Kabanata 7
Kabanata 7 (New Version)
Such an asshole, Solomon! I have never screamed this hysterical inside my head but now!
"What?" hindi ko pa makapaniwalang tanong sa kanya, nanlalaki ang mata.
"Magkaliskis ka na ng isda, señorita," he repeated, his eyes remained serious but he couldn't hide that amusement lurking under!
"Why would I?" I tried my best to keep my voice low despite the forming frustrations in it for them not to hear.
"Why won't you?" he fought back.
I opened my mouth, was about to whine again when he held my shoulder and gently turned me to the other side, pushing me briefly.
"Sandali lang Manang Letty! Kausapin ko muna si señorita!" paalam niya.
I was in shock I hadn't had any strength to fight him. Pinaupo niya ako sa plastic na upuan sa 'di kalayuan bago tumayo sa harapan ko. I was planning to fight him when my eyes landed on his flat stomach.
Gumalaw ang kamay niya para mamaywang sa harapan ko pero sa ginawa niyang 'yon ay umangat ng bahagya ang suot niyang shirt kaya nakita ko ang silip ng mga bitak doon.
"Señorita..."
"What?!" I hissed. I averted my gaze from gawking at his sexy stomach and tilted my head up to see his curious gaze. "Ano?" I repeated.
"Magkakaliskis ka ng isda," aniya.
"To hell I would," bumusangot ako at ngumiwi nang makitang sa paahan ko'y may tubig na naman. "Damn it! My boots! Won't we go out now? Let's go home, I'm not playing games with you!"
Pinisil ko ang ilong habang inis siyang tinignan muli.
Ang langsa!
"Sino ba nagsabing naglalaro tayo?" he shot his brow up, his red lip twitching. Ang kamay sa baywang ay unti-unting umangat bago humalukipkip sa harapan ko't tinaasan ako ng kilay.
Ang gwapo mo, Solomon.
I blinked.
What the fuck, Sibyl Timothea?!
"W-Why would I kaliskis that isda?" I asked, annoying him. "First off, I have never done it once in my life. As in, never! And two, imagine what would my grandparents feel if they found out their granddaughter's out here doing this nasty..."
"Una, nagkakaliskis ng isda sina Ma'am Lena, Miss Sandejas." He started. My mouth parted a bit when that Miss Sandejas sounded so full and baritone against his tongue and I don't know... sexy?
"Really?" binasa ko ng labi, "edi fine! Then my father! I went here for a vacation, to relax and clear my mind. There's no way my Dad would do this to me—"
"Si Sir Zeijan ang nagsabi, señorita," seryoso niyang sabi. Nalaglag na ng tuluyan ang bibig ko.
"He did not!" my eyes are wide.
"Bahala ka, kahit anong paliwanang 'di ka naman nakikinig," he shrugged, pointing me. "Suotin mo na 'yang bota at marami ka pang kakaliskisan."
"What?! No way!" I stomped my feet like a brat, "hindi ako naniniwalang pumayag ang Daddy! He loves me! I don't think he'd send his daughter in such nasty place like this. It's..." mas ngumiwi ako nang may dumikit na kung ano sa boots ko, "it's kadiri..."
I glanced back at him, waiting for him to pity me but instead, what I saw was his cold eyes.
"Pasensya na, señorita, pero sumusunod lang ako sa utos ng amo ko," aniya. "Alam kong ayaw mo rito at oo, nakakadiri pero sa probinsyang 'to, ito lang ang isa sa pinagkakakitaan ng mga taong kagaya ko."
I gaped, "I-I didn't mean it that way—"
"P'wede kang umuwi kung gusto mo, may sakayan ng traysikel d'yan pauwi sa mansyon. Hindi kita pipiliting tumulong sa nakakadiring trabahong 'to." He even gave emphasis, "pero kapag magtatanong si Sir, kailangan kong sabihing ayaw mo."
I swallowed the lump of my throat, wanting to explain myself when he put his palms on the pocket of his jeans and took a step back.
"Uuna na ako, señorita. Hindi kagaya mo, kailangan ko kasing magbanat ng buto para sa pamilya ko," aniya sabay talikod at lakad palayo.
