Truyen3h.Co

Solace Escape

Kabanata 5

heartlessnostalgia

Kabanata 5

"Sib, you have to realize what you did was wrong." My brother talked to me again while walking towards the airport.

Hindi ako umimik, sa halip ay mas inayos ko lang ang shades at humigpit ang hawak sa bag.

He heaved a deep sigh, "did you even say goodbye to Mom and Dad?"

"Why would I?" malamig kong sagot, mabigat ang dibdib pero gustong panindigan ang sarili.

"You know they were just worried of you, Sibyl."

"Nope," iling ko, "they are probably just worried what media would call me, damay na rin kayo roon kahit 'di mo sabihin, Kuya. You wanted to protect the family's image—"

"Those are kids, Sibyl." He sighed and held my arm. Napalingon ako sa ginawa niya at nakitang inalis niya ang shades at tinitigan ako gamit ang kanyang asul na mga mata. "What happened? Why are you like that?"

"Their parents are talking bad about me, Kuya." I exclaimed, "I was just teaching their kids and what? They are watching me from the other room and mocked me! Pagkatapos makuha sa foundation ay gano'n ang trato nila? How ungrateful?!"

He stared intently at me. I was used to him being funny and light but looking at how serious he is right now, I think I am looking at my father.

"Did you hear it, perhaps?" he asked.

"N-no." I shook my head, "but I knew they're talking about me. Nagbubulungan sila, Kuya! And what? They are looking at me like they were mocking me!"

"You didn't hear them talking, right?" seryoso niyang sabi. Hindi ako umimik at nanatiling nakatingin sa kanya, taas-noo pa at napailing-iling siya sa akin. Napaatras ako sa gulat nang abutin ni Kuya ang ulo ko, suminghap pa nang walang pagdadalawang-isip niya akong hinila palapit sa kanya para sa isang yakap.

"You can cry, Sib..." he whispered.

Natulala ako. I blinked back my tears, trying my best not to give in.

"W-why would I cry?" mahinang sabi ko, kumuyom ang kamay.

"Because you're always been keeping it inside your heart, Sib." He whispered. "I'm always keeping it cool but I've been observing you, you know."

"What?" I asked, "I'm not..." suminghap ako, "I was just mad at them for talking behind my back l-like that, Kuya."

"Is it because of what happened to me?" he suddenly asked, startling me.

Doon na ako nawala sa composure. I was just keeping my cool and relax but hearing it from him now made the memories come back. Pumikit ako ng mariin at marahas na napalunok.

"Like I told you before," he whispered. "It wasn't your fault."

"It is." Mariin kong sagot.

"No," he sighed, "Sibyl—"

"I said it is my fault!" I exclaimed, pushing him harshly away from me.

Kaagad kong nabakas ang lungkot sa kanyang mata kaya mabilis akong umiling.

"Stop telling me it isn't because it is." I said in finality, "and please, Kuya. Stop looking at me with pity. Dapat wala kang gano'n sa akin. I was the reason why you lost—"

"Stop torturing yourself, Sibyl!" he exclaimed, "oo, masakit na ganito pero kahit kailan! Kahit kailan hindi kita sinisi!"

"Then, blame me!" I spread my arms to show it to him, "blame me for it, Kuya!"

His jaw clenched and walked towards me, trying to calm me down.

"Sibyl—"

"I'm going." Malamig na sagot ko at bago pa man siya makapagsalita ay mabilis na akong tumalikod mula sa kanya.

Hindi ko na siya nilingon kahit anong tawag niya. I went to our private jet silently and sat before looking in the window.

"Hey, Sib. Where's your brother?" I heard a voice and saw Kuya Macky.

"Outside," simple kong sagot sabay ngiti ng maliit at tumango-tango siya, sinusuklay ang buhok gamit ang daliri bago isinuot ang cap niyang kasama sa uniporme.

I silently watched him walk to look for him until I heard my brother.

