Chapter 10
May mas mamalas pa ba sa akin sa mundong ito? Lumaki akong walang magulang. Tanging si lola at lolo lang ang meron ako. Ngayon, ay pareho nila akong iniwan.
Inintindi ko ang pagkawala nila. Inintindi ko na siguro ngayon nasa langit na sila. Inintindi ko rin yung pag mamahal ng lola sa aking lolo.
Namalisbis ang luha sa aking mata habang inaayos ang aking mga damit. Kahapon nilibing si lola.
Kasabay ng kanyang pag libing ang pag desisyon ni Senyor at Senyora na akuin ako. Kung meron lang ibang makakatulong sa akin tatanggi sana ako.
Sa ngayon,tanging ako na lamang ang makakatulong sa sarili ko.
Nilingon ko ang aming maliit na tahanan. Nilulukot ang puso ko, sobra. Malapit lang naman ito dito. Mababalikan koto araw araw at malilinisan.
Sumakay ako sa SUV na naghihintay sa akin. Driver ng mga Montenegro ang sumundo. Lungkot ,kaba at panghihinayang ang nararamdaman.
Maraming gustong tumulong sa akin at naaawa. Maraming kaibigan nila lolo at lola ang nakiramay sa akin lalong lalo na sila Senyor Juanito.
Pagkapasok palang ng sasakyan sa mataas na gate ng mansyon ay tumudo na ang kabog ng aking dibdib.
"Nandito na tayo, Aurora." Aniya sa akin ng driver at pinagbuksan ako ng pinto. Kukunin sana nito sa akin ang bayong na laman ang mga damit ko pero iniwas ko iyon.
"Huwag na po ,manong."
Napakamot ito sa ulo at tumawa. "Sige, andon sina Senyora sa loob. Hinihintay ka."
"Sige po."
Sa bulwagan naghihintay sa akin ang mayordomang kaibigan ni lola. Nakaabang na ang ngiti sa labi nito.
"Aurora,pasok ka." Ramdam ko sa boses nito ang saya. "Hay, sa wakas dito kana sa mansyon. Mas maasikaso ka dito."
Nahihiya akong ngumiti. "Magandang araw po, Nanay Vilma. Sila Senyora ho?"
"Ah,halika! Nasa hapag sila,hinihintay ka."
Sobrang kabog ng dibdib ko. Noon,hindi ako kinakabahan kahit na nandito ako sa loob. Ngayon ako kinakabahan dahil alam kong iba na sa oras na ito.
Nabungaran ko sa hapag ang mahabang mesa na punong puno ng pagkain. Nandoon ng mag asawa at ang nakatingin sa akin na si Ezekiel. Iniwas nito ang tingin ng dumapo ang mata ko sa kanya.
Sa isang buwan na hindi ko sila nakita may pagbabago sa itsura niya. Di naman nabawasan ang kaguwapohang taglay pero ang hikaw nito sa kanan na tainga ang nag agaw ng aking pansin. Pati yung bagong gupit niya na buhok at ang maninipis na balbas sa panga nito.
Parang kamukha niya na talaga ang kuya niya.
"Hija, tamang tama. Kumain ka muna." Napaangat ang tingin ko kay Senyora Patricia.
"Nay Vilma! Pakikuha muna ng gamit niya at dalhin sa kanyang silid."
Napakagat labi ako ng kunin ito ni Nanay Vilma sa aking kamay.
Hindi ako makaangat ng tingin sa kanila ng nakaupo na. Hindi rin ako makatingin ng diretso sa lalaking nasa harap ko.
"Hija, salamat dahil pinaunlakan mo ang gusto ni Juanito para saiyo. Tutulungan ka namin sa pag aaral. Huwag kanang mag aalala sa gastos kami na ang bahala."
"S-Salamat talaga S-Senyora. H-Hindi ko na talaga alam iyong gagawin ko. Pero gusto ko po sanang maging katulong po dito? Ayoko pong manirahan dito na libre. Hayaan niyo po akong mag trabaho dito kung wala akong pasok."
Tinignan ko sila ng nagmamakaawa. Narinig ko ang paglapag ni Ezekiel ng kanyang kubyertos. Napayuko ako ng suminghap ang mag asawa.
"Sigurado kaba diyan ,hija?" Buong boses ang narinig ko mula kay Senyor Juanito na seryosong nakatingin sa akin.
"Sigurado po ako."
"Kung ako ang masusunod hija, doon kita pag paaralin sa Manila."
"Ma,hindi sanay si Aurora sa Manila. Dito lang siya."
Napatingin kaming lahat kay Ezekiel na tila wala lang sa kanya ang sinabi at uminom pa ng tubig na hindi winawalay ang tingin sa akin.
Senyora Patricia cleared her throat. "Doon kana muna sa dating kwarto ni Chloe. Nandoon sila ngayon sa Manila ni Manuel kaya doon kana muna habang pinaayos ko ang isang kwarto sa itaas. Puwede ba?"
"O-Oo naman po."
Lumipas ang araw na hindi ako kumportable sa mansyon. Hindi nasanay ang katawan ng magising na nasa malambot na kama.