"Sol..." I called in a whisper, my heart aching upon seeing his back moving away from my sight.
Oh, God.
I sighed loudly. I can feel the guilt creeping inside my chest.
"Ano na naman bang kademonyohang ugali 'yan, Sibyl," I scolded myself and pressed my palms on my forehead.
I didn't mean it that way! Ang ibig ko lang sabihin ay kadiri ang lugar dahil malangsa! That's it, I'm not belittling him or the workers here! No!
But you made it sound that way. My conscience whispered inside my head, shocking me because I still have one.
I cursed under my breath. Tumaas ang kilay ko nang makita ang pagkakatigil ng grupo ng mga dalagang mukhang galing pang simbahan pagkakita sa aking nakayupyop sa gilid na parang bata.
Umayos ako ng upo sabay taas ng kilay.
Tinitingin n'yo?!
Like a rhythm, they looked away in complete harmony. Nagbubulungan at mukhang takot na nagtulukan palayo.
I could go home now, actually. I could just follow Solomon's words and ride a tricycle but I found myself watching him conversing in a nearby old lady selling meat. Magaan ang mukha niya't nakangiti, tila walang nangyaring sagutan sa pagitan namin kanina.
Sobrang sama ba talaga ng ugali ko? Ayaw na niya siguro sa 'kin kasi magaspang ako?
"Why am I even bothering thinking of his thoughts of me," I whispered, "pakialam ko ba?"
Tumayo ako, desididong aalis na lang sana pero nanliit ang mata ko nang makita ang isang babae sa grupo ng mga nagsisimba kanina ang lumapit kay Sol at bumati sa kanya.
She's wearing a simple jeans and shirt, her hair tied in a ponytail.
"Emma! Tutulong ka rito, hija?" ang isang matanda kanina sa may kaliskisan ay nagtanong.
"Opo, Manang Letty," ngumiti siya ng malambing. "Baka hinahanap na ako ni Sol, eh?"
Napanganga ako. Hindi ko na alam kung anong naging reaksyon ko nang nagkantyawan sila't inasar silang dalawa.
"Talaga namang ibang level ang kagwapuhan mo, hijo!" tumawa si Manang Letty at nailing si Sol, ngumingisi.
"Binobola lang ako ni Emma, Manang," tumawa siya, "mapagbiro 'to, eh."
"Uy, 'di ako nagbibiro, ah?" Emma smiled cheekily, "nandito talaga ko kasi narinig ko nandito ka."
They began teasing again. My face crumpled. My forehead creased.
Mabilis akong naupo pabalik sa upuan, walang pagdadalawang-isip na tinanggal ang mamahaling boots para isuot ang kulay dilaw na bota sabay martsa papunta roon na walang ingay.
Hindi naman nila ako pinapansin, they looked so preoccupied with all the teasing and stuff.
Wow, kilig na kilig? Mas humaba ang nguso ko.
I silently crept behind them when Manang Letty spoke.
"Sol, hijo, saan na pala si señorita?"
Sol stopped and glanced at her, shaking his head. "Umuwi na, Manang—"
"Hey, Sol, can you fix the apron for me, please?" I cut him off using my sweet voice.
Lahat sila'y napalingon sa akin ng sabay-sabay, gulat pa dahil nasa likod na nila ako nang walang ingay. Nabakas ko ang gulat sa mata no'ng Emma at si Sol ay nagtataka rin pero tumaas ang kilay sa akin.
"Hindi ka umuwi?" he asked. I shrugged.
"Nope, I'm helping, 'di ba?" I asked, making it sound as a fact I'm so willing to accept. Ramdam na ramdam ko ang titig no'ng Emma sa akin pero hindi ko pinansin, nakikipagtagisan ng titig kay Solomon.
"Tulong saan?" the girl finally asked.
"Oh, Sol asked me to help in..." I tried finding words to explain, "help in kaliskis ng fish?"
Napatawa ang ilang tao sa paligid, kasama na si Manang Letty.
It made me proud and embarrass at the same time but I didn't show it. Solomon eyed me seriously, I shot my brow up and lifted the yellow apron again.
"Help me with this, please?" malambing kong sabi sabay abot sa kanya ng apron.