"Macky-beybe, aking irog!" my brother's voice filled my ear and I sighed loudly and stared at my fingers.

He's so good of hiding everything. How can he be happy after what happened before?

Sumikip ang dibdib ko roon, lalo na nang marinig ko ang tawa ng kapatid nang may sinabi si Kuya Macky. Nagkatinginan kami pero mabilis akong umirap sa hangin at hindi siya pinansin.

"Anong babae?" Kuya Macky asked seriously. "I'm using protection."

"Weh? H'wag ako. Habulin ka ng girls, h'wag mong sabihing wala kang papatulan?!" ani Kuya na tumatawa. "Naku ha, sinasabi ko sa 'yo, baka magulat ka pala may anak ka na!"

"Fuck you." Kuya Macky spat and smacked him, "kapag nagkaanak ako gagawin kitang Ninong tapos babaratin ka namin." He even joked at nagtawanan sila habang papunta sa may cockpit.

Tahimik lang ako, malalim na nag-iisip kung paano ang gagawin ko kapag naroon na ako sa Sta. Monica. I hate the province, of course, it's great because my grandparents are there but still...there is no party there! No friends!

In short, it's fucking boring!

I heard the clicking of ice cubes. Mabilis akong napalingon at unti-unting namilog ang mata nang makita si Adi na nakangiti at may hawak na plastic.

"Adi!" I called, a soft smile left my lips. "Why are you here?!"

Tumayo ako, she giggled when I hugged her tight.

"Of course, makakaya ko kayang wala ang BFF ko?" she asked and held my hand, hinihila ako paupo pabalik sa upuan bago tumabi sa akin.

Kaagad na nabawasan ang lungkot kong pupunta akong probinsya.

"How's school? Is it okay you're going with me? sasamahan mo ako?" I excitedly asked.

"Well..." she pouted, "I just have a day off school today so, I have to come with Kuya Macky home."

My shoulders fell. Her eyes had a glint of sadness too.

"If only I could come with you, Sib." She sighed, "I'll probably do but you know how demanding law school is. It's was so hard. But hey, I brought you some iced coffee! Your favorite! You want?" sinubukan niya akong utuin sa pamamagitan ng pag-alog pa ng kape ko para tumunog ang yelo pero nakasimangot ko lang iyong kinuha.

"And here I am, I thought I'm not alone." Eksaherada akong humugot ng hininga at inilagay ang straw sa kape.

"Aww..." she murmured, sipping on her milk tea. "Don't worry, you aren't alone. Mama and Papa's there. They're excited to see you, you know?"

"Tss," I frowned, "they probably know I'm grounded kaya ako ipapatapon sa Sta. Monica."

"Sta. Monica isn't a bad thing." She told me. "It's fun there! Remember? Fresh air? Kawasan? No'ng vacation natin 'di ba, masaya?"

"It's great because it is vacation, Adira." I said boredly, "right now? It was as if I'm on vacation?"

"Then think that way, malay mo at makahanap ka na ng true love?" she grinned and I rolled my eyes at her.

"Not my thing."

"Weh?" she grinned, "ano 'yong nabalitaan akong may ka-kissing scene ka sa mall nitong nakaraan? The man looks familiar to me but I really can't remember. I think, I saw him somewhere—"

"I-it's nothing." I dismissed the thought of Solomon or anything related to him.

This was all his fault. If only I didn't meet him then, I probably won't throw me in our boring province.

"Oh? Ang huling alam ko kasi'y boyfriend mo si James, 'di ba? Tapos gulantang ako pagkakita sa social media—" malakas kong inalog ang kape ko kaya nag-ingay ang yelo at unti-unting binalingan ko ang pinsan at tinaasan siya ng kilay.

"Kumusta naman kayo ni Abo? May improvement na ba?" I cut her off, amused upon watching how her curious famous blushed.