Gusto ko pa sanang matulala sa kulay puti na kisame ng maalalang linggo ngayon at kelangan kong maglinis ng garden sa likod.
Mabilis akong bumangon at tinungo ang damitan para mag ukay. Sobrang luwang ng cabinet ko dahil sa kakuntinh damit na laman.
Sa Vanity mirror may mga gamit na mamahalin. Merong perfumes,face powder,face foundation at iba't ibang lotions.
Hindi ko iyon hinawakan sa kaba na baka mabasag ko anuman ang magawa ko doon. Nang kinuha ko ang tuwalya ang siya namang may kumatok sa pinto.
Binuksan ko iyon at bumungad sa akin si Nanay Vilma. "Hija, eto pala ang damit. Pinabibigay ni Senyora."
Napaawang ang labi ko na kinuha iyon. Nakitang may nakasabit pa na tag. "K-Kanino ito?"
"Binili niya yan kahapon. Alam mo kasi walang anak na babae si Senyora kaya ayan, mahilig bumili ng gamit na pang babae. Nang nandito si Ma'am Chloe spoiled niya iyon e."
"T-Talaga po?"
"Oo, sige alis na ako! mamaya pala ang dating ni Senyorito Manuel."
"H-Ho?"
Nangunot ang noo nito sa aking reaksyon. "Uuwi ngayon si Senyorito. Biglaan nga e."
Nag iwan ng kaba iyon sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang iwasan. Siguro ng dahil sa takot ko sa kanya ng nagalit siya. Gusto ko rin siyang iwasan dahil ayoko maging dahilan ng away nilang magkapatid.
Sinuot ko ang bestida na binili ni Senyora sa akin. Kasyang kasya iyon sa akin at hanggang tuhod. Kulay baby pink ito.
Pinuyod ko ang mahabang buhok ng maramdamang hindi na iyon basa. Bago pumunta sa garden nakisama akong kumain sa mga kapwa ko katulong sa kusina.
Nahawa ako sa pagiging masipag nila at masayahin. Ni hindi nila pinaramdam sa akin na hindi ako welcome dito sa mansyon.
Naaliw ako sa mga bulaklak habang dinidiligan ko iyon. May nakita akong rosas na nakaakit sa aking mata.
Kagat labi kong nilingon ang paligid kung may tao. Nang wala akong makitang tao pinitas ko ang bulaklak at inipit sa aking tainga.
Napahagikhik ako sa dinama ang bulaklak sa tainga. Napalingon ako sa likod ng mansyon at halos matapilok ng makitang nandoon si Ezekiel.
Napakurap kurap ako ng makitang naninigarilyo ito habang taimtim na nakatingin sa akin.
Napahawak ako sa dibdib sa sobrang kaba na dumapo dito. Naging malimit ang galaw ko lalo na't alam kong may nakatingin sa akin. Hindi simpleng tingin kundi nakakatunaw.
Nang hapon ay ako ang nagpresenta na magluto para sa hapunan.
"Sigurado ka Aurora?" Si Nanay Vilma habang nilalapag ang mga putahe sa mesa.
"Opo, nanay. Ako na dito magpahinga ka muna."
"Oh, sige. Aayusin ko muna ang kwarto ni Senyorito baka mamayang gabi ang dating."
Nawaglit ang ngiti sa aking labi na maalala ma ngayon nga ang uwi nito. Hindi ko kasi alam kung paano sila patutunguhang magkapatid.
Kung pwedeng burahin ko nalang iyong halikan namin ni Manuel. Iyong halik sa akin ni Ezekiel. Kung pwede lang sana para hindi na kumplikado ang lahat.
Nilagyan ko ng magic sarap ang nilulutong sinigang na baboy at tinikman ito.
"Hmm, sarap! Ay! Kabayo!"
Nahulog ang sandok ng makita si Ezekiel sa aking likuran at nakahalukipkip. Uminit ang pisngi ko ng nasa leeg ko ang mata nito.
"Make a coffee for me." Utos nito sa akin at lumapit sa counter top at doon humilig at humalukipkip ulit.
"H-ha?"
"Bingi ka ba?" Nag taas ito ng kilay sa akin tila iritado.
"Galit ka?" walang ligoy ko na tanong dito.
Umangat ang gilid ng labi nito at kinalas ang brasong nakahalukipkip.
"Bakit ako magagalit? Nagpapatimpla lang ako ng kape."
Uminit ang pisngi ko sa sinagot nito sa akin.
"Sino ka para magalit ako sayo Aurora?" Dagdag pa nito tila may kimkim na galit sa akin.
Umiwas ako at nanginginig ang kamay na tinimplahan siya ng kape.
Alam kong tinitignan niya ang kilod ko pero hindi ko makontrol ang panginginig ng kamay dahil sa emosyong pilit kong tinago.
Alam kong galit siya dahil sa mga oras na ito alam na nitong may namamagitan sa amin ni Manuel. Alam na nito lalo na ng sinuntok siya ni Manuel noon.
Nilapag ko sa mesa ang kape nito at hindi na siya tinignan pa.