His jaw clenched. He took it from my palm. I smiled sweetly in satisfaction, turning my back on him to show him what he's gonna do.
I could feel his heat immersing from behind. Naramdaman ko ang bahagyang pagtama ng likod ko sa matigas niyang dibdib at doon ay mas lumawak ang ngiti ko.
"Sibyl, alam ko ang ginagawa mo," mahina pero mariing bulong niya habang hinahawi ang buhok ko sa likod papunta sa balikat ko.
"What am I doing, Sol?" palambot kong sabi at mas hinawi pa ang buhok lalo para makita niya ang batok ko.
He sighed loudly. Napansin kong bumalik na sa trabaho ang iba, maski si Manang Letty ay nagpaalam na babalik na roon.
I felt how he tied the ends of that yellow apron on my neck, his breath blowing on my bare skin. I shivered but then pouted and smiled at the man watching us from the distance while chopping some meat.
"Ihahatid na lang kita," aniya sa likod ko. "Ayaw mo rito—"
"Why do you think I'm here asking you to tie that apron if ayoko?" kumunot ang noo ko. Natigil siya nang marinig ang boses no'ng Emma.
"Sol, tulong ako sa 'yo magkaliskis, ah? Tabi tayo," biglang sinabi niya bahagyang pumunta sa harapan ko, tila nag-aantay na matapos kami rito.
"Señorita," ani Sol sa likod ko't ibinaba ang kamay sa batok ko bago inabot ang tali sa may baywang. "Hindi kita pinipilit, ihahatid kita—"
"Ayaw mo ba?" I asked, quite annoyed now.
"Hindi," bumuntonghininga siya, "pero kung napipilitan ka..."
"Get off me." Iritang lumayo na ako sa kanya at hinuli ang tali sa baywang ko, "tutulong ako kasi sinabi ni Dad. Nagpapaayos lang naman ako ng apron, ah? If ayaw mo, magpapatulong na lang ako do'n sa lalaki." Sumulyap akong muli sa lalaki kanina't napansin ang pagsunod ng tingin ni Sol doon.
"Ano?" narinig ko ang bagsik ng tono niya.
"If you find it hard to help me tie the damn apron then I'll go," lumayo ako mula sa kanya, magmamartsa na sana papalayo pero isang haklit lang niya sa braso ko'y napabalik ako.
My back slammed on his hard chest. My breathing ragged.
"Dito ka lang," mariing sinabi niya sabay pirmi sa braso ko. "Ako ang mag-aayos, Sandejas."
My lip twitched. I proudly lifted my gaze back to the girl obviously watching my every move. Kumunot ang noo niya nang magkatinginan kami at nag-iwas ng tingin.
"U-Una na 'ko, Sol," aniya bago naglaho, ang pait sa mukha ay halatado.
I watched her walking away, an evil twitch on my smile's evident. Hinarap ko si Solomon pagkatapos at inabot sa kanya ang boots ko.
"Take this first, ingatan mo, ah? Gift sa 'kin 'yan ni Ate Crest," I said then checked my mini bag to get some ponytail, lifting my hair and tying it in front of him.
Hindi siya sumagot. I lifted my gaze up again and meet his while I was tying my hair, stopping when I saw the dark glint of his eyes.
"What?" I asked.
Nag-iwas siya ng tingin at umiling. Nahuli ko pa ang pagpula ng tainga niya bago naglakad pauna sa akin.
"Sumunod ka," aniya, bitbit-bitbit ang boots ko.
I followed him. Inabot ko ang shirt niya habang naglalakad, hindi naman siya nagreklamo kaya hinayaan ko na't sumunod na lang sa daloy. He brought me back to that place with pails of fishes and women cleaning it.
I wanted to ask for some face mask to cover the fishy scent but I don't want him to label me maarte so I stayed quiet. Hinatid niya ako sa upuan kong maliit kaya mabilis akong dumukwang doon at halos kilabutan nang makita sa gitna ang iilan pang buhay na isda, tumatalon-talon.
I stayed staring at the fishes, watching everyone doing it so quick I think I blinked only briefly and they're already done.
