23
"Ano ng nangyari sayo pare? Tagal mo sa Zambales ah!" Pangangamusta ni Gerald sa kaibigang si Oscar na ngayon niya lang ulit nakita, sabado ngayon at wala silang pasok sa kapitolyo kaya narito sila ngayon sa resort ni Eros.
"Busy lang sa restaurant, alam niyo na." Kibit balikat na sagot ni Oscar, kababalik niya lang ng San Juaquin kaninang umaga, buti nga nag hired na siya ng driver para hindi na siya ang mismong nagmamaneho kapag may lakad siya.
"Eh hindi lang naman sa Zambales ang restaurant mo, halos tatlong buwan ka yata doon." Sabi ulit ni Gerald.
"Mahirap yan masyado kang nag-papayaman.." Sabi naman ni Eros na nag-salin ng alak sa kanyang baso.
Nagpapayaman? Hindi na din maintindihan ni Oscar kung bakit sobrang pinapagod niya ang sarili niya sa negosyo. Hindi naman siya magugutom kahit hindi siya magtrabaho, may ipon siya sa bangko, at may pera pang iniwan ang mga magulang niya maging mga ari-arian ay mero'n din siya. Kaya bakit nga ba siya magpapa-kuba sa trabaho? Kung puwede naman siyang mabuhay ng payapa. "Wala naman akong gagawin, kaya bakit hindi ako magtatrabaho tsaka alam niyo namang ilang buwan pa lang yung branch ko sa Zambales kaya doon muna ako nag lagi." Sabi na lang niya, hindi din kase siya talaga mapakali na walang ginagawa tsaka kung wala siya sa Zambales ay umaakyat
naman siya sa Baguio at doon nag-lulungga.
"How's your divorce case? Si Luna kamusta na?" Pag-iiba ng usapan ni Gerald.
"I don't know, she's busy I guess. Hindi naman siya tumatawag o nagmemessage sa akin."
"Really? Hindi tumatawag o iniiwasan mo? My wife always talking on Luna pare." Sabi ni Eros at nilapag ang hawak na baso sa babasaging lamesa na nasa gitna nila. "Bakit kase hindi mo puntahan sa Israel? Kausapin mo, sabihin mo na ayaw mo talagang magpa-divorce kayo na gusto mo talaga siya, na noon pa mahal mo na. Tsaka huwag mo ng itago sa kanya na hindi naman talaga siya nakakuha ng scholarship sa eskuwelahan noong nasa college siya. Na ikaw naman talaga ang nagpa-aral sa kanya."
Sapul.. Yes, alam na alam ng dalawang ito ang kuwento niya. Lalo na si Eros, magaling talaga ito magpa-amin eh. "Luna don't need to know about that." Sabi pa ni Oscar, para ano pa? Tiyak na magagalit lang sa kanya ang babaeng yon kapag umamin siya na wala talaga itong scholarship na nakuha, na siya talaga mismo ang nagpa-aral at gumastos dito ng tumuntong sa kolehiyo. He made sure Luna will get her dream job at nakamit na nga nito pero hindi niya ineexpect na ang kasiyahan ni Luna ay magiging kalungkutan naman niya.
"Malay mo gusto ka din pala ni Luna, mas okay na yong sumubok kaysa sa hindi pare.." Segunda pa ni Gerald.
"Magagalit lang sa akin yon, tsaka on-going na ang divorce namin." Dagdag pa ni Oscar, Luna only want to be free so bakit ipagdadamot niya ang kasiyahan na gusto nito?
"Magalit na kung magalit atleast alam niya ang totoo. Bitbitin mo pabalik dito sa Pilipinas tapos pakasalan mo ulit dito, sigurado mas mahihirapan yon tumakas sa kasal niyo dahil annulment lang mero'n tayo." Paliwanag ni Eros, he only want to see his friend happy. Lahat naman na sila ay may kanya-kanya ng pamilya at itong si Oscar na lang ang talagang wala pa.
"Hayaan niyo pag-iisipan ko, but for now mag-pakalasing muna tayo."
Israel.
Pagod na inihiga ko ang aking katawan sa aking kama, I have a new job now. Isang receptionist sa bagong hotel na malapit lang din dito sa tinutuluyan kong apartment. Ang tagal naman kase ng divorce case namin ni Oscar at gustong-gusto ko ng mag-umpisa magtrabaho sa ospital. Yon na lang talaga ang hinihintay ko para maging maayos na ang lahat. I grabbed my phone, limang beses ko na chinat mula kahapon si Weizman pero wala man lang akong natatanggap na reply mula sa kanya. Kamusta na kaya siya? Gagong yon baka sex lang din talaga ang gusto sa akin at hindi man lang magawang mag-reply. Sabi pa naman ni Abigail nakita niyang nakikipag-date si Oscar at may madalas na babaeng pumupunta sa restaurant nito. Galing! Wala pa ngang resulta sa divorce namin mang-bababae na! Kung hindi lang talaga mahal ang ticket sa eroplano pupunta talaga ako ng Pilipinas para mabatukan ang lokong yon eh. Then I start to dial Abigail's number on whatsapp, mangangamusta na lang ako at may itatanong sa kanya, siguro naman wala na itong ginagawa dahil alas nwebe na din ng gabi sa Pilipinas.
"Hi Luna!" Masayang bati ni Abigail habang ikinakabit ang earpods sa tenga, finally tulog na ang mga anak nila ni Gerald kaya me time na siya ngayon. "Kamusta?"
"Heto kakauwi lang ng work, hindi ka ba busy? May itatanong nga pala ako." Sabi ko naman.
"Wala naman, hinihintay ko pa matapos maligo si mi loves eh. Ano bang itatanong mo? Basta wag lang tungkol sa math ah!" Natatawang sagot ni Abigail.
"You can't be pregnant if you swallowed a sperm right?"
Napabalikwas si Abigail sa narinig. "Gaga ka don't tell me nakipag-sex ka diyan? Masasakal kita!"
"Im not, ano ka ba." Sagot ko agad. "So hindi nga diba?"
"Natural hindi, pero kung sa loob pinutok ni guy malamang sa malamang mabuntis ka. Teka kaninong sperm ba nilunok mo? Dapat pinahid mo na lang sa mukha healthy kase yon." Sabi ni Abigail.
"Really? Sperm are good for skin? Seryoso yan?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.
"Oo nga, tingnan mo ako walang pimples sa mukha kase yung sperm ni mi loves pinapahid ko sa mukha ko kapag bumibira kami." Natatawang kuwento ni Abigail.
"Yuck kadiri ka Abby, malagkit yon eh." Napangiwi pa na sabi ko."
"Yuck yuck ka pa, eh nilunok mo nga. So kanino ngang sperm ha?" Tanong ulit ni Abigail.
"Im just worried, hindi pa kase ako nagkakaroon simula ng dumating ako dito, samantalang regular naman ang menstruation ko." Nag-aalala na sabi ko, takot pa naman akong gumamit ng pregnancy kit dahil baka mag-positive ako.
Hindi muna nakapag-react agad si Abigail, parang inaabsorb pa niya ang sinabi ni Luna. "Wait, hindi kaya buntis ka na? Tapos magkaka-anak na kayo ni Oscar?"
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Abby, dapat yata hindi ko siya tinawagan eh. "I-I don't know Abby, natatakot ako."
"Bumili ka ng pregnancy kit dali! Para malaman natin kung buntis ka nga ba!" Sabi ni Abigail.
09182523698-gcash merry christmas! Pangkape lang oh. Mamamasko ho! Hahahaha
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co