"Ano bang..." nag-iwas siya ng tingin at sumimsim sa milk tea kunwari para 'di ko siya makita. Ngumisi ako at pinihit ang ulo niya para harapin niya ako.

"Ah-huh," I smirked, "maputla ka, ah? Natural blush from kilig lang pala magpapapula sa pisngi mo."

"S-Sib nga!" she hissed, "ano bang sinasabi mo? Magkaibigan lang kami—"

"Blah! Blah! Blah! H'wag. Ako." I said in finality.

"Sibyl nga!" mas namula siya at umabot na iyon sa tainga niya kaya natatawa na ako sa loob-loob ko.

"Sibyl nga!" I mimicked her, "ano nga? Kumusta? BFF pa rin kayo?"

"We're always that way!" she defended, "wala lang iyon!"

"Oh?" tumaas ang kilay ko sabay kuha at tingin sa hawak niyang paper bag at nakitang may mga pagkain doon sa loob.

I saw a note kaya dali-dali ko iyong kinuha at binasa.

"Have a safe flight, boo! H'wag kang papagutom. I missed you already." I read, "with a sad face."

Yikes. Love is sooo corny.

"Si boo talaga..." she whispered kaya dali-dali ko siyang sinulyapan at nahuli ang tago niyang ngiti, namumula pa.

"Ay wow, landian as friends?" I asked boredly at napanganga siya at tumili.

"Sibyl! OMG! Ang gwapo niya talaga naiinis na ako! Parang tanga!" irit niya roon at inalog-alog ako kaya napatawa ako ng mahina at hinayaan siyang gawin iyon hanggang sa mahilo na ako.

Okay lang naman kung gano'n lang pero magkikwento siya sabay singhap at mahinang tili, ni hindi matatapos ang kwento at hinampas pa ako kaya sumimangot na.

"Sorry, sorry!" she exclaimed while watching me eyeing her with a poker face.

"Ginawa ba naman akong punching bag?" I whispered and she laughed loudly and pulled me for a hug.

"Sorry na, Sib. Love you." She giggled, "pero 'd-di ko siya crush, ah? Ang gwapo niya lang—as a friend." Tikhim niya.

"You are hopeless, Adira Venice." I whispered back and hugged her back, smiling a little because I felt lighter now that I was earlier.

During our flight to our province, I was delighted because Adi is here. I may have friends around but Adira will always be my bestfriend. Hindi man kami madalas nagkikita dahil sa pag-aaral pa niya sa law school pero kapag nagkikita kaming dalawa ay tila walang panahong 'di kami nagkita.

I won't tell this to her but I felt like we're connected to each other. We're like lost twins and no matter how different our attitude is, we clicked.

"Tapos! Tapos! OMG." She gasped loudly, "we had a recit yesterday, you know? I was caught off guard for a question!"

"What?" tumigil ako sa pagkagat ng chips na padala no'ng kalandian niya as friends. "Adira Venice Sandejas? Aspiring lawyer? Caught off guard? You spent your days studying."

"Yeah, correct." She pouted, "but that part of the lesson, I freaking fell asleep!"

"Oh..." I gasped, "so you sleep?"

Bumagsak ang balikat niya, "ay, aray ha? Anong tingin mo sa 'kin?"

I stifled a laugh, "well..." I looked at her face. "Scary eyebags, horrible pimples on your cheek and oh, look at the spider hideout on your hair."

"Sibyl!" she whined and stomped her feet, "'di naman effective 'yong binigay mo sa aking cream para sa pimples!"

"Duh! What did the instruction say? With enough sleep." I emphasized, "ilang oras kang natutulog?"

"Hmm...three? Four?" sumimangot na ako, "m-minsan five!"

"And yeah? You expect it would make a difference?" tinuro ko ang pisngi niya, "atsaka anong sabi ko sa 'yo? 'Yang pimples mo, h'wag mong tirisin! What if it'll make a mark? Sayang ang skin mong mana kay Tita Thallia pero ginawa mong dump site!"