"Maghugas ka," napatalon ako nang may bumulong at tumama sa braso ko. Nilingon ko si Sol na nakasuot na rin ng apron at umupo sa tabi ko, inilalahad ang tabo.
I put my fingers on it, dipping a little.
"Ayusin mo..."
"It's maayos," I whispered back, hesitantly dipping my fingers just a little bit more when he sighed and held my hand.
I whimpered. Manininghal na sana ako sa gulat sa ginawa niya pero siya pa mismo ang naglubog ng buong kamay ko sa tabo para mahugasan. He lowered it gently on his lap, I shifted my body so I could face him.
Seryoso lang siya habang nililinisan ang daliri ko, mainit ang kanyang palad at nagulat man sa ginawa niya'y hindi ko magawang magalit.
He's thoughtful. I could feel the gentleness of his fingers grazing on mine until he finished and took both of my palms off the water, caging my wrists with only with his one hand while he's draining the water from the dipper.
Ipinatong niya ang palad ko sa hita niya bago kinuha ang maliit na twalya at pinunasan ang kamay ko.
Our eyes met. My heart raced and I was so afraid he'd see my face in beet red I averted my gaze from him.
"Thanks," prente kong sabi sabay harap sa mga isda. I heard him clearing his throat then took a piece of fish.
"Ganito, turuan kita, señorita," he showed me a piece and I focused on it, staring. "Alam mo ba anong isda 'to?"
"Hmm?" I glanced at him. Nanatili siyang nakatitig, nag-aantay ng kasunod na sasabihin ko.
The truth is, I'm not sure but when I moved my eyes around and saw Emma watching us from her place and some of the elderly listening, I faced Sol.
"Tilapia," I said with pride.
Tumitig siya sa akin. I showed him my proud smile, boasting how right I was but his serious face broke into an amused grin.
"Bangus, señorita," he corrected. My jaw dropped, my face heating up when some of them chuckled.
"O-Oh, really?" I cleared my throat, "I'm not sure, eh, uh... aren't they the same? Look, oh. You can't distinguish who's who kasi they looked alike. Look at that!" sabay turo ko sa isang balde.
Kumuha si Sol ng isa roon at pinakita sa akin, "ano 'to?"
"Uh, maybe the Tilapia?" I guessed but when he smirked, I realized I was wrong... again.
"Tulingan 'to, señorita," he identified while I was gasping in air and ridiculously shook my head.
"How did you know? Do you have some powers or something?" I asked, "how could say that when they looked really alike? I mean, look, you can't distinguish who's who! Wala namang nunal or birthmark itong isda para makita..."
"Bakit may birthmark?" tumawa na siya, narinig ko rin ang tawanan sa paligid ko kaya uminit ang pisngi ko sa hiya. "Paano mo nalalaman anong kinakain mo?"
"I don't ask, Sol, I just eat." I explained.
Mas natawa siya't umiling sa akin, kinakagat ang labi.
"Sige, paano mo nalaman?" I asked, genuinely curious.
"Iba ang hugis nila at itsura," paliwanag niya, ipinagtatabi ang dalawang isdang magkamukha. He explained to me the difference and how could I distinguish what's what. He explained to me the color, the shape, the scales and even the tail and while he's explaining it, I can see the difference.
"Wow..." I gasped in amazement.
"Mahirap talagang malaman ang pagkakaiba nila sa una pero matututunan mo rin 'yan," Manang Letty said.
"Turuan pa kita sa sunod sa iba naman pero ito muna," Sol gave me a piece of spoon and showed me how what should I do.
"Why use spoon? How about a knife?" tanong ko sabay sulyap sa ibang matanda na 'yon na ang gamit.
"Matulis 'yon, p'wedeng 'yon ang gamitin mo sa susunod pero baka masira ang laman kaya..." I agreed to it, I think it's better din if I use spoon first.
He showed me expertly how it was done. Mukha namang madali kaya sumubok na ako.
Sol got called by a man after a while, asking for help in carrying some sack of rice kaya naiwan ako sa mga kasama.
I was feeling eerie by the way the fish scales feel on my palm but I swallowed hard. I repeated the steps Sol taught me inside my head, gasping when I realized it was hard!
Paano niya nagawang mukhang madali tapos ako parang maiiyak na?!
