang ikuwento ang tungkol kay Luna. At eto nga niyaya pa siya nito na pumunta sa bahay ni Oscar, buti na lang pumayag si Eros na umalis siya kahit gabi na.
"Salamat, 26 years old na ako." Nahihiyang sabi ni Luna. Komportable siya na kausap ang dalawang babae.
"26? Hindi tayo nagkaka-layo ng edad kung ganon." Sabat naman ni Abigail. "Eh ilang taon naman ang gap niyo ni Oscar?"
"12 years, if I'm not mistaken he is now 38." 18 years old ako ng kinasal kami ni Oscar at siya naman ay 30 years old noon.
"Aaahh.. 12 years age gap." Tatango-tango na sabi ni Abigail. "Age doesn't matter naman eh, eto ngang si Sienna 15 years ang age gap nila ni Eros."
"Abigail!" Saway agad ni Sienna.
Hindi ko alam kung matatawa o magugulat ako sa reaksyon ni Sienna sa sinabi ni Abigail.
"15 years ang age gap nila ng asawa niya Luna pero nakita mo naman si Eros kanina diba kayang-kaya pa bumira nun magdamag." Natatawang kwento ni Abigail kaya naka-tikim siya ng hila sa buhok mula kay Sienna.
"I don't cafe if Oscar is older than me, ayaw niyang tinatawag ko siyang kuya maski noong mga bata kami. But being Luna I always teased him calling kuya and he will get pissed off." Kwento ko naman, para bang kasalanan kay Oscar na tawagin ko siyang kuya.
"Pero sayang naman kung mag-hihiwalay kayo ni Oscar, he's a good man. Siya na lang sa kanilang mag-kakaibigan ang single at wala pang asawa o girlfriend man lang." Sabi ni Sienna.
Good man? Sus. Eh puro pang-aasar nga inabot ko sa kanya noong mga bata pa kami. "Nag-pakasal lang naman kami dahil sa daddy niya, isa pa hindi naman namin gusto ang isa't-isa. Our so called marriage will just stock us on a relationship that are useless. If ever magkaroon ang isa sa amin ng boyfriend o girlfriend magiging hassle pa kase kasal pa kami."
"You don't like Oscar or even attracted to him? Teka Luna." Lumapit pa si Abigail kay Luna at tiningnan ang mata nito. "Wala bang problema ang mata mo? Ang daming nagkaka-gusto kay Oscar sa pinapasukan kong Ospital alam mo ba yun. And take note laging nag-oorder ang mga Nurses and Doctors sa Restaurant ni Oscar ng pagkain but in return dapat si Oscar mismo ang mag-hahatid ng mga umorder nila." Mahabang kwento ni Abigail. That's true, kung itsura lang ang pag-uusapan may laban si Oscar. He is a bearded man, pero hindi ito ikina-pangit ni Oscar mas lumakas pa ang dating nito dahil sa balbas. Idagdag mo pa ang magandang pangangatawan. Hindi din ito mukhang 38 years old dahil halos lahat silang magka-kaibigan ay alaga naman talaga ang katawan.
Napa-tingin ako kay Abigail, I know she is saying the truth. Hindi ko itatanggi magandang lalaki naman talaga si Oscar, nakuha nito ang matikas na itsura ng daddy niya. Matangkad din ito hindi katulad ng average height ng mga Pilipino. Kay Oscar ko nga unang nakita ang abs, lalo na noong high school pa lang ako. Sa mga magazine's ko lang yun nakikita pero dahil hilig ni Oscar mag hubad-baro sa loob ng bahay nila sa Israel ay lagi kong nakikita ang magandang pangangatawan niya.
"Advice lang Luna ha, I'm not saying this because Oscar is our friend. But I suggest habang andito ka sa poder niya kilalanin mong mabuti si Oscar. He is an orphan, we all know that. Siya na lang mag isa sa buhay dahil wala na ang mga magulang niya at siya lang din ang anak. Kaya nagulat kami kanina ng bigla kang sumulpot sa Restaurant niya at sabihin ang tungkol sa divorce niyo." Biglang seryoso na payo ni Abigail.
Tipid akong ngumiti sa kanilang dalawa, naisip ko na din ang tungkol doon dati lalo na ng mag-decide si Oscar na dito sa Pilipinas mag negosyo, medyo magulo pa noon sa Israel ng umalis ito dahil sa pulitika. Laging sinasabi ng nanay ko noon na mabait daw na bata si Oscar at madaming mararating sa buhay. Hindi daw pumayag si nanay na magpa-kasal kaming dalawa dahil sa pera ng pamilya Weizman kung hindi mabuting tao ito.
Samantala katatapos lang mag-luto ni Oscar ng maka-tanggap ng tawag mula kay Eros.
"Oh pare bakit napa-tawag ka?" Tanong ni Oscar ng masagot ang tawag ng kaibigan.
"Where are you? Nasa bahay ka ba o nasa Restaurant mo?" Tanong naman ni Eros.
"On my Resto, why?"
"Abigail go to your house to meet Luna with my wife.."
"What?" Nag-salubong agad ang kilay ni Oscar ang ng marinig ang sinabi ni Eros.
"Goodluck pare, kilala mo naman si Abby puro kalokohan ang babaing yun." Natatawang sabi ni Eros.
Agad tinapos ni Oscar ang tawag ni Eros, it's almost 10 o'clock in the evening. Mag sasara na ang Restaurant niya. He need to go home now or else baka kung ano ang iturong kalokohan ni Abigail kay Luna, kampante siya kung si Sienna ang kasama nito pero si Abigail? No way!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co