"Aray! Aray ha?" sinapo niya ang dibdib, "pero bakit mukha ko na ang topic? As I was saying, I was caught off guard for the recit and boo saved me and I'm like..." she continued with her kilig moments as friends kaya nailing na lang ako at nakinig, napapatawa.

"Ang mamanhid," bulong ko sa ere sabay sulyap sa minsan na kulang na lang ay magpuso ang mata sa mga kwento.

Love sucks. How can everyone fall for it?

We reached the Sta. Monica airport and Adi was so excited but I was just frowning. Lumabas si Kuya at Kuya Macky sa cockpit ng jet namin at paunat-unat pa siya ng kamay.

"What did he do there?" I asked Kuya Macky who glanced my way and shrugged.

"Pa-cute." He answered me.

"What? Anong cute?" Kuya pouted, "gwapo 'to. 'Di lang cute. 'Yong pamilya namin lahi ng mga perfect—"

"Oh, I'm tired." Sinuot ko ang earpods at ngumisi sa Kuya na nahulog ang panga sa akin.

"Ohh, I see Sibyl's refusing to believe you looked good. Inferness, huh? I can see Sib's taste." Kuya Macky grinned, "ako ba, Sib? Gwapo?"

I raised my brow and looked at Kuya Macky, his eyes are crystalline blue resembling Tito Dash so I gave him a thumbs-up.

"P'wede na." I commented.

"Oh! See that?!" humagalpak si Kuya sabay sapak kay Kuya Zion na parang pinagbagsakan ng langit ng lupa. "Gwapo raw ako sabi ni Sibyl!"

"How dare you, Sibyl Timothea?" Kuya asked dramatically, maiiyak pa kunwari. "Si Macky-pangit kinakampihan mo tapos akong dugo't-laman mo ipagkakanulo mo?! Ano na lang sasabihin sa 'tin ng disipulo ni Zeijan Ruais Pogi Sandejas?!"

I just stick my tongue out to tease him and confidently wore my shades and turned my back, walking away while he's whining and choking the laughing Kuya Macky.

Nalilito pa si Adi pagkalabas niya sa banyo at nakitang nagkakagulo na ang dalawang lalaki roon kaya nagkibit-balikat lang ako at hinila siya pababa sa jet. Her hair is in ponytail now, she's even wearing her eyeglasses with her floral dress kaya ngumuso ako at hinila paalis ang salamin niya.

"Sib?!" she called.

"Wala ka namang binabasa, you don't need this glasses." I said and took out my spare sunglasses and forced her to wear it.

"Wear this," I said at ayaw man niya ay wala na siyang nagawa dahil nginitian ko na.

"That creepy smile again." She murmured.

Sumakay kami sa sasakyang sumundo na ipinadala ng mga grandparents namin at habang excited ang tatlong makita sila ay ako nama'y kausap sina Leah at Mila sa chat, nagrereklamo sa kinahinatnan ko.

"We're here!" Kuya Zy exclaimed. Nang tumigil ang sasakyan sa loob ng gate ng mansyon ay mabilis silang lumabas at kaagad akong napangiwi nang kumalat ang nakalugay kong buhok sa lakas ng hangin. Akala mo mananampal.

I removed my shades and closed my eyes when the sun touched my face.

"Welcome to Sta. Monica kung saan nakita nina Mama Lena at Papa Jer ang true love! Malay mo baka sa 'yo rin?" Adi exclaimed happily and I shook my head.

"True love, my ass." I almost puked at that statement but she only laughed at me at narinig ko na lang ang malakas niyang tili.

"Mama Lena! Papa Jer!" she chirped happily and I watched her ran towards the mansion's large door.

Naroon na si Kuya Macky at Kuya Zy. Nakaakbay na si Kuya Zy kay Mama Lena at humalik pa sa ulo nito at nakita kong katawanan ni Papa Jer si Kuya Macky.

