32
"Luna naman buksan mo itong pinto." Naiinis at pagod na pakiusap ni Oscar. Magkasabay silang umuwi pero dahil pinarada niya pa ng maayos ang sasakyan ay nauna ng pumasok si Luna sa loob ng bahay at heto nga at sinaraduhan siya.
"Ayoko, bahala ka diyan. Maghanap ka ng tutulugan mo." Inis naman na sabi ko sa kanya sa likod ng pintuan.
"This is my house Luna bakit ka ba ganyan? Buksan mo na ang pinto." Pakiusap ulit ni Oscar.
This is my house? Aba't siraulo talagang Weizman to! "As far as I know we're still married Weizman kaya kung ano ang sayo akin din 'yon including this house!"
Tang*na.. Lord pahingi pong pasensya sa buntis na ito. "Sige na open this door Luna, ipapagluto pa kita ng pagkain mo." Pangbobola pa ni Oscar.
"Im still full Weizman, tsaka kumain tayo bago umalis sa restaurant mo diba. So I'm going to sleep now, bahala ka diyan, doon ka sa Trina mo!" At pinatay ko na ang ilaw sa sala, nasa akin ang spare keys ng bahay at dinouble lock ko pa ang pinto kaya hindi talaga siya makakapasok.
Walang nagawa si Oscar kung hindi maupo sa labas ng bahay niya, buti na lang may mga lamesa at upuan dito. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit naiinis sa kanya si Luna, samantalang malinaw naman niyang sinabi dito at ipinaliwanag na hindi niya talaga naging ex-girlfriend si Trina. Other than that naiinis din siya kay Abigail, dahil talagang binigyan pa ng anesthesia si Luna kanina. Paano na lang kung naiturok nito 'yon kanina? Eh di nagkagulo na.
Don't laugh at me gago!" Inis na tinungga ni Oscar ang lata ng beer na hawak-hawak. Alas dos na ng madaling araw at nasa labas pa din siya ng bahay. Tinawagan niya si Micheal kaya kasama niya ito ngayon.
"I can't help it, nakahanap ka ng katapat mo sa katayuan ni Luna." Sagot ni Micheal, alas onse kanina ng tawagan siya ni Oscar at sinabi nitong may emergency daw kaya pinuntahan niya ito. 'Yon pala hindi lang outside the kulambo ang inabot ng kaibigan kung hindi outside the house!
"She don't believed me when I said Trina is not my ex." Maikling kuwento pa ni Oscar.
"Of course lalo pa at kung sinabi mismo nung babae na ex ka daw niya sa harap ni Luna. Hindi talaga 'yon maniniwala tapos sususulsulan pa ni Abigail, ah wala na talaga."
"And I can't do anything now, I don't want to stress her because of her pregnancy."
Muling tinungga ni Oscar ang hawak na beer na hindi na halos malamig, magpapa-duplicate na nga siya ng isang dosenang susi ng bahay niya para kapag ganito alam niya na ang gagawin.
"Then bare it, ilang buwan na lang naman manganganak na si Luna kaya pag-tiyagaan mo na. Pregnancy hormones niya yan eh." Sabi pa ni Micheal.
Pregnancy hormones? Tang*nang pregnancy hormones yan papalayasin ka ng bahay. Makita niya lang talaga ang Trina na 'yon sa susunod makakatikim talaga ng salita sa kanya. Sa isip-isip ni Oscar.
Alas kuwatro imedya na nakauwi si Micheal mula sa bahay ng kaibigan at sobrang nagpapasalamat si Oscar dahil pinuntahan siya nito. Padadalhan niya din ng pagkain mula sa kanyang restaurant si Lily at ang mga inaanak na quadruplets para pang bawi man lang sa abalang ginawa niya kay Micheal.
Alas sais ng umaga ay gising na ako, ilang beses ako nagpabalik-balik sa banyo kakasuka. I'm starving, paglabas ko ng kuwarto ay walang Weizman akong nakita. Aba hindi marunong magsira ng lock ng pinto si Oscar kung ganoon. Agad kong binuksan ang pintuan at doon nga ay nakita ko sa labas si Weizman. Nakayuko ito sa lamesa at mukhang tulog na. Bigla tuloy akong nakonsyensya, parang sumobra naman ako sa kalmalditahan ko kagabi. Pero hindi ko naman kasalanan kung bakit naiinis ako sa kanya! Inis na inis ako sa Trina na 'yon, matangay sana ng hangin at dalhin sa pacific ocean.
"Weizman, uy! Gising na." Kalabit ko sa balikat niya, may mga lata ng beer sa lamesa. Kung gano'n uminom pala siya kagabi.
"Luna.." Naalimpungatan na sabi ni Oscar, nakita niyang nakatayo ang asawa sa harap niya. Suot nito ang t-shirt niya na umabot lang hanggang sa pagitan ng hita nito. Aayain niya nga ito mag-shopping para makabili ng mga damit na pang-buntis. Halatado na din kase ang tiyan nito na mag-aapat na buwan na.
"Pasok ka na sa loob, doon ka na matulog." Nakokonsyensyang sabi ko. May nakita pa akong ilang kagat ng lamok sa braso nito, pati sa mukha ay mero'n din.
"Hindi ka na galit sa akin?" Nag-aalangan na tanong ni Oscar.
"Hindi ako galit, naiinis lang ako sayo at sa chararat na Trina na 'yon." Sabi ko naman.
"I told you she's not my ex, siya lang ang nag-iisip nu'n kaya sana maniwala ka naman sa akin." Paliwanag na naman ni Oscar. Ang payo nila Eros sa kanya ay intindihin niya daw si Luna dahil buntis nga daw ito at nagiging sumpungin nga katulad kagabi.
"Last one, kapag nakita ko pa 'yong chararat na Trina na 'yon sa restaurant mo ituturok ko na talaga sa ngala-ngala niya ang anesthesia na bigay ni Abigail sa akin."
"Hindi na 'yon magpapakita, takot lang sayo nu'n." Hinila ni Oscar si Luna at idinikit ang kanyang ulo sa may tiyan nito. Hindi pa daw sumisipa ang baby kapag apat na buwan pa lang, usually five or six months daw sabi sa kanila ni Abigail. "Are you hungry? Anong gusto mong almusal?" Tiningala niya pa ito, kahit sinaraduhan siya nito ng pinto at nasa labas lang siya magdamag ay wala siyang makapang galit, ganito yata kapag mahal mo na.
"Oo gutom na talaga ako Weizman." Nakalabing sabi ko.
"Okay ano bang gusto mo for breakfast?"
"Monster cock mo." Nakangising sabi ko sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co