Chapter 19
Chapter 19
Lumugar
Tuwing umaga nararamdaman ko ang kalungkutan sa mansyon na ito. Madalang kong makita si Don Juanito. Iniiwasan ko rin magkrus ang landas namin ni Ezekiel. Pero ngayon mukhang hindi ko sila maiiwasan. Nanatili akong tahimik at hindi umimik. Parang wala akong karapatan magsalita. Parang hindi ko dapat iparamdam ang presensya ko sa mansyon na ito.
I am the reason why Donya Patricia died. Nasa harapan ko siya mismo ng patayin siya at wala akong nagawa. Hanggang ngayon inuusig ako ng konsensya ko. Walang gabi na hindi ako umiiyak habang katawagan ko si Manuel sa cellphone, 'ramdam ko rin ang paghihirap sa boses ni Manuel.
"Kung puwede lang buhay niya ang ipalit ko sa buhay ni mama Aurora..kung puwede lang." Huling narinig ko na sinabi sa akin ni Manuel. Nakatulogan ko na ang aming pag uusap.
Apat na araw nang wala si Manuel. Naiintindihan ko dahil si Don Juanito ay piniling magpahinga dito sa mansyon. Alam kong ayaw nito iwan ang presensya ni Donya Patricia. Kaya si Manuel ang nagpapalakad sa lahat nang kanilang negosyo maging ang kompanya.
Nasa hapag kainan kami hindi ko magawa silang tingnan. Si Don Juanito nasa aking gilid at kaharap namin si Ezekiel at ang babaeng nakita ko sa cellphone niya. Ilang araw narin dito ang babaeng bata na ito.
Maganda ang batang ito. Bata pa ang mukha pero ang katawan ay dalagang dalaga na. Tahimik lamang siya at kumikinang ang mata sa tuwing nakatingin kay Ezekiel.
Nang tiningnan ko si Ezekiel nasa akin pala ang mga mata nito.
Umiwas agad ako at napainom sa tubig. Hindi siya dapat ganyan nasa tabi niya ang kanyang kasintahan.
Unang binasag ni Don Juanito ang katahimikan. "Hijo kamusta ang pakikipagkasosyo sa pamilya Condez?"
Tahimik akong kumakain at nakikinig lamang sa kanilang usapan.
I miss Manuel. His kisses and his touch. I've been longing for his embrace and warm touch.
"Aurora?"
"Aurora. "
Napapitlag ako ng ilang beses kong marinig ang aking pangalan. Hindi ko na pala napansin ang pagtawag sa akin ni Don Juanito dahil masyado nang okupado ang aking isipan.
"P-Po?" Napakurapkurap nalang ako at napatingin kay Zeke.
Nasa akin ang tingin nito at nakakunot noo.
"Tinatanong kita kung kailangan mo na ba ulit magpacheck up?"
Oo nga pala. Kailangan ko pala ulit magpa check ngayong buwan. Kung nandito sana si Manuel siya sana ang kasama ko.
"Bukas po ako magpapacheck up ulit."
"Anong klaseng isip meron si Manuel at hindi inuwian dito para sa check up ang magiging asawa niya? If I were him. . ." Umigting ang bagang niya "Hindi ko iiwan si Aurora. Saan man ako pupunta dadalhin ko siya."
"Ezekiel." banta ni Don Juanito.
Ano ang iniisip ni Zeke? Nasa tabi niya ang kasintahan niya! He's so rude!
Napalunok ako nang makita kong yumuko si Catalena at hindi maka angat ng tingin.
Matalim kong tinapunan ng tingin si Zeke. At hindi ako nagkakamali nang biglang umalis si Catalena at tumakbo.
"Pinaiyak mo ang nobya mo Zeke!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Huminga ito ng malalim at sumimsim sa tubig. Tila wala itong pakealam.
"Ezekiel , Catalena is your soon to be wife and she's pregnant for damn sake!"
Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig. Naaalala ko pa ang mga panahon nang nakunan si Chloe ng dahil sakin. Hanggang ngayon nakokonsensya parin ako at nakokonsensya parin ako sa pagkamatay ni Donya Patricia. Hindi ko na ulit uulitin ito.
"I know dad I'm sorry."
Natapos ang aming pagkain sa ganoong eksena. Hindi ako makatulog nang hindi makatawag sa akin si Manuel. Nakainom na ako ng gatas pero ginugutom parin ako. Tumayo ako at lumabas ng kuwarto para tumungo sa kusina. Balak kong uminom ulit ng gatas.
Malapit sa huling baitang ng hagdan ay ang pinto ng aming libary dito sa bahay. Nakita kong sumisilip ang konting liwanag mula sa loob. Sumilip ako sa siwang at nakita si Ezekiel doon. Nakatingala sa malaking litrato nang kanyang ina. Hindi ko maiwasang masaktan.
Sa aking panaginip bago ko malaman na namatay si Donya Patricia ay binilin niya sa akin ang dalawang magkapatid. Pakiramdam ko kargo ko silang dalawa dahil sa aking kasalanan. At ang makita silang nasasaktan doble rin ang sakit sa akin.
Tinulak ko ang pinto kaya gumawa ito ng ingay. Napatingin ito sa akin at nakita kong may bitbit ito ng kopitang may lamang alak.