"Adi! Oh my God, you pretty lady!" Mama Lena called and welcomed Adi with a warm hug.

"Hi, Mama! Papa!" she greeted and hugged Papa too.

I remained watching them, stopping when I realized Papa is looking at me with a glint of smile on his lips.

"Oh, what's stopping our pretty ballerina from hugging the very handsome Papa Jer?" Papa asked and pointed Kuya Zy. "—that's by the way, the original gwapo in this family. Not your Dad."

"Oh, come on. Ang lakas ng hangin, ano?" Mama asked and blew a breath, looking at me. "Hello, my pretty Sibyl."

I was shy and hesitant at first but I found myself running towards my grandparents and attacked them with a big hug.

"Oh!" Mama laughed sweetly when she got me.

"I missed you, Mama." I whispered gently and she kissed my hair.

"I missed you too, Sibyl. Welcome home." Ngiti niya pagkahiwalay sa akin kaya ngumisi ako sabay sulyap kay Papa na nakangiti na sa akin.

"Hello, the original gwapo." I greeted and a harsh bark of laughter filled the place when Papa hugged me and kissed my head.

"Luh? Daddy gwapo could never!" Kuya Zy exclaimed in dismay.

"That's right, sa akin ka talaga nagmana. May taste." Ani Papa kaya maliit akong ngumiti at siksik sa braso niya.

It was a weird feeling but somehow, our mansion here gave me warmth. Ang ingay-ingay ng bahay dahil kay Kuya Zy at Papa Jer.

"Diyos ko, kapag sumama pa ang Daddy mo, sabog na ang mansyon." Ani Mama Lena na sinusuklay ang buhok ni Adi na nakaupo sa lapag at may binabasang lessons sa phone niya.

"Probably, Ma." I commented.

"Bakit 'di nga pala sumama ang Daddy mo?" she suddenly asked and I kept mum about it. "Oh!" she gasped when she realized it. "Oh, I didn't know why you are here but...hindi maganda ang usapan ninyo?"

I nodded a little. The glint of her eyes changed and she offered her hand.

"Tara nga rito, anak." She murmured and I moved closer to her, resting my head on her shoulder before hugging her waist.

"Sali ako!" Adi said and shifted her body until she's hugging Mama's waist too, making her laugh.

"Ay, may yakapan! Sali kami ni Macky-beybe, Ma! Iwan natin si Papa Jer-pangit!" Kuya exclaimed at napatawa nang malakas si Mama nang sunggaban din kami ng dalawa.

"Naku, ang mga apo kong malalaki na dati lang ang liliit ninyo!" she murmured and hugged us back until Papa Jer came.

"Honey ko 'yan!" Papa whined like a kid, even attempting to join the hug pero palaban ang dalawa at ayaw paabot si Mama na natatawa roon habang pinagmamasdan ang tatlong lalaki.

Too bad Dad isn't here. Siguradong rambol ito kung sakali...I stopped, nagbaba ako ng tingin at naisip si Dad at Mom.

I had fun with them. Naaliw pa ako sa kwentuhan at nabalitaan kong naghabol ng paboritong manok ni Mama Lena si Papa Jer kanina at nakawala raw sa hawla at nadapa sa may putikan.

"Weak ka na pala, Papa. May lumot na tuhod mo." Kuya commented. Papa's face crumpled.

"Mana ka sa Tatay mo talaga, ano? Hindi naman nalaglag sa hagdan si Alyx." Papa commented back at napatawa na ako roon kaya nagtinginan sila sa akin. Napawi ang ngiti ko.

"Hiyang-hiya naman daw si Sibyl Timothea at akala mo hindi galing kay Daddy pogi? Nasaan ka para itaas ang bandera ng mga anak ni Zeijan Ruais?" Kuya asked me.

"Hmm, busy magtaas ng bandera bilang anak ni Alyx." Patol ko sa kanya at napuno ng tawanan ang bahay doon.

