Truyen3h.Co

Solace Escape

Kabanata 8

heartlessnostalgia

Kabanata 8 (New Version)

I don't cry, mostly in front of other people. I never once showed my family my weakness, afraid they'll see how broken I was. How damaged I was deep inside. I should be strong. I should show no weakness.

People... always, they'd always push into going inside your life if you opened the door for them. It is fascinating to have someone beside you, someone you could call a friend but based on my experience, those with the kindest face had the worst intentions.

Those people, after seeking you weakness—they'd look for your rooting flesh and spread how rooted it was for the people around to judge you. Those people never know you personally and yet, they act as if they own you—as if they could see right through you.

"People always had ways to judge people they don't like," my mother's voice filled my mind. "Hindi mo kailangang i-please ang lahat para lang magustuhan ka nila, Sib. Kahit ipilit mo ang sarili mo, kahit ipaliwanag mo ang sarili mo'y may nakabaon nang iniisip sila sa 'yo. Why waste your time? Ang mahalaga'y kilala kita, kilala ka namin at higit sa lahat... kilala mo ang sarili mo."

"M-Mommy, I wanna go home na," I whispered in the air, sniffing.

Why am I even crying?! I'm not weak! Sino ba sila para iyakan ko, ah?!

I lifted my hand in attempt to dry my face when the scent lingered, making me sniff more.

"A-Ang langsa..." I cried, "a-amoy isda... eww..."

Iritang kinuha ko ang alcohol ko, halos ipaligo na sa buong katawan para lang mabawasan ang langsa pero hindi talaga nagtatagumpay. I frustratedly dried my face using my arm instead, glaring at the ocean of Sta. Monica.

I won't eat fish anymore! Ayoko na! It was hard cleaning just for people to eat and the poor fish... they are smelly but they're so kawawa...

Maybe I could try another lifestyle? A healthier one?

The salty scent lingered on my nose, I sighed.

"Ayoko na." I gritted my teeth, "saglit pa lang ako rito mababaliw na 'ko. Ayoko na."

I fished my phone up, activating my data to get some internet but after five minutes, it was damn slow like a fucking snail!

"What kind of province is this?!" I stomped my feet, raising my hand more to get some signal.

After a moment, I got two bars at least. I did my best and waited patiently to book a flight online and go home tomorrow pero kakatapos ko pa lang mag-fill-up ng details ay biglang lumabas ang 'Try Again'.

I screamed silently, lifting my hand in the air.

This is bullshit!

Muntik ko nang ihagis ang phone ko kung 'di ko lang nakita si Liza na namilog ang mata at tinuro ako.

"Sibyl! Nand'yan ka pala! Kanina ka pa namin hinahanap!" she screamed.

My brow shot up, pairap akong umayos ng upo. Pinasok ko ang phone ko sa bag at tahimik na naupo pabalik sa upuan doon, hinahayaan siyang tumakbo at maupo sa tabi ko.

"Uy, kanina pa kami ikot nang ikot nandito ka lang pala!" she beamed.

"Oh?" walang-gana kong tanong.

"Sungit naman," bumungisngis siya. "Buti na lang umikot ako rito, hati kasi kami ni Sol. Doon siya sa kabila."

Bitterness spread inside my stomach, "talaga? Sinong Sol? Kilala ko ba 'yan?"

"Ikaw naman! 'Di ko alam na funny ka pala!" hinampas niya ang balikat ko, halos mahulog ako kaya napasinghap at pinanlakihan siya ng mata.

"Did you just push me?" I spat.

"Ay, oo, sorry..." ngumisi siya, "ganyan kasi ako kapag sa friends ko, 'di ko na rin napapansin."

I stilled.

"Friends?" I asked, my forehead creasing. "We're not friends."

"Aww!" she dramatically touched her chest, "aray naman po, ganyan ka manakit?"

I rolled my eyes and looked away, "why is people around here so loud?"

"Gano'n talaga, señorita," tumawa siya. "Pero wala na, friends na tayo. Bahala ka."

"Desisyon ka?" I spat, masking my amusement with annoyance.

"Oo, desisyon," kumindat pa siyang nakangiti. "Friends na tayo, ah? Bukod kasi kay Sol wala na rin akong friends at dahil close kayo—"

"We're not close," I answered coldly. "At sino bang Sol, 'di ko kilala 'yan, ah?"

"Asus..." tinusok niya ang tagiliran ko kaya napatalon. Napapantastikuhan ko siyang tinitigan at nag-peace sign lang siya sa akin, "ayon, oh, si Sol! Sol, nandito si señorita!"

My eyes rolled at the back of my head when I saw from my peripheral vision that man who-must-not-be-named running towards us.

"Sib..." hinahapo pa niyang tawag. I didn't glance his way and stared at my fingernails.

Oh, the glitters are gone. When I get home, I'm gonna visit some salon.

"Kanina pa kita hinahanap," nakatayo siya sa harapan ko pero nanatili akong kumukurap sa kuko ko, ngumunguso.

"Sibyl," tinawag ako ni Liza, "kinakausap ka ni Sol..."

"Ano sabi?" I asked, kunwari'y walang presensya sa harapan ko.

