Truyen3h.Co

Sultry Seductive

CHAPTER 02

Maribelatenta



Pasilip-silip ako sa labas habang sinisigurado ko kung wala na ba sa labas ang taong ilang araw ng nangungulit sa akin.

"Ano bang tinatago-tago mo diyan Samira? para kang sira." Naka-pameywang na sabi ni Akia ng balikan ang kaibigan.

"W-wala na ba siya? bakit nandito na naman 'yon?" Hindi ko pa maiwasang magpalingon-lingon ng makalabas ako sa opisina ko. Two days after my cousin wedding Percival went back here on my resort and tried to talked to me. Syempre noong una hinarap ko siya pero ng magsabi siya sa akin na mang-liligaw daw sa akin ay doon ko na siya inumpisahang iwasan. 

"Maawa ka naman sa tao Samira, aba ilang oras din ang binabiyahe noong tao para lang puntahan ka dito." Pangongonsensiya ni Akia sa kaibigan, ilang oras din naman kase ang layo ng Manila papunta dito sa Olonggapo tapos pagdating ng binata dito ay tataguan lang nitong kaibigan niya. 

"Bakit daw ba kase nandito na naman siya?" Inamoy ko ang bulaklak na inabot sa akin ni Akia na galing kay Percival, napangiti ako. Pang-walong beses ko na nga pala itong nakakatanggap ng bulaklak mula sa kanya at tuwing nagpupunta siya dito ay lagi siyang may dalang ganito at iiwan niya lang sa receptionist kapag hindi ako nagpakita. 

"Ano pa ba sa tingin mo ha? mukhang may gusto sa 'yo 'yong lalakeng 'yon."

Hinila ko ang upuan sa labas ng coffee shop na narito din mismo sa loob ng resort. "Susss paano naman ako magugustuhan ng lalakeng 'yon sige nga?"

Parang nauubusan ng pasensiya na tiningnan ni Akia si Samira, alam naman niya kung saan hinuhugot ng kaibigan kaya nagsasalita ito ng ganito. "You're beautiful Samira ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo 'yan? You maybe have a voluptuous body but you are still beautiful." May diin na sabi niya sa huli, kung siya ang tatanungin hindi naman talaga mataba ang kaibigan at tamang-tama lang katawan nito, nasasabi lang na mataba dahil malaki ang hita at balakang pero ang beywang nito ay umayon lang sa laki nito. 

"P-pero kase nakita mo naman ang itsura niya diba? he looks so perfect at half Spanish and half Filipino pa pala kaya paanong magkaka-gusto ang katulad niya sa akin?" Noong unang beses kase na bumalik siya sa dito pagkatapos ng kasal ng pinsan ko ay nag-kuwentuhan nga kami at nasabi niya na galing pala siyang Spain at naaya lang na umatend ng kasal dahil kaibigan siya ng groom. And take note he's a businessman too and have his own restaurant. 

"Oo pogi na kung pogi ang Percival na 'yon, pero girl hindi naman siguro magpapabalik-balik 'yon dito kung hindi ka talaga gusto."

Nainom ko tuloy ang dinala ng waiter na paborito kong caramel coffee jelly Frappuccino, Akia was right knowing Percival is busy in Manila he made sure to go here on Olonggapo to see me. Pero kase hindi ko talaga maiwasang matakot, paano kung katulad lang din siya ng mga lalakeng nakipag-lapit sa akin dati? Na pinagpupustuhan lang pala ako at hindi naman totoo na gusto talaga ako? Eh di ang ending ako na naman ang iiyak-iyak nito sa huli? 

"Give him a chance Akia, ganyan naman talaga ang buhay eh. Kung hindi ka susubok sa mga bagay-bagay walang mangyayari." Sabi pa niya, she want to push her friend to Percival because she knew that guy have a good intention to Samira. Alam din naman niyang natatakot lang itong kaibigan niya na makipag-lapit sa lalake dahil nga sa mga naranasan nito noon. Still much better if her friend will give that man a chance. 

