CHAPTER 01
"This is buffet Samira pero iha wag mong uubusin ang pagkain ha?" sabi ng kwarenta'y singko anyos na Tita ni Samira sa kanya ng magkasabay sila nito sa buffet table.
Tipid akong ngumiti, kaya ayokong pumunta sa mga family party na ganito dahil ako na naman ang mapapag-diskitahan ng mga plastic kong kamag-anak. Kung hindi nga lang kabastusan ang pag-sagot sa matanda ay baka kung ano na ang sinabi ko kay Tita Sandra. Kasal ng pinsan ko ngayon at kung hindi nga lang ako kinulit ng kinulit ni Winona ay nunca na umatend ako sa kasal niya kahit pa sabihing sa resort ko ginanap ang wedding reception nila, tama na siguro ang pagbigay ko sa kanila ng napangasawa niya ng malaking discount kesa makipag-plastikan ako sa mga bisita na narito.
"May pagka-salbahe talaga 'yang Tita mong hitad ano?" bulong ng kaibigan kong si Alia na business partner at bestfriend ko na din.
"Ganyan talaga, mga feeling perfectionist kase ang mga kamag-anak ko." Sabi ko sabay dampot ng cupcake sa buffet table, sanay naman na ako na pinagsasalitaan ng kung anu-ano dahil sa taba ko pero minsan nakakapikon na din lalo pa at ang mga inaasahan ko na makakaintindi sa akin ay 'yong mga nangunguna pa talaga na manglait sa katawan ko.
Hindi ko naman siguro kasalanan kung bakit mataba ako diba? May sinusunod naman akong diet at may sarili pa nga akong nutrisionist simula noong high school ako pero wala, gano'n pa din talaga at parang mas lalo lang akong lumalaki. Lagi din akong nagpapa-check up kung may sakit ba ako o kung bakit kahit hindi naman ako kumakain ng marami ay parang mas lumalaki ang katawan ko. At aaminin ko nakaka-baba talaga ng self esteem lalo pa at lagi na lang akong nakakarinig ng masasamang salita at hindi lang 'yon dahil ilang beses na din akong naloko at napag-pustahan. 'Yon bang akala ko totoo ang hangarin sa akin ng lalake na magpapakilala sa akin pero hindi pala dahil may pustahan pala! Kaya nilayo ko ang sarili ko sa mga tao noong nag-college ako at mas pinili kong magpa-home school para ako na mismo ang umiwas sa mga pang-aasar sa akin. Hindi din ako madalas lumabas ng bahay at kung lalabas man ay kapag importante lang talaga.
"Diyos ko Samira di hamak naman na mas maganda ka sa pinsan mong kinasal no! Tsaka alam naman nating hindi na virgin 'yang si Ateng at madami ng boylet ang nakapasok sa kanya." Daldal pa ni Akia na ang tinutukoy ay si Heart na ikinasal nga ngayon habang sige lang ang lagay ng pagkain sa kanyang plato. Natural na invited din siya sa kasal ng pinsan ng bestfriend niya dahil business partner sila at siya ang naka-assign na mag-ayos sa mga kung anu-anong reception na nangyayari sa resort nila katulad ng kasal.
"Tumahimik ka na nga Akia, baka mamaya may makarinig pa sa 'yo at mapagalitan pa tayo." saway ko sa kanya, napaka-taklesa talaga ng babae na ito at walang filter ang bibig.
"Basta mamaya makiagaw ka kapag naghagis na ng bulaklak ha? Kung kinakailangan na dambahin mo sila gawin mo!" Pabiro pang sabi ni Akia.
"Sira!" Natatawa kong sabi sa kanya at nauna ng bumalik sa lamesa namin. Sa kanya lang ako sanay makipag-usap ng ganito dahil siguro tanggap ako ni Akia at parang kapatid na ang turingan namin sa isa't-isa. At kung biruin niya naman ako ay parang nasanay na din ako at alam kong biro lang at walang halong panglalait kapag sa kanya galing.
Pero hindi inaasahan ng lahat na si Samira pa ang makakakuha ng ihagis na nga ng pinsan niya ang bulaklak, hindi naman siya nakipag-agawan at tumayo lang kasama ang ibang dalagang nandoon sa reception pero sa kanya pa talaga bumagsak ang bulaklak!
"Ano ba naman 'yan mukha namang walang papatol diyan."
"Sino naman ang magkakagusto diyan? eh ang taba-taba."
"Kahit siya pa ang may-ari ng resort na 'to kung ganyan naman ang katawan niya siguradong wala pa din magkakagusto sa kanya."
"Dapat kase hindi na siya nakisali pa, wala naman papatol sa kanya."
