Truyen3h.Co

Summer Nights

Chapter 9

frezbae

Tinitignan ang mahimbing na natutulog na lola sa kama. Kinuha ko ang hibla ng kumot at itinakip sa katawan nito. Inabot ko ang noo at hinalikan.

"Kaya natin to lola.Mag-aaral ako ng mabuti."

Pumasok ako sa kuwarto ko at tinignan ang sarili sa salamin. Gusto kong makausap si Manuel ngayon sa kubo. Kung anuman ang namamagitan sa amin hanggang doon nalang iyon.

Nabahidan na ang aking inosenteng kaisipan ng dahil sa kanya. Hindi ko na hahayaang lalagpas pa doon. Hindi ko hahayaan ang sarili na umikot ang pag iisip sa ganong bagay. Kailangan kong pigilan ang nararamdaman lalo na't isang halik lang nito sa akin napapabigay na ako.

Si Manuel ay para kay Chloe. Si Chloe ay napakabait. Ayoko maging kontrabida sa buhay nila.

Pinuyod ko ang buhok at hindi na nagbihis ng damit. Sa tingin ko ayos na ang suot kong lumang bestida.

Napayakap ako sa sarili habang tungo ang kubo. Alam kong madilim pero hindi ako natatakot dahil may mga bantay sa lupain ng mga Montenegro. Kaya lang ako nakakapasok dahil umaakyat pa ako sa malaking bato rito.

Kumapit ako sa matulis na bahagi ng bato at hinila ang sariling katawan upang makaakyat.

Hindi naman ako nahirapan hanggang nasa ituktok na ako.

"Aurora?" Dahil sa biglang pagtawag sa aking pangalan. Nadulas ako sa bato. Umecho ang aking tili sa dalampasigan at narinig ang pagmumura ni Ezekiel.

Nahila man ako nito pero ang isang tuhod ko ay napatuko sa buhangin na may bato.

"Ah! Ang s-sakit!"

"Shit! Anong ginagawa mo diyan?!"
Galit nito sa akin at inalalayan akong makaupo sa malaking bato para tignan ang masakit sa aking tuhod.

Sinubukan ko siyang sipain pero nasalo nito ang isang paa ko. "Kahit kelan talaga pahamak ka Ezekiel!"

Lumuhod ito sa paanan ko at tiningala ako habang kagat ang labi niya.

"Ikaw nagpapahamak sa sarili mo. Gabing gabi na bakit ka nandito?"

Napalunok ako dahil naalala kung bakit nga ba ako nandito.

"W-Wala..n-namamasyal lang!"binawi ko ang paa pero humigpit ang hawak nito sa paa ko.

"Huwag malikot.Hihilutin ko ito..."

Natahimik ako habang nakikita siyang nakaluhod sa paanan ko. Ngayon ko lang nakitang naka topless ito at nakashorts lamang. Kahit malamig dito nakashorts lang siya!

"A-Aw!"

"Tsk,namamaga. Bakit kaba kasi diyan dumaan." Sermon nito sa akin.

Tumahimik nalang ako habang minamasdan siyang hinihilot iyon. Dumapo ang mata ko sa nag iigtingan na muscles niya sa likod. Ang muscles niya sa braso ay mukhang matitigas.

"Masakit pa ba?"

Umawang ang labi ko at umiling. "H-Hindi na.."

Hinilot hilot pa nito iyon at nakaka relax ang pag galaw ng kamay niya doon. Napapikit ako at napadilat ng may dumamping mainit na bagay sa aking binti.

"E-Ezekiel!" Napamulagat nang hinalikan pala nito ang aking binti sa senswal na paraa.

"Para hindi na sumakit. Hahalikan ko nalang.." Ngumisi ito at tumaas ang halik nito sa aking hita.

Pilit kong hinila ang binti pero mas malakas siya. Kumalabog ang puso kong tila binayo sa lakas ng kabog.

"Aurora.." anas nito at napalunok ako nang tumaas pa ang halik nito sa aking hita na malapit sa hibla ng aking bestida.

"Gusto kita Aurora.. Gustong -gusto."

"Eze-Ah!"

Sa bilis ng paghablot nito at pagsuntok halos hindi ko masabayan ang pangyayari.

Sumalampak si Ezekiel sa buhangin dahil sa pagsuntok ni Manuel.

"M-Manuel! Huwag! ano-"

Aawat sana ako at pipigilan siya sa pagsuntol ulit pero napatigil ako sa tingin niyang nakakamatay. Pulang pula ang dibdib nito at taas baba.

"Shut up!" Sigaw nito sa akin na ikinaatras ko. Namuo ang takot sa aking sistema.

Tumayo si Ezekiel at ngumisi lang na tila hindi apektado. Napatili ulit ako nang hablutin siya ni Manuel at padarag na hinilig sa puno ng niyog.

"What kuya?" may halong sarkasmo ang boses ni Ezekiel pero umiigting ang panga.