"Hayaan mo sa susunod na pumunta siya dito ay ako na mismo ang haharap sa kanya." Nakangiti kong sabi kay Akia, this is why I love her kahit may kamalditahan man itong taglay paminsan alam ko naman na iniisip niya lang ang ikakabuti ko at maaaring ikasaya ko. And she's right I should give Percival a chance. 

     Pero dumating na ang buwan ng Abril at dalawang buwan na ang lumipas ay walang Percival ang nagparamdam pa kay Samira. And now she knew that he maybe not serious on his intention to her, na baka hindi naman talaga totoo ang sinasabi nito sa kanya. Pero syempre ang kaibigan niyang si Akia ay hindi naniniwala doon lalo pa at talagang hinanap pa nito sa mga social media ang binata para sana kontakin pero hindi din naman nakita. Ayaw din naman niyang magtanong sa asawa ng pinsan niya dahil baka kung ano pa ang isipin nito kaya inabala na lang niya ang sarili sa negosyo lalo pa at simula na ng peak season ngayon at madami na din ang nagbu-book sa hotel nila na mga guest.

     "My god Akia sa susunod hindi na talaga ako susunod sa 'yo." I look on my t-shirt and shorts that are now full of paint, at iba-iba pa nga ng kulay! We decided to have our own villa here inside of our resort and it was finished last week. Tig isa kami ng villa at magkatabi pa nga, dito na din kase ako nakatira simula ng itayo ko ang negosyong ito dalawang taon na ang nakakalipas.  Samantalang si Akia naman ay tuwing weekend lang narito dahil umuuwi pa din ito sa magulang nito na nakatira naman sa Tarlac. At ang gaga na 'to nag-magaling at nagpatulong sa akin sa pagpipintura ng kuwarto niya kahit naman puwedeng ipagawa na lang 'yon sa iba. May nakita daw kase siyang design sa pinterest at 'yon nga ang ginaya namin, pero tingnan mo naman ang itsura namin ngayon puro na kami pinturang dalawa. 

"I love you Samira, ang ganda-ganda na ng kuwarto ko. Ang lakas maka aesthetic." Nakangiting sabi ni Akia na tinitingnan ang kabuuhan ng kuwarto niya. 

'Ewan ko sa 'yo, wala ka talagang magawa tingnan mo nga itsura natin." Bumaba pa ang tingin ko sa paa ko at pati kuko ko pala sa paa ay nalagyan na ng pintura. 

"Water base lang naman na paint ang ginamit natin kaya madali lang matatanggal 'yan, beside look oh." Turo pa ni Akia sa dingding ng kuwarto na pininturahan nila. "Ang ganda parang gawa talaga ng totoong nagpipintura." She even bought a glitters to put on the paint kaya naman parang nag-shshimmering shimmering ang dingding niya ngayon. 

Nilapag ko sa lamesa na may diyaryo ang lata ng pintura na hawak ko. "Nangbola ka pa talaga, sige na maliligo muna ako." Feeling ko tuloy nanakit ang likod ko, kanina pa kase kami nag-umpisa bago magtanghali at ngayon lang kami natapos na mag-aalas singko ng hapon. 

"I will cook dinner for you later, thank you ulit." Ani ni Akia na yayakapin sana ang kaibigan pero iniwasan naman siya nito. 

"Talagang dapat mo lang ako pakainin, aba mahal ang tf ko no." Biro ko sa kanya, but infairness her room really look good now.  Well pareho naman kami halos ng gusto sa loob ng pinatayo naming villa 'yong akin kase ay may pagka bohemian at cozy ang design at ito namang si Akia ay gusto talaga ang aesthetic aesthetic na 'yan.

Tinulungan ko muna siya na magligpit ng mga ginamit namin bago ako lumabas ng villa niya at pumunta na sa villa ko pero hindi ko inaasahan ang makikita ko paglabas. 

"P-Percival?" 

This story is completed now on patreon and vip group🖤 dm me on how to join.

#maribelatentastories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co