"Naku, Alyx na Alyx ang apo ko." Ani Mama Lena sabay yakap sa akin, "pero sa totoo nga, may lumot na ang tuhod niyang si Ejercito at may rayuma na."

"Excuse me, hon? I caught the chicken!" he answered proudly, his eyes are looking lovingly at Mama.

"Nah, Sol helped you." Mama said at doon na nawala ang ngisi ko.

Ayaw ko man at nakakalungkot ay kinailangan nilang umalis kaya naiwan ako sa bahay. Papa Jer had to go and take them to the airport kaya si Mama ang naiwan kasama ko na abala naman sa kusina at nagluluto ata ng pagkain dahil naaamoy ko iyon sa pwesto ko.

Hays...Mama Lena's cooking skills are the best. Sabi niya naman noon ay 'di siya marunong pero natuto rin as time goes by because she had kids and Papa Jer's a great cook too.

I love it when my family cooks but my Mama Lena has the touch of something else.

"Anak, come here in the kitchen. I cooked something!" she called kaya mabilis akong tumayo. I excitedly went to the kitchen, smiling.

"Wow! What is it, Ma?" I asked, dinudungaw siya.

"Babana cue." She giggled and showed me a banna coated with sugar in a stick kaya napangiti ako, kaagad na natakam at kinuha ang ibinibigay niya bago naupo at kinagatan pero napasinghap.

"Aww!"

"Careful, Sibyl." Napangiti si Mama, "it's hot, darling. Dahan-dahan."

"Sorry, I'm just excited." I chuckled lowly. Inihipan ko iyon bago kinagatan habang pinagmamasdan niya ako.

Mama Lena aged like fine wine. Really really gorgeous and still fit and sexy even in her age, sa bagay kasi ay maalaga sa sarili at masaya kay Papa kaya ganyan. She's not a former beauty queen for nothing.

"Masarap?" she asked me excitedly. Namilog ang mata ko nang matikman iyon at suminghap.

"Wow, yes!" I gasped, feeling great. It was my first time eating this one since I'm really not a fan of sweet foods but this is worth the calories!

"Really?" her lips tugged for a sweet smile, "should I add more sugar? Is it too sweet or...?"

"It's great!" pagtango ko at muling kumagat doon, "the sweetness is just right. Not too much. Maybe you still got Lola's skills, 'di ba, Ma, may bakery kayo dati?"

"Oh, yes." Napatawa siya at hila ng upuan sa harapan ko at naupo roon. "I remembered it when your Papa Jer used to go there. Tatambay, oorder ng walang katapusang cake at kape hanggang sa mag-palpitate na siya."

"Ma'am Lena? Pinasok ko po rito 'yong mga maleta galing sa sasakyan. Saan ko ilalagay?" I froze when I heard a voice, my heart definitely palpitated.

"Oh, Sol!" Mama called and stood, "halika rito, hijo! May niluto akong banana cue, dalhan mo ang Nanay at kapatid mo. Nasaan si Fritz at 'di ko nakikita?"

"Nasa bahay nagmumukmok ulit, Ma'am." I heard Sol answered, kaagad na napatigil ako sa pagkain ng banana cue ni Mama nang makita siyang pumasok sa kusina.

I should be mad and irritated but seeing him now stopped me. His black fitted clothes hugged his body perfectly, ang muscles niya ay kitang-kita ko roon. Nakangiti pa habang nakatingin kay Mama.

"Oh? Bakit nagmumukmok?" Mama asked, "saan na ang makulit na 'yon? No'ng nakaraan nandito iyon, eh. Nasa may dance studio sa itaas, sumasayaw. Pinalinis ko pa naman 'yon, 'di ba siya gagamit?"

I froze when I heard it from Mama.

"Ah, hindi na raw po siya sasayaw." Ani Sol na may maliit na ngiti.