" Layuan mo siya." diin na babala ni Manuel.

Isang palis lang ni Ezekiel sa nakasakal na kamay ni Manuel sa kanya ay naalis n nito at nakipagsukatan ng tingin.

"Baka nakakalimutan mong may fiance ka." Seryosong anito sa kuya niya.

Natutop ko nalang ang labi at napayuko. Pinalis ang luha gamit ang nanginginig na kamay.

Tinulak siya ulit ni Manuel sa puno ng niyog. "Hindi to laro Ezekiel. Seryoso ako dito.. Wag kang makealam dahil alam ko ang dapat gawin."

"Pwes seryoso rin ako ,kuya." Diniinan pa nito ang huling kataga.

Napalunok ako nang tinignan ako ni Ezekiel at umalis.

Kumirot ang puso ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman at ibinuhos na lamang sa luha. Basang basa na ang pisngi ko. Hindi tumingin sa akin si Manuel.

Biglang itong sumigaw at sinuntok ang niyog. Napatili ulit ako napaatras.

"M-Manuel.." Sambit ko

May parte sa akin na parang may kasalanan ako. Na mali ang ginawa ni Ezekiel sa akin.

Tinapunan ako nito ng nanunusok na tingin. "Masarap ba? Gusto mo siya ha? Aurora?!"

"Manuel h-hindi y-yung tuhod k-ko ho. N-Nahulog ako sa damuhan. M-may sugat ako.T-tignan mo o-"

Hindi ako magkandaugaga sa pag explain dito. "Gusto mo ba siya o hindi ha?!"

"Manuel hindi!"

"E kung ganon bakit mo hinayaan? Kitang kita ko yung pagpikit mo. Ano yon!"

Mas napaiyak ako dahil wala na akong masagap na sasabihin lalong lalo na nakikita kong galit siya ngayon. Ngayon kolang nakitang ganito siya ka galit.

"Manuel-"

"Umalis kana Aurora."

Nanlumo ako sa narinig at pilit na hinakawan ang kamay niya pero halos matumba ako ng hawiin niya iyon na parang nandidiri.

"Manuel-"

"Umalis ka o baka saktan kita!"

Nasindak ako sa brutal nitong pinakita sa akin. Mabilisan akong tumango ng sunod sunod dahil sa takot. Tumalikod ako at walang lingong inakyat ang mataas na bato.


Sa nakalipas na dalawang linggo hindi ako lumapit sa dalampasigan. Inabala ang sarili sa gawain sa bahay at sa eskwelahan. Kung maari ayoko nang masangkot sa buhay ng magkapatid.

Aaminin ko na may gabing napapaiyak ako pag naaalala ang huling pag uusap namin ni Manuel. May parte sa puso ko na kumirot. May parte rin na umuudyok na tama na at umiwas na.


Sa eskwelahan usap usapan ang magkapatid. Kung gaano kahanga sa kanila ang mga ito. Kung gaano kagaguwapo ang mga ito.

"Di'ba Aurora?! Nakita mo na ang mga yun sa malapitan diba? Naku, ang labi ni Manuel talaga ang gusto ko e. Tsaka ung panga! tapos minsan nang nakita ng pinsan kong nagbasket daw iyon sa liga dito noon. Yung gitna ng hita raw sobrang mabukol at malaki! naku! ang sarap non."

Humalakhak si Princes at hinampas pa ako sa balikat. Napangiwi ako at umirap. Kung alam niyo lang na nahalikan na ako ng labi na iyon. Kung alam niyo lang na natikman na nun ang aking dibdib. Hay naku.

Nagpatuloy pa sila sa pag usap habang ako ay natulala na lamang. Aaminin kong may puwang sa puso ko na namiss ko siya. Hindi ko sila nakitang dalawa dito sa Hacienda. Ang huling dinig ko, lumuwas daw ang mga iyon pa Manila.


Umuwi ako sa bahay ng mag alas tres. Dahil iyong perang binigay sa akin ni Senyor Juanito ay tinatago ko may pang gastos ako sa pang araw araw namin ni lola.

Dala dala ko ang supot ng ulam at bigas. Hinanda ko ang ngiti sa labi para iharap kay lola.

"Lola!"

Hinubad ko ang sapatos at nilagay sa lalagyanan. "Lola! andito na ako! may dala na akong bigas at hapunan!"

"lola?!"

Nangunot ang noo ko nang may maamoy na kakaiba . Nilukob ako ng kaba at takot. Madalian kong binuksan ang kuwarto ni lola.

"lo-" Nabitin sa ere ang aking pag tawag nang nakita ang malamig na katawan ni lola na nakabitay sa sariling kuwarto nito.

"Lola!" sigaw ko at nakita ang sulat sa kama.

Pasensya apo. Mahal kita. Gagabayan kita. Sobrang miss ko na ang lolo mo. Paalam.

"Lola!!" Umalingawngaw ang aking sigaw sa buong bahay. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co