"Hija, mahirap sa una pero kapag maalam ka na, mabilis na lang." Manang Letty, who was sitting just beside me with a piece of fish on her hand said.
I glanced at her, smiling awkwardly to hide my embarrassment.
"Naku, Manang, 'di ako tiwala. Galing Maynila si señorita kaya siguradong mahihirapan, 'di naman pang-mayaman ang trabahong 'to." Emma uttered, my jaw tightened.
Nang sinulyapan ko na siya ay may kung anong ngisi sa labi niya. Mas bumusangot ako, handa nang makipagsagutan nang may tumapik sa balikat ko't naupo sa tabi.
"Grabe ka naman, Emma! S'yempre naman first time lang ni señorita kaya ganyan. Wala naman talagang magaling sa simula," nagtataka kong nilingon ang babaeng naupo sa tabi ko.
"You are..." I asked hesitantly when I caught her smiling.
"Ah, Liza na lang, señorita. Anak ako no'ng nagde-deliver ng itlog galing sa poultry n'yo, nakikita na kita kaya nakilala agad." She smiled brightly.
"Oh..." I nodded, feeling indifferent but weirdly thankful to her appearance. "Thanks."
"Mamaya na ang kwentuhan, kailangan na matapos 'to para maibenta." Emma blurted, stopping the both of us.
Tumikwas ang kilay ko, naiirita na. Hindi ako sanay na ginaganito dahil gawain ko 'to kaya humigpit ang hawak ko sa isda, sasabat na dapat kung hindi lang ako natatawang siniko ni Liza.
"Hayaan mo na, señorita, dati pa lang may ugali na 'yan si Emma." Hinarap ko si Emma nang bumulong.
"You know her?"
"Ah, oo," ngumiti siya sabay kuha rin ng isda at kutsilyo, "kaklase ko siya pati si Sol kaya..."
"Oh..." napatango-tango ako, mahinang bumubulong. "Did she like Sol or something?"
"Alam ng buong Sta. Monica Market 'yan, señorita," tumawa siya at nagkibit-balikat. "Pero si Sol kasi ang usapan, eh. Mas mahalaga sa kanya ang aral at trabaho bago love life."
I pursed my lips, nodding. Bumaling ako kay Emma na sumusulyap sa akin at nang mahuli ko siya'y kumunot ang noo bago muling bumaling sa isda niya.
Natapos sina Manang Letty at naiwan na lang kaming tatlo roon para tapusin ang naiiwan habang nag-aayos na ang mga matatanda para magbenta.
I focused on doing my job, frowning because I can't count how many fishes I destroyed!
I stared at the poor fish.
They looked like crying! They're dead and I feel so bad! Tahimik lang naman silang lumalangoy tapos papatayin at kakainin?! How could people...
I bit my lip. The fish's dead eye stared at me, as if it was judging my whole character and I shook my head.
"I'm sorry, fishy," malungkot kong bulong sabay hawak ng kutsara at kaliskis nito pero napapasinghap at nandidiring napaayos ng upon ang dumikit sa balat ko ang kaliskis.
Eww! Mommy... Mommy, I wanna go home!
I did it fast, watching Liza doing it with no hesitation. I mimicked her, only to stop when I destroyed the fish again.
"Liza, hija, tara muna!" narinig kong tawag ni Manang Letty at nang magpaalam si Liza sa akin na aalis saglit ay hinayaan ko na.
Naiwan kami ni Emma habang lahat ay abala na sa pag-aayos ng panindang isda. Ramdam ko nang mariing titig niya sa akin pero 'di ko pinapansin. I don't waste my attention by giving it to people like her.
Sol was all over the place, kanina'y nakita ko siyang nagbubuhat ng sako ng bigas.
He's naked from the top, only wearing his jeans. Kita ko ang pawis sa kanyang likod habang nasa kanyang balikat at sako. Mas nag-flex pa ang muscles niya sa ginawa at namilog ang mata ko nang makita ang bitak ng kanyang abs.
He was biting his lower lip then sometimes whould moisten it and everytime he does that, I'm completely enchanted and feeling hot.