"Kanina ka pa raw niya hinahanap," she repeated.

"Oh," I nodded, "pasabi share niya lang?"

Naubo si Liza nang malakas. Ramdam na ramdam ko ang pagkakatigil ni Sol sa narinig.

"Sol..." natatawa pa si Liza, "pinapasabi ni señorita kung share mo lang daw?" tumawa siyang muli.

I could hear his sighs, "Sib, I'm sorry, p'wede ba tayong mag-usap?"

"Sib..." tawag ni Liza, inuulit ang sinabi ni Sol.

"Pasabi, sorry, I don't talk to strangers." I answered back. Mas napabughalit ng tawa si Liza habang inuulit ang sinabi ko kay Sol na napapatikhim na't malalim ang titig sa akin.

"Sibyl..." the man who-must-not-be-named called. "Sorry, p'wede bang—"

"Liza, what do you think of my nails, is there any salon here?" I asked and showed her my nails.

"Uy, ang ganda! May glitters!" ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko, "ang ganda ng hugis ng kuko mo tapos ang lambot ng kamay! Anong secret?"

"Lotion lang," I smirked at her.

"Sibyl..." the brute called again. Nawala ang ngisi ko kay Liza at nagsalita.\

"Liza, pasabi naman sa stranger na wala akong oras makipag-usap. My time's too precious to waste. Busy akong makipag-bonding sa new friend ko." I blurted and Liza's eyes brightened.

"Friends na tayo?" nagliwanag ang mata niya. Kumindat ako kaya excited siyang inulit ang sinasabi ko, smirking at Sol, too.

"Saglit lang—"

"Tsupi! Ayaw makipag-usap sa 'yo, okay? 'Di ba, 'di tayo namimilit dito?" ani Liza at tumikhim si Sol, nagtagal pa ang titig sa akin bago bahagyang umatras.

"Sige, sorry," tumikhim siya, "mananghalian muna kayo, mamaya-maya, ihahatid na kita pauwi."

"Liza, there's a tricycle here, right? Going back to the mansion? Can you teach me how to commute?"

"Sure! Sure!" mas lumawak ang ngiti niya sabay titig sa isa, "lumayas ka na, Sol, ako na bahala sa friend ko! Shoo!"

When he disappeared, I sighed loudly and closed my eyes.

"Hays, kakastress!" bulong kong iritado.

"Wala na si Sol," ani Liza, "totoo bang friends tayo, señorita?"

I opened my eyes and shrugged, "quit the señorita, just Sibyl. Nice meeting you, Liza." I offered her my hand.

She beamed happily and excitedly, tinanggap niya ang kamay ko at excited na nakipag-kamay sa akin.

"Nice meeting you, too! Grabe! Promise, h'wag kang mag-alala, poprotektahan kita sa mga bashers mo! I'm a fan!"

I stopped. My mouth parted in shock and she just winked at me happily, hugging my arm.

"Tara, Sib! May alam akong carinderia dito! Masasarap ang pagkain!" she took me into a small local restaurant. Oh, is this a resto? But when I saw the sign, I realized it isn't.

Karinderya? It looked like a mini resto with local and home-made foods. Tinanong niya ako kung anong gusto kong pagkain. I am not familiar with this so, I asked her to choose for me which she happily obliged.

She went back with delicious smelling foods, inilapag niya ang tray sa harapan ko at inilahad sa akin ang pagkain.

"Tsaran! Masarap 'to, paborito namin 'to rito at specialty!" she proudly introduced the foods after.

I nodded, smiling a little.

"How much pala is this?" I asked when she sat down, "I'll pay—"

"H'wag na, ito naman..." ngumiti siya, "friendship gift 'to! Atsaka mura lang kaya h'wag mo na isipin."

"How much is this?" I asked curiously, staring at the mini bowls with variety of ulam.

"Ah, sampu lang per ulam," aniya kaya namilog ang mata ko.

"Really?!"

"Oo!" she beamed excitedly, "kaya h'wag mo nang isipin! Maganda rito kasi mura na, masarap pa."

I mimicked her moves, she took an ample amount of veal and I followed. Ipinansabaw ko ang sarsa sa kanin ko bago tumikim.

"Hmm..." I hummed.

"Masarap?"

"Yes," I nodded, "I didn't know tasty foods like this are mura, ah? In Manila, you know ba, na the prices are horrifying compared to this. Same taste lang but the price?" umiling ako.

"Pangalan kasi ang binabayaran do'n, Sib," paliwanag pa niya sa akin. "Atsaka for sure, chef ang mga nagluto kaya sosyal. Dito sina Manang lang pero kita mo naman ang lasa, 'di ba? First time ba mag-karinderya?"

"Oo," tumango ako sabay higop ng sabaw, namimilog ang mata sa sarap at tamang asim. "My friends and I are trying different cuisines from restaurants in the city. Isa pa, my Daddy pogi and Kuya Gwapo are great cooks. We owned a resto."

