Chapter 15
Chapter 15
Malay
"Mawawala ako ng ilang araw. May kailangan lang akong ayusin."
Iyan ang huli niyang sinabi sa akin na pinanghahawakan ko. Pero bakit ang ilang araw ay naging dalawang buwan?
That day I let him devoured my body. Ang araw na sinuko ko ang lahat na mayroon ako. Hinayaan ko siya dahil gusto ko.
Ni hindi siya tumawag sakin at hindi ko naman alam kung may numero ba ako sa kanya? Ang hangal ko naman.
Nakatutok sa telebisyon hindi ko alam kung magigimbal ako o matatawa.
Pinatay ni Josefina ang TV at namaywang sa harap ko.
"Kita mo na? Sabi na. Niloloko kalang ng Manuel na iyan e. Kung ako saiyo kay Zeke ka nalang!"
Hindi ko pinatulan ang kanyang pagrarant sa harapan ko. Halos mamanhid na ang pagkatao ko. Kaya pala, kaya pala wala siya ng dalawang buwan? Mababalitaan ko nalang na ganito?
"Hindi ko a-alam ang gagawin ko Josefina." Mahinang sabi ko.
Huminga ito ng malalim at hinagod ang aking likod. "Papasuntok ko na iyan kay Zeke! Lakas ng loob niyan ng devirginizer mo. Kasama pala iyong Chloe sa New York at hindi naman sinabi saiyo." Tuloy parin ang palatak nito na hindi ko na pinatulan.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Zeke. Seryoso ang mukha nito na nakatingin sa akin. He's handsome as ever. Walang tapon at walang paltos. Ang guwapo niya.
Hinalikan ako nito sa noo. "Mag ayos ka may pupuntahan tayo." He whispered.
Josefina rolled his eyes. "Hindi talaga ako diyan boto sa kapatid mo Zeke."
Zeke lazily shooked his head. "Alam ko kung ano ang ginagawa ng kapatid ko. It's just complicated."
Hindi ko na siya tinanong pa. Binilhan niya ako ng pink na dress. Dahil kay Jose medyo nagkaalam ako kung paano mag make up.
Hindi ako nagsuot ng high heels kundi flat sandals lamang.
Pinasadahan ako nito ng tingin pag baba ko ng hagdan. Ngumisi ito at namulsa.
"Damn gorgeous." He muttered. Uminit naman yata ang pisngi ko. Nakikita ko sa mukha niya si Manuel. Kung magiging seryoso pa siya ng konti at ikunot ang noo magkamukha na talaga sila.
"Thanks." I smiled. "Saan pala tayo?"
"You'll find out later." He kissed my forehead again. "Suit yourself. "
Kinakabahan ako habang nasa sasakyan niya. Habang nagmamaneho ay may katawagan si Zeke. Panay rin ang tingin niya sa akin. Napuna ko rin na naka formal suit siya.
Mas lalo akong kinabahan ng bumaba kami sa pamilyar na building. Sa Company nila, na ang CEO ay si Manuel.
"Anong ginagawa natin dito?"
"We will attend the conference."
May mga umescort sa amin papasok. We even used the VIP lift.
"Conference?"
He held my hand si tight. "Yes. Nandoon ang mga taong gusto at ayaw mong makita. I need you to be strong."
"Zeke why are you doing this?" I asked a bit nervous.
"Dahil mahal kita?" Hindi ko alam kung matutuwa ako sa ngisi nito o maawa.
Umiwas nalang ako at huminga ng malalim. "You look fabulous tonight. Just smile please." He said. Kaya iyon ang ginawa ko.
Sobra na ang kaba ko nang nasa harapan na kami ng malapad na pinto. The door opened. Hindi ito ang inaasahan ko dahil marami ang tao na nasa loob.
Tila mayayaman pa na kompanya ang mga nandoon sa loob. Halos matuod ako ng makita ang mama ni Chloe. Katabi niya si Chloe na katabi rin si Manuel. Halos umiwas agad ako ng tingin sa kanila. Sobrang sakit!
Nakita ko rin si Senyor Juanito at Senyora Patricia sa loob. Agad dumapo ang mata nila sa amin. I mean nila lahat sila.
Inayos ni Zeke ang suit niya at hinawakan ako sa baywang. Halos matapilok na ako sa sobrang kaba.
"Sorry we are late."
May mga bumati kay Ezekiel at nakita ko na hindi ako nilubayan ng tingin ng senyora at senyor.
Kung nakakamatay ang tingin ngayon sana nakaburol na ako. Ang sakit makatingin ni Chloe sa akin!
Umupo kami mismo sa harapan nila. Kahanay namin ang iba pang CEO siguro ng ibang kompanya.
"So where are we now?" Seryosong tanong ni Ezekiel sa nagsasalita.
Umubo ito at nagsalita ulit. May pinindot ang lalaki sa laptop sa harap niya at may lumabas naman sa flatscreen TV ,kaharap namin.
Ni hindi ako makafocus doon dahil nanginginig ako sa takot dahil sa tingin ni Manuel. Nakita ko kung paano siya kausapin ni Chloe na ikinailing niya lang.
Nang matapos ang conference na iyon ay nauna kami ni Ezekiel na umalis. Lumipat kami sa isang VIP room kung saan may mga pagkain.
"Z-Zeke kinakabahan talaga ako."
Hinimas niya ang kamay ko na kanina niya pa hawak. "Don't be. Hindi kita papabayaan."
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko nang pinaupo niya ako. May bakante pang mga upuan.
