Truyen3h.Co

My Daks Chef

15

Maribelatenta



"So ayun nga mabilis naasikaso ni Calix yung kaso ng bago niyang kliyente dahil hindi naman pala na consume yung marriage nung mag-asawa kaya annulled na sila."

Nabitawan ko naman ang hawak kong kutsara pagkarinig sa kinukwento ni Angela kay Abigail, narito kami sa isang sulok ng restaurant ni Oscar. Kasama ko silang dalawa at ilang araw na lang nga ay pasko na pero heto at nasa Pilipinas pa din ako. Pero tama ba ang narinig ko? Mas mabilis mapawalang bisa ang kasal kapag walang nangyari sa mag-asawa? "So meaning to say Angela kapag walang sex na naganap sa isang marriage ay mas mapapadali ang paghihiwalay ng mag-asawa?" Tanong ko agad sa kanya.

"Yes, ganoon yong nangyari sa hawak na kaso ng kaibigan kong si attorney Calix, isa kase yon sa grounds for annulment." Paliwanag ni Angela.

Nanlalambot akong napasandal sa upuan, bakit hindi ko naisip yon? Baka nga mas napadali ang divorce namin ni Weizman dahil wala naman nangyari sa amin noon! Pero dahil sa katangahan ko pumayag pa ako na may mangyari sa amin para lang ayusin niya ang divorce namin sa Israel. Gawddd, Your so stupid Luna!

"Oo nga no? Dapat pala naisip natin yon Luna bago mo inalay ang bataan mo kay Oscar! Hala ka baka mas lalong mahirap magpa-divorce niyan!" Sabi naman ni Abigail na parang nananakot pa.

I don't mind at all if they knew already that I loose my virginity to Oscar, kahit hindi ko ikuwento sa kanila pero dahil si Abigail naman ang doktor ko wala din. Abigail tell on them about it. "Ang daya! This is so unfair! Bakit ngayon mo lang ito kinuwento Angela." Sabi ko naman, parang gusto ko sakalin ang Weizman na yon ngayon.

"Bakit ako? Kahapon lang kami nagkita ni attorney, pinasyalan niya kase ang kambal sa bahay. Tsaka bakit ba kase gustong-gusto mo magpa-divorce kayo ni Oscar? Mabait naman siya ah." Paliwanag ni Angela.

"Kase nga gusto ko gamitin yong last name ng nanay ko instead na yung apilido niya. That's my promised to my mother before she passed away." Parang bata na nagmamaktol na sabi ko, mali yata talaga na binigay ko ang sarili ko kay Oscar. Argghh!

"Pero Luna, nandiyan na yan eh. Hindi na natin mababalik tsaka nag-enjoy ka naman diba?" Si Abigail.

"Kausapin mo na lang si Oscar Luna, kase kung may usapan kayo dapat niya lang talaga yon tuparin. At isa pa huwag ka na makikinig kay Abby dahil puro kalokohan ang babaeng yan." Pailing-iling na sabi ni Angela.

"Masasakal ko talaga ang Weizman na yon! Inutakan  niya ako!" Naiinis akong tumayo, pupuntahan ko si Oscar sa kusina ng restaurant  niya at sasakalin ko!

   "Hey hey hey, wait. What are your doing here?" Agad na tanong ni Oscar ng makita si Luna na pumasok sa kusina, nakabusangot ito at hindi maipinta ang mukha.

Agad kong piningot ang tenga ni Weizman at wala akong pakialam kung may ibang chef na naroon at nakita ang ginawa ko. "Sumunod ka sa akin sa office mo! May kasalanan ka sa akin!" Sabi ko naman sa kanya sabay talikod dito.

"Go back to your work!" Singhal naman ni Oscar sa tatlong chef niya na naroon. Ano na naman kaya problema ng Luna ko?

"You planned this." Sabi ko agad pagpasok ni Oscar sa maliit niyang opisina.

"What are you talking about?" Himubad ni Oscar ang suot niyang kulay puting apron.

"Puwede pala natin maging grounds sa divorce natin na hindi tayo nag-sesex pero pinilit mo ako!" Sabi ni Luna.

"What?" Naguguluhang tanong ni Oscar. "As far as I  know hindi kita pinilit ng may mangyari sa atin Luna. And remembered ikaw ang gumapang sa akin." May pagka-sarkatisko sa boses na sabi naman ni Oscar.

"I-i'm drunk that time! Ikaw ang hindi lasing kaya dapat pinigilan mo ako!"

"Come on Luna yon ang usapan natin diba? Im gonna claimed you then I will help you on our divorce."

"Eh di samahan mo na ako pabalik sa Israel, magpapasko na Weizman pero nandito pa din ako sa Pilipinas."

Nilapitan ni Oscar si Luna, humawak siya sa arm rest ng upuan. Ano bang pinuputok ng butchi ng babaing ito? "Im still busy on my restaurant Luna, paano kita sasamahan sa Israel?"

"Pero yon ang usapan natin! Kaya dapat mo tuparin."

"Okay, okay before new year uuwi tayo ng Israel kung gusto mo."

Napatitig ako ng husto kay Oscar. "Seryoso?"

"Yes, I will fix my schedule  for you but I have something to tell you first."

"Ano na naman yan? Hindi na tayo puwede mag-sex ulit Weizman! Baka mamatay na ako dahil sayo!"

"Not that Luna, I can control myself."

"Eh ano nga?" Dami talaga nitong pasikot-sikot pa.

"I didn't used any protection when we had sex, and I'm sure baka nag-eenjoy na ang sperm cell ko sa loob mo." Nakangising sabi ni Oscar. "What if I got you pregnant? Hindi ako papayag na lumaki ang magiging anak natin ng walang buong pamilya Luna."

He's right, paano nga kung mabuntis niya ako? Eh di lalong hindi kami nagkahiwalay. Ayaw ko din naman lumaki kung sakali ang magiging anak namin ng walang buong pamilya.

"So what now Luna? Have you think about it?" Tanong ulit ni Oscar.

"Hindi!" At sa sobrang inis ko ay tinuhuran ko ang hinaharap niya!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co