"Wow!" nagliwanag ang mata niya, "ang saya siguro, 'no? Madalas ko kasing nakikita sa primetime si Ma'am Alyx at ang galing niyang kontrabida! Talagang manggigigil ka sa galing! Tapos ikaw, nakikita kita as guests sa mga show at interviews kaya napa-search ako tapos ayon, naaaliw akong manuod ng video mong nagba-ballet. Ang galing!"

My heart swelled, "thanks, Liza. I'm flattered, sorry din for my attitude. I just can't help myself."

"Ayos lang, ikaw naman..." umiling siya, "h'wag kang mag-alala, napaliwanag ko rin naman na kay Sol ang nangyari talaga."

I froze, lifting my head. "You're there?"

"Hindi buong sabong—I mean away. Nag-aayos ako no'ng ibang isda ni Manang Letty ta's naabutan ko 'yong sinabi niya bago niya tinapon sa 'yo 'yong balde."

"Oh..." I nodded, glancing at my food.

This is sanitary naman, right? I looked around and checked the ambiance.

"Bida-bida rin kasi si Ani! Friend ni Emma, nalaman kong no'ng tinawag si Sol, humihingi ng tulong kasi inaaway mo raw si Emma kaya ayon, galit na pumunta."

I nodded. Tinusok ko ang karne at walang ganang ngumuya.

"Pasensya na kay Sol, ah? Naliwanagan naman, kinausap ko. Sinabi ko ang nangyari kasi iba ang kwento nina Emma." She sighed, "ewan ko ba sa babaeng 'yon, ang bait naman ng parents niya."

"Sinong parents niya?" I asked.

"Ah, anak ng Mayor 'yan si Emma,"

"Oh..." bumilog ang bibig ko, "then why is she helping in the market?"

"Para kay Sol," nagkibit-balikat siya, "sabi ko sa 'yo matagal na niyang pinagkakalandakan ang pagkakagusto niya kay Sol. Maarte nga rin 'yan dati sa palengke, ginagamit pangalan ng pamilya kaya hindi pinapakialaman at hinahayaan na lang."

"Really," napatawa akong mapait, "then, how dare her slander my family name? You've heard it?"

"Kaunti," ngumuso siya. "Ikaw lang ang unang pumatol sa ugali niyan. Mabait 'yan sa harapan ni Sol, as in parang anghel pero kapag wala si Sol, sa amin na mga kaklase niya may ugali kaya sa totoo lang no'ng dumating ka't pinatulan siya? I say... deserved!"

Tumaas ang sulok ng labi ko, naiiling.

"Kasing langsa pala niya 'yong mga isda," bulong ko.

"Totoo! Ayoko talaga sa ugali niya kasi madalas talagang ipagkalandakan na anak siya ni Mayor, feeling untouchable. Choir kaya 'yan sa simbahan pero 'yong ugali..."

"Then, my attitude's rough, right?" tanong ko.

"Hmm, medyo," tumawa siya, "pero ayos lang, hindi naman sapat 'yon para 'di na tayo friends. Kung alam mo lang ang usapan namin ni Sol kapag bakasyon n'yo rito kasama ang mga pinsan mo. Ikaw pinakatahimik tapos nakatulala lang."

"You..." my throat dried up, "you've been seeing me?"

"Oo, bawat uwi n'yo." Tumango siya na parang wala lang, "matagal na kami ni Sol dito. Dito na lumaki, nagsa-sideline si Sol sa rancho n'yo ta's ako tutulong kay Tatay sa poultry."

"Aren't you," my mind went back to Emma's words, "don't you feel suffocated? Sabi ni Emma raw napipilitan lang si Sol?"

"Huh? Saan? Sa rancho?" aniya, tumango ako. "Hala, hindi, ano! Pamilya na no'n sina Ma'am Lena at Sir Jer! Naku, kung alam mo lang ang tulong ng pamilya n'yo sa amin. Hindi lang malaki ang sweldo, lahat pa ng mga anak ng trabahador sa mga lupa n'yo scholar ng Sta. Monica University!"

My heart swelled but still angered from Emma's slander to my family.

"I see..."

"Atsaka paborito 'yan nina Sir Jer si Sol," ngumiti siya, "maalaga kasi talaga at matalino! Kaya nga siya binigyan nina Sir ng tyansang manguna mangalaga ng plantation at rancho. Panigurado, kapag natapos mag-aral, maraming offer 'yan. Mataas pa ang grado, madiskarte. Magaling makipag-usap ng kliyente. Dalawa 'yan sila madalas ni Sir Jer nakikipagtransaksyon."

Tumango-tango ako, nanahimik na.

When we finished eating, we went out of the carinderia. We're on our way to the tricycle when I saw Sol resting his back on a tree's trunk. Mukhang pagod at nag-aantay.

Nagsalubong ang tingin namin. Napaayos siya ng tayo at sinuklay ang buhok, mabilis siyang naglakad papalapit kaya humawak ako sa braso ni Liza.

"Opps! Hindi sasabay sa 'yo si Sib," Liza stopped him. I avoided his gaze when I saw the visible regret on his black orbs.

"Alam ko," bumuntonghininga si Sol. Narinig ko ang tunog ng plastic nang may inilahad siya sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko sabay angat ng tingin sa kanya, wala pa ring sinasabi.