"Wala naman boyfriend 'yan eh, no boyfriend since birth nga 'yan eh."
Ilan lang 'yon sa mga narinig ko habang naglalakad ako papunta sa harapan kung saan uupo ako at susuutan daw ng garter na nakakuha naman kanina, hindi ko nga alam kung sino dahil nagpunta ako ng bathroom. At ayoko nga sana at balak kong mag give way kanina ng masalo ko ang bulaklak kaso hindi daw 'yon puwede kaya heto at mukhang no choice na naman akong maging usap-usapan sa kasal na 'to.
"Okay this is it, napaka handsome naman ng maglalagay ng garter sa nakakuha ng bulaklak kanina." Sabi ng binabae na wedding mc ng makita at nagpunta din sa harapan ang nakasalo naman ng garter na galing sa grooms kanina.
Hindi ko alam pero kinabahan ako sa lalakeng nakatayo sa harap ko na may hawak-hawak na garter. Hindi naman ito ang unang beses na mag-ganito ako pero bakit parang may kakaiba sa awra niya.
"Let's start this so we can continue the party." Sabi ng lalake matapos lumapit kay Samira. "I'm Percival and you are?" The man kneeled infront of Samira while the crowd became silent.
Hinanap ng mata ko si Akia dahil hindi ako komporatable, pero ang gaga hawak pa ang cellphone niya at mukhang vini-videohan ako. "S-Samira, I'm Samira Madrigal." pagpapakilala ko sa lalake, he don't look like a Filipino at ngayon ko lang siya nakita simula pa ng manggaling kami sa simbahan.
"You have a beautiful name my lady.." Percival said while looking on Samira, he knew she's not comfortable to do this. Pero kahiyaan na lang kase kung tatanggi pa sila kaya naman..
"Oh my god, oh my god! Parang nakakalusaw naman ang mga titig mo Mr. Percival kay Ms. Samira." sabi na naman ng wedding mc. "Okay so alam mo naman na siguro ang gagawin ano? ilalagay mo ang garter na nakuha mo kanina sa hita ni Ms. Samira."
Agad tumango ang binata, nakarinig naman sila ng palakpakan mula sa mga bisita kaya naman tiningnan muna ni Percival ang dalaga bago nagsalita.
"Can I remove your shoes Hermosa?" Pagpa-paalam niya dito.
Hermosa? "Hindi hermosa ang pangalan ko." Naiilang na sabi ko sa lalake, he's tall and have a fair skin but his eyes is different because it's like a light green color o dala lang ng liwanag. His hair is also blond and have a well built body too.
"Hermosa means beautiful in spanish my lady." Paliwanag ni Percival bago maingat na tinanggal ang isang sapatos ni Samira.
Puwede bang umatras at umalis na lang dito? Dapat yata si Akia ang pinagtulukan ko dito eh. I gulped when he put my leg on his knee, kita ko ang maugat niyang kamay na isang guato ko sa lalake. Teka, gusto talaga Samira? walang magkakagusto dahil sa taba mo remember?
"You can put now the garter to Ms. Samira Mr. Percival." Sabi ng mc.
"You have a beautiful legs too my lady.." Percival said before he insert the garter to her feet and slowly pulled it up.
My god he really making me uncomfortable! napakapit tuloy ako sa gilid ng upuan habang unti-unti niyang tinataas ang garter sa binti ko. At doon na kami nakarinig ng hiyawan at palakpakan mula sa mga bisita habang dahan-dahang itinataas ng lalakeng ito ang garter sa aking nakalantad na hita.
Higher, higher!"
"Itaas mo pa pare!"
Percival smiled after he heard that from his friends, tsaka niya tiningnan si Samira na ngayon ay namumula na ang mga pisngi.
"Ayan na, nasa may binti na. Itataas pa, itataas pa!" Daldal na naman ng mc.
But Percival stop after he reached her thighs, hindi niya na sinunod ang mga hiyawan na nagsasabing itaas niya pa ng itaas ang paglagay ng garter sa dalaga. And everyone clapped after he stood up.
Sana puwedeng maglahong parang bula! Ramdam ko pa ang mainit niyang palad sa binti at hita ko at hindi tuloy maiwasang magtayuan ang mga balahibo ko! Tumayo ako at nakipag-kamay sa lalake na nagsuot sa akin ng garter. 5'6 ang height ko at naka three inches pa akong takong pero mas matangkad pa din siya sa akin.
"Nice meeting you Ms. Samira and I know this will not be first and last that I'm going to see you." Sabi ni Percival bago inabot ang kamay ni Samira at hinalikan 'yon.
This story is posted on patreon apps and vip group. To join dm me on my fb page. Yes po may bayad.
#maribelatentastories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co