"Papasok ka bukas?" biglang tanong nito sa akin. Kinuha ko ang niluto at binuhos sa yahong para maihanda na.
"O-Oo.." hindi parin ako makatingin sa kanya.
"Hahatid kita bukas."
Doon na ako tumigil at kunot noong tinignan ito. "H-Ha?"
Marahas nitong sinuklay ang buhok gamit ang daliri at dinilaan ang labi. Kuminang ang hikaw nito sa tainga.
"Ang ganda ganda mo pero ang bingi mo."
Halos uminit ang pisngi ko sa sinabi nito. Lumuwang ang masikip na puso ko ng sumilay ang ngiti sa labi nito.
Hinawakan niya ang aking buhok at sinuklay na parang bata. "Shit! Di ko talaga magawang magalit saiyo."..
Umawang ang labi ko sa sinabi niya. "H-Huwag ka nang magalit."
Umangat ang gilid ng labi niya at huminga ng malalim. "Susubukan kong huwag maselos. Pero mahirap maging karibal ang kapatid ko. Lalo na't alam kong mukhang talo na ako."
Nagimbal ako sa binitiwan niyang salita. Baon baon ko iyon sa utak ko buong gabi. Sa hapag sinabay ako nilang kumain.
Gumaan ang loob ko dahil minsan ng ngumingiti sa akin si Ezekiel.
Nang gabi na nagsimula nang umulan. Dahil sa mabagsik na ulan sabayan ng kulog hindi ko maiwasang hindi malungkot. Tanaw na tanaw ko sa labas ang ulan at minsanang pagkidlat.
Namiss ko sila lola at lolo. Napayakap ako sa sarili ng madama ang sobrang lamig. Napag isipan kong bumaba at magtimpla ng gatas.
Tahak ko ang madilim na pasilyo at niyakap ang sarili. Hindi nag atubiling mag jacket laban sa lamig. Nakasuot lamang ako ng maluwang ma t shirt at pajama na malaki.
Nasa malalim na pag iisip ng biglang bumukas ang pinto sa kaliwa ko. Napatigil ako nang tumigil sa paglabas ang bumukas nun.
Halos mawala sa akin ang sariling hininga nang makita si Manuel na walang pang itaas at may towel sa balikat nito. Mamasa masa ang katawan nito tila mula pa sa pagligo.
Hindi ko alam kung aalis ba sa kinatatayuan o babatiin ko siya.
Kahit nahihiya sa kanya ay nagawa ko itong batiin. "M-Magandang gabi. K-Kuya Manuel."
Hindi ito sumagot at nanatiling nakatingin. Nagdalawang isip akong ngumiti at aalis na sana pero hinila ako nito papasok sa kwarto niya.
Naputol ang pagtili nang nilapat nito sa aking bibig ang kamay at binagsak ako sa likod ng kanyang pinto.
Shit! Awtomatikong umangat ang tingin ko sa kanya at sinaway ang sariling huwag magpatukso sa mapanuksong abs nito.
"M-Magtitimpla ng g-gatas. B-Bitawan mo na a-ako."
Humigpit lamang ang hawak nito sa aking baywang. Nagwawala ang aking buong kalamnan.
Hindi pa ako nakahuma nang hawakan nito ang aking panga at inanggulo ang ulo nito para ako'y halikan.
Buong lakas kong iniwas ang aking labi.
"Aurora." Galit na bigkas sa pangalan ko ang nagmula sa kanya tila nagalit.
Binalotan ako ng init nang maramdaman ang katawan nito. Pilit nitong dinidiin ang sarili sa akin kaya hindi ko siya makayang itulak.
"Manuel-"
Naputol ang sasabihin nang kabigin niya ang batok ko at tinaymingan ang pagbuka ng labi para mapasok ang dila.
Ungol ang lumabas sa akin. Hinawi niya ang hibla ng aking t shirt at inangat. Walang wala ang manipis ko na bra ng pigtasin niya iyon at buong buo na pinasok sa bibig ang naninigas kong korona.
Wala akong nagawa kundi pagmasdan siyang ginawa iyon ng mabilisan.
Halos lumuhod siya sa aking harap dahil sa taas niya at ako ay maliit.
"Oh,M-Manuel. T-Tama n-na."
Kagat labing pinagmasdan ko siyang dinidilaan ako doon. Natumbok ng aking isipan na mahilig itong sumipsip sa dibdib. Shit! lang talaga.
Nawawalan ng lakas akong napakapit sa kwelyo niya nang tumigil ito at pinatakan ako ng halik sa labi.
"Ihahatid kita bukas."
Umiling ako at mabilisan inayos ang sarili habang sinasamyo niya ang aking pisngi.
"I-Ihahatid ako n-ni Ezekiel ,K-Kuya-"
"Kailan mo pa titigilan ang kakatawag sa akin na kuya? Kung maangkin na kita? Ha? Aurora?"
Napaawang ang labi ko sa sinabi nito. Hindi pa nga nakamove on sa ginawa nito sa akin tapos heto na naman ang maririnig.
"Huwag kang lumapit kay Ezekiel."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co