"Kape," aniya, "'di ba gusto mo 'yong ganito? May kakabukas kasing kapehan d'yan kaya no'ng nadaanan ko kanina naalala kita..."

Oh, God. The smell! Nanubig ang bagang ko.

Hindi! Bawal!

Ayoko tanggapin. Ayoko talaga. Ayoko—

"Thanks." Mabilis kong sabi sabay hablot sa kamay niya ng plastic at yakap ng malamig na kape sa dibdib ko.

Kumislap ng bahagya ang mata niya, lumambot ang ekspresyon niya't umawang ang labi para magsalita pero umiwas ako ng tingin sabay pasimpleng abot ng straw at tusok nito sa inumin.

"Kumain na ba kayo?" aniya kay Liza dahil alam niyang wala siyang makukuha sa akin.

"Oo, nag-carinderia kami." Ani Liza at nang bahagyang sumulyap ay mukhang namangha ang huli.

"Talaga?" tumawa siya, "mabuti at napakain mo si señorita?"

"Pasabi sa kanya kung ano bang tingin niya sa akin? Sobrang arte?" baling ko kay Liza na sinabi iyon kay Sol, natatawa pa.

"Hindi naman, señorita, baka 'di ka lang sanay," he directly answered me. "Baka sumakit ang tiyan mo kasi first time—"

"Oh, no doubt. Why am I even caring explaining when you obviously had your own judgment?" I answered coldly, staring at somewhere. "—pasabi sa kanya 'yan, Liza." Habol ko.

"Sibyl—" inalog ko ang lagayan ko ng kape kaya nag-ingay ang yelo. "Tara nga, saglit lang. Kausapin mo lang ako—"

"Huh? Ano? Wala akong marinig?" mas pinatunog ko ang yelo sa lagayan at hinila ang natatawang si Liza, "tara na, Liza, turuan mo na 'ko pauwi."

"Bye, Solomon! Better luck next time!" Liza waved her hand before taking me to the tricycle nearby.

When we got inside, my eyes glanced at the rearview mirror and saw Solomon's fading sight. He's watching us with his palms inside his pocket.

I said my goodbyes to Liza, thanking her for teaching me how to commute. Pagkarating ko sa mansyon ay inaasahan kong naroon na sina Mama pero ang 'di ko inaakala ay ang makita sila sa may van na may dalang maleta.

"Ma? Pa?" tawag ko.

"Anak!" Mama called, gasping. She waved her hand kaya nagtatakang naglakad ako papalapit sa kanila.

"Oh, ang aking magandang apo!" Papa appeared from the van and got out, "kumusta ang tour?"

"Tour?" ngumuso ako, "what tour, Papa? Tour sa palengke?"

Nagkatawanan silang dalawa. Niyakap ako ni Mama pagkatapos kong magmano sa kanila at bumaling sa mga maleta.

"Where are you two going?" I asked.

"It's a sudden notice, darling," Mama said. "We have to go to Manila for a quick business for an investor meeting."

"Manila?" my eyes widened, "can I come with you? Ma? Pa? I wanna go home..."

"Why?" Papa's lips twitched playfully, "ayaw mo na ba rito agad sa probinsya, 'nak? Don't you like the smell of fresh chicken poop?"

"Jer!" hinampas siya ni Mama at mas niyakap ako nang simangutan ko si Papa.

"You're being mean, Papa!" I whined, tumawa siya at ginulo ang buhok ko sabay halik sa noo ko.

"Amoy fishy, ah?" tumawa siya, mas humaba ang nguso ko at napatalon.

"Papa!"

"Jer, h'wag mong asarin ang apo mo," tumawa si Mama, "pero amoy-isda ka nga, anak. You should take a bath, may binili akong shower gel para sa 'yo. I put it on your bathroom."

"I will, Ma." I sighed desperately, "but can you... just take me with you, please? I promise, I promise I'll be better. Just don't leave me here... it's not like I don't like here. I loved it, I swear but... I don't think I could stay like this. Without my cousins, without Mom and Dad tapos aalis pa kayo. How 'bout me? Aren't you feeling bad for you pretty granddaughter? I'll be alone here. I'll be so sad." I showed them my sad face.

"Asus, anak ka nga ng Tatay mo." Naaaliw na pinisil ni Papa ang pisngi ko. "We love you, darling, but we already knew why your father sent you here. One thing we taught your father is to take a proper discipline kapag may pasaway..."

"I'm pasaway?" naglalambing kong tanong, "I'm not pasaway, Papa, Mama. 'Di ba kayo naaawa sa 'kin?" I gave them my beautiful eyes.

"Mahal kita, Sibyl, pero pasaway ka anak." Mama squeezed my shoulder gently, "what you did to the poor kids are unreasonable and just mean. Pinalaki ka ba naming ganyan, anak?"

My heart squeezed, remembering what I did before.

"No po," umiling akong nahihiya. "I'm sorry, Mama, Papa... I let my emotions get ahead of me."

"Mistakes are part of life, but we must remember one thing. What is it?"

"Be better," I mumbled. "Learn, apologize and reflect."

