Chapter 16
Chapter 16
Demonic Laugh
I am silent the whole time. Pagkatapos akong mahimatay kahapon. Dinala ako ng pamilyang Montenegro sa kanilang hacienda.Sa aking probinsya kung saan ako lumaki.
Manuel gave me my vitamins na nirekomenda ng aking OB kanina. Ininom ko iyon at naging tahimik ulit.
Bumuntong hininga si Manuel.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito at hinawakan ang aking mukha. Napairap ako.
"Okay lang. Hindi niyo na sana ako dito dinala. May trabaho akong naiwan sa Manila."
"Buntis ka Aurora. Sabi ng doktor bawal kang mastress."
"Nastress na ako ng makita ko kayo ni Chloe na magkasama. Ni hindi mo sinabi sa akin na kasama mo siyang umalis ng bansa."
Sobra ang pintig ng aking puso dahil sa galit.
Pumikit siya ng mariin at hinayaan kong kunin niya ang aking kamay at halikan.
"Hindi ko siya kasama dahil sa Cali siya nanggaling. Nagkita kami sa airport. Nagkataon na nandoon ang mama niya at sumama sa akin pauwi."
Umiwas ako sa inis.
"Aurora." Anas niya at kinabig ang aking mukha. "Alam mo bang masayang masaya ako?"
Hindi ako kumibo.
Huminga ito ng malalim. "Punta tayong dalampasigan mamayang hapon?"
"Bukas na."
"Wala ako bukas. Babalik ako mamayang gabi sa Manila. May aayusin lang ako 'don bago bumalik."
"Huh?" may panibugho sa aking boses. "Bakit naman?"
Ngumiti siya at pinatakan ako ng halik sa noo. "Kailangan lang ako sa kompanya. Nandito naman si mama. Si papa kasama kong babalik dito."
"E si Ezekiel?"
Umirap siya sa akin. "Sa Manila."
Parang nalugi ako kakaisip na ilang araw na naman siyang mawawala.
Hinila ko siya at niyakap. "Mamimiss kita ng sobra."
Hinagod nito ang likod ko.
"Lahat ng ginagawa ko para sa atin."
"Nahihiya ako kina mama mo. Kasi iyong mga nangyari noon."
"Wala silang sama ng loob sayo Aurora. Alam nila ang ginawa ni Chloe."
"Nasaktan ka ba noon sa ginawa ni Chloe? Noong malaman mong hindi ikaw ang ama?"
Hinalikan nito ang aking balikat.
"Hindi ako nakaramdam ng sakit. Mas lalo lang kitang minahal.At nagsisisi ako dahil sa mga ginawa ko."
Kinahapunan nasa dalampasigan na kami. Nasa malaking puno kami sumisilong. Kakaiba ang pakiramdam ko lalo na't namiss ko ang dagat.
Bukas ay pupuntahan ko rin ang puntod nila lolo ,lola, at ng aking magulang.
Umangat ng dalawa kong kilay ng umahom si Manuel mula sa dagat. Lumandas ang tubig alat sa kanyang walong abs na ikinatuyo ng aking lalamunan.
Nanginginig ang aking kamay na inabot ang juice sa mesa pero dahil nga natabig ng aking kamay ang baso natapon iyon.
Napasinghap ako at madaliang inayos ang sarili dahil nabasa ang aking bestida.
"Nabasa ka?" Takang tanong ng kalarating lang na Manuel.
Shit!
"Ikaw kasi eh!"
Nagtaka ang mukha nito. Nilapitan ako at inayos ang aking bestida.
"Kukuha nalang ako ng pamalit mo."
"Huwag na. Mag huhubad nalang ako."
Bago pa ito tumutol hinubad ko na ang aking bestida at itinabi ito.
"Malamig Aurora."
Kinulong agad ako nito sa kaniyang gitna. Bale nasa likod ko siya.
"Hindi naman."
Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking balikat. "Huwag kang pasaway dito habang wala ako. Palagi kitang tatawagan."
"Bakit ba hindi ako 'don puwede?"
"Mas mainam na nandito ka. Malayo sa toxic na mundo at sariwa ang hangin dito."
Kung sabagay may punto siya.
Umalis si Manuel bago dumilim. Isang mapusok muna na tagpo ang aming natapos bago siya umalis.
Kakabihis ko lang ng panibagong bestida ng bumukas ang pinto.
"Senyora Patricia magandang gabi po."
Ngumiti ito sa akin. "Pinagluto kita ng bilo bilo diba gusto mo 'yon?"
Kumalam ng sikmura ko bigla. "O-Opo."
"Halika na pinagluto kita."
Magaan kasama at kausap si Senyora Patricia. Ang bait niya sa akin kahit may hindi ako magandang nagawa noon tinuring niya parin akong pamilya hanggang ngayon.
Tumawag si Manuel sa akin bago ako natulog.
Iniwan kong nakabukas ang bintana dahil nakakaantok at fresh ang simoy ng hangin. Parang hinihele ka.
Ilang sandali pa at kinain na ako ng antok. Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog ng mahimbing.
Nagising nalang ako ng kumalam na naman ang aking sikmura. Sabi ni senyora kanina kumuha nalang daw ako ng bilo bilo gatas ref pag nagutom 'raw ako.
Hawak ko ang saya ng mahaba kong bestida habang papalabas ng kuwarto. Madilim ang pasilyo tanging mumunting ilaw lamang na nasa gilid ang umiilaw.