I have seen people with nice body, models, artists—miski sa pamilya ay 'di na bago 'yan. Kapag may training si Kuya Zy at Dad or kapag lumalangoy ang mga lalaking pinsan ay nagpaparada sila ng mga katawan kaya sanay na sanay na ako sa mga abs na 'yan pero iba pala kapag...
I swallowed. His skin's sun kissed. Beads of sweats on his body's been kissing, praising his skin and I can't help but say... sana all.
His pants are loosely hanging on his waist, wearing on his slippers with his disheveled hair and yet... I never thought I'd be attracted and turned on to a hard-worker like him.
He lowered the sack of rice, smirking when the old man muttered his thanks. Napahawak siya sa batok niya kaya mas naging malinaw sa mata ko ang braso niya. I literally checked my mouth to see if I'm drooling in real time when he caught me doing it.
I froze. Tinaasan niya ako ng kilay at para hindi mapahiya sa walang habas na titig ay umirap ako sa hangin.
During my time here, everyone is good to me. Well, aside from Emma who was glancing at me with visible annoyance and judgment.
But still, I can't help but notice how hard-working people here. May mga galing pangingisda, may mga nagtitinda ng mga gulay at isda, nagtatawag ng mga suki. Walang pakialam sa sa init na hatid ng panahon kumita lamang.
"Suki! Bili ka na, bwena mano lang!" nagtatawag sila ng mga bibili at sa dami nila, ay nagtatagisan lang sila sa presyo. Halos pababaan na ayon sa naririnig ko at kung sino ang pinakamababa, doon bibili ang mga tao.
Anong tubo nila? Paano na ang kita?
Something tugged inside my chest. I didn't wanna think of it but find it creeping inside my chest.
My mind went back to Sol's words. Not everyone is privileged like me. I was lucky growing up in a rich family but no everyone's like me.
I was born with a silver spoon in my mouth while other people's doing their best. As per Sol's voice, nagbabanat pa ng buto para lang kumita ng pangkain sa sarili't pamilya.
I tilted my head to the side, sighing.
I can see Solomon's hard-working and dedicated. And Sol's sister, I owe her an apology. If I remember it right, she's the most attentive of all those kids. nakikinig at desidido pero ako itong... Seriously, Wwat's with me and my attitude? Pati mga bata...
Umiling ako.
Why am I thinking of this? Dapat ay wala akong pakialam sa ibang tao, 'di ba? Dapat sarili ko lang ang iniisip ko. Gano'n ang sinabi ko sa sarili pero...
Sumulyap ako sa isda ko't mas naisip na kailangang bilisan ko para may ipambenta pa sila.
Ang dami ko nang nasira, hindi ako pinagamit ni Sol ng kutsilyo pero lumabas pa rin ang laman ng isda at medyo napapagod na ako pero hindi ininda.
Babayaran ko na lang itong mga nasira ko, lugi na sila sa akin...
I sighed when I destroyed another one. I wanna do better so I took another one.
May marahas naghagis ng isda sa timba sa harapan ko kaya tumilamsik ang tubig sa mukha ko.
I screamed and jumped in shock. Nabitawan ko ang isda sa gulat.
"What the hell?!" I gasped loudly, staring at Emma's frowning face.
"Ang dami mo nang nasisira, ah?" galit niyang sita. Umigting ang panga ko at bumuntonghininga.
"I'm sorry, I know. I'm gonna pay for the damages, Miss. You don't have to throw the fish in that pile too harsh, nabasa ako." Kalmado kong sabi kahit naiirita na, ipinunas ko ang mukha ko sa may braso dahil malangsa ang kamay ko.
Kumalma ka, Sib. H'wag kang mawalan ng pasensya...
I took the fish that had fallen, I cleaned it on the water just on the other side of me, washing the dirt off.
"Bakit ka ba pumunta rito? Ano, pinatapon ka ng Dad mo? Galit sila sa mga nasira mo, alam mo bang halos isang kilo na ang sinayang mong isda? Nagpakahirap si Sol mangisda kanina tapos wala siyang kikitain dahil sa kaartehan mo?"