"Good girl," Mama kissed my cheek. "We'd like to take you with us but we won't tolerate your attitude. You are here to learn and you will. Don't worry, Sol volunteered to look after you."

Sol... mas nawala ako sa mood.

I kissed and hugged my grandparents before they left. I spent my whole day dancing after taking a fresh shower and reading.

I was alone in this massive mansion—well, I've seen the maids when they prepared foods for me but left after. May sarili kasi silang tuluyan dito kaya ako lang.

I was eating my cookies and reading a book to waste my time.

The solace everyone is looking to find...

Is not to be shut away from the world

In some safe place,

But to be free in the world...

Wherever you are.

Words from Ron W. Rathbun made me smile. How is everyone seeking for something out of reach? Out of sight?

Peace? Comfort? Solace?

Tumayo ako para kumuha ng ballpen. I am planning to bookmark and tab some unforgettable quotes or scenes from the book I am reading.

Nagtungo ako ng kwarto ko't iniwan ang libro at cookies sa kusina. I went down after, gasping in shock when I saw a little kid eating my cookies.

"W-Who are you?" nagkatinginan kami't nagkagulatan. Nabitawan niya ang biik na karga't napaatras, namimilog ang mata.

"S-Sorry po..." she mumbled, afraid while I was just stunned and shocked.

"What are you doing..." mahinang sabi ko, gulantang habang pinagmamasdan ang biik na nagtatago sa likuran niya. "Why is there a pig—" a loud gasp left my lips when the kid fell when she got out of balance.

"Bata!" sigaw kong gulat sabay lapit pero lumagapak na ang pwet niya sa lapag.

"S-Sorry po, Ate!" she gasped loudly, "'d-di na po ako ulit! 'Di na po ako kuha cookies..."

"What? No," umiling ako't dumukwang para tulugan siya pero nagulat lang siya't bahagyang napaatras. "Sorry po, h'wag ka po galit. 'Di na ako kukuha po..."

I stopped, realizing the kid's familiar to me and she's scared.

I don't know what my emotion is right now. Tumikhim ako't mas dumukwang, hindi na pinilit ang bata at sa halip ay iniangat ang kamay para ilahad sa kanya.

"Alright, I'm not mad." Mahinahon kong sinabi, "let me just help you up, hmm?" malambing ang tono ko roon.

Natitigilang tumango siya, bumababa ang tingin sa palad ko.

"P-P'wede ako po maghawak sa 'yo po?" she asked in a low voice.

"Oo naman," maliit na sagot ko, "tutulungan lang kitang patayo."

Hesitantly, her tiny hand accepted my help. I immediately spun her around, tapping the dirt off her dress.

"Anong ginagawa mo rito?" mahinang tanong ko sabay sulyap sa baboy na may ribbon sa leeg.

Weird...

"A-Akala ko kasi Ate po, nandito si Mama." Mahinang sagot niya, "a-akala ko po kay Mama po ang cookies kaya hingi po ako sana. One lang po, 'di naman ako po matakaw po."

Napatawa akong mahina bago ibinaba ang kamay ko sa dress niya nang mawala na ang dumi.

She faced me, her soft face reminded me of her brother.

"Umalis kasi sina Mama at Papa pa-Maynila kaya ako muna rito," marahang sinabi ko at tumayo bago naglakad papalapit sa bowl ng cookies ko.

"Ahh, okay po, Ate." Tumungo siya, "sorry sa istorbo po, 'di na po ako maingay po. Sorry po kumuha akong cookie po, 'di na po ako makulit."

I took a container from Mama Lena's cabinet.

"Alis na ako po, sorry po, Ate. Una na kami." Sabay buhat niya sa baboy na may ribbon at atras, akmang tatalikod pero tinawag ko na.

"Pst!" I called. She stopped and faced me shyly.

"Bakit po?"

"Sandali lang," I stopped her, taking pieces of cookies from my bowl and put it in the container. Nagbukas pa ako ng ibang foods ko roon bago naglagay ng marshmallows at brownies.

I glanced at her and saw her glistening eyes while watching the foods.

Isinara ko iyon bago lumapit sa kanya, napaatras siya. Sumikip ang dibdib ko.

"Here," I gently placed the container near her, on the table. "Foods from Ate."

"Para..." lumunok siya at nag-aalangan akong tinignan, "para sa akin po, Ate?"

"Hmm," I nodded, "go, take it. Sa 'yo 'yan lahat."

Her mouth parted, she took the container and hugged it on her chest, smiling at me.

"Salamat po, Ate!" she blurted happily, "thank you!" and then, she whispered something on the pig before running away from the kitchen to go out.

I watched her fading from my sight. Isinandal ko ang balakang sa gilid ng lamesa, nangingiti.

Hmm, maganda rin pa lang maging mabait sa mga bata minsan. Ang definition ng satisfaction ko kasi noon ay paiyakin ang mga pinsan ng sabay-sabay, okay din pa lang magpangiti.

I shrugged, was about to turn my back to get back to my book when I saw a familiar annoying face coming into view.

What the hell is he doing here?!

He's freshly showered. Suot ang kulay berdeng damit at itim na khaki pants ay tila modelo siyang naglalakad. I rolled my eyes and went back to my book.