Nadaanan ko pa ang mga litrato ng mga ninuno nila noon. Hindi ko maisip kung ilang tao at pamilya na ang nanirahan dito noon bago sila ni Manuel.
Sobrang tahimik ng daan papuntang kusina. Hindi ko pa makapa ang switch ng ilaw dahil nangangapa ako sa dilim.
Nang na-on ko na ang ilaw nagimbal ako sa nakita.
"Diyos ko po!"
Nakalumpasay sa sahig ang dalawang katulong at duguan. Nakangisi si Chloe sa mesa habang hawak ang kutsilyong gamit nito.
"A-Anong."
Nanayo ang lahat na balahibo ko. Hiniling na sana isang masamang panaginip pero mukhang malabo.
"Papatayin kita Aurora."
Ngumisi ito at dahan dahang lumapit sa akin. "Chloe. " Naiiyak na ako.
"At ngayon magmamakaawa ka? Ha?! Aurora! Pagkatapos mong sirain ang buhay ko?!"
"Chloe hindi!"
She started to cry. "Si Manuel lang ang pangarap ko mula noon Aurora. Bakit ka pa kasi dumating ha!? Napahiya na ako sa marami dahil pinakalat mo na ibang ama ang pinagbubuntis ko noon! Pagkatapos akong makunan ng dahil saiyo inagaw mo na naman siya! Bakit kapa kasi nandito?! Dapat sayo mamatay!"
Sinugod ako nito ng kutsilyo pero umiwas ako at tumakbo sa mesa. Nagpaikot ikot kaming dalawa sa mesa.
Tinignan ko ang mga katawang walang buhay sa sahig at mas lalo akong umiyak sa katotohanang puwede rin akong mamatay sa oras na ito.
"Chloe please huwag. Buntis ako."
Nanginginig ang buong pagkatao ko lalo na't ngayon lang ako nakakita at nakaranas ng ganito.
Ngumisi ito at hinimas ang mahabang kutsilyo.
"Chloe h-hindi mo kailangan p-pumatay! Diyos ko!"
"Ayaw nila akong papasukin! Ako na dating reyna dito ayaw nilang papasukin!"
"Nababaliw kana Chloe!"
Lumaki ang mata ko ng bigla itong tumakbo papunta sa akin.
"Chloe-"
Pareho kaming natumba. Sobrang sakit ng likod at ng aking tiyan ang aking naramdaman.
Sasaksakin sana ako nito ng kutsilyo pero nahawakan ko ang kanyang kamay.
Dumaloy ang aking luha. Natatakot ako. Natatakot ako.
Manuel.
"Chloe maawa ka."
Sumigaw ito ng parang baliw at idiniin ng kutsilyong malapit na sa aking leeg.
"Kung hindi ka mamamatay si Patricia ang mamamatay ngayon!" Humalakhak pa ito na parang demonyo.
Ngayon ko lang nakita na hindi siya nag iisa. May tatlong lalaki siyang kasama. Nakagapos si Senyora Patricia at may dugo sa labi.
Tinulak ko ng buong lakas si Chloe.
"Senyora!" tumakbo ako para tulungan siya pero nahila ni Chloe ang aking buhok. Umikot sa aking leeg ang braso nito sabay tutok sa leeg ko ng kutsilyo.
"Chloe! Maawa ka!"
"Bakit?! Kayo ba naawa kayo sakin?! Ikaw Patricia?! Tinuring kitang ina pero isang higlap tinalikuran mo ako."
Umiiyak na umiling si Senyora. Awang awa ako sa sinapit nito na mukhang binugbog.
Diyos ko Manuel! Nasaan kana?!
Sana mag miglaro ngayon Diyos ko po. Dinggin niyo ang nais ko panginoon.
"Umpisahan niyo na!"
Utos ni Chloe sa kanyang mga tauhan. Kinaladkad nila si Senyora Patricia sa sala ganoon rin ang ginawa sa akin ni Chloe at halos mapunit ang aking anit.
Nagimbal ako ng hubaran nilang tatlo si Senyora.
"Huwag! M-maawa kayo." Senyora cried.
"Anong ginagawa niyo? A-Ano to Chloe?!"
Mas idiniin nito ang patalim sa aking leeg. Naramdaman ko ang sakit at hapdi. Naramdaman ko at nakita ang pag agos ng dugo mula sa aking leeg.
Diyos ko! Isang milagro po. Pakiusap.
Halos mapaos ako kakasigaw wala na akong pake kung ilang sugat na ang aking natamo.
Nanlulumo, takot, at pagka gimbal ang aking mararamdaman ng makita ko ang lahat.
Lahat lahat.
Binaboy nila si Senyora... binaboy nila.
Her screamed and begged destroyed my heart. Halos ayokong tumingin.
Kahit anong sigaw ko walang nakakarinig. Ang lumang bahay lang namin dito ang pinaka malapit bukod 'don wala na.
Ang quarters ng kanilang tauhan naman ay nasa gitna pa ng kamanggahan at mga bulaklak.
Isang milagro lamang ang aking hinihiling sa ngayon.
Nandidiri ako sa mga ginagawa nilang kahayupan.
"Tama na! Tama na! "
Isang malutong na sampal ang natamo ko. Sinabunutan ako nito ng mariin.
"Huwag kang mag alala.Ikaw ang susunod."
Her demonic laugh echoed.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co