"Oh? Bakit? Magaling na bata iyon, ah? Sabihan mo at bumisita, nandito ang idol niya!" Mama said happily as if remembering something and I got caught before I could even hide or something when Solomon shifted his gaze at me.

The small smile on his lips vanished upon seeing me. His black orbs darkened.

"Oh, Sol! I didn't know if you two met each other properly already since you stayed at Zeijan's house but this is Sibyl. She's a ballerina, siya 'yong gustong-gusto ni Fritz!" She grinned and looked at me, "Sib, this is Sol. He has a sister, si Fritz. That kid idolized you a lot! I forgot telling you!"

Lumunok ako at sumulyap kay Solomon na malamig na nakatingin.

"H-hi, Sol..." I murmured.

"Magkakilala na pala kayo?" Mama asked.

"Yes—"

"Hindi po," natigilan ako sa sagot ni Solomon at 'di ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay may pumiga sa puso ko roon.

"Oh..." Mama nodded, "akala ko oo kasi nando'n ka?"

Sol smiled a little but just looking at his eyes, I knew it was forced.

"Hindi po nagkakitaan," aniya sabay baling sa akin. "Abala siguro si Ma'am Sibyl sa pagsasayaw."

My hand trembled, I lowered my head and stared at my foods.

"Gano'n ba?" ani Mama.

"Saan ko po pala ilalagay iyong mga maleta? Iaakyat ko po ba?"

"Ay, oo. Salamat, Sol. Pakiakyat sa may kwarto roon sa itaas, 'yong pinalinis ko. Ituro mo na rin kay Sibyl." She murmured, "pasensya na pala, ah? Si Ejercito sana ipapabuhat ko kaso alam mo namang natatakot na ako sa matandang iyon at baka biglang rayumahin." Tumawa siya.

"Tss, this is how you talk when I'm gone, hon?" napalingon ako at nakitang nakasandal na si Papa sa may gilid ng pintuan, nakanguso habang nakasulyap kay Mama na natatawa.

"Why? Can't I?" she smirked, "totoo naman, takot ko lang na tumambling ka riyan sa hagdanan dahil sa mga binubuhat mo."

"I'm stronger than a horse. Right, Sol? Baka gusto mo pang gawin kong lima ang mga anak natin—"

"Ihahatid ko na po 'yong maleta sa itaas," putol ni Sol kay Papa na nakanganga sa kanya, "lampungan well."

"Solomon..." napatawa si Mama ng malakas at naiiling si Papa na tinapik ang balikat niya.

"Alam mo, pasmado bibig mo, Solomon pero tama." Ani Papa, "Sibyl, anak, sama ka muna kay Sol at ituturo niya 'yong kwarto mo. H'wag kang mag-alala at walang ipis. Maglalampungan muna kami ng Mama mo."

Napangisi ako, binaba ko ang banana cue na hawak bago tumayo at lumapit kay Solomon na namulsa.

"Okay, lampungan well." I mimicked Solomon's tone and smiled when Mama screamed the moment Papa caught her waist and kissed her lips quickly.

Nilingon ko si Solomon na nahuli kong nakatingin. My heart pounded.

"Hey..." I greeted but instead of answering, he turned his back on me and walked towards my things.

My throat dried up. He quietly took my bags and walked upstairs. I followed him, didn't know how he could make my heart ache like this.

For what? I should be annoyed at him! He's...he's at fault. Kung bakit ako nandito sa probinsya!

I was not used of people ignoring me, maybe, that's why I am hurt.

I followed him into the familiar hallway of the house at sa may bandang kanan ay pinihit niya ang seradura ng kwarto roon bago binuksan.

I followed him inside. I noticed the open window and got the feeling of an awkward air between us I've decided to speak.

"Sol—"

"Ito ang kwarto mo, señorita." The coldness of his tone is colder than my iced coffee.

"W-what?" I blinked and bit my lower lip. "What did you call me?"