Anong ginagawa nito rito?

"Si Fritz," panimula niya, "nakita kong palabas tapos may dalang container."

I nodded briefly, tahimik akong naupo sabay bukas ng libro ko't sandal sa upuan.

"Salamat," aniya, "pasensya na pala kung basta na lang siyang pumapasok. Nasanay kasi kina Ma'am Lena rito at madalas na nagtatawag para kumain. 'Di niya alam na umalis sila, sorry, naistorbo ka ba?"

Umiling ako, nanliliit ang mata sa librong nakatabon sa reaksyon.

Tumikhim siya, "tungkol nga pala sa kanina—"

"Are you being forced managing the rancho?" hindi ko na napigilan at nagtanong na.

"Ano? Bakit ako mapipilitan?"

"You still haven't finished studying and yet my family's already giving you responsibilities to handle." Tumingin ako sa pwesto niya, "alam kong busy ka sa studies and yet, kasama ka pa sa negosyo. Are you being forced? Are you pressured? Tell me, so, I could speak to my family. I am aware my family trust you for giving you such a responsibility pero hindi kami namimilit, kung sobrang busy ka, naiintindihan ko—namin. Just be vocal."

"Ano? Saan mo nakuha 'yan?" nagsalubong ang kilay niya kaya mas nadepina ang kapal nito. Umigting ang panga niya. Nag-iwas ako sabay simsim ng juice.

Ang init naman dito!

"Hindi ako napipilitan dito, Sibyl. Sinabi ko na sa 'yo no'ng nakaraan, hindi ba? Masaya akong nagtatrabaho rito. Malaki ang tulong na ibinigay nina Ma'am Lena sa pamilya ko, malaki ang utang na loob ko sa kanila. Gusto ko ang trabaho ko, bakit ako mapipilitan?"

"Then how about me? I'm not your responsibility, Solomon. If my father asked you to check on me then forget it. I don't need someone to look after me. I'm a grown adult, ayoko ring nadadamay ka sa gulo ko—"

"Hindi ka inutos ni Sir sa akin," he stopped me. Nagsalubong ang kilay ko. "I volunteered, Sibyl."

I wasn't expecting it. Not at all. Tumikhim ako't uminom muli, hindi na alam ang sasabihin.

"Mali ako sa ginawa ko kanina, Sibyl. Hindi dapat kita hinusgahan kaagad. Mali ako," humina ang boses niya. "Hindi ka ang opinyon ng iba, kasama na ako roon. Hindi muna ako nakinig bago manghusga at alam ko... alam kong mali ako. Sorry, sabihin mo anong p'wede kong gawin para maayos..."

Mas lumambot ang tingin niya. I saw a small boy on that matured face but I shrugged.

"Leave me alone, then. Forget my father's assignments."

"Ako nga ang nagpresintang magbabantay sa 'yo, hindi utos ni Sir. Ako lang kasi... kasi gusto ko." Bumuntonghininga siya sabay suklay ng buhok, "galit nga dapat ako sa 'yo, pero ewan ko ba kung bakit ako nagpresintang magbantay."

"T-Then," binasa ko ang labi at umayos ng upo, "then I'm not your responsibility anymore, Solomon. I can take care of myself. Thank you for looking after me. I appreciate it but I don't want to waste your time with my attitude, brattiness and magaspang na ugali."

"Sibyl..." humina ang boses niya't kumislap ang sakit sa mata, "sorry. Alam kong 'di sapat ang salita lang. Lumapit si Ani kanina, sinabi niyang inaaway mo si Emma tapos ang naabutan ko lang 'yong binuhusan mo siya ng laman ng isda kaya ayon. Nagpatong-patong 'yong galit ko. Naunahan ng emosyon. Naalala ko 'yong nangyari sa atin noon sa Maynila tapos kay Fritz kaya nailabas ko... hindi ko rin naisip nab aka pinagtatanggol mo ang sarili mo. Alam naman nating pareho na may ano..."

"Ano?" tumikwas ang kilay ko.

"May attitude," mahinang bulong niya sabay tikhim.

"Gago!" binato ko sa kanya ang ballpen ko pero nakaiwas siya at nanlalaki ang mata akong tinignan.

"Sibyl—"

"Fuck you," I hissed and closed my book entirely, "alam kong may attitude ako! Kailangan bang ipamukha sa akin, ah?!"

"Sib..." he calmly called, "mag-usap tayo nang mahinahon para magkaintindihan—"

"I am calm, Alejo! I. Am. Calm!" I snapped, "total naman kilala mo siya, hindi ba? Hindi magaspang ang ugali kagaya ko? Kilala mo siya kaya 'di mo huhusgahan pero ako? Hindi mo naman ako kilala, ah? Anong karapatan mo?"

"Wala..." umiling siya't pumikit ng kalmado. "Wala akong karapatan, Sibyl. I admit my wrongs and I'd like to apologize. Hindi sapat na napangunahan ako ng galit para husgahan ka, I'm sorry."

My mind flew back to the time in the dance studio. To the kid's parents whispering to each other and looking at me. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero nag-assume akong tungkol sa akin. Na baka pinagsasabihan ako ng masama, pagkatapos ay nabalingan ko ng galit ang mga bata.