"Bakit gising ka pa?" Malamig na tanong nito at umupo sa malapit na sofa kaharap parin ang litrato ng kanilang ina.
Isang napakagandang babae na nagmistulang reyna dahil sa suot nitong maganda at kulay abo na gown. Hindi ko alam kung ilang taon dito si Donya Patricia dahil medyo bata siya sa litratong ito.
"Ang ganda ng mama mo Zeke." Malungkot na sabi ko. Nasa harapan ako ni Zeke at namamangha sa litrato na sa aking harapan.
"Yes. . .she's beautiful."
Napawi ang munting ngiti ko. Natanto ko na sa akin nakatingin si Zeke at hindi sa litrato. Pinilig ko ng ulo nang makita ko sa kanyang kaseryosohang mukha ni Manuel na kinangungulilaan ko.
"Zeke." Pagsusumamo ko .
Ayoko ang mga nakikita ko sa kanyang mga mata.
"Akala ko maayos na tayo Zeke? Akala ko malinaw na sa atin?"
Tumayo ito at nilapitan ako. Tiningala ko siya dahil sa kanyang taas.
"Akala ko rin malinaw na Aurora." bulong nito at hinawakan ang dulo ng aking buhok at sinabit sa aking tenga.
"Anong ibig mong sabihin Z-Zeke?"
Huminga ito ng malalim at tiningnan ako. Ayokong tumingin sa kanyang mga mata.
"Pinilit ko Aurora pero ang hirap." Kinagat nito ang ibabang labi. "I'm trying so hard.Damn hard para kalimutan ka."
Shit. Napapikit na ako ng tuluyan nang maramdaman ang kanyang labi sa aking noo.
"Karma ko na yata to. Sinaktan ko ang babaeng mahal na mahal ako para sayo. At heto ako." Pinatakan niya ulit nang halik ang aking noo. "Nasasaktan ako ng todo."
Nasasaktan ako dahil hindi ko kayang pantayan ang nararamdaman niya para sa akin. He's important like a brother for me. Hindi lumagpas at hanggang doon nalang.
"I'm sorry Zeke-"
Hinarangan ng kanyang daliri ang aking labi. "Ayoko ng masaktan pa ng sorry mo Aurora. Tama na."
"Catalena is beautiful Zeke."
"But she's not you.''
"She's pregnant Zeke." Sabi ko dito at nagbigay distansya sa aming dalawa.
Tumango ito sa akin. "Palagi lang akong nandirito para sayo Zeke. I'm still here for you tulad nang ginawa mo sakin sa mga panahong nasasaktan rin ako. Nandito parin ako Zeke."
"Puwede ba kitang samahan bukas Aurora?" Tanong nito sakin.
"Sasama ka sa check up ko?"
"Yes." tumango ito.
"Ako ang sasama sa magiging asawa ko bukas Zeke." biglang bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok si Manuel na nakapolo pa.
Halata sa mukha nito ang pagod. Pagod na nakatingin sa akin na ikinalunok ko.
"Manuel!" tinapon ko ang sarili sa kanya dahil sa sobrang pangungulila.
Naramdaman kong umalalay ang kamay nito sa aking baywang. Sumayad rin ang kanyang labi sa aking buhok. Pumikit ako ng mariin at dinama ang init ng kanyang katawan.
"Manuel." Nanginginig ang aking boses dahil sa samu't daring emosyon.
Umiwas ng tingin sa amin si Zeke at namulsa.
"We're going to talk brother." sabi ni Manuel kay Zeke. Kinabahan ako bigla.
"About what kuya?" mapanuya ang boses ni Zeke.
"Pag uusapan natin bukas." pinal na sabi ni Manuel at hinila na ako palabas.
Dahil sa kaba na nararamdaman hindi ko magawang magsalita. Gusto ko nalang idikit ang aking katawan sa kanyang katawan.
Nilagay ako ni Manuel sa kama. Malamig ang kanyang pakikitungo sa akin habang kinakalas nito ang butones ng polo niya.
"Manuel."
Tiningnan ako nito at huminga siya nang malalim. Lumuhod siya sa aking harapan at hinalikan ang aking mga kamay.
"My brother is so in love with you baby."
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Umiling ako sa kanya. "He's a good friend Manuel."
Tumango ito at binaon niya ang mukha sa aking kandungan. Humigpit ang hawak niya sa aking kamay.
"Mahirap pakipaglaban sa aking kapatid Aurora. Gusto ko siyang suntukin. Hindi ko alam kung ano ang hindi niya maintindihan o gusto niya talagang masaktan."
"Manuel wala kayong dapat pag awayan ni Ezekiel."
"Nagmamahal kami ng iisang babae Aurora. Sa lahat ng lalaki ang kapatid ko pa." Hinalikan nito ang aking tiyan. Hinaplos ko ang buhok niya.
"Manuel sayo lang ako. Buntis nga ako di'ba? Tanda ng pagmamahalan nating dalawa. Tsaka buntis ang kasintahan niya."
Napatigil bigla si Manuel at nangunot ang noo.
Umiling ito at niyakap ako ulit habang nakaluhod siya sa harapan ko.
Pinaramdam niya sa akin ang kanyang pangungulila.
"Sana ngayon matuto na siyang lumugar."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co