"We will have a family dinner. Chloe and her mom are invited."
"Huh? Bakit mo ako dinala dito?" I panicked.
He chuckled kaya hinampas ko siya.
"Para sayo ito. Sabihin molang mamaya lahat na gusto mo."
"S-Si Manuel na ba talaga at C-Chloe?"
"Ikaw lang mahal ni kuya alam mo iyan."
"Pero bakit-"
"You will find out later."
Biglang bumukas ang pinto at niluwa doon si Chloe na sobrang pula sa galit.
"Ang kapal ng mukha mong magpakita pa dito!" Sigaw nito sa akin.
Kasunod nito si Manuel , si Senyor kasama si Sensyora at huli ang mama niya.
Kinakabahan man ako ay nanatili akong tahimik. Napangat nalang ang kilay ni Ezekiel nang halos suntukin na siya nang kuya niya. Halos mapatayo siya nang hilahin ni Manuel ang kuwelyo niya.
"Mga anak ano ba?!" Agad nagpagitna si Senyora.
"Sinabihan na kita di'ba?" Padarag na binaba ni Manuel ang kuwelyo ni Ezekiel na humalakhak lang.
"Hindi ko kayo pinalaking mga hambog!" Halos sumabog ang boses ni Senyor Juanito. "Manuel! Umayos ka!"
Napalunok ako sa takot. Hanggang sa umupo na sila sa harapan namin hindi nawala ang intense na ere sa pagitan namin ni Manuel. Halos umiwas nalang ako sa kanya lalo na nang uminom siya sa kanyang alak at nasa akin ang tingin.
Parang ako pa 'yung may kasalanan?
Chloe cleared her throat. "I am here to announce the date of our wedding." Nang uuyam ang tingin nito sa akin.
"We already talk about that Chloe." Sabat ni Manuel.
"Kung gusto niyong lumugmok ang kompanya niyo Manuel. Hindi naman siguro iyan ang gusto niyo Patricia di'ba?" Chloe's mother butt in.
"I don't care what it takes senyora. Hindi ko dinidepende sa iba ang aking kakayahan. Alam ko ang dapat gawin at hindi ako bata para manduhan ang aking gagawin. With all due of respect I will do anything just to get rid of this shit." Walang galang na sagot ni Manuel. Nasa akin ang nagbabagang tingin.
Napatda sa kinauupuan ang mama ni Chloe. Kahit si Chloe ay naluha sa sinabi ni Manuel.
"Manuel no! Pinagkasundo na tayo mula ng bata pa di'ba?!" Halos mag histerya na si Chloe. Tumingin ito kay Senyor at senyora.
"Di'ba mama ,papa?" Hindi sumagot ang mag asawa kundi napainom pa ni Senyor sa inumin.
"Naka depende sa anak ko ang desisyon hija. Nagsisisi ako sa pangunguna sa buhay niya. Malaki na siya at alam niya ang dapat gawin. Malugi man ang kompanya. We can begin from a scratch."
I heared Zeke says. "Nice one."
"Hindi to maaari!" Pinukol ako ng mama ni Chloe ng galit na tingin. "Nang dahil ito saiyo! Kriminal ka! Hindi kana nakontento sa pagpatay sa anak ni Chloe at heto ka na naman ngayon!"
Halos sumabog ako sa kaba. Naghalo ang galit at kaba sa aking dibdib. Ramdam ko ang pagnginig ng aking kalamnan.
"Hindi niya kasalanan iyon." Zeke butt in.
" Kasalanan niya iyon!" Sigaw ni Chloe.
"Chloe puwede ba?" Kusa na akong nagsalita. "Talaga bang hindi mo matanggap ang katotohanang hindi ko iyon sinadya ha? Hindi ako katulad mo Chloe. Hindi ko magagawa ang ganong bagay. Oo, nagalit ako ng araw na iyon pero hindi ko alam na buntis ka. Buntis ka na iba ang ama di'ba?"
I saw her face became red. She's fuming mad. Halos mahiya rin ang ina nito dahil sinabi ko.
"Hindi ka ba maka move on? Bakit kami ba tinanong mo kung nagalit ba kami na nagsinungaling ka na si Manuel ang ama? Bakit ipagpipilitan mo ng sarili mo sa lalaki na una palang ay niloloko mo na pala?" Bawat salitang sinasabi ko ay nanginginig ako. Kusang bumuhos ang aking luha dahil sa pinaghalong emosyon.
"Wala kang karapatang sabihin sa akin iyan!"
Ngumisi ako at pinunasan ang aking luha. Hindi ko tinignan si Manuel mula pa kanina. Baka humina ako kung titignan ko siya.
"Puwes may karapatan ako." Huminga ako ng malalim at tinignan sila Senyor at Senyora na nakatingin sa akin. Ang gaan sa dibdib dahil walang halong kahit anong galit ang tingin nila sa akin.
"Hindi ako manghihingi ng kahit ano. Sasabihin ko ito dahil may karapatan si Manuel na malaman. Kaya ko itong buhayin mag-isa." Nag umpisa na akong umiyak.
"Buntis ako." at sa huling pagkakataon tinignan ko si Manuel na nakaawang ang labi at namumula ang mata.
"Buntis ako Manuel."
Narinig kong napamura si Ezekiel sa aking tabi.
Nanghihina man ako ay nakuha kong tumayo. Namamanhid ang aking mga tuhod palabas pero bigla akong nahilo.
Isang bagsak sa isang bisig ang aking naramdaman bago ako nawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co