I saw myself in Sol and his words, I reflected.

I assumed, too. Before.

"I don't have the right to judge someone's character without fully knowing them. What am I seeing are just fragments of their entire soul, Sibyl," his thick accent made my heart race. "I'm sorry."

Tumango ako't umiwas ng tingin sa kanya, "alright. Apology accepted. I hope we could stay casual, Mr. Alejo."

His lips parted.

"Let's clear this, okay? Hindi ka napipilitan sa trabaho mo rito kina Mama at sa responsibilidad mo. Gusto mo, hindi ba?" tumango siyang nagtataka. "Alright, I am not your responsibility anymore. You volunteered but your job is done. H'wag kang mag-aalala't magpapatuloy ako sa palengke kahit ang sarap buhusan niyang girlfriend mo ng hasang ng isda."

"Girlfriend? What girlfriend?" dumilim ang mukha niya.

"Si Emma? Duh?" I shot my brow up, "also, make it clear to here about your stand in your work here in our rancho. I don't like her slandering my family's name."

"Anong sinabi niya? At anong girlfriend, Sandejas? Wala akong girlfriend!" mas sumama ang reaksyon niya.

"And so?" tumaas ang kilay ko, "pakialam ko kung wala kang girlfriend. Mukhang may self-proclaimed ka na namang fangirl kaya go. Anak ng mayor, maganda kaso may hasang ang ugali sa langsa. Pasabi sa girlfriend mo na h'wag niyang pagsasalitaan ng masama ang pamilya ko't naturuan ako ng Daddy ko paano pagtanggol ang sarili ko. Mabait pa ang demonyong 'to sa ginawa niya kanina, sa sunod tulog na ang girlfriend mo sa kamao ko."

"Wala akong girlfriend, Sibyl," sa lahat ng paliwanag ko ay 'yon lang ang narinig niya.

"Señorita," I corrected. "Casual, remember? 'Di tayo close." Niyakap ko ang libro, sabay abot ng bowl ng cookies ko at lakad palayo.

"Sibyl..." he called, "hindi pa tayo tapos mag-usap, saglit lang—"

"Lock the door, okay? Ako lang mag-isa rito, bye." I said coldly and marched.

"Hindi ka mag-isa," aniya. Natigil ako sa paghakbang sa hagdan at nilingon siya.

"Ano?"

"Dito ako pinapatulog," aniyang parang wala lang.


"What the hell?! No way!"

"Yes way, angel," he moistened his lower lips. "See you around." Sabay saludo niya sa akin at namulsa para umalis.

"Ila-lock ko ang pinto! 'Di ka makakapasok!" sigaw ko.

"May susi ako, Miss Sweet Lips," sabay hagis niya sa ere ng susi. Sumigaw akong malakas sabay dabog ng paa ko sa hagdan.

This is torture! This is punishment!

Hindi ako lumabas buong gabi. Kinatok na akong lahat-lahat para maghapunan pero sanay naman akong hindi kumakain sa gabi kaya 'di ako nagutom.

I slept, still annoyed of him. I woke up early to take a bath but stopped when I realized the water's out. I tried every room pero walang tubig sa shower at gripo! May kaunting naipon but there is no way it's enough for me! Baka pangmukha lang 'yon!

"Pasensya na, señorita, gano'n po kasi talaga madalas dito at nawawalan ng tubig," paliwanag ng kasambahay.

How could Mama and Papa live here like this? No water!

"What can I do, then? I feel sticky, I can't last a day without a bath."

"May poso po r'yan sa labas, señorita," aniya, "p'wede pong mag-igib tapos iakyat na lang sa kwarto n'yo."

"Poso?" nagsalubong ang kilay ko. "What is it?"

Dinala niya ako sa may bakuran sabay turo, ipinapaliwanag sa akin ang gagawin.

"Ako na po, señorita—"

"I'm okay, I can try. Nagpapakain ka pang chickens, right? This is madali lang naman,"

She looked at me ridiculously but left. Kaso no'ng umalis naman siya't sumubok akong mag-igib, gusto ko na lang umiyak.

It was hard! I think my arms got strained just filling one pail! Parang magiging Ms. Muscle na ako pagkatapos nito, ah?

The horrible image of myself in a ballet outfit and very massive arm muscle made me shiver. Jusmiyo!

I hugged my arms to suppress the goosebumps. Malamig pa ang umaga at 'di masakit ang araw na tumatama sa balad kaya ang sarap sa pakiramdam. Nilipad ng hangin ang puting nightdress kong suot.

"Ma'am?"

"How can we put this on my room?" I asked, trying to lift the pail but failed, realizing it's heavy.

"Patulong po tayo sa lalaki," aniya sabay libot ng paningin. "Kaso wala po tumutulong po ata sila sa pagkarga ng mga gulay."

I sighed, annoyed now.

"Is there anyone who could help us? I'm feeling sticky." I looked around, gritting my teeth. "Dito natulog si Alejo, hindi ba? Why don't you call him and let him carry this one?"