"Señorita," he said without any shift in emotion, "ito 'yong kwarto mo. Kapag kailangan mo ng kahit ano, naroon si Sonya sa ibaba."

My chest felt like squeezing. I cleared my throat and tried being formal.

"Just Sibyl—"

"Amo kita, señorita." He answered, "empleyado lang ako."

My chest thumped harshly, "Sol—"

"Una na ako, Ma'am. Baka hinahanap na ako ro'n sa may rancho." Aniya, walang pasabing tumalikod pero kaagad akong natigilan nang makita ang kulay itim sa may gilid ng pintuan namin.

"Sol!" I screamed loudly and pulled his wrist before he could even go.

He looked at me seriously, his eyes are void of any emotion.

"Ano?" aniya.

"'Y-yong..." napalunok ako habang nakatitig sa pamilyar na 'yon sa may pintuan.

"Ano?" he asked pero nakatulala lang ako. "K-kasi Sol, a-ano..."

"May trabaho pa ako, señorita." He said blankly, "pasensya na pero 'di ako makakatagal dito. Nakakahiya naman 'yong ibinayad mo sa 'kin kung 'di sulit 'yong—"

"No!" I exclaimed and he was taken aback.

"Huh?" confusion filled his eyes.

"A-ano..." I gulped harshly and pointed the door with the creepy shit staring at us. "M-may...ano."

"Ano?" he asked coolly, glancing at the door but his scream is the next thing I heard. "Puta, ipis!"

I hid on his back when he took a step back towards but suddenly it flew on our direction and we were both screaming our lungs out and ran anywhere.

"Oh my God! A fucking ipis!" I screamed hysterically, looking at Sol to ask for help but stopped when I saw him lifting the pillow for shield.

Biglang dumapo iyon sa pader kaya napanganga kami.

"Gago! Gago! Akala ko ba wala nang ipis?!" he cursed harshly and loudly.

"K-kill it, Solomon!" I exclaimed. "Kill it!"

"Ikaw na!" baling niya sa 'kin kaya namilog ang mata ko at eksaheradang napahawak sa dibdib.

"Me?!" I asked. "Hell no!"

"Ayoko rin! Ano ka? Chicks?" he asked kaya inirapan ko siya at inirapan niya rin ako.

Wow, attitude?

He sighed loudly and looked at me while frowning.

"Papatayin ko 'to pero hindi para sa 'yo, ah? Asa ka." Aniya at tumikhim, nag-iwas ng tingin sabay suklay sa buhok.

"Kailan ako umasa?" I hissed, "feeling ka naman! 'Di mo naman mapapatay 'yan! Weakling!"

"A-akala mo lang!" he said and cleared his throat, "isang hampas ko lang riyan, patay 'yan."

"Sige nga!" hamon ko pa at tumikhim siya sabay ayos ng tayo at higpit ng hawak sa unan.

He threw the pillow to the damn cockroaches and hell got loose when it didn't die and instead flew right straight on our direction.

"Gago, takbo!" he exclaimed and ran towards me and here I am waiting for him to take me because I was frozen pero nilagpasan niya lang ako.

"Oh my fucking!" I screamed loudly when instead of pulling me, nauna pa si Solomon paglabas, inuunahan ako.

"You fucking idiot!" sigaw ko, "you're leaving me?!"

He stopped from running, gulat akong nilingon.

"Takbo ka rito, bilis!" he called.

"You gago! I can't freaking move!" I exclaimed back, shaking when I saw the cockroach eyeing me.

"Shit!" he cursed loudly, mabilis niya akong tinakbo, basta na lang binuhat ako saktong paglipad ng ipis ulit sa amin.

"Faster!" I screamed hysterically on his arms, pulling his hair in desperation while he's running fast—for our lives until he fucking slipped on the floor and we fell there like idiots with our eyes wide open.

You guys should prepare for our funeral.

Cause of death? A fucking cockroach.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co