"Excuse me?" tumaas ang kilay ko't tumiim ang panga. "Don't you hear me or bingi ka lang talaga? I said, my apologies. It's my first time doing this and about my damages, I'm gonna pay for it—"
"Lumayo ka kay Sol," sumimangot siya sa akin. "ayaw niya sa 'yo, napipilitan lang siya paniguradong bantayan ang kagaya mong maarte at spoiled brat dahil utos ng pamilya mo."
My heart stung but I don't show my weakness, not to anyone.
"I'm so sorry to hear that, Miss Emma, but I am not forcing him around me if that's what you're worried about. Ayoko rin dito pero dinala ako para tumulong kaya 'yon ang ginagawa ko. Hindi ako rito para i-impress ka o ano, babayaran ko ang mga nasira ko."
"Puro pera ang panglaban mo, matapobre ka nga." Tumalim ang mata niya't mas bumigat ang pakiramdam ko. "Kanina pa nila gustong sitahin ang kaartehan mo't paninira ng mga paninda nila pero wala silang reklamo dahil kilalang mayaman ang pamilya mo. Kagaya mor in siguro, matapobre."
Everyone was busy they aren't aware of our fight here. Ibinaba ko ang kamay at humugot ng hininga.
"You don't want me pissed, Miss," I tried suppressing the demon inside of me wanting to get out any second from now. "My fault is mine alone. H'wag na h'wag mong idadamay ang pamilya ko dahil hindi mo sila kilala."
"Talaga?" natawa siya, "kung alam mo lang ang pagod ni Solomon kakabantay at kakaasikaso sa rancho n'yo atsaka mo sabihin 'yan. Ginagawang alipin ng pamilya mo si Sol at wala siyang reklamo tapos dumating ka't inasa na naman sa kanya. Sa ugali mong 'yan, paniguradong pagod na pagod na siya sa 'yo."
I gritted my teeth. Halos mapiga ko na ang isda sa pagkakawala ng pisi sa galit.
"It's obvious that you like Sol, I give you that." I blurted, "if you are jealous of him being around me then claim him, if he's your boyfriend then ask him to stay away. Just keep my family's name off your dirty mouth." I rolled my eyes.
"'Di ko naman siya pinipilit, hindi ako ang tipo ng taong makikipag-away para sa lalaki. That's just petty. Kung ayaw mo sa akin, well, the feeling is fucking mutual, Emma." I smiled coldly when I saw her annoyance.
"Bitch..." she mumbled.
"Oh, yes, Miss." I tapped the fish's body for a round of applause. "For the first time, you are right. I am a bitch." I pursed my lips, mocking.
Kung magaling siyang mang-asar, mas magaling ako.
"Salot ang pamilya mo sa Sta. Monica," mas naging matapang ang tono niya. "Hindi ko alam kung bakit kayo sinasamba rito, kung bakit nagpadala pa sila ng demonyo kagaya mo—"
"Didn't you just get out of the church, Miss?" I shot my brow up, natigilan siya. "Oh... it's always the religious people. Akala mo'y mabuti, mas masahol pa pala sa akin ang ugali."
Itinumba niya ang isang balde ng isda. Nagulat ako't naitaas ang paa sa gitla nang mabasa ang bota ko pero muli niya akong inambahan kaya nabasa ang palda ng dress ko't ang polo ni Sol.
"What the hell?" I gasped loudly when the fish fell on the ground. I looked at her horribly and she just shot her brow up.
Binato ko ang isdang hawak ko sa mukha niyang sumakto sa ilong niya.
"Ano ba!" tumaas ang boses niya, "walang hiya kang demonyo ka!" binato niya rin ako ng isda pero nakaiwas ako.
"Oh, this demon's just starting." Mariing sabi ko, walang pakialam. Walang pagdadalawang-isip na hinaklit ko ang pinaghugasan ng isda, tumayo at binuhos sa ulo niya ang malangsang tubig na may lamang mga lamang-loob.
She looked like Carrie, the horror movie.
An evil smile etched my lips. Satisfying.
Tumili siya. Natahimik ang buong palengke sa ingay niya't maya-maya'y may kumuha sa hawak kong balde at humatak mula sa akin.
"Sibyl!" Sol exclaimed.
I faced him and frowned, "she started it! Look, I was drenched—"
"S-Sol..." they helped the now crying Emma up. He looked so helpless and it made me cringe.