"Ah, kaso, señorita nakikipag si Sol sa mga tao sa munisipyo. Dumating kasi ang panganay na anak ng mayor, interesado sa lupa at gusto po atang mag-invest pero umalis sina Sir Jer kaya si Sol ang nakikipag-usap. Papunta po sila rito ngayon."

"I don't care," I lamented, "I want Sol to bring this up for me."

"Pero señorita..."

I gave her a look. She gasped loudly. I almost clapped my hands when she didn't need to be told twice and left abruptly, terrified of my bitchy face.

I tapped my cheek. Thank you, Mommy.

Ang tagal niya kaya dumukwang ako para basain ang kamay ng tubig. I hummed and embraced the fresh scent of the morning in Sta. Monica. Fresh air, amoy basang mga dahon sa hamog.

Napangiwi ako nang masobrahan sa singhot.

Fresh scent of leaves with poop ala chicken. Yummy.

"Ah, señorita, sabi ni Sol ikaw daw ang kumausap sa kanya." Napatayo ako sa narinig.

"What?"

"Hindi raw po niya bubuhatin kapag ano, hindi ka nag-please," aniya kaya mas nahulog ang panga ko.

This asshole...

"Pasabi—"

"Kapag daw po nangulit ka pa 'di niya talaga bubuhatin." She looked so nervous saying that, "sorry, señorita, pinapasabi l-lang..."

My ears heated. I screamed silently and sighed.

"Okay." I mumbled. Her eyes twinkled. "Dito na lang ako maliligo!"

"Ma'am?!" namilog ang mata niya, "h-hala, may bisita po! Madadaanan ka ng mga tao sa munisipyo!"

"I don't care," I blew my hair to get it off my cheek, "kasama si Sol doon, 'di ba? Let him watch."

"Señorita..."

"Pasuyo naman ako, pakuha ng towel ko ang soap sa room." Malambing kong sabi sa kanya.

She came back, hesitant. She even tried talking me out of my plan but it's already decided. I brushed my hair with my fingers and lifted the dipper to check the temperature.

I can do it naman, 'di ba?

Binuhos ko sa sarili ko. I screamed in its coldness. Patalon-talon akong niyakap ang sarili at nanginig, lalo na nang humangin.

This is all your fault, Alejo! Makakatikim ka talaga sa akin mamaya!

Nagpaalam ang kasambahay na aalis kaya hinayaan ko na.

My white night dress got drenched with the water. I am not wearing undergarments in sleep except my undies so my bosom got exposed from the cloth. Hindi naman manipis kaya 'di kita pero dahil basa ay bumakat.

Nag-facial wash muna ako para sa mukha ko habang mahinang kumakanta at sumasayaw pa.

It's cute pala taking a bath pala here, ah?

"Mary?" I just finished rinsing my face when I heard a familiar voice. "Mary, saan na ang balde? Akin na, baka sumabog na ang maldita nating señorita—Sibyl?!"

Nanlaki ang mata niya't muntik nang mabuwal.

"Hello," I greeted and squealed after drenching myself in the water again. "Napadaan ka?"

"Anong?" suminghap siya sabay hawak sa batok, "anong ginagawa mo rito, Sibyl?!"

"Naliligo, duh?" I shot my brow up and took my shampoo.

"Alam ko!" he spat, "pero bakit dito? May banyo sa loob!"

"Bakit? Sino bang ayaw magbuhat ng timba? 'Di ba, ikaw? Tapos ako ang sisisihin mo?" I shrugged, "bahala ka, basta maliligo ako rito..."

I hummed and swayed my body to make fun of him. Matalim naman ang tingin niya pero huling-huli ko ang pagkakatigil ng titig niya sa dibdib kong bakat.

He swallowed hard and looked away, closing his eyes.

"Sibyl, pumasok ka," kalmado niyang tinuro ang bahay.

"Sibyl, pumasok ka," I mimicked and giggled when his jaw clenched. He's pissed now, his eyes even darkened but to hell I care.

I lifted my hand, showing my white underarms to spread the shampoo on my head. mas lumantad ang porma ng dibdib ko. Mas dumilim ang tingin niya't pumirmi ang labi.

"May darating na mga tao mamaya-maya, pumasok ka." He repeated. I hummed and swayed my body, squealing when the cold water drenched me.

"Are you pissing me off, angel?" malamig niyang sabi. Madalim ang titig.

"What?" I asked innocently, "are you pissed, Mr. Alejo?" I pursed my lips.

Nagtagisan kami ng titigan. Walang papatalo ni isa. He glared at me sharply, I glared back with amusement.

"Sol! Saan ka? Sinong kausap mo?" footsteps, accompanied by voice made us stop.

Napaayos ako ng tayo nang makitang sa 'di kalayuan ay may grupong papalapit pero bago pa man ako makahila ng twalya ay nakita ko na ang mabilis na martsa ni Sol sa akin.

"Hey—" I screamed when he carried me with no trouble on his shoulder like a sack of rice when he caught me.

"Ang pasaway mo, Sandejas. Humanda ka sa aking makulit ka." Sabay malaking hakbang niya sa bahay papasok habang nakasabit ang basang katawan ko sa balikat niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co