"What, bitch? Iyakin ka na?" I asked mockingly when Sol pulled me back again.
"Sibyl!" suminghal na si Sol, namumula ang mukha't matigas ang ekspresyon.
"What?! She started it! Gumanti lang ako—"
"Binuhusan niya 'ko ng tubig!" Emma cried loudly, "tinutulungan ko lang naman siya! Tinuturuan ko at pinagsasabihan kasi... kasi maraming isda ang nasayang pero bigla na lang siyang nagalit—"
"Shut up! You are lying!" sigaw ko, alam na alam na nasa amin na ang atensyon ng lahat. "I said I'm sorry and then you talked about—"
"S-Sol... Sol, tignan mo anong ginawa niya sa 'kin!" hinging simpatya niya kay Sol na kunot ang noo at mariin ang titig sa akin.
"No, she started it, look!"
"Tara na." Mariing sinabi niya sabay hawak sa pulsuhan ko't hila sa akin palayo sa mga tao. Mabilis ang paghinga ko, galit nag alit at gustong magpaliwanag kaya nang makalabas kami sa palengke at walang mga tao'y hinila ko ang kamay mula sa kanya.
"She started this! Believe me!" I exclaimed loudly.
"Sa bahay na tayo mag-usap, Sibyl—"
"I said she did this to me!" sumigaw ako't mas naging desperado na. "Binuhusan niya ako! Gumanti lang ako! H'wag mong sabihing kinakampihan mo siya?"
Mas dumilim ang mukha niya, umiigting ang panga't pirmi ang labi.
"Hihingi ka ng tawad sa kanya, señorita," malamig niyang sinabi. "Bukas, babalik tayo kapag ayos na ang ugali mo't hihingi ka ng tawad—"
"I did nothing wrong!" sumigaw na akong desperado, nangingilid ang luha. "Gumanti lang ako! Believe me! I'm saying the truth—"
"Shut up!" he exclaimed loudly, the rage made me shiver. "Alam ko ang ugali mo! H'wag kang magsinungaling!"
"I'm not..." I shook my head desperately, "nagtitimpi nga ako pero nauna siya—"
"Kilala ko si Emma, Sibyl! Hindi siya kagaya ng ugali mong magaspang! Hindi siya nangmamaliit ng mga taong mas mahina sa kanya! Hindi magaspang ang ugali niya kagaya mo!" galit niyang sigaw, natigil ako't naramdaman ang hapdi sa dibdib pababa sa sikmura.
"Ano..." bulong ko, kumukuyom ang kamay.
"Hindi siya..." umigting ang panga niya't mas tumalim ang tono, humihina. "Kilala ko siya at hindi masahol ang ugali niya... hindi katulad mo."
My eyes stung more. I licked my lip and nodded, my face stoic.
"You're right," I said, "she's an angel while I'm the devil here, alright..."
Pumikit siya ng mariin at umiling, sinusuklay ang buhok. "Hindi sa gano'n, ang sinasabi ko lang ay humingi ka ng dispensa at mali ka—"
"Hindi ako hihingi ng tawad sa mga bagay na alam kong wala akong maling ginawa. Nauna siya, gumanti lang ako—" natahimik ako't mapait na natawa. "Why am I even defending myself when you clearly had your own judgment?"
May kung anong nabakas ako sa mata niya, "Sibyl—"
"Thank you for teaching me how to clean the fishes, Sol. And I think I owe you an apology, with your sister. I am wrong. I'm sorry, hayaan mo't ako ang hihingi ng tawad sa kapatid mo sa ugali ko. Napagbalingan ko siya ng galit na hindi para sa kanya. She's talented but this evil wench killed her dreams, I'd talk to her." Ipinikit ko ang mata at tumango.
"I'm sorry..." I breathed, "I'm really sorry, alam ko namang may ugali ko. Alam ko, kahit... kahit 'di mo na ipamukha sa akin, alam ko." Kalmado akong tumalikod at 'di pinakinggan ang tawag niya. I maintained my straight face until I found a sink to wash my hands but as I was cleaning my fingers, I felt something wet on my cheek until it turned into quiet sobs.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co